Biglang naalipungatan si SC mula sa pagkakatulog. Bumangon siya saglit sa pagkakahiga upang kumuha ng tubig nang biglang...
"Huh? Nasaan ako?", tanong niya sa kanyang sarili. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan. Nag-panic ang binatilyo at tila hindi makahinga ng maayos.
Nagtataka ka ba sa nakita niya? Sige, ako na magdi-describe para sa'yo. Una niyang nakita ang kahoy na pinto sa kanyang kaliwa. Mula doon ay may maliit na mesa kung saan ay may mga naka-patong na sulat at plura. Sa kanyang kanan naman ay may bintana. Doon siya pinaka-nagulat. Bakit? Nakita lang naman niya ang karagatan mula sa bintana.
Ano, nagtataka ka pa din ba? Oo, tama ang naiisip mo. Na sa barko si SC. Magulo pa rin ba? Ay, sorry! May nakalimutan pala ako ilagay. Teka, ayusin ko.
Karagatang Indian - 1888
Oh, ayan! Alam mo na kung nasaan na tayo. Mas klaro na ba isipan mo? Sige, balik muna tayo kay SC, mukhang medyo kalmado na siya.
"N-Nasaan ako?", tanong niya sa kanyang sarili matapos niyang kumalma ng bahagya. Inayos niya ang kanyang sarili't lumabas sa kwarto. Nilakad niya hanggang sa itaas, at doon na nga nya nalamang naglalayag siya sa isang malaking barko. Ilang segundo lamang ay nakita tinawag siya ng isang lalaki.
"Cual es su destino?", tanong ng lalaki sa kanya.
"Huh?", gulat na sambit ng binatilyo.
"Cual es su destino?", muling tanong ng lalaki.
"Teka, espanyol ba itong kausap ko?", tanong niya sa sarili. "Destino... So baka tinatanong niya kung saan ako pupunta? Kaso hindi ko naman alam kung saan destinasyon nito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako andito. Paano ba ito?". Tumingin ulit siya sa lalaki.
"London.", bigla na lang nasabi ng nalilitong si SC.
"Oh, bien. Gracias!", naka-ngiting sagot ng lalaki sabay lipat sa katabi niya.
"Espanyol kausap ko? Paano ako napunta dito?", paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Maging ang karamihan sa mga tao sa paligid niya'y hindi pinoy. Maraming mga kastila, mas maraming mga ingles. Magarbo ang mga suot, karamihan ay mga naka-three piece suit, ang mga babae nama'y naka-dress. Naglibot pa ng konti ang binatilyo nang makita niyang...
"Ano?! City of Rome?! Nandito ako sa barkong sinakyan ni Rizal papuntang Liverpool?!", halos sumigaw ang binatilyo noong makita niya ang pangalan ng barko.
"Shit! Pangalawa 'to sa pinaka-malaking barko sabi ni Rizal. Nabasa ko 'yun! Bakit ako napunta dito?! Paano ako naka-balik sa ganitong panahon?", muling tanong niya sa sarili.
May lalaking naka-kita kay SC na naglilibot. Isa siyang pilipino, balbas-sarado't mukhang sopistikado. Ngunit bago pa man siya nito malapitan ay... Ops!
Oh, para malinaw sa'yo na nagbabasa.
Maynila - Nobyembre, 1995
"Whoa!", halos pasigaw na sabi ng binatilyo na mukhang naalipungatan.
"Huh? Panaginip lang 'yun lahat?", pagtataka ng binata habang nagkakamot ng ulo. "Hay, ano ba nangyayari sa'kin. Lagi na lang may ganito."
Bumaba ang binata sa kanilang kainan, doon niya inabutan ang kanyang tiyo.
"Oh, okay ka lang ba? Bakit pawis na pawis ka?", nagtatakang tanong ni Mac.
"Ho? Ay, wala lang po 'to. Mainit lang po talaga sa taas.", mahinang sagot ni SC.
