Madalas na kaming nagkakasabay ni Tristan pumasok sa trabaho subalit may pagkakataon na tuwing uwian minsan lang kami nagkakasama dahil madalas siyang overtime sa trabaho dahil maraming dapat tapusin. Kaya ako nagcocomute na lang din, madalas nagta-taxi na lang ako kapag di kaya ng mga paa kong maglakad papunta sa terminal ng jeep.
Tumikhim siya kaya ako napalingon na papasok na sana sa loob ng bahay, "May sasabihin sana ako eh..."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kaya lumapit ako. Wala akong ideya sa sasabihin niya sa akin pero lakas ng kaba sa dibdib aking nararamdaman.
"Carol..." dinig kong tawag sa akin ni lola dahilan upang mapailing ako na kung saan nagmula ang tinig nito.
"Sige Cef sa sususnod ko na lang sasabihin sayo, tawag ka na kasi ni lola at baka magalit pa sa atin."
Napatango na lang ako bilang pagsunod dahil tutal ayaw ko ring naman mapakinggan pa ang sasabihin niya lalo pang kinakabahan talaga ako.
Nagpaalam na rin ako sa kanya at ganoon rin siya sabay ngumiti sa isa't isa.
Muli nanaman akong napabuntong-hininga pumasok sa loob ng bahay at tumungo sa kinaroroonan ni lola.
Sumunod na mga araw, naglalakad na sana ako papasok sa hotel nang lingunin ko si Tristan dahil sa pagtawag niya sa akin. May parti sa akin naiinis ako sa kanya na mukhang hirap na hirap siyang sabihin ang totoo kaya napasimangot na lang akong tumingin sa kanya.
"Kita kitz ulit tayo."
Kaya mas lalo akong nairita sa kanya. Iyon lang pala sasabihin sa akin tinawag-tawag pa ako. Mga ilang sandali, napatango na lamang bilang tugon saka tumalikod na rin sa kanya at naglakad na papasok sa hotel.
Sa tuwing papasok ako ng trabaho at sasabay kaming umuwi sa bahay parating nagiging ganito ang mga kinikilos niya na bigla kang tatawagin dahil may nakalimutan lang siyang sabihin na importante na kahit wala naman. Hindi ko maiwasan ang mainis sa kanya talaga at kung minsan nagpapadyak na akong parang bata sa pinagagawa niya. Pagdating naman sa bahay, dinadaan daan naman niya sa pagbibiro kahit may gusto siyang sabihin sa akin.
Gustung-gusto kong malaman ang nais niyang ihayag kahit inuunahan pa rin ako ng kaba.
Eh di kaya magko-confess na siya sa akin ng feelings niya at liligawan na rin ako sa matagal na panahon namin maging mag-bestfriend..
Minsan parang nawawala ako sa focus sa work kakaisip ng mga sasabihin niya at mabuti na lang sinasalo ako ni Joanne.
Thanks to her.
Papalabas na rin sana ako ng mall dahil bumili ako ng birthday gift para kay Tristan nang may biglang kumalabit sa akin na lalaki. Hindi ko ito pinansin at diretso lang ako sa paglalakad baka sakaling guni-guni ko lang 'yon kundi muli akong kinalabit ng lalaki at tinawag ako.
"Miss panyo niyo po." sabi nito kaya napalingon ako sa kanya at kinuha ang handkerchief ko saka nagpasalamat.
Tinititigan ko ang reaksyon niya na parang na-stutter siya sa kanyang kinatatayuan.
"Marinela..." malumanay niyang saad kasabay ng pagkunot aking ng noo sa sinabi niya.
"Sorry Sir, hindi po ako si Marinela." nakangising sagot ko at naglakad pa ang lalaki palapit sa akin at tila pinag-aaralan niya ang kabuuan ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Kamukha mo siya…." saad pa niya habang nanatili pa siyang nakatitig sa mukha ko.
Kamukha ko raw? Galing ko naman kung may kalokalike talaga ako.
"Sino po ang tinutukoy niyo Sir?" tanong ko naman sa kanya.
"Ang girlfriend kong namatay, kamukhang-kamukha mo siya."
Sa sinabi niyang 'yon bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya at lalo pa nung makita ko ang mukha niya nababalutan ng lungkot na pinipilit niyang maging masaya. Kaya naman pala ganoon ang naging reaksyon niya pagkakita sa akin.
