---
Sa parehong lugar kung saan unang nakatagpo ni Marahuyo ang Dragon Knight na si Davion, isang nilalang ang inililibot ang kanyang tingin sa kapaligiran.
Naisip ng nilalang na gaya sa mga itinurong karunungan sa kanilang skwelahan ay parehong-pareho ang kasalukuyan niyang nakikita at natutuklasan. Nakarinig ang nilalang ng pag-galaw sa hindi kalayuan, inihanda nito ang sarili na sagupain ang bagong dating.
Napatigil ang nilalang dahil walang pinapakitang agresyon ang bagong dating.
"Ang ngalan ko ay Slithchin, mula sa Planetang Deep. Ikinagagalak kong makita ang Kabalyerong si Davion."
Nagbigay galang ang nilalang na may pangalang Slithchin kay Davion, na siya namang pina-unlakan ng kabalyero. Ipinaliwanag ni Davion ang ilang mga bagay.
"Ito ang 'Tutuorial' ng Tore kung saan kakalabanin mo ang isa sa mga nilalang na may pinakamaraming bilang sa loob ng Tore. Tinatawag silang Creeps. Iba't iba ang uri nila ngunit sa pagkakataong ito ay dumako muna tayo sa pinaka-basic - ayon sa shopkeeper, ang Melee Creep."
Taimtim na pinakinggan ni Slithchin ang mga binitawang salita ni Davion, nabigyan na nang paunang leksyon si Slithchin patungkol sa mga 'basic' ng Tore ngunit sa tingin niya ay iba pa rin ang pansariling karanasan kaysa sa mga kwento-kwento lamang mula sa kanyang mga nakatatandang ka-angkan.
"Mukhang hindi mo na kailangan ang baluti." Hindi nakatakas sa pansin ni Davion ang kagamitang suot ni Slithchin, gawa ito sa isang uri ng balat ng Nilalang ng Karagatan. Bigla ring napansin ni Davion na para bang may gustong itanong ang nilalang sa kanyang harapan.
"Kung ikaw ay mayroong katanungan, maari lamang na sabihin mo ito sa akin at sasagutin ko ito sa abot ng aking makakaya."
"Totoo ba na marami ang sabay-sabay na sumasa-ilalim sa 'tutorial' ngunit hindi kami magkikita-kita.. at, sabay-sabay mo kaming tinuturuan? Papaanong nangyayari iyon? Marami ka bang katawan? Humihiwalay ba ang ibang parte ng iyong isipan? Bla-bla-bla."
Ang inaakala ni Davion ay patungkol sa tutorial ang itatanong ni Slithchin, tama.. patungkol nga ito sa tutorial ngunit direkta ito sa personal na impormasyon patungkol kay Davion.
"Hindi ko maaring sagutin lahat ng iyong katanungan, ang maari ko lamang sabihin ay pagkatapos pa lamang ng tutorial mo makikita ang iba pang manlalaro sa loob ng Tore. Ngayon ay umpisahan na natin ang pakikipaglaban."
Nadismaya si Slithchin sa sagot ni Davion, ngunit nang mapa-isip siya na nanghihimasok na siya sa isang sikreto ay pinangaralan niya ang kanyang sarili. Hindi niya lamang napigilan ang sarili niya dahil gustong-gusto niyang malaman ang sagot sa mga bagay na pumupukaw sa kanyang atensyon.
Nagsimulang maglakad si Davion patungo sa isang lugar sa kakahuyan. Nakita ni Slithchin ang mga nilalang na tinutukoy sa mga libro sa kanyang paaralan.
Ang mga Creeps ay mayroong dalawang panig na kinabibilangan, - ang Radiant at ang Dire.
Ang creep mula sa Radiant ay mayroong mala-punong pangagatawan, may tila-madamong parte ito sa itaas na dibdib hanggang sa balikat at natatakluban ang ulo nito ng mala-damo ring kupya. Sa ituktok ng ulo nito ay may dalawang sungay. May suot itong asul na sinturon na mayroong kristal at ang gamit nitong sandata ay isang espada na kulay berde.