"Sigurado ka? May electric fan ka naman doon ha?"
"Mainit din singaw, Papa-Tiyo. Kulob po kasi."
"Oh. Oo nga, ano? Sige, bubutasan natin ng mas malaki kwarto mo para gawin nating bintana, ha?"
"Sige po, Papa-Tiyo. Salamat po!"
"Anong plano mo ngayon?", segway na tanong ni Mac.
"Pupunta po ako kina Arc, tapos baka po magpunta kami sa National Library.", sagot ni SC na mukhang humihingi ng permiso sa tiyo.
"Oo na, payag na akong lumabas ka. Huwag ka lang magpapagabi masyado."
"Opo! Doon lang naman kami sa Intramuros banda. Hindi po kami lalayo mula doon."
"Okay, mabuti kung ganoon. Alam mo, marami akong memories doon sa Intramuros.", pasimulang kwento ni Mac.
"Uy, mukhang interesting 'yan ah! Ano meron doon, Papa-Tiyo?", interesadong tanong ni SC.
"Alam mo naman na sa Pamantasan ako nagtapos, hindi ba?", pagkumpirmang tanong ni Mac sa pamangkin.
"Opo, lagi mo nga po pinagmamalaki sa'kin 'yon.", naka-ngiting sagot ni SC.
"Doon kasi nabuo pagkakaibigan namin ng mga "angkel" mo kasama ang tatay mo. Second year si papa mo noong pumasok ako doon. Pareho kami ng kurso. Alam mo, akala ko dati marami mangungutya sa'kin dahil hindi naman ako magaling, sinwerte lang ako sa entrance exam. Pero imbes na mahiya ako't matakot, sinubukan kong maki-halubilo sa mga ka-klase ko. Dumami mga kaibigan ko, pati mga kaibigan ng papa mo naging kaibigan ko na din. Madalas kami tumambay sa Puerto Real, pati sa itaas ng walls. Naalala ko pa nga, noong nagbreak kami ng ex ko, lahat kaming magkakaibigan tumambay lang sa walls malapit sa Manila City Hall. Sampu kami noon, binilhan nila ako ng isang litrong Coca-Cola, tapos tumambay lang kami habang humahagulgol ako kakaiyak. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko 'yon. Hahaha!". Halatang masaya si Mac na ikinu-kwento ang mga ito sa binatilyo.
"Naiiyak ba kayo, Papa-Tiyo? Nako, mukhang mali ata na nagpa-kwento ako.", nahihiyang sabi ni SC nang makitang mamasa-masa ang mata ng tito niya.
"Ayos lang, nakaka-miss lang din talaga. Buti na lamang at hanggang ngayo'y magkakaibigan pa din kami matapos ang dalawang dekada. Kaya swerte ka sa mga kaibigan mo. Mukhang matatag pagsasamahan niyong tatlo."
"Oo nga po eh. Sila lang po talaga nakakaintindi sa akin.", taas noong sabi ni SC.
"Oh siya, mag-ayos ka na para matagal kayong magkakasama ng mga kaibigan mo."
"Sige po. Salamat po!"
Dali-daling nag-ayos ang binatilyo para sa kanilang lakad. Kinuha niya ang kanyang bike at nagpunta kina Arc.
"Ayos! Kumpleto na tayo!", masayang sabi ni V-Three na halatang excited sa kanilang lakad magkakaibigan.
"Actually, totoong kumpleto tayo.", nakangiting sagot ni Arc. "Dolf! Tara, pare! Andito na si SC!"
"Nice! Ngayon na lang ulit tayo nagkasama-samang apat, ah!", pasigaw na sabi ni Dolf habang palabas ng bahay ni Arc. "Yo, SC!"
"Uy, Dolf! Buti sumama ka?", sabi naman ni SC habang hawak ang kanyang bike.