Hindi ko na kaya at tumalikod na lang ako, nagsimulang naglakad palayo sa lalaki. May gusto pa sana siyang sabihin kaso hindi ko na nilingon dahil ayaw ko na pakinggan pa ang sasabihin niya kasi mas lalo ko lang siya kaawaan kung ganun.
Pagkarating ko sa bahay, naikwento ko kaagad kay lola tungkol sa lalaking kumalabit sa akin kanina. Nagulat nga rin siya sa sinabi ko at di makapaniwala. Pagkatapos pinakita ko na rin kay lola ang regalo ko kay Tristan sa kaarawan niya bukas.
Labis-labis ang aking tuwa nang balutan ko ang regalo at isulat sa card ang isang napakagandang mensahe mula sa isang maganda niyang kaibigan na tulad ko.
KINABUKASAN. Wala masyadong visitors sa hotel ngayon kaya pa-easy easy lang muna kami ni Joanne rito. Abalang-abala kami sa usapan namin nang mapadako ang mata ko sa isang pamilyar na lalaki at nakangiti pa ito habang kausap si Sir Marlo. Ngayon ko lang din siya nakitang ngumiti ng ganyan hindi katulad kahapon na napakalungkot ng kanyang mukha. Hindi maalis ang titig ko sa lalaki na kumalabit sa akin kahapon at napagkamalan pa akong girlfriend niya.
"Joanne siya yung sinasabi ko sayong lalaking kumiblit sa akin kahapon sa mall." sabi ko sa kanya habang nasa kanila pa rin ang tingin ko.
Bigla na lang ako binatukan ni Joanne sa di alam na dahilan kaya napadaing na lang ako sa pagkakabatok niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos.
Ano problema ng isang 'to bakit bigla na lang...Hays!
"Syonga ka. Iyong lalaking tinutukoy mo siya ang may-ari lang naman ng hotel na ito."
Nanlaki na lamang aking mata sa aking narinig. OMO he is the real owner of this hotel na pinagtatatrabuhan ko for two years. Bakit ngayon ko lang siya nakita rito?
"Sorry hindi ko alam." sagot ko na lang at nagulat na rin ulit ako nang maglakad ang lalaki papalapit sa aming pwesto.
Una niyang tinitigan si Joanne at sa akin naman.
"I can't believe that you are one of my employees here. I thought that it would be destined to cross our paths." nakangiting sabi nito habang nangungusap ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
Napalunok ako sa gawi niyang 'yon at napayuko.
"How many months or years are you working in this hotel?" tanong naman niya ulit habang nanatitili pa rin ang titig niya sa akin na tila binabasa nito ang nasa isip ko.
"Nag-two years na po ako last month Sir." saka ko na rin nilabanan ang titig niyang nakakdistract.
"Oh. Why didn't I notice you here?" muli nanaman niyang tanong.
"Nevermind with the question. I am just glad to see you here working that's why I invited you to have lunch with me during break. Ok lang ba sayo?"
"Sorry Sir but I have with my co-worker to join me." sabi ko habang nakayuko nang biglang sumabat itong si Joanne na bigla kong ikinagulat.
"Don't worry Sir hahayaan ayos lang naman po sa akin." pinandilatan ko ng mata si Joanne sa ginawa niya.
Pero hindi siya nasindak sa masamang tingin ko sa kanya, "Mayroon naman akong kasamang iba mamaya Sir Leander kaya ayos lang sa akin na imbitahin mo siya." sabay tingin niya ulit sa akin.
"Thank you, Joanne." nakangiting tugon nito. "I'll be waiting you at Max Restaurant on 12:00 noon, Miss Caroline." baling naman niya sa akin saka na naglakad palayo sa kinaroroonan namin.
Maya-maya napatitig ako sa kasama ko na kasing pula na ng kamatis ang mukha. Aba kinilig naman ang isa ito.
"Hoy bakit mo ginawa 'yon ahhh?" reklamo ko sa kanya.
"Alam mo ang Kj mo talaga nohhh. May lumalapit na nga sayong lalaki at niyaya ka pang kumain sa labas nagawa mo pang tumanggi." giit niya sa akin kaya muli ko siyang binalingan ng masamang tingin.
"Oo kasi hindi naman ako tulad mo nohhh." nakangiwi kong tugon sa kanya at di ko na pinansin pa.
