Clifford Point of View
Palabas palang ako ng kwarto ko ay bumungad sakin ang umaalingaw-ngaw na tawanan mula sa ibaba. Nasa bahay ako ni mommy at daddy ngayon, dahil sinamahan ko si mommy mag shopping kahapon at gabi na kaming nakauwi.
Dali-dali akong bumaba at unang bumangad sakin ang iilang mga kaibigan ni mom at dad. Nag taas kilay ako sa pagtataka. Tumayo si mom at lumapit sakin, dahan-dahan din akong lumapit sa kanya.
"Goodmorning anak, join us." anyaya niya at hinila ako palapit sa may sala. Nanliit ang mata ko dahil pamilya ni Marilou ang nandito. Bakit kaya ang aga nilang naparito?
"Clifford pasensya kana at nagising ka namin. Medyo nagkatuwaan lang kami dito." paumanhin ni Mr. Charleston! Bahagya akong ngumiti kay Mr. Charleston, bago ibinalik ang tingin kay Mommy.
"I have to go, may gagawin pa ako sa office," ngiti ko sa bawat isa. Nagkatinganan silang lahat na tila ayaw pa akong paalisin.
Kalaunan ay nagsalita si daddy.
"Alright, naiintindihan ka namin son, para naman sainyo ni Marilou itong lahat diba? Para sa magiging apo namin." napalunok ako sa sinabi ni daddy sabay nang kanilang tawanan. Napailing ako nang ilang ulit nang hindi ko alam ang dahilan.
Tuluyan akong lumabas bago ang usapin namin. Maging saging paglalakad ay tila nawawala ako saking sarili. Fuck, hindi ko lubos maisip na magiging ganito ako kalutang nang dahil lang sa babaeng iyon.
Palapit palang ako saking kotse ng biglang tumunog ang aking phone, bumungad sakin ang pangalan ni mommy.
Mom: Huwag mong kalimutan sunduin si Marilou mamaya, may importante tayong appointment na pupuntahan. Tatawagan nalang kita kong saan tayo magkikita. Please anak, take care of Marilou. Ikaw na ang bahala sa kanya mamaya! I love you!
Kunot noo kong ibinaba ang phone saking bulsa. Seriously? Susundoin ko ba talaga ang babaeng iyon? Tsk! Sa buong buhay ko ay si mommy lang ang sinusundo kong babae, ni kahit ni isang babae ko ay hindi ko sinusundo, ako ang palaging nasusunod at ako ang palaging sinusundo.
Do I have a choice? Kailangan kong pilitin ang sarili ko.
Nilibang ko ang aking sarili sa office, naging busy ako sa mga oras na ito at kailangan kong magmadali dahil susunduin ko pa si Marilou. Wait, bakit ko nga ba sya naiisip sa oras ng trabaho? The fuck, dont tell me na--- naging interesado ang isip ko sa babaeng iyon?
This is so funny!
Bumalik ang diwa ko nang biglang mag ring ang aking phone mula sa mesa, bumungad sakin ang pangalan ni Robi, ang pinsan ko. Mabilisan konh pinulot ang aking phone at sinagot sya.
"The fuck!!!!" singhal ko sa galit. Si Robi lang talaga ang may kayang disturbohin ang diwa ko sa mga panahong ganito.
"Whoaaa! Something wrong? bakit ang angas mo ngayon?
umalingaw-ngaw ang boses ni Robi mula sa kabilang linya. Napahilot ako saking sentidu ang sumandal saking swivel chair.
"Anong kailangan mo? may ginagawa ako." naging kalmado ang boses ko. Natawa sya ng mahina.