Ang creep naman mula sa Dire ay mayroong mala-lupang pangangatawan, naka-usli sa likuran nito ang mga mabatong patusok na para bang baliktad na tadyang. Suot nito sa ulo ang parang maskara na may dalawang sungay, ang mga paa nito ay tulad sa mga paa ng kalabaw at hawak nito ang espadang kulay mapusyaw na pula.
Matapos ang paglalarawan sa kanyang isipan, narinig ni Slithchin ang mga babala ni Davion, "Ang mga nilalang ng tutorial ay nahahati sa dalawang panig, ang mga pulang nilalang na nakikita mo ay ang iyong mga kakalabanin - ang mga Dire Creeps."
"Totoo nga, ang sabi sa akin ng Reyna. Ayon sakanya ay sa tutorial lamang naglalaban-laban ang mga Creep, ngunit sa mga palapag mismo ng Tore ay maaring magkakampi at nasa iisang panig ang mga Creeps. Kabalyerong Davion, maari ko rin bang atakihin ang mga Radiant Creeps?" Tanong ni Slithchin.
"Sa kabutihang palad, ang tutorial ay may iisang layunin lamang. Ang matuto kung papaano pumaslang, kaya't maari mo lamang din silang atakihin ngunit hindi ka nila lalabanan dahil sa pagkakataong ito ay nasa iisa kayong panig." Sagot ni Davion habang inihahanda ang kanyang sarili upang pangunahan ang naka-atas na gawain. Umabante siya at nilapitan ang pulang creep na kasalukuyang kinakalaban ang berdeng creep.
Kinontrol ni Davion ang creep at huminto ito sa pakikipagtunggali, natuon naman ang atensyon ng pulang creep sa direksyon ni Davion. Sumugod ito at inatake ang kabalyero, maririnig ang pagtama ng bakal sa bakal habang sinasalo ni Davion ang atake ng pulang creep. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha ni Davion dahil hindi niya iniinda ang atakeng ginagawa ng pulang creep, pinatamaan ni Davion ang ilang parte ng katawan ng pulang creep at nagtamo ito ng mga sugat.
Pinanood ni Slithchin ang pakikipaglaban ni Davion, matapos ang ilang sandali ay nagawang patumbahin ni Davion ang pulang creep, tumingin siya kay Slithchin at sinabi, "Sa bawat pagpaslang mo ng mga creep, mayroong kang matatanggap na pabuyang ginto, ipunin mo lamang muna ang mga ginto dahil sa mga susunod na Quest ay gagamitin mo ito. Umpisahan na natin ang pagsusulit mo."
May nakitang tandang pananong si Slithchin sa ibabaw ng ulo ni Davion, lumapit siya at kinuha ang isang scroll sa kamay ni Davion at tsaka niya ito binasa:
-Layon
*Nais ni Knight Davion na makita ang iyong kakayahan kaya'y inatasan ka niyang kalabanin ang mga pulang creeps.
-Gawain
*Pumaslang ng sampung pulang creeps
0/10
-Pabuya
*Limang puntos para sa pansariling statistika
Napatingin si Slithchin kay Davion, initsa ni Davion ang isang espada papunta kay Slithchin nang mapansin nito na kinakailangan ni Slithchin ng sandata.
Pinakiramdaman ni Slithchin ang espada sa pamamagitan ng ilang beses na pagwasiwas dito, katamtamang bigat.. hindi ganoon ka-eksakto ang haba para sa paraan niya ng pakikipaglaban ngunit papasa na rin bilang sandata.
Nagsimulang lumapit si Slithchin papunta sa pulang creep, kaagad niyang inundayan ng paghiwa ang kanyang kalaban, natamaan ito sa balikat at nagtamo ang pulang creep ng sugat. Nagningas ang galit ng pulang creep matapos itong masugatan, sinugod ng pulang creep si Slithchin. Gamit ang sandata nito ay sinubukan nitong tusukin si Slithchin, umatras ng bahagya si Slitchin upang makaiwas at nang umangat ang kamay ng pulang creep para muling umatake ay pinatamaan ni Slithchin ang katawan nito.
