"Na 'san na tayo boss?"
Wala sa sarili akong napadilat ng mga mata ko at habang nag-aadjust pa rin ang paningin ko ay patuloy ko naman naririnig ang usapan ni kuya at Xavier.
"I honestly don't know," dismayadong bulong ni kuya. Luminaw na ang paningin ko kaya umayos na ako ng upo at hinilot ang nangangalay kong leeg.
"You're awake. Here drink it. Tsk. Ginagawa mo na naman ang 7 hours sleeping routine mo," puna ni kuya sa pagtulog ko. Inabot niya rin sa 'kin ang isang mineral water at isang de-lata na ulam. Kinuha ko 'yun at ininom muna ang tubig. So I sleeps in 7 hours?
That's my sleep routine everyday to gain some energy at hindi ko alam na makakatulog pa ako ng ganoon katagal simula nang mga naganap ngayong araw.
"I thought you know this place already, Kuya," mahihimigan ang disappointment sa boses ko. Hindi naman sa nag-eexpect ako na ma me-memorya niya agad ang bawat sulok ng marikina but he stayed here for how many years. Inilapag ko muna sa baba ko ang de-lata, wala akong ganang kumain.
"I know. Pero hindi naman lahat alam ko, don't worry lil sis hindi pa naman tayo naliligaw. This place looks familiar to me," dagdag niya.
Tapos naging dahan-dahan na yung pagmamaneho niya saka inikot ang paningin.
"Hindi pa ako nakakapunta rito pero parang nagiging pamilyar rin sa 'kin ang lugar na ito," sabi pa ni Xavier.
Nakigaya na rin ako sa dalawa ko pang kasama na si kuya Erros at Xavier na abala na ngayon sa paglilibot ng mga paningin sa paligid.
Habang 'yung dalawa ay mahimbing na natutulog. Si Matt na nakasandal sa salamin ng van at si Ali na ngayon ay nasa tabi na ni Matt at nakasandal naman ito sa balikat ng kaibigan.
Hindi ko rin akalain na magiging ganito kaseryoso ang mukha ni kuya at lalong-lalo na ni Xavier. Sa pag-uugali kasi ni Xavier- based on my observations- akala ko madadatnan ko rin siyang mahimbing na natutulog sa tabi ng kanyang dalawa pang kaibigan. But I'm wrong. Hindi ko pa nga sila kilala.
"Now I know why it's looks familiar.." mahinang bulong ni kuya. Mas bumagal pa ang pag-andar namin kaya mas nabigyan ako ng oportunidad na makita ang nasa labas.
Expected na ang magulong senaryo pero mapapansin mo kaagad ang kay daming baril na nakakalat at mga.. baston? wait.. napaangat ang paningin ko sa nakasulat sa pinakamataas na pader ng gusali, bago ko pa ito mabasa ay naunahan na ako ni kuya na banggitin niya ito.
"Marikina Police Station."
Inihinto ni kuya ang sasakyan. Naging tahimik kami katulad ng katahimikan sa labas ng sinasakyan namin. Walang kahit na anong bakas ng mga nilalang na na-encounter namin kanina.
"Police station. So pwede ba tayo ritong humingi ng tulong?" Xavier asked innocently.
Xavier is right. Ang mga police ang nagsisiguro ng kaligtasan at katahimikan ng isang lugar. Maaari kami sa kanilang humingi ng tulong pero nasaan sila? Nasaan ang mga police na dapat tumutulong sa mga nangangailangan? Naging zombie na rin ba sila lahat? pero bakit ang tahimik ng paligid--
"'Yan ang bagay sayo! Mga peste kayo kung anong nilalang man kayo!" rinig namin sa kung saan.
Nagtagpo ang mga tingin naming tatlo at sabay na nilingon ang pigura ng isang nilalang na abala sa pagtatadyak ng kung ano man ang nasa ibaba niya.
Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa windshield at pinagmasdan siya habang abala pa rin ito sa ginagawa.
Now I have a clear view of him. Lalaki siya base sa ikli ng buhok niya pati na rin ng pangangatawan niya. Galit na galit ito na pinagsisipa ang zombie na nasa paanan niya, puno ito ng dugo sa damit niya at pantalon. Katamtaman lang ang kulay ng kutis, at ang mas nakaagaw ng pansin ko ay 'yung medyo mahaba niyang baba.
