Chereads / "You're Only Mine" / Chapter 13 - KABANATA 13

Chapter 13 - KABANATA 13

Natahimik ako sa kinatatayoan ko habang titig na titig parin kay Clifford. Hindi ko alam kong ano ang maaari kong reaskyon ng makita sya dito. Fiance niya ako at bukod sa pagiging fiance ko ay ako ang magiging future wife niya.

Hindi, mali ako. Magiging asawa niya ako sa papel lang naman diba? at wala akong pakialam kong bakit nandito sya ngayon, at wala syang pakialam sa gagawin ko o ginagawa ko ngayon. Pareho naming hindi gusto ang isat-isa, at para saan pa ang pag-aalala ko at takot ngayon? Wala!

"Hey something wrong?" bumalik ang diwa ko nang magsalita si Daniel. Sumulyap ako sa kanya na may ngiting pilit.

"Yes, hmhmhm im sorry, I suddenly startled." iyon lang ang tangi kong naisagot. Kumunot ang noo niya at lumapit sakin, hinawakan niya ang braso ko. Hinimas niya iyon pababa pataas.

"Nervous for what? Do you want to leave us here, what you think?" bumalik ang pagiging manyakis ng kanyang mukha tulad ng kanina. Napalunok ako bago sumulyap ng kaunti sa direksyon ni Clifford, nanatili syang nakatitig sakin na para bang gusto na niya akong patayin.

"Tama ka, It's a good thing to leave here. Lets go!" aakmang hihilahin ko sya palayo dito nang may biglang nagtapon ng bote ng alak sa harap namin. Sobrang bilis ng pangyayari, sabay ng maugong na sigawan ng mga kaibigan ni Daniel.

"Omg Clifford what happen?" mabilisan kong tinignan si Clifford, nilapitan sya ng dalawang babae. Natigilan kami ni Daniel at sabay bumagsak ang mata sa sahig. Ang isang bote ng alak ay basag sa harap namin, ngunit may distansya.

"Anong nagyari? Bakit niya itinapon?" si Daniel at aakmang lalapit sa mga kaibigan niya ngunit hinila ko agad ang braso niya.

"I need to go, Daniel. Maybe my friends are looking for me. Im sorry!" paalam ko at dali-dali syang tinalikuran. Narinig ko pa ang pag tawag niya sakin at hindi ko iyon nilingon. Hindi na niya nagawang pigilan ako dahil mabilis akong tumakbo na para bang hinahabol ng aso.

Sobrang bilis din ng takbo ng puso ko. Dali-dali akong nagtago sa isang pader at sinilip panandalian si Clifford, sa puntong ito ay nagtatawanan na silang lahat, ngunit ang dalawang babae ay nanatiling nag-aalala kay Clifford. Umalis agad ako at mabilis bumaba ng hagdanan. Nanatili akong kinakabahan, bakit niya itinapon sa harap namin ang alak na iyon? Anong problema ng komag na yon? That man was really reversed, he is crazy.

Kanina ko pa hinahanap ang dalawa ngunit hindi ko makita, tumungo na ako sa dancefloor maging sa stool ay wala sila roon. Nahihilo na ako sa kakaikot, sabayan mo pa sa mga usok na humaharang sa daanan. I already text them, i call them many times but they dont answer, sa pagkakataong ito ay napagdesyonan kong lumabas nalang ng bar. Maging sa tulay ay wala sila kaya dumirekta na ako agad palabas ng beach. Dali-dali akong nagtungo sa kotse ko na tila kinakabahan parin hanggang ngayon, why do I feel nervous when it comes to that man? why do i feel guilty? Shit Marilou, para kang tanga. Wala kang pakialam sa lalaking iyon.

Bubuksan ko na sana ang ang pintoan ng kotse ng may biglang humila saking braso.

"Do you think you can leave this place without talking to me?" nanlaki ang mata ko sa nakita. Sobrang pula ng kanyang pisnge, ang kanyang buhok ay medyo magulo narin.

