Chapter 4
Narito na ako ngayon sa bahay kasama si Sir Leander, pinilit niyang maihatid niya ako dito kahit tumanggi na ako ng tatlong beses kaya sa bandang huli hinayaan ko na lang. Masasabi kong napakabait niyang amo at siyempre kaibigan na rin. Sa mga katulad niyang mayayaman at anak ng may-ari ng isang sikat na business dito sa probinsya, siya pa lamang nakikita kong ganito. Napaka-down to earth niyang tao.
"Maraming salamat, Leander sa paghatid dito sa bahay." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Walang anuman Miss Faith, magkaibigan naman tayo kaya hayaan mo lang na gawin ko ito sa'yo." nakangiting tugon nito.
Napatango-tango din ako bilang reaksyon sa kanyang sinabi.
"Eh paano ba 'yan see you again tomorrow." sabay kaway niya sa akin habang naglalakad na siya pabalik sa kanyang kotse. Kinawayan ko rin siya katulad ng sa kanya at hinintay muna siyang makapasok sa sasakyan nito bago napagdesisyunang pumasok na sa loob.
"Nakita ko kayo ng lalaking niyon." bungad sa akin ni lola kaya napatigil ako sa paglalakad patungong kwarto para magbihis dahil pupunta kami ngayon sa birthday ni Tristan.
"Tuwang-tuwa siya kapag nakikita ka niya apo. Matanong lang kita ahhh, nanliligaw na ba sa'yo 'yon?" mas nagulat ako sa naging tanong sa akin ni lola.
"Magkaibigan lang po kami niyon lola saka alam niyo na po naman kung sino gusto ko di ba? Natural lang siya na ganun na parating nakangiti dahil noon pa man ganun na talaga si Sir Leander." malinaw kong paliwanag.
"Bakit hindi ba natuturuan ang puso na nagmahal ng iba? Ika nga apo baling araw malalaman mo rin na totoo ang sinasabi ko."
"Sige po lola magbibihis na po muna ako para makapunta na tayo agad kila TJ." pag-iiba ko na lang din ng usapan dahil napaka-impossible naman yang sinasabi ni lola. Si Tristan lang talaga ang gusto at sa kanya lang ako nakakaramdam ng sparks sa tuwing nagkikita nagkakausap kami.
"Hintayin ka naming ng mga kapatid mo sa sala at huwag kalimutan yung espesyal mong regalo para kay Tristan." tumango na lang ako saka dumiretso na sa kwaro para makapagbihis.
Narito na kami ngayon sa bahay ni bestfriend, medyo maraming tao na rin at karamihan mga relatives and friends niya. Habang naglalakad kami papasok sa kanilang bahay, agad na rin kaming sinalubong ng mga magulang ni Tristan at napawi ang mga ngiti nito nang magawi sa akin ang paningin nila. Maya-maya pa ay nakita ko na rin si Tristan at masaya siyang nilapitan kami, niyakap niya ako ng napakahigpit sabay abot ko na rin sa kanya ng regalo.
"Salamat, Carol…."magsasalita pa sana siya nang may makita akong isang babae na hindi familiar sa akin.
Napatitig sa gawi ko si Tristan at napatikhim saka lumapit siya sa babae, inakbayan pa niya ito. Biglang naglaho ang mga kasiyahan na nararamdaman ko kanina pa, napalitan ng kaba at kuryosidad sa isip ang namumutawi sa akin ngayon. Pinilit ko lamang maging kalmado kahit deep inside masakit.
"Siya nga pala si Francesca Rizalde, my girlfriend." diretsahang sagot ni Tristan sa amin.
Unang nakipagkamayan ang babae sa akin saka ako na rin nagpakilala sa kanya. "I'm Caroline Faith Quililan, Tristan's childhood bestfriend." pilit akong ngumiti para magmukhang maayos pa rin sa akin ang lahat.
"Yeah, kinuwento ka rin sa akin ni TJ last time. Nice to meet you."
"Mabuti pa kumain na muna kayo, Carol, alam kong gutom na kayo." biglang sabat sa amin ni Tita para mabawasan ang kaunting tension sa pagitan namin kaya napahinga ako ng malalim pagkatapos.
"Mabuti pa nga. " tugon naman ni lola.
"Pinaluto ko nga pala yung paborito pong pagkain, Caroline kahit akong may birthday dahil gusto ko mabusog ka sa kaarawan ko." dinig kong saad ni Tristan at tumango lang din ako bilang sagot saka sumunod na rin kina lola.
"Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa'yo apo." medyo nalulungkot na sambit ni lola.
"Ayos lang po 'yan lola. Huwag niyo na ako alalahanin." wika ko habang kumakain na ng spaghetti sa hapag.
"Akala ko pa naman kayo na ni Kuya Tristan magkakatuluyan." nakanguso at nanghihinayag na saad ni Cipher na tinanguan naman ni Candy.
"Ganun talaga apo ang buhay sadyang may mga bagay na akala natin ay para sa atin iyon pala ay hindi. Mas mainam na tanggapin na lang natin ang sitwasyon kaysa ipilit natin."
Tama nga si lola kahit masakit man ngayon kailangan kong tanggapin nang matiwasay. In the first place ako naman talaga ang nag-assume sa sarili ko at sa aming dalawa ni Tristan ako lang naman ay may nararamdaman para sa kanya. Naging bulag din ako dahil umaasang magkakagusto rin sa akin ang bestfriend ko kahit sa una pa lang impossible naman talaga.
Sa aking pag-iisip, bumagsak ang dalawa kong balikat sa aking nararamdaman bumalik lamang ako sa irap nang may marinig akong kantahan sa videoke. Lumingon ako sa aking bandang kanan, bumungad sa akin si Tristan at yung girlfriend niyang si Francesca na nakaakbay pa ang mga ito habang kakantahin nila yung song na nababasa sa screen.
Tumulo ang luha ko pagkatapos pinahid ko kaagad baka may makakita pa.
"Lola gusto ko na po umuwi." walang ganang saad ko at tumango lang din si lola sa sinabi ko.
"Sige. Magpapaalam na muna ako kina Cynthia at Andrew." sabi ni lola saka tumayo at pinuntahan na rin sina Tita at Tito.
Lumapit ako sa pwesto ni Tristan para sabihin na uuwi na rin kami.. Hindi ko na kayang tignan silang ganito kaya mas mainam ng umuwi ng bahay.
"Ang aga niyo naman umuwi!" gulat na sabi ni TJ. "Pwede bang tumagal muna kayo rito ng ilang sandali?"
"Hindi kasi maganda ang aking pakaramdam kaya kailangan ko na ring umuwi." pagdadahilan ko na lang sa kanila.
"Sige pero ihahatid ko na kayo, madilim na rin sa daan." suwestiyon niya subalit tumanggi kaagad ako.
"Sigurado ka bang kaya mo pa lakarin pabalik sa inyo? Baka mapano ka niyan?" nag-aalala pa ring tanong ni Tristan pero tumanggi pa rin ako.
"Sige, basta mag-iingat na lang kayo." tumango na lang rin ako bilang sagot saka na muling naglakad palayo sa kanila.
Labis aking pagsisi kung bakit pa hinayaan ang sarili magkagusto sa isang kaibigan sa dinadami-rami ng lalaki sa mundo? Bakit pa kasi ako nag-assume na magugustuhan niya ako na kahit na alam kong sa simula pa lang kaibigan lamang ang turing sa akin ni Tristan. Kawala-walang gana akong pumasok sa aking kwarto at doon ibuhos lahat ng aking nararamdaman at bukas wala na ito. Makakalimutan ko na ang feelings para kay Tristan.
KINABUKASAN
Tahimik at walang gana akong pumasok sa trabaho, mabilis rin itong napansin ni Joanna kaya napakunot ito ng noo.
"Anong nangyayari sa'yo, Carol bakit parang pang Biyernes Santo pa ang istura mo ngayon kaaga-aga at unang araw ng linggo ganyan ka?" nag-alalang tanong nito pero hindi muna ako sumagot dahil hindi ko pa kayang magkwento sa ngayon.
Mga ilang sandali ay napansin niyang hindi ako nakasagot kaya binalak na lang niya rin muna manahimik. Hindi po kasi kaya magkwento ngayon, sa totoo lang. Mabigat pa rin ang loob ko sa nalaman kagabi.
Sa sobrang abala ko sa trabaho hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Sir Leander, nginitian ko lang siya ng pilit saka bumalik na ulit sa aking ginagawa.
"Do you have a problem Miss Faith? What's happening to you? You look so weary uhhh." tanong niya sa akin pero hindi ko pa rin siya sinasagot dahil wala akong lakas ng loob para magsalita at ibahagi sa kanya ang pinagdadaanan ko ngayon.