"dude, Daniel is looking for you at kanina ka pa niya hinahanap. I dont know why, ano bang kailangan non?" sa puntong ito ay nanginig ang kamay ko sa galit. Napatuwid ang pag upo ko saking upoan. Kuyom ang isa kong kamao sa mesa. Hindi ko alam kong bakit ko nararamdaman ito ngayon. "Dude? hey? still there?" salita niya ulit. Hindi ako makapagsalita dahil naaalala ko na naman ang babaeng iyon. I remembered kong pano sya makipaglandian kay Daniel. I remember how he would handle Daniel! "Oh andito na pala si Daniel, bumalik sa office ko." bumalik ang diwa ko sa sinabi ni Robi. Narinig ko ang boses ni Daniel rason kong bakit ako natawa saking isipan. "Dude, gusto ka raw makausap. Mas mabuti eh sa bar nalang tayo mamaya ano game?" natawa ako sa sinabi ni Robi. Dahan-dahan akong napatayo at tumawa ng mahina.
"Sabihin mo, putang'ina niya." ma awtoridad kong sagot bago pinatay ang phone. Tawang-tawa ako saking isipan.
Bumalik ako saking trabaho hanggang mag hapon. Bigla kong naalala ang sinabi ni mom kaya mabilisan akong umalis sa office. Sabay nang pag andar ng aking kotse ay ang pagtunog ng aking phone. Bumungad sakin ang pangalan ni mommy.
Mom: Mr. Diego is waiting for you, pinapasundo na si Marilou.
Napahilot ako saking noo. Bakit tila nadagdagan ang trabaho ko simula nong dumating ang babaeng iyon, tila marami akong responsibilidad na kailangang sundin. Fuck! Fuck! Clifford hindi ito ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Hind ikaw to!
Pagdating ko ng School ay nakita ko agad si Mr. Diego at Marilou. Masaya akong tumungo sa dalawa na tila nasisiyahan sa na makita ang babaeng ito.
"Saan ba kasi kami pupunta ng lalaking iyon? Ang disturbo niya huh!" narinig ko pa ang pagmamaktol ni Marilou. Natawa ako saking isipan, mas nakaka disturbo ka sakin Marilou.
"Hello po, Sir. Medyo traffic kaya na late ako." hindi ko alam kong bakit bigla akong nagmano ngunit hinayaan ako ni Mr. Diego. Sa buong buhay ko ay ngayon pa ako nakaramdam ng nginig.
"Its okay hijo, no worries. May pinag-usapan rin kami ng apo ko." aniya. Nagkangitian kami ni Mr. Diego na ikinagalit naman ni Marilou. "Anyway kailangan nyo ng umalis. Becareful when driving, hijo. Kasama mo ang apo ko!" pagbabanta niya sakin na ikinataas kilay naman ni Marilou. Natawa ako bago sinamaan ng tingin si Marilou.
Iniwan kami ni Mr. Diego, habang nananatili kaming nakatayo ni Marilou. Hindi niya ako magawang tignan sa puntong ito. Napaismid ako!
"Saan ba tayo pupunta at nang didisturbo ka talaga?" singhal niya. Natawa ako habang nakatitig parin sa kanya na walang ekspresyon. Hindi ko lubos maisip na sya ang magiging asawa ko, kahit kailan ay hindi sya pasok sa standard ko. Shit, anong kagagohan tong pinasok ko at bakit pumayag ako sa gusto nilang lahat. "Ano? tutungaga nalang ba tayo dito? mahal ang oras ko, Clifford." bumalik ang diwa ko ng sumigaw sya sa harap ko.
"Follow me," tanging sagot ko. Napailing ako, huwag mo akong sigawan babae ka!
Dumiretso agad ako sa driver seat na ikinagalit niya. Ganyan nga Marilou, magalit ka sakin.
"Excuse me? Hindi mo manlang ba ako pagbubuksan ng pinto? Hindi ka naman pala gentleman." wika niyang naiinis. Umigiting ang panga ko sa sinabi niya.
"Malaki kana, kaya muna ang sarili mo." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Nanatili syang nakatayo mula sa gilid ng pintoan ng aking kotse na tila naghihintay na pagbuksan ko. Huwag kang umasa na pagbubuksan kita babae ka! Mag tiis ka!
Kalaunan ay kusa syang pumasok sa loob at sumunod agad ako na may ngiting pang-aasar.
"Kaya mo naman pala, ang dami mo pang sinasabi." sagot ko na mas lalo niyang ikinainis.
