Chereads / HYEORAEK / Chapter 7 - Chapter 07

Chapter 7 - Chapter 07

Dahan-dahan lang ang ginawa kong paglakad palabas.

Ngayon pa lang ay parang nagsisisi na ako na mas pinili kong mauna kaysa sa kanila.

Ang dami nila, hindi ko mabilang at wala akong oras ngayon para magbilang. Nilingon ko si kuya ng bumulong siya sa amin.

"We will need a car," sabi pa niya.

Tinanguan ko lang siya at sabay kaming lima na naghanap ng sasakyan.

"'Yun!" nagitla ako ng marinig ko ang sigaw ni Ali kasabay ng paglingon ng lahat ng zombies sa amin.

Aish! pahamak!

"Takbo!" 'Yun ang huli kong narinig na sinabi ni kuya bago tuluyang lumabas sa glass door ng mall.

I ran quickly to my left and immediately kicked the zombie who first attacked me.

Agad kong hinanda ang arrow at bow ko at wala pang isang segundo ng pakawalan ko ito sa papasalubong sa 'king mga zombies. Paatras ako habang tinitira sila.

Nakikita ko sa peripheral view ko kung paano hampasin ni Matt ng kanyang dalawang arnis ang zombies sa magkabilang side niya.

Si Xavier naman ay parang naglalaro lang ng baseball sa paghagis niya rito sa bawat ulo ng mga nilalang. Napanganga ako dahil sa pagkamangha.

Nilingon ko si kuya sa kaliwa ko at ganoon na lang ang gulat ko dahil sa rami ng sumusugod sa kanya. May sumugod sa kanan niya at sinalubong niya ito ng malakas na sipa sa tiyan nito at pinaghahampas ng baseball bat niya.

May sumugod naman sa kaliwa niya at balak na sana siya nitong kagatin sa may leeg, but he blocked he's arm with a thick magazine na naging dahilan para hindi siya madakma nito.

Balak ko na sanang tumakbo papunta sa van na tinuro kanina ni Ali. But I notice him struggling with his weapon. Toy weapon to be exact! I don't have a right to insult him but I just really need my anger to let it out na kanina ko pa tinitimpi.

"You stupid!" sigaw ko sa kanya na parang baliw na pinagbabaril ng kanyang laruan ang zombie na lalapit sa kanya. Kahit isa wala man lang siyang napatumba. He's so stupid and I hate it!

Lumingon si Ali sa direksiyon ko habang malawak ang mga ngiti nito. I don't really get his aura. Kagabi ang seryoso niya, tapos ngayon para siyang takas sa mental kung makangiti ng wagas.

He pointed me while running to my side.

"Siya ang habulin ninyo, bilis!" he shouted.

What the?

Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit siya sa 'kin at nagtago sa likod ko dahilan para ako ang makita ng mga zombies at hindi siya.

Agad naman akong kumilos at pinana sila kahit 'yung iba ay sablay! Sh*t!

"What the hell are you doing?!" natataranta kong tanong sa kanya.

Alam kong katangahan ang tanong kong 'yun at obvious na naman ang sagot na gusto niya akong ipain sa mga zombies pero hindi ko akalain na ganito pala siya kasama!

"Pandak 'yung pain!" sigaw na naman niya at hindi ako pinansin. Pati mga lumalapit kanina kay Matt, Xavier at kuya ay napunta na rin sa aming direksiyon. Lahat sila kami ang puntirya!

Napanganga ako at hindi na maigalaw ang mga kamay ko na nakahawak pa rin sa bow at arrow ko na wala na ngayong arrow.

"Bilisan mo! Makakain na kami ni Misis!" rinig ko pa ring sigaw ni Ali sa likod ko.

Gusto ko siyang itulak papunta sa harap ko para maramdaman niya ang pakiramdam na nawawalan ng pag-asa. Parang isang iglap bumalik ako sa batang Alice na mahina at walang magawa kundi tumayo at matulala na lang. Napakuyom ko ang mga kamao kong nanginginig na ngayon.

Malapit na sila sa 'kin at nablangko bigla ang utak ko ng may malakas na pwersa ang humila sa 'kin palayo sa mga zombies na palapit sa amin. Kasunod noon ang malakas na pagsabog na naging dahilan para mapatakip ako sa tenga kong wala nang marinig ngayon.

It feels like De Jàvu!nangyare na ito noong nasa building kami ni kuya.

Tumakbo kaming apat papunta sa van at agad sumakay roon.

Nagpaiwan naman si Ali sa labas at kinakaway pa ang kanang kamay habang may hawak itong.. g-granada? Iyon ba ang pain na sinabi niya kanina?

I thought I was the bait all along! Hinusgahan ko agad siya!

"You okay sis? I'm sorry if I didn't tell you the plan. Ali was so stupid to choose you as a bait, I said it's either me or one of his friends!" galit na sabi ni kuya habang tinatanggal na 'yung magazine na nasa braso niya. Ngumiwi pa ng ilang beses ang bibig niya habang tinatanggal ito dahil may naiwan pa itong laway ng mga zombies.

