(Marahuyo)
"Shopkeeper, papaano ko malalaman ang mga pansariling statistika ko?" Tanong ko, mas mabuti sigurong alamin ko nalang kung papaano ko malalaman kaysa tanungin ko sakanya kung ilan ang mga attribute points ko. Inilagay ng shopkeeper ang kamay niya sa kanyang ulo, napakamot siya atsaka niya sinagot ang tanong ko.
[Heto't tanggapin mo ang 'manual'.]
Initsa niya sa akin ang isang makapal na libro at sinalo ko iyon, may katamtaman itong bigat na kaya kong buhatin. Binasa ko ang titulo ng libro, nakasulat ito na may iba't-ibang korte.. mahirap ilarawan kung ano ba talaga ang alpabetong gamit ngunit gaya ito sa nakasulat sa mga scroll.
'The Basics for Dummies'
Napakunot ang noo ko at tiningnan ko ang shopkeeper, nakasara ang bibig niya at pinipigilan ang kanyang pagtawa. Napa-iling-iling na lamang ako at tuluyang binuksan ang libro. Binasa ko ang ilang pahina at itinigil ko agad ang pagbabasa, sa una't pangalawang pahina pa lamang ay marami na akong natutunan. Sapat na ito para pagnilay-nilayan.
Sa unang pahina mababasa ang 'Attributes'
-Ang mga attributes ay ang mga pangunahing statistika ng bawat nilalang sa loob ng Tore. Ito ang nagsisilbing indikasyon para malaman ang kalidad ng kapangyarihan ng isang nilalang. Naaayon ito sa bawat puntos na bumubuo sa kanyang pansariling statistika na binubuo naman ng tatlong bagay. Bukod pa roon ay may tinatawag na pangunahing attribute, ito ay maaaring piliin matapos maging Level - 1 ang isang nilalang sa loob ng Tore.
Sa una at pangalawang pangungusap ay malalaman na ang bawat nilalang sa loob ng tore ay may attributes, napatingin ako sa shopkeeper at napa-isip ako kung gaano kataas ang attributes niya. Umiling siya sa akin na para bang sinasabi niya na hinding-hindi niya sasabihin sa akin kahit na ilang puntos pa ang ibayad ko.
Sunod ay ang tatlong bagay na bumubuo sa pansariling statistika pero bago iyon ay may nakasulat na ilang salita sa itaas nito.
'Noobs Must Die'
Ha? Nakakapagtaka lang na may ganoong mga salita na nakasulat.. gusto ko sanang tanungin ang shopkeeper pero mukhang wala siyang alam dahil nagkibit balikat siya. Sino kaya ang nagsulat ng librong ito?
Binasa ko ulit ang sumunod na pangungusap, kanina ay in-scan ko lamang ang laman dahil gusto ko lang na makita kung ano ang mga mababasa sa libro. Sa pagkakataong ito ay itatanim ko sa puso't isipan ko ang mga matututunan ko dahil sigurado akong kailangang-kailangan ko ang mga ito.
*Strength
-Ang strength attribute ay nagbibigay ng Health Points at Health Regeneration.
-Sa bawat puntos na mayroon sa strength attribute ay nagbibigay ito ng mga sumusunod:
20 Health Points.
0.01 Health Regeneration
-Ang mga nilalang na may pangunahing attribute na strength ay nakakatanggap ng dagdag na isang puntos sa kanilang damage output sa bawat isang puntos sa strength.
(Para sa mga karagdagang kaalaman patungkol sa mga Strength Based na nilalang sa loob ng Tore, maaring magpunta lamang sa pahina kung saan matatagpuan ang Listahan ng mga Kampyon.)
*****
Ha, mukhang alam ko na kung saan papunta ang iba pang mga attributes. Ipinagpatuloy kong basahin ang libro hanggang sa matapos ako. Ngayon ay nakasisiguro na talaga ako na alam ko kung ano ang lugar na ito, masasabi kong isa akong avid fan ng laro.
'Defence Of The Ancients 2!' bulong ko sa sarili ko.
Itinapon ko sa shopkeeper ang libro para magmukhang bad boy, tumawa ako dahil nakita kong nagniningas ang mukha niya sa inis. Hindi lamang pamilyar ang mga gamit na nakita ko sa mesa ng shopkeeper, tama ang hinala ko na ang Tore na ito ay hango sa larong Defence Of The Ancients 2. Nakumpirma ko ito matapos makita ang bawat impormasyon sa loob ng libro.