Pinanood ni Davion ang mga nangyayari, hindi niya mapigilang mapatango dahil maganda ang pinapakita ng nilalang mula sa Planetang Deep. Narinig niya ang boses ng shopkeeper sa kanyang isipan at sinagot niya ang mga tanong nito, nang matapos ang kanilang usapan ay nagawa na ni Slithchin na kalahatiin ang buhay ng pulang creep. Doon ay nagsimulang bumagal ang mga kilos ni Slithchin ngunit hindi iyon naging hadlang upang magapi niya ang kanyang katunggali.
Matapos ang ilan pang sandali ay napatumba ni Slithchin ang pulang creep. Nagpahinga siya ng ilang minuto atsaka nito ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Sa ikatlong creep na kalaban ni Slithchin ay nagkamali siya ng hakbang at napatamaan ng espada ng creep ang kanyang braso, nasugat ito at sa tingin ni Slithchin ay hindi niya na ito magagamit, inilabas niya ang isang supot na naglalaman ng pinamili niya sa shopkeeper at binunot niya roon ang botelya ng Salve.
Ininom niya ang kalahati ng laman ng botelya at ang kalahati naman nito ay ipinahid niya sa kanyang sugat, ilang pag-ilag ang ginawa niya upang iwasan ang mga pag-atake ng pulang creep. Hindi nagtagal ay naigagalaw na niyang muli ang kanyang braso, muling nakipagpalitan ng atake si Slithchin sa pulang creep hanggang sa matalo niya ito.
---
(Samantala, dumako tayo sa ating bida.)
Sa isang parte ng kakahuyan kung saan may hindi kalakihang spasyo, naroon maririnig ang mga tunog ng pagtama ng bakal sa isa pang bakal. Kasabay ng mga pagtamang iyon ay ang pag-sigaw ng isang binata, sa tuwing patatamaan siya ng nilalang na kanyang katunggali ay hindi niya mapigilang mapatili dahil bukod sa pagyanig ng kanyang baluti ay ramdam niya rin ang makirot na pagpasok ng pwersa sa kanyang katawan.
Ting!
AHHHH!
TING!
AAAAAAHH!
Hindi napigilan ng isang kabalyero - si Davion, ang manggalaiti dahil halos mag-kakalahating oras na niyang naririnig ang tili ng 'hinayupak' na Bisita. Nang mapatid ang ugat niyang hibla na lamang ang pisi, nagliwanag ang dibdib niya kasabay ng pag-alab ng apoy sa kanyang bunganga, ibinuga niya ito sa katunggali ng binata.
[Breathe Fire - Unleashes a breath of fire in front of Dragon Knight that burns enemies and reduces the damage their attacks deal.
Ability: Target Point/Target Unit
Casting Range: 600(Cap on tutorial)
Affects: Enemies
Damage: Magical - 300(Cap on tutorial)
Coold Down: 11s(Cap on tutorial)
bla-bla-bla
Nang makita ng binata ang apoy sa kanyang harapan na siyang tumupok sa kanyang katunggali ay nanlambot lalo ang tuhod niya, napasalampak siya sa damuhan. Sinipa niya ang nasusunog na kamay ng pulang melee creeps sa kanyang paa, kinapitan siya nito bago ito bawian ng buhay.
Halos maghingalo si Marahuyo sa sobrang kaba, takot, pagod, at iba't-ibang pinaghalo-halong emosyong nararamdaman niya. Lalong tumagas ang kani-kanina niya pang pinipigilang mga luha.
Ang buong akala ni Marahuyo ay simple lamang ang pakikipaglaban sa mga creeps, gaya sa larong kinahihiligan niya - aantayin ng manlalaro na halos maubos na ang buhay ng kalabang creeps, atsaka niya ito aatakihen para makuha ang huling atake na siyang mayroong pabuya(Gold).