Naiinis kasi ako sa ginawa niya. Pinangunahan niya yung desisyon ko na hindi dapat makikipagkita kay Sir Leander.
Pagsapit ng alas-dose ng tanghali, hudyat na lunch break na nga namin. Kaya sabay-sabay na ring nagsilabasan ang ibang empleyado ng hotel.
Nagkaiba kaming direksyon na pinuntahan ni Joanne dahil kasama niya yung mga staff ng hotel habang ako naman na seryosong binabaybay ang Max Restaurant na kung saan kami magkikita ulit at kakain ng lunch ni Sir Leander.
Pagpasok ko sa lugar kaagad ko siyang nadatnan na kumakaway sa akin para madali kong mahanap ang pwesto namin. Biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha buhat kahapon na dating malungkot ngayon naging masayahin na siya at friendly.
Siguro ganyan siya nung magkasama pa sila ng girlfriend niyang namatay. Pero mas gusto kong nakangiti siya para kasing napakagaan kausap kapag ganito.
Inalalayan niya ako sa pag-upo pagkalapit ko pa lang sa pwesto niya. Hindi ko rin inaasahan na ganito rin siya ka-gentleman na hindi na kadalasan makikita sa mga kalalakihan ngayon.
"Salamat." maikli kong sabi saka ako ngumiti sa kanya.
Nahahawa tuloy ako sa pagiging cheerful niya.
"Walang anuman, Miss Caroline." magiliw niyang sabi pagkatapos itinuro na niya sa akin ang mga pagkain sa harap. Ibig sabihin kumain na raw kami. Kaya sumunod na rin ako at sumubo na ng kanin kasabay ng ulam.
"Ano nga pala ang buo mong pangalan? Can you tell me your short introduction about yourself?" sabi niya sumunod ng pag-inom ng pineapple juice katulad rin sa akin.
Linunok ko muna ang pagkain sa bibig at uminom ng pampatulak bago nagsalita. "I am Caroline Faith Quililan residing at Project 7, Bagong Silangan, Quezon City."
"Alright. You have a pretty name uhhh." sabi niya.
Tumango lang rin ako bilang tugon saka muling sumubo ng pagkain.
"Can I call you Faith para ako lang tatawag sayo niyan?"
Muntik naman akong mabulunan sa tanong niya kaya kaagad akong umiinom ng juice.
"Is there anything wrong, Faith?" nakangising saad niya sa akin kaya napakunot naman ako noo sa reaksyon niya.
"Hindi lang po kasi ako sanay tawagin sa second name." naiilang ko paliwanag sa kanya.
"Dapat masanay ka na dahil simula ngayon iyan na ang itatawag ko sayo." habang nagkakalikot ng kutsara sa kanyang plato.
Muli siyang tumititig sa akin pagkatapos magsubo ng pagkain kaya mabilis akong umiwas at napatitig sa ibang mga kumakain dito.
"Anyway I would like to introduce myself to you so that you will know that a gentleman in front of you is a Vice President of Kingstone Furnitures Inc. Walang iba kundi si Leander King Rogero." sabay kindat niya sa akin.
Aba may pagkaganito rin pala lalaking 'to. Hindi halata sa kanya ahh. Masyado kasing formal kung magsalita at seryoso.
"Tama ang sinasabi ng isip mo, you can't believe that I have this kind of behavior."
Nagulat rin ako nang malaman niya nilalaman ng isip ko. Mind reader ba siya?
"Oo nga eh. Nakakapagtaka lang kasi very professional ang dating mo tapos bilang mag-act ka ng ganun."
"Maybe sa mga piling tao lang pero sa karamihan seryoso talaga ako at very formal. Ayaw kong nakikita ako ng ibang tao na ganito ako dahil iniiwasan kong na-manipulate ako for their own sake and interest."
Sabagay may point naman siya kaya napatango-tango lang rin ako sa sinabi niya.
Mabuti na lang hindi na niya ako pinipilit pang magkwento sa buhay ko kasi sabi niya 'he respect my privacy'. Kaya siya na lang ang nagkwento tungkol sa kanyang buhay hanggang sa napunta sa lovelife niya.
Full of confidence siyang nagkukwento kahit napapansin ko sa parte niya nalulungkot at nauulila pa rin siya sa kanyang girlfriend kaya ako heto todo kinig lang at bigay ng advice sa mga naging kayang experiences din na ikinatuwa naman niya at napangiti sa mga sinasabi ko.