"Oo, na-miss ko kayo eh! Pati nakaka-bagot na sa basketball team, puro babae pinag-uusapan.", halos madurog si SC sa higpit ng yakap ng kaibigan.
"Pare, hinay-hinay lang sa paghawak kay Simon, baka mabali buto niyan. Hahaha!", pabirong singit ni V-Three.
"Hindi 'yan. Mapayat lang 'yan pero matibay 'yan!", pagtatanggol ni Dolf kay SC.
"Pero alam mo, tama 'yan na samin ka sumasama. Baka mahawa ka sa ka-kupalan ng mga 'yon eh.", taas kilay na sabi ni Arc.
"Hahaha! Nako, wala akong plano na maging tulad nila. Sadyang mahal ko lang talaga pagba-basketball.", tumatawang sagot ni Dolf. "Oh, tara na! Gusto ko na umalis dito sa Tondo saglit. Puro na lang mga kalsada nakikita ko eh. Gusto ko naman makakita ng mga puno."
"TARA!", sabay-sabay na sabi ng tatlo.
Sabay-sabay na nga nag-bike ang apat papunta sa sentro ng Maynila. Papunta na sana sila ng Intramuros nang biglang maalala ni SC na dumaan sa National Library.
"Mga pare, pwede daan muna tayo sa National Library? May titignan lang ako.", sigaw ni SC sa tatlo habang nagpepedal.
"Hanggang ngayon ba naman aral pa din?", pang-asar na sagot ni Arc.
"May titignan lang ako. Sige na!", pagpipilit ni SC.
"Oo, sige na. Pero saglit lang, ha?", sigaw ni Dolf.
"Oo, pare. Promise, mabilis lang.", pasasalamat ni SC sa tatlong kaibigan.
Nakarating na ang tatlo sa library. Agad-agad na pumasok ang magkakaibigan. Si SC, nagmamadaling mag-imbestiga tungkol sa mga panaginip niya. Ang tatlo naman, gusto lang talagang makaalis agad doon.
"Pero seryoso, bakit ba tayo andito?", nagtatakang tanong ni Dolf habang sumusunod silang tatlo kay SC.
"Teka lang. Sasabihin ko sa inyo pagtapos kong kumuha ng mga libro.", mabilis na sabi ni SC habang naghahanap ng librong babasahin.
"Pssst! Pare, anong meron dito sa tropa natin?", pabulong na tanong ni Dolf sa dalawa.
"Hindi ko din alam pare. May isang beses na ngang gabi na daw umuwi 'yan dahil tumambay sa library ng school natin.", pabulong na sagot naman ni Arc.
"Jusko po, baka maging valedictorian 'yan ng 'di oras. Baka hindi na tayo pansinin niyan pagtapos ng graduation. Hahahaha!", pabirong singit ni V-three.
"Naririnig ko kayo, mga baliw.", naka-ngiting sabi ni SC. "May gusto lang talaga akong i-research.
Kinuha ni SC ang isang lumang textbook na tungkol sa buhay ni Rizal. Medyo may sira na ang cover nito at medyo inaalikabok na. 'Yung mga pahina ng libro ay medyo luma na rin at may konting punit sa gilid-gilid.
"Oh, ayan ka na naman. History na naman! 'Yung totoo, nag-time travel ka no? Hindi ka talaga galing dito sa panahon na 'to?", patawang sabi ni Arc sa kaibigan.
"Gago! Baka reincarination 'yan ni Rizal! Hahahahaha!", malakas na sabi ni V-three.
"Shhhhhhhhhh!", biglang saway ng librarian na malapit sa kanila.
"Sorry po!", paumanhin ni SC, sabay lingon sa mga kaibigan at itinuro ang isang table malapit sa kanila. "Kayo naman, 'wag muna kayo magulo. Doon tayo sa may pwesto na 'yun."
"So, Buendia, ano na nga 'yung kwento mo?", muling tinanong ni Dolf.