[Bisita, ano ang problema? Bakit mo naman itinapon sa akin ang librong pinahiram ko nang buong puso sayo? May itinatago ka bang galit sa akin?]
"Manahimik ka GabeN, maraming salamat pero hindi ko na kailangan ang tulong mo simula ngayon. Unang-una pa lamang ay pinagtri-trip-an mo na ako, hindi ko gusto ang mga ginawa mo. Ngayong hindi na kita kailangan, wala kanang silbe."
Halos matabunan ng balat niya sa noo ang mga mata niya sa sobrang pagkunot ng kanyang noo.
[Ilang libong taon na nang may huling tumawag sa pangalan ko Bisita. At sa pagkaka-alam ko ay nasa loob pa rin siya ng Tore.. nawa'y maging maligaya ka sa pamamalagi sa loob ng Tore, Bisita. Ako'y magpapa-alam na dahil hindi mo na ako kailangan. Paalam...]
Nawala na parang bula ang Shopkeeper. Ha, ulol! Kasabay ng paglalaho niya ay muli kong nasilayan ang bilugang nagliliwanag na TP scroll.
---
Matapos mawala ang liwanag mula sa TP scroll, muling lumitaw ang shopkeeper. Nakangiti siya sa kawalan at tila ba'y nag-iisip siya nang malalim. Kapag-kuwan ay tinatapik niya ang mesa atsaka niya kakamutin ang ulo niya.
[Maligayang pagdating Bisita mula sa ibang dimensyon!]
[Ako ang Shopkeeper ang tagapangalaga ng lugar na ito.]
Isang nilalang ang lumitaw at agad itong binati ng shopkeeper.
Di gaya sa batang lalaking kausap niya kanina, buo ang bato na hawak-hawak ng bagong dating. Kulay asul naman ito hindi gaya sa bato ni Marahuyo.
"Ito ba ang Unang palapag ng Tore?" Tanong ng bagong dating sa shopkeeper.
Mahaba ang itim na buhok ng babae, abot ito hanggang sa kanyang paanan. Maputla ang kulay ng kanyang balat at sa unang tingin ay aakalaing mayroon siyang malubhang sakit. Asul ang pares ng mata niya gaya sa kulay ng kanyang damit. Mahabang patulis ang tainga niya at kapansin-pansin ang mga hasang niya sa leeg.
'Isang nilalang mula sa Planetang Deep' Naisip ng shopkeeper. Tumango siya sa tanong ng babae at nagning-ning ang mga mata ng shopkeeper matapos humugot ng maliit na supot sa baywang ang babae, inilapag nito ang ilang piraso ng gintong salapi at sinabi, "Pagbilhan mo ako ng Salve, Tango at Clarity Potion, tig-tatatlo."
Taliwas sa Bisita bago dumating ang babae, walang alam at walang pera ang batang lalaki kaya't nilibang ng shopkeeper ang sarili niya mula sa paggawa ng mga nakakatawang bagay sa pamamagitan nang pang-iinis sa batang lalaki. Bihira ang mga pagkakataong ganoon kaya naman hindi iyon pinalagpas ng shopkeeper, ngunit tila ba mapagtanim ata ng galit ang batang lalaki.
Matapos nitong basahin ang libro na ipinahiram niya ay bigla na lamang tinapon ng batang lalaki ang libro at sinabing wala na siyang silbe kaya'y hindi na siya kailangan nito.
"Shopkeeper, akin na ang mga pinamili ko. Bitaw!"
Nagitla ang shopkeeper dahil tila nawala siya sa sarili at nagkikipag-agawan na pala siya sa bagong dating.
[Pasensya na Bisita, ako'y may iniisip lamang.]
[Ang lugar na ito ang pinaka-unang palapag ng Tore ng Walang Hanggang Patayan kung saan ang mga gaya mo, ang mga Bisita ay sasa-ilalim sa mga pagsubok at kapag nalagpasan iyon ay malaking pabuya ang naghihintay para sa magiging Kampyon.]
[Bilang unang pagsubok mo, sundin mo lamang ang mga naka-atas dito at simulan na natin ang laro sa Walang Hanggang Patayan!]
Sunod-sunod na bigkas ng shopkeeper, nanatiling nakatayo lamang ang babae at hinintay ang mga susunod na mangyayari. Tila nawalan nang gana ang shopkeeper at naalala nanaman niya ang batang lalaki.