Hinawakan niya sandali ang aking kamay at mabilis niya ring inalis ito. "If you have a problem, please don't hesitate to say it because I am willing to say kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon." sabi niya nang may malumbay ding tinig ng kanyang boses na halatang dinaramdam din niya ang nararamdaman ko ngayon. Bigla rin tuloy akong nalungkot sa naging itsura niya ngayon at naawa dahil tingin ko naging burden ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang maglakad na siya palayo mula sa kinaroroonan namin ni Joanne.
"Nakakatampo ka ahhh Caroline. Kay Sir Leander may balak kang magkwento pero sa akin wala, tzk, napakunfair mo." nagmamaktol na saad niya habang napangisi naman ako na ikinaiinis naman niya.
"Mamaya magkwento ka kung ano ang ganap kahapon sa birthday ng bestfriend mo." napatango na lang din ako bilang sagot.
Handa na ba ako ikwento kay Joanne ang nalaman ko kagabi? Iniisip ko pa lang nangigilabot na ang mga balahibo ko sa buong katawan. Ganito na ba talaga ako na masyadong naapektuhan sa nangyari kagabi? Napahinga na lamang ako nang malalim sa aking iniisip.
Pagsapit ng lunch break, sabay na rin kami tumungo ni Joanne sa cafeteria dahil hindi naman daw kami makakapagsabay kumain ni Sir Leander dahil sinungitan ko raw yung tao. Hays, nadamay pa tuloy siya sa pinagdadaanan ko at nagpadala ako sa aking emosyon. Sana naman hindi sumama ang loob niya sa akin, sana magkaibigan pa rin kami kahit sinupla ko lang siya kanina, nagi-guilty tuloy ako lalo pang napakabuti niyang tao tapos ganun na lang igaganti ko sa kanya.
Nag-order na rin kami ng makakain tapos naghanap ng pwesto at napili namin sa ang nasa dulo na may bintana.
Umupo na rin kami at sinimulan na rin kumain, pagkatapos kinuwento ko na sa kanya ang nangyari at sa nalaman ko kagabi.
Nakaramdam rin siya ng lungkot kaya na-realized na niya ngayon kung bakit hindi maganda ang mood ko kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin ako ok atleast nailabas ko pa rin iyon nararamdaman kaya nakahinga pa rin ng maluwag.
"Akala ko pa naman magkakatuluyan na kayo ng best friend mo, ayon pala hindi." Nalulungkot na wika niya kaya sinuway ko siyang huwag mag-alala sa akin.
"Nag-assume lang naman kasi ako Joanne at nagbubulaglagan dahil akala ko mapapansin niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa totoo lang gusto ko na mag-move on kaagad. Ayaw ko na ikulong ang sarili sa ganitong klaseng pagmamahal."
"Hayaan mo Carol, makaka-move on ka rin pero hindi sa ngayon. Maniniwala akong kaya mo 'yan." Pagmo-motivate niya sa akin kaya mas gumaan ang pakiramdam ko.
"Saka nandyan naman si Sir Leander, naghihintay sayo."
Akala ko pahaging niya lang 'yon pero tinuro niya ang nasa gawi ni Sir Leander at nagulat ako pagkakita sa kanya. Seryoso siya at hindi nakangiti.
Habang tinitigan ko siya, sinisipa-sinisipa naman ako nitong kasama ko. Tinignan siya ng masama para tumigil na sa kanyang ginagawa.
"Impossible naman 'yang sinasabi mo Joanne. Magkaibigan lang kami at hanggang diyan lang ang turing ko sa kanya." Giit ko habang patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain.
Napalingon ako saglit sa pwesto ni Sir Leander at bigla rin siyang napatitig sa akin at pilit na ngumiti. Ginantihan ko rin siya ng ngiti nagsasabing hindi ako galit sa kanya tapos bumalik ulit ang tingin sa kinakain.
Pagkatapos ng lunch break, kaagad na rin kami tumuloy sa hotel at sinimulan muli ang trabaho.
Pagkatapos ng office work, nagkahiwalay na rin kami ni Joanne dahil magkaiba ng direksyon ang tatahakin namin. Magpapara na sana ako ng taxi nang may kotse na biglang tumigil sa harap ko at bumungad sa akin si Sir Leander.
Kumaway sa ako sa kanya at nginitian habang siya naman naglakad palapit sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang tuloy.
"Hmmm, uuwi ka na?" agad niyang tanong sa akin.
Tumango ako bilang sagot.
"Kung ganun, halika na sumabay ka na sa akin at ihahatid na kita."
Tumanggi na kaagad ako sa alok niya kaya napatigil siya sa akin.