"Sige, magku-kwento na ako, pero atin-atin lang 'to, ha?", pakiusap ni SC sa mga kaibigan.
"Brother, kami bahala. As if namang may kakausap sa amin na iba.", kampanteng sagot ni V-three. "Pero bakit gusto mo i-sikreto? Ano bang meron?"
"Kasi mga pare, lately madalas ako managinip.", pasimula ni SC sa mga kaibigan.
"WOW! Akalain mo 'yun! Kami din may sikreto, pare! Nananaginip din kami!", sarcastic na sagot ni V-three. Bigla siyang binatukan ni Dolf.
"Sira ulo ka talaga! Hayaan mo magkwento tropa natin.", pagtatanggol niya sa kaibigan.
"Oh, going back.", pagtutuloy ni SC. "Madalas ako managinip netong mga nakaraang araw. Kada panaginip ko, para akong napupunta sa ibang era ng Pilipinas. Mainly noong panahon na sinimulang isulat ni Rizal 'yung El Fili."
"Putang ina! Sabi ko na nga ba time traveler ka!", pangungutya ni Arc sa matalik na kaibigan.
"Manahimik ka muna! Hindi pa tapos 'yung kwento ko!", pabalang na sagot ni SC.
"Sorry po, 'Tay! Sige na po, tuloy mo na po!", pabirong sabi ni Arc. "Oh, bale napapanaginipan mo 'yung panahon na sumusulat si Rizal ng El Fili. Ano specifically 'yung mga nangyayare sa panaginip mo?"
"Sa unang-una kong panaginip, parang may kausap si Rizal. Hindi ko siya kilala, never din siya na-discuss sa kahit anong lesson natin. Ang naalala kong usapan nila eh tutulungan niya ata si Rizal na sumulat ulit ng bagong nobela, which is 'yun nga, yung El Fili. Tapos kung paano niya mamanmanan mga kastila para mas maging realistic 'yung mga character sa nobela. Nagising na ako pagtapos noon. Ang alam ko pa nga 'yun yung ginising niyo ako ni V-three."
"Whoa, whoa!", biglang putol ni Dolf. "Nagpunta kayo kila SC na wala ako?"
"Oo, eh may practice kayo noon para sa laro niyo eh. Hindi ka na namin inistorbo pare, gusto namin manalo kayo eh, yiiiieeeee!", pagpapaliwanag ni V-three kay Dolf.
"Ah, 'yun ba 'yun. Ok, sige, forgiven.", sagot ni Dolf. "Oh, edi ginising ka nitong dalawa. Ano na nangyari pagtapos?"
"Eto na nga. Bali normal naman 'yung araw na 'yun. Tamang tambay lang, basta normal lang lahat. Kaso noong pagtulog ko kinagabihan, nanaginip na naman ako. This time, parang ginising ata noong lalaki si Rizal. Sabi niya hinahanap na siya noong mga kastila dahil nga sa Noli. Siya nag-aya kay Rizal na pumunta sa Europe. Ang huling image na naaalala ko eh 'yung nag-eempake si Rizal para pumunta sa pier."
"Ayos din! Nakita mo ba kung may brief na silang ginagamit noong panahon na 'yun, pati kung ano toothpaste nila?", nang-aasar na tanong ni V-three.
"Gagong 'to! Sabing makinig tayo kay SC.", malakas na sagot ni Arc na tila bumabawi sa pang-aasar niya kay SC kanina.
"Pssst! Hindi ba kayo tatahimik?", biglang pamumuna ng librarian.
"Sorry po!", nahihiyang sagot ni SC sa matandang babae. "Pasensya na po sa mga kaibigan ko."
"Interesado ba kayo o hindi?", pagalit niya sa mga kaibigan habang bumubulong.
"Eto na pare, seryoso na talaga.", bulong na paumanhin ni V-three. "Pero saglit lang, ayan ba dahilan kaya ka laging nagbabasa sa library?"