Matapos mawala ang TP scroll, napatulala sa kawalan ang shopkeeper at iniisip niya kung kailan babalik ang batang lalaki.
---
Samantala...
"Huyo, Huyo! Anong nangyari sa iyo? Gumising ka Huyo!" Panay ang hagulgol kasabay nang nag-aalalang sigaw ni Yari.
Hindi maintindihan ni Kanor ang nangyayari kaya't nakatunganga lamang siya dahil bigla-bigla na lamang nawalan nang malay si Marahuyo kasunod naman niyon ay ang pagtakbo ni Yari at niyakap niya ang walang malay na katawan ng lalaking buong akala niya ay walang panama sakanya.
Simula sa pagkabata nila ay ni minsan ay hindi naranasan ni Kanor ang yakap ni Yari, ngayong nasasaksihan niya mismo sa kanyang harapan ang inaasam-asam niya.. nagbaga ang pinagsamang selos at galit sa puso ni Kanor.
Akmang gagawa na si Kanor ng pagsisisihan niya ngunit may mabigat na kamay ang pumigil sa kanyang katawan, dumiin ito sa kanyang balikat at hinatak siya nito papalayo.
"Yari, dalhin natin si Huyo kay ama.. madali ka, buhatin natin siya at ilagay mo siya sa likuran ko."
Ikinagulat ni Yari ang mga nangyari.. hindi niya napigilan ang sarili niya na mag-alala matapos biglang mawalan nang malay si Marahuyo sa harapan niya, napatulala siya at tumingin sa galit na galit na ekspresyon ni Kanor ngunit napagtanto niya na mas importanteng sundin niya ang sinabi ni Tsago.
Ilang araw na na sinusundan ni Tsago ang matalik niyang kaibigan, patawa-tawa siya noong umpisa dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ni Marahuyo. Itinutulak nito ang lupa hanggang sa pagpawisan nang matindi, kasunod naman niyon ay ang pag-angat-baba ng katawan niya habang nakaipit ang paa nito sa mabigat na kahoy.
Kakatwa sa paningin ni Tsago ang mga ginagawa ni Marahuyo ngunit kapansin-pansin ang determinasyong matapos ang mga gawain sa mukha ni Marahuyo tuwing uumpisahan nito ang kakaibang kilos.
Lumakas ding kumain ang matalik niyang kaibigan at ilang araw lang ang makalipas ay kayang-kaya na nitong gawin lahat ang mga aksyon na magkakasunod at walang pahinga. Napa-isip si Tsago na gayahin ang mga kakaibang kilos ni Marahuyo at naranasan niya kung gaano kahirap ang pinaggagagawa ng kaibigan niya. Masakit ang buong katawan ni Tsago matapos ang mga kilos at hindi niya nagagawang matapos ang mga ito.
Isang beses pa nga ay nawalan siya ng malay sa sobrang kapaguran, kaya't nang malaman ng ama ni Tsago ang nangyari ay gumawa ito nang espesyal na pinagsama-samang halamang gamot upang mabawi niya ang lakas na nagagamit tuwing ginagaya niya ang mga kilos ni Marahuyo.
Laking tuwa ni Tsago na sinosuportahan siya ng kanyang ama at nang maisip niya na maari niya ring ibigay ang espesyal na halamang gamot sa kanyang kaibigan ay dali-dali niyang tinungo ang barong-barong nila Marahuyo, ngunit nang malaman sa ina ni Marahuyo na umalis ito ay agad na hinanap ni Tsago ang kaibigan at nang madatnan na wala itong malay. Agad na sumagi sa isip niya ang halamang gamot, kinakailangan lamang madala si Marahuyo sa bahay nila.
Bitbit sa kanyang likuran, tinakbo ni Tsago ang daan papunta sa kanilang tahanan. Kung noon, bago magsimulang mag-ensayo ng katawan si Tsago ay paniguradong hirap na hirap siguro siya sa pagbuhat sa katawan ni Marahuyo. Hindi gaanong malaman si Marahuyo at hindi rin siya mapayat, ramdam ni Tsago ang bigat ngunit kaya at aabutin niya ang bahay bago pa man siya maubusan ng lakas.
Naiwan sa eksena si Kanor, matapos tingnan ang papawala nang pigura ni Yari at Tsago sa di kalayuan ay hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Sinipa niya ang lupa at galit na umalis papa-uwi.
'Humanda kayo!'