"Excuse me?" malakas kong binawi ang aking braso ngunit hindi niya ako binibitawan. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit niyang hawak sakin. "Let me go," singhal ko.

"No, until I've talked to you tonight." matigas niyang english at sapilitan akong hinila palayo saking kotse.

"Clifford saan mo ako dadalhin? Ano ba, just let me go. I dont want to talk to you!" singhal ko ng paulit-ulit ngunit di niya parin ako binibitawan. Pilit kong binabawi ang aking braso subalit ayaw niya parin akong bitawan. Dinala niya ako sa isang madilim na lugar kong saan ay walang masyadong tao. Hinila niya ako sa isang malilim na cottage mula sa dulo ng dalampasigan.

Nanginig ako sa maaari niyang gawin sakin, lasing sya at hindi ko alam kong ano ang magagawa niya.

"Fuck, just let me go, pervert!!!!" mas lalong lumakas ang sigaw ko. Napalingon sya sakin na para bang galit na aso. Itinulak niya ako sa may mesa, halos matumba ako sa ginawa niya. Napahawak ako sa mesa mula saking likuran. "Bakit mo ako dinala dito?" isang mapaklang boses ang binitawan ko.

Dahan-dahan syang lumapit sakin na walang ekspresyon. Napatitig ako sa kanyang kasuoton, ang kulay itim niyang khaki short ay nababagay sa kanyang kulay puting longsleeve na nakabukas ang dalawang botones sa may dibdib niya.

"May angal ka?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kahit madilim ay nakikita ko parin ang kabuohan ng mukha niya dahil sa maliwanag na buwan.

"Gago ka pala eh, siraulo." bulyaw ko at aakmang lalabas ng cottage ng hinarangan niya ako. Napaatras ako sa ginawa niyang pagharang.

"Where do you think your going?" naging ma awtoridad ang boses niya. nakapamewang akong humarap sa kanya at galit na galit.

"Wala kang pakialam, uuwi na ako at ayaw kitang kausap. Kaya excuse me," aakmang aalis ako ng hinawakan niya ang braso ko. Napasigaw ako dahil nasaktan ako sa ginawa niyang paghawak. "Ano ba, Clifford. Lasing ka at ayaw kong makipag-usap sayo." sigaw ko at pilit binabawi ang aking braso.

Binitawan niya ako rason kong bakit ako napaatras muli sa may mesa.

"At kanino mo gustong makipag-usap? Sa kaibigan kong si Daniel?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kong anong ekspresyon ang meron sya ngayon dahil pulang-pula ang kanyang pisnge. Hindi ako makasagot, tila may bumara saking lalamunan.

"Why you care? Who are you to get angry like that now? huh?" sa sinagot ko ay natahimik sya. Kanina pa ako galit na galit, wala syang pakialam dahil hindi pa kami kasal at mas lalong hindi namin gusto ang isat-isa.

"I'm angry, I'm angry with what you did, Marilou. I dont want to be ashamed of my friends." napamangha ako sa sinabi niya. Natawa ako ng mahina, mahina ngunit may galit na ekspresyon.

"Nahihiya ka sa mga kaibigan mo dahil sakin? Bakit ka mahihiya? Kilala ba nila ako? sinabi mo ba sa kanilang lahat na ang nilalandi ng kaibigan mo ay ang fiance mo. Future wife mo, na hindi mo gusto." naging asal aso ako sa puntong ito. Mas lalo kong naramdaman ang galit niya, dahan-dahan syang lumapit sakin na kuyom ang dalawang kamao. Napalunok ako!

"I am ashamed of myself because my fiance is worthless. Nahihiya ako sa sarili ko dahil ikaw ang ma papangasawa ko." nanigas ako sa sinabi niya, tila nanghina ako sa kinatatayoan ko ngayon. Ang puso ko ay biglang nanghina. Sobrang sakit ng sinabi niya, sobrang nasaktan ako sa mga pangungusap niya ngayon. Kahiya-hiya ako sa paningin ng ibang tao, ngunit wala akong pakialam dahil kanya-kanya tayo ng buhay. This is mylife, not them.