"Nahihiya kasi ako eh. Sinupla na kita kanina tapos makikisakay pa ako. Sama ko na ata kapag ganun."
"Ayos lang sa akin 'yon Miss Faith dahil may problema kang iniisip saka hindi ka na dapat mahiya pa dahil di ka na ibang tao para sa akin para hayaan lang kita dito mag-abang ng masasakyan pauwi." Giit naman niya pagkatapos hinila ako sa braso patungo sa kanyang kotse kaya hindi na ako nakapagdahilan pa.
"Kindly wear your seatbelt first."
Kaagad ko siyang sinunod saka naman niya pinaandar ang sasakyan.
"Are you really ok?" sabi niya habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa dinaraanan namin.
"Oo naman." Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil anumang oras baka umiyak nanaman ako. Nakakahiya na sa kanya.
"You are not alright as I see your face. Nababasa ko sa mga mata mo." Sabi niya kaya hindi ko maiwasan ang ma-touch sa kanya.
"Huwag kang mag-alala ayos naman na ako. Hindi ko naman ikamamatay."
"Hey don't say that woman." Napatitig kagaad ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. "Sa dinadami-rami ng terms na maaari mong gamitin 'yan pa talaga ginamit mo?" may kaunting irita sa kanyang boses.
"Pasensya na. Hindi ko sinasadya."
"Don't say it again uh?"
Tumango na lang din ako bilang sagot.
"I know that you're not ready yet to tell me your problems. I understand you but hoping na sasabihin mo pa rin 'yan sakin kapag maayos ka na." sabi niya tumitig siya muli sa akin nag-focus ulit sa pagdadrive.
Why this man is so sweet and concerned? Her girlfriend is very lucky to have him. He is so warmhearted guy.
Hays nahawaan na ata niya ako sa pagsasalita ng English. Pero maganda na rin ito, may matutunanan ako sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto na biyahe, nakarating na rin kami sa bahay. Bababa na rin sana ako ng kotse, nang pigilan niya ako at siya na muna ang bumababa para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Napaka-gentleman niya talaga.
"Thank you."
"You are welcome."
Naglalakad na rin ako papasok sa gate ng bahay nang lumabas si lola at binati nito si Sir Leander.
"Bakit hindi ka muna iho tumuloy sandali dito sa munting tahanan namin." Nagulat naman ako sa biglang pagyaya ni lola sa kanya.
Nilingon ko siya at ngumiti siya ng napakalapad na tila ayos lang sa isang tulad niya ang makapasok sa bahay naming mahihirap.
Masasabi kong hindi siya yong matapobreng mayaman na nakikilala at nakikita ko sa T.V. na nandidiri kapag tumutuloy sila sa bahay ng isang mahirap na tulad namin. Napaka-down to earth niya talaga. Walang kaarte-arte sa katawan. Sana all tulad niya.
Pinapasok namin siya sa loob ng bahay at nagulat rin ang aking mga kapatid ng makita siya.
"Sino siya ate, boyfriend mo na? Ang bilis naman ata….." pigil ni lola kay Cipher.
"Hello po sa inyo." Masayang bati sa kanya ni Candy habang hawak sa kamay nito ang bunso naming si Cyprus.
"Dito ka muna iho, maghahanda na lang muna ako ng merienda niyong dalawa ng aking apo."
"Sige lang po lola." Sagot niya habang nililibot niya ang kanyang paningin sa bahay namin.
"Kahit nakatira lang kayo sa ganitong simpleng bahay, masaya pa rin kayong titignan hindi tulad sa aming bahay." Sabi niya saka muli napatitig sa akin.
"Hindi naman siguro." Nahihiya kong saad.
"Yes its true. Mas masaya tumira sa ganito kaysa sa mansion." Giit niya kaya tumango na lang din ako bilang sagot.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang merienda at nakaramdam na rin ako ng gutom.
"Pagpasensyahan mo na ang kape na tinimpla ko sayo iho, iyan lang na brand ang kaya ng bulsa namin." Sabi ni lola pagkaabot kay Sir Leander nang maiinom.
"No problem lola. Hindi lang naman ito ang unang beses ako uminom ng ganitong klaseng kape, marami na ring pagkakataon na nakakainom ako ng ganitong mababang brand quality ng coffee. Kahit ganito siya pero masarap."
Napanganga na nga lang din ako sa sinabi niya dahil hindi na talaga ako makapaniwala na ganito siya, hindi maarte. Masasabi kong sobrang kakaiba siya sa mga nakilala kong mga mayaman.