"Oo, 'yun na nga. Pero ang problema, wala akong mahanap na reference tungkol doon sa lalaki. Ang weird lang kasi halos ka-pangalan ko 'yung lalaki. Ang narinig kong pangalan niya... Simeon Crisostomo."
"Hold up, hold up! Seryoso? Pangalan nung lalaki Simeon Crisostomo? As in 'yung character sa Noli?", pa-gulat na tanong ni Dolf.
"Oo, 'yun nga. Ang tingin ko, sa kanya binase 'yung character na 'yun." seryosong sagot ni SC. "Uy, teka lang. May kukunin lang akong isa pang libro."
Oh, maiba lang ako saglit bago tayo tumuloy. Kung isa ka sa mga kaibigan ni SC, maniniwala ka ba sa mga sinasabi niya? I mean, sa totoong buhay, kung biglang magkwento ng ganyan kaibigan mo? Panigurado sagot mo hindi, kasi judgemental ka. 'Di, joke lang. Pero normal na reaksyon natin syempre hindi tayo maniniwala, kasi imposible. Tama, 'di ba? Hindi mo kailangan magsinungaling sa akin, unless gusto mong magsinungaling sa harap ng libro. Edi mukha ka na namang tanga diyan, hahaha! Syempre, bilang realistic tayo, alam mo na siguro kung ano reaksyon ng mismong mga kaibigan ni SC sa kanya.
"Mga brad, ano nangyayari sa tropa natin?", pabulong na tanong ni V-three kina Arc at Dolf.
"Hindi ko din alam. 'King ina kinakabahan ako.", mahinang sagot ni Arc.
"Ano ba ginawa niyo diyan bakit nagka-ganyan 'yan?", pabalik na tanong ni Dolf.
"Wow ha! Ikaw 'tong hindi na masyadong sumasama sa amin, ikaw nagbabantay diyan dati di ba?", depensang bulong ni Arc.
"Walang ganyanan, 'tol! Kinakausap ko naman si SC 'pag may oras ako. Pero seryoso, ano ba nangyari diyan?", sagot ni Dolf.
"Hindi din namin alam. Pero ang napansin ko, nagsimula 'yan after ng exam natin sa Araling Panlipunan.", nag-aalalang sabi ni V-three.
"Ay, oo! Naalala ko pa nga ang weird ng tanong niya sa amin isang beses.", singit ni Arc.
"Anong tanong?", nagtatakang tanong ni Dolf.
"Tinanong niya sa amin, as in out of the blue, kung ano sagot namin sa essay.", sagot ni V-three.
"Eh ano namang weird doon?", tanong ni Dolf na naka-kunot ang noo.
"Sinagot namin. Ang weird na part doon eh 'yung mukha niya pagtapos namin sumagot. Sinagot namin tanong niya, di ba? Tapos noon, tinanong din namin siya, tapos nag-iba itsura niya. Naka-ngiti, pero parang may galit na ewan sa mata. tapos sabi niya lang wala naman masyado. Walang kwenta daw sagot niya.", kwento ni Arc.
"Baka naman nainis kasi naalala niya 'yung walang kwenta niyang sagot?", halos natatawang sagot ni Dolf.
"Tanga, hindi! As in kita mo 'yung galit sa mata niya. Basta, parang hindi siya.", giit ni V-three.
"Tapos ever since noon, lagi na siyang tambay sa library. Ang nakakatakot pa noon pare, parang normal lang sa kanya lahat.", singit ni Arc.
"Kinausap niyo na ba siya tungkol diyan?", tanong ni Dolf.
"Hindi pa, hindi namin alam kung paano eh.", sabi ni V-three na tila nag-aalala para sa kaibigan.
"Kausapin niyo lang ng maayos.", payo ni Dolfa sa dalawa. "Kung gusto niyo, ako na kakausap."