Lingid sa kaalaman niya ay siya mismo ang haharap at makikipag 'normalan' sa katunggali niyang creeps. Noong una ay napakadali lang sa paningin niya dahil si Davion ang unang gumawa ng naka-atas na gawain sa Quest upang ipakita kay Marahuyo kung ano ang dapat niyang gawin, di naglaon.. nang siya na mismo ang gumagawa ay naramdaman niya ang nanunuot na kagustuhang patayin siya ng creep, kasunod noon ay ang walang habas nitong pag-atake sakanya at hindi nagtagal, binubugbog na siya nito.
Hindi mataas ang bawas ng creep dahil sa suot niyang armor, pero ramdam ni Marahuyo ang sakit na idinudulot ng pagbawas sa kanyang HP. Nang ilang ulit niyang maramdaman iyon ay nagsimula na siyang mag-titi-tili sa bawat pagtama ng sandata ng creep sa kanyang baluti. Nanalo rin ang takot nang kanyang isipin na siya ay mamamatay kaya naman nagulo na ang takbo ng kanyang utak, siyang dahilan para patuloy na tanggapin niya ang bawat atake ng creep sakanya.
"Tayo!"
Nakarinig nang inis na sigaw si Marahuyo, tumambol sa dibdib niya ang nagwawala niyang puso. Nilingon niya ang pinanggalingan ng sigaw at napangiti siya nang miserable, isang paparating na pulang creep ang binitbit ni Davion at itinapon sa direksyon niya.
"INA!"
Impit na sigaw ni Marahuyo atsaka siya gumapang papalayo mula sa paparating na kalaban.
Ang planetang pinagmulan ni Marahuyo ay matagal nang tapos sa mga pandaigdigang digmaan. Sa kapanahunan niya bago siya bawian ng buhay, o masasabing ang katawang lupa niya - ni minsan ay hindi niya nagawang saktan ang langaw na palipad-lipad na nangungulit sakanya tuwing siya ay kumakain o ang lamok na makikita niyang dadapo sa kanyang katawan - bubugawin niya lamang ito at hindi papatayin.
Suma-tutal, si Marahuyo ay isang duwag pagdating sa mga ganitong bagay. Nawala ang una niyang tuwa, inaasahan niyang gaya sa larong DOTA 2.. nasa punto lamang siya ng 3rd person, ngunit napatunayan niyang isa itong 1st person na laro - o kung totoong laro nga lamang ito gaya ng sinasabi ng shopkeeper. Katawan niya mismo ang kailangan niyang gamitin at hindi isang 'playable character'.
Ano nga ba ang nasa isipan niya nang malaman niya ang titulo ng tore?
---
(Marahuyo)
Hinabol ako ng creep hanggang sa dulo ng walang hanggan, napasandal ako sa isang puno at hinabol ang aking paghinga. Nilingon ko ang paligid at hindi ko makita kung asaan na ang kalaban, nang mahagip ng paningin ko ang gilid ng puno ay naroon ang creep na mayroong pulang-pulang mata na nakatitig sa akin. Sinunggaban ako nito pero nakailag ako, napadapa ito at bigla na lamang kinapitan ang paa ko.
Pinilit kong kumawala sa pagkaka-kapit sa akin ng creep, hawak
nito ang kaliwa kong paa habang pinapalo niya ang kanan kong paa gamit ang sandata niya. Matagal ko nang nabitawan ang espada at pananggalang na binigay ni Davion, pinigilan ko ang patuloy na paghampas sa akin sa pamamagitan ng pag-agaw sa sandata ng melee creep. Nang makuha ko ito ay itinapon ko ito papalayo, kinilabutan ang buong katawan ko nang makitang bumuka ang bibig ng creep at kakagatin niya ang paa ko.
Napa-upo ako sa damuhan at gumapang ako papalayo. Lalong kinilabutan ang buong pagkatao ko nang maramdamang may humawak sa pwet ko, iniaangat ng creep ang katawan niya papunta sa likuran ko.