"Ang sakit mong magsalita, who are you to judge me? Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi mo ako pagmamay-ari Cliffford at wala kang karapatang pigilan ako sa mga ginagawa ko." singhal ko. Ramdam na ramdam kong may papatak na luha saking mata. Nasaktan ako, hindi ko alam kong bakit ganito kasakit.

"I was ashamed of myself because I was not able to stop you," wika niya bago nagmura ng ilang ulit. Hindi ko sya maintindihan. "Ayaw kong mabastos ka ng iba. Stop interbreeding with others because you were going to married, Marilou." sa puntong ito ay mas lalo akong natahimik. Bakit niya sinasabi sakin ito ngayon? Ano na naman ang trip niya? Hindi--- kahit kailan ay siraulo ang lalaking ito.

"Eh gusto ko lumandi, I want to flirt, why dont you also talk to others? nang sa ganon eh patas tayo, walang pakialamanan." natatawa kong sagot. Gusto kong matawa ng malakas sa trip niya ngayon, ganito ang gusto ko ang magalit sya at mag bago ang isip niya para sa kasal naming walang kwenta.

"If that so?" nanlaki ang mata ko sa ngiti niya. Mas lalo pa syang lumapit sakin, malapit na malapit. Hanggang sa binuhat niya ako sa may dalawang bewang at ipinaupo sa mesa. Napasigaw ako at hinampas ang dibdib niya ng ilang ulit ngunit hinuli niya lang ang dalawa kong kamay, sobrang lakas ni Clifford at hindi ko sya kayang kalabanin.

"Anong gagawin mo? Bitawan mo ako, kundi mapapatay kita. Nasisira na ang ulo mo!!!!" pumipiglas ako sa pagkakahawak niya, aakmang sisipain ko sya ngunit mabilisan niyang ibinahagi ang dalawa kong hita at pumasok sya sa spasyo ng gitna. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, halos uminit ang dalawa kong pisnge dahil sa nakabahagi kong hita. Hindi ko magawang umalis dahil sobrang tigas ng bewang niya. Ang mesang kinauupoan ko ay hanggang bewang niya lang. "Isusumbong kita kay daddy, tandaan mo yan. Isusumbong kita hinayupak ka!!!!" walang tigil ang pag sigaw ko ngunit natatawa lang sya.

"Would you please stop cursing," natahimik ako sa suhestyon niya. Hingal na hingal akong tumitig sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang nginig saking dalawang hita. "If you want to flirt, bakit di nalang sakin? If you want sex? Let's sex anytime, Marilou. Hindi yong kani-kanino ka lang nakikipagharutan. Ikakasal lang din naman tayo diba? So why we dont just do it?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sobrang laki ng ngiti niya sa puntong ito. Ang kanina'y mainit kong katawan ay mas lalong uminit sa galit.

"Pervet!!!!!" sigaw ko sa pagmumukha niya at malakas na pumipiglas. Halos masaktan ako dahil hindi ko sya kayang paalisin saking harapan. Nananakit narin ang dalawa kong hita.

"Ayaw mo sa bastos pero gustong-gusto mong nababastos?" natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nasampal sa katotohanang sa kanya pa talaga nanggaling. Nawalan ako ng gana ngunit may galit paring nararamdaman. Dahan-dahan tumamlay ang aking kamay at dahan-dahan niya rin akong binitawan. Ramdam na ramdam ang pag atras niya rason kong bakit ako napahalukip-kip.

Tumitig ako sa kanya, isang titig na may pang-gigigil.

"Huwag muna akong kausapin at lapitan, dahil hindi ko itutuloy ang kasal." mahina kong sabi at mabilisan syang tinalikuran. Mabilis akong naglakad sa buhangin na para bang walang pakialam kong gano na kadumi ang aking paa. Kuyom na kuyom ang kamao ko sa galit, gusto ko na syang patayin at sampalin kanina pero hindi ko magawa.