"Kami na pare, hanap lang kami ng timing na maayos.", ang sabi ni Arc.
"Sure kayo, ha? Sabihin niyo rin sa akin kung may nang-aaway sa inyo.", paninigurado ni Dolf sa mga kaibigan.
"Mga unggoy, anong pinag-uusapan niyo diyan?", biglang sabi ni SC na kakakuha lang ng libro. "Bakit hindi niyo ko sinasali sa kwentuhan niyo?"
"Wala, 'tol. May napansin lang kami doon sa librarian. Sobrang sungit kasi.", pa-gulat na sabi ni Arc.
"Oo nga, p're. Sobrang sungit!", singit ni Dolf.
"Eh, ganoon talaga. Bawal kasi maingay dito.", nakangiting sabi ni SC sa mga kaibigan.
Kibit balikat na lang ang tatlo at sinamahan ang kaibigan sa pagbabasa sa library. Binalot ng katahimikan ang magkakaibigan ng isang oras. Hindi sila masyadong kumikibo gawa na rin ng lugar kung nasaan sila. Isa pa, hindi rin nila alam kung paano sisimulan ang plano nilang pakikipag-usap sa kaibigan.
Pero seryoso, importante talaga communication. Mahirap kung walang ganoon. Walang maaayos na problema kung walang usap. Nasubukan mo na ba? May instance na ba sa buhay mo kung saan walang communication, tapos hindi na naayos yung dapat ayusin? Oh, bakit nalungkot ka? Na-miss mo bigla ex mo, no? Sorry na! Hindi na nga eh! Tinanong ko lang naman kung may nangyari nang ganoon sa'yo. Bato-bato sa langit, amirite?
Nga pala, tutal ang haba na ng kwentuhan natin, pwede na kitang tawagin kaibigan, no? At dahil kaibigan na kita, may sasabihin ako sa'yo. Alam mo ba na paborito ko ang Tinola. Lalo na 'pag madaming sabaw! Ikaw, ano paborito mong ulam? T-teka, bakit parang confused tingin mo? Ang random ba? Sinubukan ko lang mag-open ng topic. Ganyan kasi dapat para laging may communication sa mga magkakaibigan. Hindi ko ma-gets kung bakit may mga magto-tropa na hirap na hirap magkaroon ng sensual na usap. Hindi naman corny 'yun. You have to share what's on your mind. Simple conversations would help, lalo na sa mga taong malalapit sa'yo.
Huy, pasensya na, ha? Nag-rant pa ako sa'yo. Bawi na lang ako, tutuloy ko na 'yung kwento para hindi ka mabitin.
Matapos magbasa-basa ni SC, nag-aya na siyang umalis doon at magpunta sa Intramuros. Dali-daling pumayag ang tatlo dahil sa sobrang pagka-bagot. Nilakad nila galing National Library papuntang Intramuros sa daan ng Maria Orosa Street, pagtapos ay tumawid ng Padre Burgos Ave, at pumasok sa General Luna Street.
"Pare, Pamantasan oh! Di ba diyan ka nag-exam?", tanong ni Arc kay SC.
"Oo, inaantay ko nga 'yung resulta ng exam. Ikaw din dito kukuha ng entrance exam, di ba V-three?", sagot ni SC sa matalik na kaibigan.
"Oo, diyan o kaya sa PUP. Hindi ko pa nga naaasikaso mga requirements ko.", sambit ni V-three habang pinagmamasdan ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
"Baliw ka talaga! Asikasuhin mo na! Baka mapag-iwanan ka!", pangaral ni Dolf sa kaibigan.
"Oo na! Baka next week.", kunot-noong sabi ni V-three.
Tuloy na naglakad ang magkakaibigan sa loob ng Walled City. Umakyat sila sa taas ng pader na bato, at doon nilibot ang paikot nito. Nadaanan nila ang tatlo pang unibersidad na nakaloob dito(Mapua, Letran, at Lyceum). Mula doon ay nadaanan nila ang Manila Cathedral. Doon naalala ni Dolf na pumasok sa Fort Santiago.