"I dont say anything, I just described your behavior." galit niyang sabi bago ako tinalikuran at humarap sa salamin ng bintana. Dahan-dahan kong pinaandar ang kotse bago sya kinausap ulit.
"Ginagaya ko lang kong ano ka, Marilou. Kong gusto mong alalayan at pagsilbihan ka, huwag kang mang-api." luwal mata syang tumitig sakin. Halos umusok ang magkabila niyang tenga.
"What?" sigaw niya. Pulang-pula ang mata niya sa galit. "Ulitin mo ang sinabi mo sakin, kundi makakatikim ka sakin." natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Sumulyap ako sa kanya nang may pang-aasar.
Makakatikim ka sakin? Pano ka nga ba tikman Marilou?
"Once is enough, Marilou. At hindi ako sirang plaka para ulitin ang sinabi ko." bagsak boses ko bago ibinalik ang tingin sa daan.
Ilang minuto rin nakalipas ay naging tahimik si Marilou, hinayaan ko sya hanggang sa makarating kami sa sinabi ni Mommy.
Bumungad sakin ang isang matayog na gusali. Build your own wedding dress? Napalingon ako kay Marilou na nakatingin na pala sakin. Umawang ang aking labi na ikinataas niya ng kilay. Bakit feeling ko ay masarap syang asarin, will see Marilou.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya na para bang hindi niya alam, nagkukunwari.
"I dont know," tanging sagot ko kaya tinaasan ko niya ako ng kilay. "My mom just text me na dalhin ka dito." dugtong ko. Natawa ako sa bigla niyang paglabas at hinayaang pagbuksan ang kanyang sarili.
Pumasok kami sa loob habang nakasunod ako sa kanya. Hindi ko alam pero napa head to toe akong napatitig kay Marilou. Natawa ako dahil magkakaasawa ako ng mukhang bata.
Dali-daling lumapit samin si mommy at nakig beso-beso ito kay Marilou.
"Buti nalang at nadala mo si Marilou dito, anak. Kailangan na kailangan nyo na talagang mag sukat dahil papalapit na ang kasal nyong dalawa!" masayang wika ni mom.
"Do I have a choice?" sagot ni Marilou na ikina igting panga ko. Tinawanan ko sya ng mahina. Galing ng sagot mo babae ka ah!
Naging busy sila ng dumating ang designer. Umupo ako sa mahabang couch at pasikretong sinusulyapan si Marilou. Hindi ko alam pero may kakaiba sa babaeng ito, hindi ko lang alam kong ano pero hinding-hindi sya ang tipo ko.
Nagpaka busy ako sa phone ko kahit wala naman akong ginagawa kundi pa balik-balik lang ng tingin sa screen.
"You sure Ms. Charleston? Take your time to look for more pretentiousness. I can wait anytime," nag-aalalang wika ni Mrs. Gobson ang designer. Napasulyap ako sa direksyon nila.
"Marilou, Its your wedding day, you cannot wear a simply dress." natawa si Marilou sa sinabi ni mom. Napasulyap sya sakin na taas kilay na tila nang-aasar.
"Why am I supposed to wear an elegant wedding dress? Kong sa hindi ko gustong tao ako mag papakasal? Ang useless lang naman diba? and beside, kasal ko ito at ako ang mag didecide sa kong anong gusto ko." sagot niya at bago ako sulyapan na may pang-aasar. Sorry Marilou pero hindi ako tinatablahan sa mga pang-aasar mo.
Sobrang easy!
"Follow what she want, mom. She's going to wear it. And beside I dreamed of being married to a lumpy girl." wika ko bago tumayo, tinalikuran ko sila nang walang paalam.
Napapikit ako ng sumalubong sakin ang init nang araw, tumungo ako saking kotse at napagdesyonang dito ko nalang hintayin si Marilou at mom. Bigla bigla nalang sumasagip sa isip ko ang pagpapakasal, kailangan ko ba talagang gawin ito?