---
Nang magkamalay si Marahuyo ay agad niyang nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Yari. Kumunot ang noo niya at pinigilan ang patuloy na pagpunas ng basang tela ni Yari sa kanyang mukha.
Napatingin si Marahuyo sa iba pang tao na nakatayo malapit sa higaan, hindi nakatakas sa pansin niya ang pagpapalabas ng hangin sa ilong ng albolaryo. Nakita niya ang matalik niyang kaibigan sa tabi ng bintana, "Ayos lamang ako..."
Napatigil ang mga sasabihin ni Marahuyo nang biglang makaramadam siya nang pagyakap at sumunod doon ang atungal ni Yari, "Hu-- Huyo.. labis akong nag-alala.. ang buong akala ko ay papanaw ka na..."
"WTF?" Napatingin si Marahuyo kay Tsago, pa-inosente nitong kinakamot ang pisnge niya gamit ang hintuturo.
"A e.. konti lang naman.. tinakot ko lang siya nang kaunti." Depensa ni Tsago para sa kanyang sarili.
Biglang nalasahan ni Marahuyo ang kakaibang uri ng likido sa kanyang bibig, maalat ito at tila ba mayroon din itong lasang hindi niya maintindihan.
'Pwe! Putya ano to!' Pinunasan ni Marahuyo ang dila gamit ang basang telang inagaw niya sa mga kamay ni Yari.
Biglang may bumatok sa ulo ni Marahuyo matapos niyang idura ang laman ng kanyang bibig.
"Ha! Hindi mo alam kung gaano kahirap gawin ang gamot na iyan at sinasabi ko sa iyo, ilang daang kilometro ang layo nang nilakad ko upang mahanap lamang ang mga sangkap para sa gamot na idinudura mo lang! Naku, bata ka! Talagang puputok ang mga ugat ko sayo!" Napa-upo sa bangko ang albularyo matapos sumakit ang batok niya.
Nagtataka sa mga nangyayari, bumalik ang isipan ni Marahuyo sa mga nangyari bago siya nawalan ng malay. 'Tama, matapos na makita ko ang dyamante sa hikaw ni Yari ay nagpunta ang kaluluwa ko sa Tore.. putya, halimaw si Davion.. isa siyang halimaw! At hindi ko ata kakayanin ang uri ng pakikipaglaban na ginagawa niya!'
"Ayos ka na ba Huyo? Nadatnat kitang walang malay kanina sa daan, balak ko sanang sabihin sa iyo na may epektibong gamot si ama para maibsan ang kapagurang nararamdaman mo tuwing ginagawa mo ang mga kakaibang kilos - gaya nung pagtutulak mo sa lupa. Iyong gamot na idinura mo ay ang gamot na tinutukoy ko." Ani Tsago.
Napatingin si Marahuyo kay Yari, "A e.. ako ay aalis na." Nahihiyang banggit ni Yari habang itinatago ang mukha nito sa kanyang mga kamay.
Tumagilid ang ulo ni Marahuyo at nanghihingi nang karagdagang impormasyon ang mga mata niya sa direksyon ni Tsago.
"Nang mawalan ka nang malay, ano.. kayo na lang ang mag-usap." Nilisan ni Tsago ang kwarto ngunit bumalik ito agad at hinatak papalabas ang usiserong ama niya.
Naiwan sa kwarto ang isang binata at dalaga na nagtititigan. Namula ang buong mukha ni Yari at naalala ang paraan nang pagtitig ni Marahuyo noong malaman nitong nililigawan siya ni Kanor. Napakagat siya sa ibaba niyang labi at hindi napigilan ng katawan niya na pagsalubungin ang kanyang mga paa.
Simula pagkabata ay matagal nang minimithi ni Yari na tingnan siya ni Marahuyo sa paraang ganoon, ngunit ni minsan ay hindi niya iyon naranasan. Lalong-lalo na nang mangyari ang aksidente at naging kulang-kulang ang isipan ni Marahuyo. Pawala na ang pag-asa niya ngunit ilang buwan bago ang 'insidente - kung saan nagpahayag nang pag-ibig si Kanor' napansin ni Yari na may kakaiba sa mga kinikilos ni Marahuyo, para bang bigla na lamang itong nag-ibang tao.
Malapit sila sa isa't isa kaya naman alam ni Yari kung papaano kumain si Marahuyo, anong kamay ang ginagamit nito, papaano nito hawakan ang kutsara at isama na ang paraan nito nang pagkuha ng pagkain.