"Mga pare, gusto niyo makita 'yung Fort Santiago? Doon kinulong si Rizal bago siya patayin, di ba?", pagyaya ni Dolf sa tatlo.
"Oo. Balita ko may palatandaan din doon nung nilakad ni Rizal, eh.", pagpayag ni Arc sa pag-aya ni Dolf.
"Sige, sige. Pasok tayo.", sang-ayon ni SC.
Pumasok ang apat sa special attraction ng Intramuros. Nakita nila ang mga bakas ng yapak ni Rizal. Sinundan nila ito hanggang sa makarating sa selda kung saan siya inilagay. Habang minamasdan nila ito ay bigla na lang may narinig si SC.
"Lampara! Mali ang katapusan... lampara!"
Itong mga katagang ito, na sinabi sa malamig na tono, mahina pero malinaw ang bawat salita.
"Lampara! Ito ang susi, bakit hindi mo ginamit?", sabi ulit ng boses na akala mo'y bumubulong sa tenga ng binatilyo.
"Masyado kang mayabang! Ikaw humatol sa sarili mong kamatayan!". Ang mahinang boses ay lumakas, puno ng galit, at halos tumagos sa magkabilang tenga. Ramdam mo ang gigil sa boses nito, ramdam mo ang pagsisisi sa kabilang dulo.
"Buendia, okay ka lang ba?", nag-aalalang sabi ni Dolf sa kaibigan habang hawak ang balikat nito.
"Ha? Ah... oo. Ayos lang ako.", mahinang sagot ni SC na sinusubukang hindi ipahalata ang panginginig.
"Sigurado ka? Pinagpapawisan ka, oh.", pagdududa ni Dolf sa kaibigan.
"Oo pare, sigurado. Mainit lang talaga, medyo nahilo lang ako.", pa-deny na sagot ni SC.
"Boy, kung may problema, sabihin mo sa amin. Para kang nakakita ng multo eh. Gusto mo ba ng tubig?", pangaral ni Arc na halatang nag-aalala din sa kaibigan.
"Sige, penge ako. Baka uhaw lang 'to dahil sa tagal nating naglalakad.", ang sabi na lang ni SC para matigil na ang pag-aalala ng mga kaibigan sa kanya.
"Tara, puntahan natin 'yung ibang spots dito.", aya ni V-three para mabawasan ang tensyon sa nangyari.
"Sige!", sang-ayon ni Dolf at Arc sa suggestion ng kaibigan.
"Una kayo mga brother, may titignan lang ako dito saglit.", sabi naman ni SC habang nagpupunas ng pawis. "Sunod ako agad, promise."
"Okay, sige. Tawagin mo kami 'pag may problema, ha?", paalala ni Arc sa kanya.
"Oo, akong bahala."
Umalis na ang tatlo at naiwan mag-isa sa pwestong iyon si SC. Pinagmasdan niya ang replika ni Rizal na nakatayo sa loob ng selda, ang mga kagamitan na nandoon, pati na rin ang mismong istraktura ng selda. Hinawakan nito ang bakal na rehas, at mula doon ay may nakita siyang imahe na para bang nanonood siya ng isang pelikula.
Nakita niya si Rizal na palakad-lakad sa loob ng selda at parang hindi mapakali. Kita sa mga mata nito ang panghihinayang at takot. Gabi noon at siya lang mag-isa, ang natural na maamong mukha ng bayani ay hindi nakita ni SC. Nakakatakot ang ekspresyon sa mukha niya, para bang tinanggalan ng emosyon, at iniwan lamang ay mabigat na depresyon. Nabahala ang binatilyo sa kanyang nakita at dali-daling pumunta sa kanyang mga kaibigan upang mawala na ang imaheng nakita.