Tumunog ang aking phone at bumungad sakin ang pangalan ni Matteo. Kumunot ang noo ko dahil minsan lang itong magparamdam sakin.
Matteo: Lets drink, Robi and I waiting for you. May sasabihin ako sainyong dalawa, importante at kailangan ko kayo.
Napasinghap ako sa nabasang message. Nagtipa ako at nireplayan si Matteo, he needs a friend and that's me and Robi.
Mag iisang oras na akong naghintay saa labas. Naramdaman ko narin ang galit at bagot dahil hindi ko manlang namalayan na kanina pa pala ako naghihintay.
Dali-dali akong bumalik sa loob sabay ng pag sigaw ni Mrs. Gobson, halos matumba ako ng bigla niya akong hinarangan. Tila nagkagulo silang tatlo!
"Sir Clifford bawal na bawal mong makita ang fiance mo, hanggat suot-suot niya ang wedding dress." natatarantang humarang si Mrs. Gobson, ngunit sa kaliitan niya ay dumirekta ang mata ko sa harap. Nagtama ang mga mata namin ni Marilou!
Dali-dali akong umiwas at tinakpan ang aking noo.
"Im sorry, my mistake. I'm going out!" mabilisan akong lumabas na para bang may malaking kasalanan, fuck nababagot na ako dito. Gustong-gusto ko nang uminom ng alak.
Napalunok ako at sumulyap muli sa salamin kong nasan ay kitang-kita si Mom at Marilou dito sa direksyon ko. Napailing ako bago hinilamos ang aking mukha. Hindi ko alam pero kakaiba ang kilos ko ngayon, dahil sa nakita ko kanin.
Matatawa ba ako o maiinis? Mang aasar ba ako o magagalit dahil sya ang mapapangasawa ko? Shit Clifford, humanap ka nang mas sexy. Natawa ako saking sarili, bago napahilamos ulit saking mukha.
"Siguro gandang-ganda ka sakin noh kaya hindi ka mapakali dyan?" halos mapatalon ako sa boses ni Marilou, mabilisan ko syang tinawanan.
"What?" usal ko na natatawa. Kitang-kita ulit ang pagkakainis niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya rason kong bakit sya napaatras. "Malayong-malayo ka sa mga babae ko, Marilou. Don't expect to much!" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Halos mamula ang mata niya sa narinig. Nakaramdam ako ng pag-sisisi ngunit sinigawan niya ako sa mukha rason kong bakit naamoy ko ang hininga niya.
"Expect mo mukha, anong akala mo ang gwapo mo? Hindi nakakagwapo ang maraming babae, atsaka huwag karing mag expect na itutuloy ko ang kasal natin dahil ayaw kong makasama ang isang tulad mo!!!" halos mapaatras ako sa malakas niyang sigaw. Whoa! Hindi ako makapaniwala na may babaeng sisigawan ako nang ganoon.
Ramdam na ramdam ko ang hingal niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sakin. Oo mali ang sinabi ko, pero kailangan ko syang sagotin at galitin. Bigla akong nanghina nang makita kong namumula ang dalawang gilid ng kanyang mata. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na ikinataas ng kanyang kilay.
Alam ko sa pagkakataong ito ay babagsak na ang kanyang mga luha. Mabilisan ko syang hinila sa may braso at niyakap ng mahigpit. Halos hindi sya makahinga ng isinubsob ko sya saking dibdib. Nagulat sya sa ginawa ko at mas lalo naman ako!
Panay ang tulak niya sakin at hindi ko sya binitawan. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Gusto kitang makasama," bigla iyong bumitaw saking bibig. Napapikit ako at ramdam na ramdam ko ang panghihana niya na kanina pa niya ako itinutulak.
Biglang may pumaradang kotse sa likuran namin at ramdam na ramdam ko kong sino iyon. Si Mr. Diego at ang daddy ni Marilou, natawa ako saking isipan.
Good timing! Iyon lang ang tangi kong nasabi. Hindi nga ako nagkamali at alam kong pamilya ni Marilou ang papalapit sa direksyon namin.