Ibang-iba na lahat nang kilos ni Marahuyo kaya't hindi maintindihan ni Yari kung ano ang nangyari sa sinisikreto niyang iniibig.
Kung ikukwento niya ang mga napansin sa mga taga rito ay paniguradong hindi siya papaniwalaan at kung sakali mang mayroong maniwala, malamang ay para lamang mapansin niya ang taong iyon.
Sa eksena kung saan biglang dumating si Marahuyo at nadatnan nito ang pagpapahayag ni Kanor na maka-isang dibdib si Yari, hindi niya alam ang kanyang sasabihin. At nang marinig na hindi pipigilan ni Marahuyo ang pakikipag-iisang dibdib niya kay Kanor ay tila nawala siya sa kanyang sarili. Bumagsak ang lupa papunta sa langit, kaya't inulit na lamang niya ang lahat ng mga katagang narinig niya sa kanyang ama at ina patungkol kay Marahuyo at sa kapansanan nito. Pinagsisihan niya iyon ng malubha at hinihiling niya na ibalik ang oras upang mabawi niya lahat ng mga sinabi niya.
Naputol ang mahabang katahimikan nang akmang tatayo na sa higaan si Marahuyo, pinigilan ni Yari ang pag-alis nito at sinabi, "Hu- Huyo. Ako sana'y mapatawad mo. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko sayo noon. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin ang mga sinabi ko. Malamang ay nasaktan ka nang makita kaming dalawa ni Kanor. Ako lamang ay napilitan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon."
Nang marinig ang palusot ni Yari, napabuntong hininga si Marahuyo at binigkas niya, "Hindi magbabago ang desisyon ko na hindi kita pipigilan kung ano ang gagawin mo sa iyong buhay. Magpakasal ka man kay Kanor o sa ibang tao.. nasa sayo lamang ang karapatan para gawin iyon. Yari, kailangan kong bumalik sa barong-barong dahil baka kinakailangan ako ni Ina."
Tuluyang nilisan ni Marahuyo ang kwarto at naiwan doon si Yari.
---
(Marahuyo)
-Ang mga pangyayari pagkatapos niyang bumalik sa Tutorial.
Para mabuksan ang aking HUD - Heads-up Display na tinatawag ding Unit Display, kinakailangan ko na magpokus sa aking sarili at lalabas ang ilang statistika sa aking harapan.
Hindi ko alam kung bakit pahirapan pero tiyak ko na hindi user-friendly ang Tore kaya't tatanggapin ko na lamang. Sa mga nabasa ko at napanood sa internet, bibigkasin lamang ang 'status screen' at lalabas na ang mga statistika.
E!?
Ayon sa libro ay iyon ang gagawin, magpokus ng isip.. nang banggitin ko ang status screen ay lumitaw nga ito. Bro... WTF?
Siniyasat ko ang HUD. Maaring hatiin sa limang parte ang HUD ayon sa ipinapakita nito, base sa librong binasa ko na sa tingin ko ay maraming kulang. Totoo, kung sino man ang gumawa ng librong iyon ay sobrang generalized at ang mga impormasyon ay hindi pino.
Sa HUD:
Una ay ang portrait ng ulo ko hanggang balikat.
Nakita ko sa harapan ko ang sarili kong mukha, sa itaas na parte ng ulo nito ay nakalagay ang pangalan ko at sa dulong-ibabang kaliwa nito ay may bilog na naglalaman ng numerong 0. Ha... level 0 palang ako.
Pangalawa ay ang listahan ng attack damage, attack range, armor, magic resistance, movement speed, attack speed at ng tatlong attributes. Mayroon akong:
2 damage
50 Units
0.68 armor
0.11%
50 movement speed
1 per 5 sec
6 Strength
4 Agility
1 Intelligence
WOW!
Nasilaw ako sa sobrang kinang ng mga puntos ko. Grabe!
Napa-iling nalang ako dahil marami na akong naisip na paraan para pataasin ang mga pansarili kong statistika kaya't tanggap ko na na mababa talaga ang mga statistika ko.
Pangatlo ay ang tinatawag na talent tree. Blanko!
Pang-apat ay ang mga skills. Blanko!
Panglima ay ang HP at MP bars. Mayroon akong 320 HP at 87 MP, ayon sa libro.. ang bawat Bisita sa loob ng Tore ay may 'default' na 200 HP at 75 MP. Bawat puntos sa attribute na Strength ay nagbibigay ng 20 HP at ang bawat puntos naman sa attribute na Intelligence ay nagbibigay ng 12 MP. Ang Agility ay nagbibigay naman ng 0.17 armor sa bawat puntos.