Dali-dali akong tumungo saking kotse, sobrang bilis ng pangyayari dahil may biglang humila saking palapulsohan. Nagulat ako at si Clifford iyon, hindi ko na magawang sumigaw at sumagot dahil mabilis niya akong ipinasok sa kanyang kotse. Mabilis rin syang nakapasok sa loob at pinaandar ang kotse nang hindi nagsasalita.

"Diba sabi ko sayo---,"

"I will take you home, ayaw kong mahuli ka ng daddy mo." sagot niya bago pinatakbo ang kotse. Hindi ako nakasagot, parang may bumara ulit saking lalamunan. Bakit niya nasasabi sakin iyan ngayon? Anong pakialam niya kong papagalitan ako ni daddy? Nahihilo narin ako kanina pa kaya napagdesyonan kong tumahimik nalang. Napasandal ako sa backrest ng upoan bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Nililibang ko ang aking sarili sa mga iilang ilaw mula sa poste.

Kanina ko pa naiisip ang dalawa, nasan kaya si Jazzy at Jilheart. Mas lalong sumakit ang ulo ko, hanggang sa umabot kami sa bahay. Pinark niya ang kotse mula sa gilid ng gate. Nanlaki ang mata ko dahil sa babaeng nakaabang sa labas ng gate kasama ang dalawang katulong namin.

"Bakit nasa labas sya?" bulong ko saking sarili na ikinalingon ni Clifford.

"Thats what i am saying to you, ayaw kong umabot sa daddy mo ang pag nanight life mo." napasulyap ako sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay bago ako lumabas ng kotse. Lumapit ako sa stepmom ko at ramdam ko ang pagsunod ni Clifford sakin.

"Goodevening ma'am," nakipagbeso-beso si Clifford sa stepmom ko. Nag-iwas ako ng tingin, mas lalo yata akong nahilo ng makita ko ang stepmom ko dito, pero kinabahan ako bigla. Alam kong magtatanong sya kong saan ako galing, alam kong gusto niya ng mga kasagotan dahil alam na alam niyang aabot ito kay daddy.

I'm dead, napasulyap ako kay Clifford. Walang ekspresyon syang tumitig sakin. Kinabahan ako sa titig niya, kong ano man ang sasabihin niya sa stepmom ko? Handa akong pagalitan ni daddy. Sanay na ako sa sakit diba? kaya tinatanggap ko ang lahat ng iyon.

"I am going to sleep," sambit ko at mabilisang pumasok ng gate. Padabog kong isinara ang pinto dahil sa galit. Napasandal ako sa pader ng gate, hindi ko alam kong sinong tumulak sakin na idikit ang aking tenga sa gate. Nakinig ako sa usapan nilang dalawa.

"Salamat sa paghatid kay Marilou. Kanina pa kasi galit na galit si Gary, halos magwala kanina. Kong alam ko sana na kayo ang magkasama, sana ay napigilan ko ang galit ng daddy niya." wika ng aking stepmom. Kumunot ang noo ko! Si daddy? Shit, patay ako nito bukas.

"Pasensya na ma'am, kasalanan ko ang lahat. Hindi ako nakapag paalam sainyo ng maayos. Nag didate lang kami ni Marilou, namasyal kong saan kaya nagabihan kami lalo. Sorry ma'am, hopefully it will come to her dad." umawang ang labi ko sa sinabi ni Clifford. Napahawak ako saking dibdib. Dahan-dahan akong napaatras at mahinang naglakad papasok ng bahay. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.

Hanggang sa pagtulog ko ay iniisip ko parin ang sinabi niya sa stepmom ko. Bakit sya nagsinungaling? Buong akala ko ay ilalaglag niya ako sa gabing ito, pero hindi. Hindi niya ginawa.

Pero bakit? para saan? Clifford anong balak mo sakin?