Hindi ko naman siya masisisi kung hindi niya sinabi sa 'kin ang naging plano niya. Ako ang huling nagising sa kanila, malamang gumawa na sila ng plano habang natutulog pa ako, marami na rin ang nangyare kaya nakaligtaan niya siguro.

Pero pwede namang sabihin sa 'kin ni Ali ang plano habang palapit siya sa 'kin, hindi 'yung sarili ko mismo ang pinapaniwala kong masama siyang tao!

"Asta la vista, baby!" Napalingon ako sa labas ng sumigaw si Ali at nakitang buong lakas niyang hinagis ang granadang hawak niya sa mga nilalang na ilang metro na lang ang layo sa van na sinasakyan namin.

Bago pa ito sumabog ay mas mabilis pa sa alas kwatrong sumakay si Ali sa van at kahit hindi pa man nito nasasara ang pinto ay naramdaman ko na agad ang mabilis na pagpaandar ni kuya rito.

Iisipin ko na sanang naghihiganti ngayon si kuya kay Ali dahil hindi na nito inisip ang huli at agad na pinatakbo ang van. Pero saktong pagka-alis namin sa pwesto ang siyang pagsabog ng granadang hawak ni Ali kanina.

Timing..

Napapikit ako nang mariin at pilit na hindi lumingon sa tabi ko nang may maramdaman akong tumalsik sa tabi ng bintana ko. I bit my lips as I started to feel my chest tightened and my hands shaking uncontrollably. Napahawak ako nang mahigpit sa mga kamay ko at pilit na kinakalma ang sarili. Sh*t!

Blood.

"Yuck! Kadiri!" reklamo ni Ali na alam kong nakaupo na ngayon malapit rin sa bintana ng van. Nasa likod silang tatlo habang nasa driver seat si kuya at ako naman sa front seat.

"Ang intense 'nun!" rinig kong sabi pa ni Xavier.

"Ali Madrigal," we heard kuya called Ali using his warning voice.

Napamulat na ako ng mga mata ko nang sa wakas ay napakalma ko na rin ang sarili ko. I feel relieved since Erros didn't notice my actions. Sabay-sabay naman kaming napalingon kay kuya na naka focus lang ang tingin sa tinawag niyang tao. I tilted my head, how did he know his full name?

"Ano na naman, bakla?" walang gana na sagot ni Ali.

Mukhang napikon si kuya sa pagtawag sa kanyang bakla kaya kumuha siya ng isang bagay- maliit na stuff toy- at hinagis sa direksiyon ni Ali. Natawa naman si Xavier.

"Stop calling me bakla. I'm not gay!" kuya defend himself.

Huminga ako ng malalim dahil sa kabila ng napakaraming pangyayare ngayong araw hindi pa rin matapos tapos ang isip-bata-at-bakla bangayan nila. And as expected, bumelat lang si Ali sa kanya.

"Apologizes to my sister. You make her as a bait earlier. Don't you know how it will make her traumatized because of your childish act, you stupid?!" Nanlilisik ang mata ni Kuya habang nakatingin sa rear view mirror. I'm sure that it reflects it to Ali side.

Hindi na ako nag-expect na magsosorry si Ali dahil sa childish niyang pag-iisip.

But it make me want him to apologize when both of his colleagues force him to apologize to me. Parang ngang pride niya ang mawawala pag nagsorry siya sa 'kin. And kuya is right, it traumatized me then and now.

"Tangek ka rin kasi eh. Sabi ko ako ang lapitan mo eh!" paninisi ni Xavier sa kaibigan niya.

"Siya kaya may kasalanan.

Tinawag niya kong 'you stupid' kaya siya na lang nilapitan ko!" dahilan ni Ali. So it's my fault now? Mapait akong natawa.

"Mag-sorry ka na nga kasi Ali," pamimilit ni Xavier.

"Don't be childish," Matt added.

"Babaan mo ang pride mo. Mahal ka niyan kaya mapapa-"

"Stop right there. Xavier," Kuya ordered.

Nagtaas ng dalawang kamay si Xavier at tumawa ulit.

"Uy Rhyme, sorry boss," paghingi ng patawad ni Xavier habang natatawa pa rin.

Nanatili akong tahimik habang nakapikit na ulit at nakasandal sa headrest ng upuan. Napamasahe ako sa sentido ko, sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Pero napadilat din ng marinig ko ang 'pride' raw ni Ali.

"Sorry..." he said.

"Yown!" I heard Matt and Xavier exclaimed.

"Misis," dugtong niya pa kaya naman nairita na ako at napapikit ng mga mata habang pinipigilan ang sariling magalit.

"Alice," I corrected him.

"Misis," ulit niya.

"Alice," pagdidiin ko pa saka nagmulat ng mga mata at deretso lang ang tingin sa window ng sasakyan.

"Misis nga eh!" pagpupumilit niya pa.

Naiinis man ako sa ka-mi-misis niya sa 'kin hindi ko na lang siya pinansin at pumikit na lang ulit. I don't want to act childish like him. Ayaw ko nang patulan pa at magaya pa ako kay kuya na laging badtrip sa kanya.

"She's not your wife," rinig ko pang sabi ni kuya.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at nagpadala sa agos ng antok na kanina ko pa nadarama.