Matapos kong siyasatin ang statistika ko ay isinara ko ang status screen, ilang beses ko itong binuksan at isinara para masanay ang isipan ko at madalian ko na lamang itong mabuksan.
"Mukhang natapos mo na ang pagsasanay na ibinigay ko sa iyo."
Narinig ko ang mababang boses ni Davion sa aking likuran. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya.
Muli kong nakita ang berdeng nilalang na may bitbit na baluti, nagpokus ako sa pigura nito at lumabas ang HUD nito.
Meele Creep
Level(LVL): 1
Health Points(HP): 550
Mana Points(MP): 0
Attack Damage(AD): 19-23
bla-bla-bla
Isina-ulo ko ang mga statistika nito dahil ayon sa ala-ala ko, kakalabanin ko mamaya ang mga creeps ng kalaban naming panig. Muli ay ibinato ng meele creep ang bitbit niyang baluti sa lupa.
Pinulot ko ito at isa-isa kong isinuot, matapos iyon ay nakita kong tumaas ng 5 puntos ang aking armor. Iginalaw-galaw ko ang katawan ko at ramdam ko pa rin ang bigat nito.. bigla akong napatingin kay Davion hindi dahil gusto kong malaman ang HUD niya kundi dahil sa pag-kaka-alala ko ay binigyan ako ng puntos ng Quest galing sakanya at 20 na puntos iyon. Asaan?
"Ang bilin sa akin ng Shopkeeper ay huwag kang tulungan sa mga bagay na patungkol sa Tore, ngunit bilang isang Knight.. susuwayin ko ang utos niya at tutulungan kita."
Pwedeng utusan ng shopkeeper si Davion? Aba, napakakitid naman ng utak ng shopkeeper.. talagang kahit wala siya ay papahirapan niya ako. Bilang isang Knight? Malamang ay hindi ganoon kalakas ang shopkeeper dahil maari lamang suwayin ni Davion ang bilin niya. Ha, mabulok sana ang mga tinda mo.
"Magpokus ka at buksan ang iyong 'Character Screen'. Doon ay makikita mo ang pabuya mula sa aking Quest."
Ahhhh. Sige.
"Character Screen."
Lumabas sa harapan ko ang tinutukoy ni Davion na character screen. Nahahati ito sa apat ayon sa basics for dummies. Equiped Items, Inventory, Active at Passive Skills at ang pang-apat ay ang Attribute points.
Pakiramdam ko ay naging RPG bigla ang tema. Sabagay, kahit noong naglalaro pa ako ng DOTA ay may kanya-kanyang role naman ang bawat Hero. Napansin ko lang na parehas ang mga mekaniks ng DOTA 2 sa Tore pero may pagkakaiba pa rin ang dalawa.
Tiningnan ko ang Attribute points at nakita ko na may 20 na puntos na pupwedeng ilagay kung saan ko man gustuhing attribute. Mababa lahat ng mga puntos sa aking statistika, tsaka papaano palang nagkaroon ako ng 20 na puntos samantalang ang nakalagay na pabuya sa Quest ni Davion ay sampu lamang.
Binura ko sa isipan ko ang bigla-biglang lumitaw na nakangising mukha ng shopkeeper. Dahil ba ilang beses kong ginawa ang Quest? O marahil ay may 'glitch' na nangyari? Ahhhh, panakamot ako sa ulo ko nang marahas at matigas na bakal ang natamaan ko.
Inilagay ko lahat sa Strength attribute ang mga puntos ko, nakaramdam ako ng biglang paglobo ng katawan.. huh? Tila tumatangkad din ako at gumagalaw lahat ng laman ko sa katawan. Ilang sandali lamang ay tumigil din ang kakaibang nangyayari sa katawan ko.
Gumalaw-galaw ako at pakiramdam ko ay napakagaan na ng baluti, nagpush-up ako ng ilang beses at sinamahan ko na rin ng squats. EZ!
Isang mababang boses ang nagpatigil sa aking pagpupunyagi, "Umpisahan na natin ang pagkikipaglaban!"
Isang tandang pananong ang lumitaw sa uluhan ni Davion.
Binasa ko ang nakasulat sa scroll at bumagsak ang baba ko sa lupa.
Bro, WTF?