"Zombie na ba 'yan?" narinig ko sa likuran ko ang boses ni Ali na medyo namamaos pa.
I didn't notice na gising na rin pala ang dalawang kasama namin at nakikitingin na rin sa nilalang na busy parin sa paninipa ng kakawang zombie.
"Stupid! May nagmumura bang zombie ha?" pamimilosopo naman ni kuya. Here we go again.
"That's enough. Tama na muna iyang away ninyo, masyado niyo ng kina-career ah," biro naman ni Xavier sa dalawa. Nag-irapan pa ang mga ito bago ituon uli ang paningin sa labas.
"Mga p*tang in* niyo!" mura ulit niya at walang awa na pinagsisipa ulit ang nasa ibaba niya.
"Bakit ba siya mura ng mura?Patay na nga oh!" Ali stated.
Napansin rin siguro ni Ali na hindi na gumagalaw pa ang nilalang at nakakadiri na rin tignan dahil malapit ng makita ang bungo nito, medyo labas na rin ang mga mata. Napapikit ako ng mga mata at agad na iniwas ang tingin.
"We're going outside." Napalingon ako kay kuya ng sabihin niya iyon.
"Wag! Baka zombie na ang isang 'yan!" pigil ni Ali samin.
"Wala akong pakialam sa takot mo, Mister. Kailangan nating lumabas dahil kakailanganin natin ang mga armas na nasa labas o loob man ng police station na ito," sagot naman ni kuya.
Tumahimik si Ali at nakuha niya siguro ang punto ni kuya. Kakailanganin nga namin ng mga armas. Wala ng arrow ang pana ko, mukhang mas sanay si Xavier at Matt sa baril. Si kuya naman ay kahit wala ng armas dahil sanay na ito sa pisikalang pakikipaglaban. While Ali? No comment.
"Let's go," wika ni kuya kaya isa-isa na kaming lumabas sa van. Nararamdaman ko ang takot ng mga kasama ko, kahit ako ay ramdam ang panginginig ng tuhod ko. Mas gusto ko pa yata 'yung nakikita ko na agad ang mga kalaban, kaysa sa ngayon na wala kaming ideya kung nasaang sulok man ang mga ito. And what worst is we don't have any idea or info about this station.
Saktong pagkasara namin ng pinto ang biglaang pagsugod ng isang nilalang na nakauniporme pa ng pulis. Sa side namin ito sumugod kaya kusang lumapit si kuya rito at mahina akong tinabig saka buong pwersang sinuntok ito sa mukha. Nang matumba na ito sa sahig ay mabilis niya itong hinampas ng baseball bat niya hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay sa sahig ng kalsada.
Napansin ko ang paglingon ng estranghero sa amin at halatang nagulat ito sa nakita niya. Hingal na hingal ito at nanlalaki ang mga mata na kasalukuyang nakatingin sa amin.
"Mukhang nagulat natin siya,"
sabi pa ni Xavier habang inilagay niya sa balikat ang baseball bat niya at saka prenteng sumandal sa sasakyan.
Pero mas nagulat kami ng mabilis itong tumakbo sa pwesto namin at parang nakakita ng isang himala.
"Mga Sir at Ma'am! Isama na ninyo po ako sa inyo. Wala na po akong mahihingan ng tulong," pagmamakaawa nito samin at napaatras ako sa gulat ng lumuhod pa ito sa harapan ko.
Nakita kong napatayo na si kuya ngunit hindi nito pinansin ang lalaking nakaluhod pa rin sa harap ko. Erros started to walked like he didn't see anyone but immediately stop when the man in front of me talk again.
"Alam ko ang pasikot-sikot ng lugar na 'to!" malakas na sigaw nito kay kuya at mabilis na tumayo.
Parang isang kisap mata lang ay nakalingon na sa kanya si kuya at lumapit rito ng kaunti. Habang kaming apat ay patuloy na nakamasid sa pag-uusap nila. Wala naman sa 'kin kung isasama namin siya pero kilala ko si kuya, mabait siyang tao sa mabait rin. At sa mga tingin niya sa estranghero ay parang may pag-aalinlangan siya rito. Bakit kaya?
"Are you bitten?" parang boss kung magtanong si kuya sa lalaki. Umiling ang lalaki na parang ngayon lang nag sink in sa kanya ang tanong... or not..
"Bitin?.." clueless nitong tanong.
"Kung nakagat ka kamo, tanga.." naging bulong 'yung huling salita ni Ali kaya 'yung una lang ang naintindihan ng lalaki. Sinamaan ko ng tingin si Ali pero hindi lang ako pinansin nito. Tumango-tango naman ang huli at tumawa pa.
"Ah, bit-tin? Bite? Ako nakagat? Hindi no! Kahit sampung police pa ang pinatumba ko walang makikitang galos sa mga muscle ko noh!" mayabang nitong sabi samin. Itinaas pa niya ang maruming manggas ng t-shirt niya at pinagmamalaki pa ang mapayat niyang muscle kaya narinig kong natawa sa likuran ko si Xavier.
"So your a criminal?" tanong ulit ni kuya sa kanya.
Hindi ko mawari ang pinapahiwatig ng mga tingin ni kuya sa lalaki. Kung nang-iinsulto ba ito dahil kahit alam niyang hindi ito nakakaintindi ng english ay 'yun pa rin ang ginagamit niyang lenggwahe. O sadyang nasanay lang talaga siya sa environment ng mga ka-office meats niya kaya nadadala niya pa rin ito kahit sa labas ng building nila.
"kriminal? Hindi uy. Napagkamalan lang na kriminal. Mga taksil kasi 'yung mga kaibigan ko eh, habang natutulog ba naman ako eh tinapon sa 'kin bigla 'yung ninakaw nilang tinapay sa kabilang palengke! Kaya nakulong ako, tapos bigla nalang nanugod ang mga pangit na 'yun! Buti na lang napakawalan agad kami ng police. Muntik na nga akong lapain noong isang 'yun eh!" mahaba niyang lintaya at tinuro pa ang zombie na kanina pa niya pinagsisipa. Base sa suot nito masasabi kong isa itong detainee, lalaki ito at kulubot na rin ang parte ng mukha.
"What do you think guys?" baling naman ni kuya samin. Pumayag si Xavier at Matt sa pagsama ng estranghero pero si Ali ay napailing na lang.
"Mukha siyang masama.." reklamo ni Ali.
Pero dahil nga magkaaway sila ni kuya ay hindi siya nito pinansin at tumango na lang sa lalaki. Natuwa naman ang huli.
"You will come with us but with one condition. Ituturo mo sa amin kung saan mahahanap ang mga armas.. and the map.."
Kunot noo akong napatingin kay kuya. Map? There's a map here in this station?
"It's familiar to me like I said earlier. Dito noon dinala ang katrabaho ko na nakulong. May nakita ako ritong mapa ng marikina na nakadikit sa pader pero hindi ko na maalala kung saang parte iyon ng station," he clarified to us.
So that's explain why. Pwedeng makatulong ang mapa na iyon sa paglalakbay namin. Wala kaming alam sa marikina except for kuya, and this is an opportunity para mas mapadali ang lahat, para malaman din namin ang magiging daan namin. It's better to be safe than sorry, right?
"Sige ba!" sang-ayon ng lalaki. Bago pa kami tumahak ng magiging daan namin ay nagsalita ulit ang lalaki.
"Ako pala si Drew mga pare.. at Miss. 'Wag kayong mag-alala alam ko na kung saan ang ligtas na daan para hindi tayo makita ng mga naglalaway na mga pangit na 'yun. Sa likod tayo pumasok at 'wag sa unahan kasi sigurado akong inaabangan pa rin nila ako doon," walang tigil sa pagkukwento ang nagpakilalang Drew sa amin.
Mukhang may makakatalo na kay Xavier at Ali sa pagiging madaldal at palatawa. He spoke like there is no threatening danger around us. But I would be more happy if he speak in a lower voice because he might called the attention of the zombies around us. If there is..
Bago kami pumasok sa backdoor na may bakas pang dugo ay may binulong pa muna sa 'kin si kuya bago kami tuluyang tumuloy sa loob.
"I don't trust that guy lil sis. It's better if you stay on our side to secure your safety, okay?" I heard him say before we enter.