May naramdaman akong bumulusok sa tainga ko at nang mapatingin ako roon ay isa pala iyong espada, may dragon sa puluhan nito at napagtanto kong iyon ang espada ni Davion. Naramdaman kong may kumapit sa leeg ko at sumunod doon ang ilang paghampas sa ulo ko. Nahilo ako dahil sa mga pagtama, napatingin ako sa HP bar ko at ilang puntos na lamang ang natitira roon.
Nag-flash sa mata ko ang ilang mga pangyayari bago ako mamatay sa unang mundong pinanggalingan ko, ang mga ala-alang iyon ang pinaka-kinatatakutan kong balikan.
Binunot ko ang sandata ni Davion, iniharap ko ang katawan ko at iwinasiwas ito sa gumugulpe sa akin. Tumalsik ang kamay ng creep sa di kalayuan pero hindi nito iyon ininda at ipinagpatuloy ang paghampas sa katawan ko gamit ang kamay nito. Akmang susunggaban ako nang kagat ng creep, ipinuwesto ko ang espada sa harapan ko at nang sumunggab ito ay tumusok at tumagos ang espada sa leeg ng creep.
Akala ko ay tapos na ang paghihirap ko ngunit doon ako nagkamali, katakot-takot na pula pa rin ang kulay ng mata nito, napansin kong ang patay na creep kanina - iyong binugahan ni Davion ng apoy ay wala na ang ning-ning ng mga mata nito.
"GAAAAAAH!"
Sinakal ako ng creep, pinilit kong alisin ang kamay nito sa leeg ko ngunit para yatang isang bakal na lyabe ang pagkakahigpit nito. Muli kong hinawakan ang espada ni Davion at idiniin ko pa ito lalo sa leeg ng creep, nang hindi pa rin ito natinag ay bahagya kong inikot at pinuwersa kong pakanan ang espada. Nahiwa ang leeg nito at sawakas ay dumilim ang pula nitong mga mata.
"UWAAAAA!"
"INAAA-haaa-haaa uwaaaa!"
---
"UWahahahaha, hahahaha!"
Hagalpak ang tawa ng shopkeeper matapos marinig ang mga pangyayari mula kay Davion.
Iniabot ng shopkeeper ang isang pulang kagamitan kay Davion, tumango ang kabalyero at itinago ang kagamitang natanggap niya.
"Sa tingin ko ay buwan ang itatagal ng batang iyon sa tutorial." Puno nang pagkadismaya ang ekspresyon ni Davion, matapos ang ilang daang taon niyang pamamalagi sa loob ng Tore, kasama ng shopkeeper sa pagpapatakbo nito ay ito ang unang beses na nakatagpo siya ng isang nilalang na gaya ni Marahuyo.
"Hahaha, huwag kang mag-alala Dragon Knight.. sa tingin ko ay may ibubuga ang batang iyon, kailangan lamang nating itulak siya sa bangin para gamitin niya ang kanyang mga pakpak." Masigla ang boses ng shopkeeper, halata rin sa ekspresyon nito na natutuwa siyang malaman ang mga katangian ni Marahuyo.
"Sa nakikita ko ay malinaw na isang noob ang batang iyon, hindi ba't kailangang mamatay lahat ang mga noob..."
"Ooops, hinay-hinay lamang sa iyong pagbibitaw ng mga salita Dragon Knight. Ipinanganak ka bang isang mandirigma? Noong ikaw ay gumagapang pa lamang sa lupa.. kaya mo na bang pumatay ng isang Dragon? May kanya-kanya tayong bilis at paraan para matuto, sa tingin ko ay tama ang hinala ko. Hindi ba't hiniwa niya ang kamay at ulo ng isang creep?
Sino sa mga baguhang Bisita ng tore ang kayang gumawa noon? Karamihan sa kanila ay sugat at pinagpatong-patong na pinsala lamang ang kayang idulot sa isang creep, ngunit isang wasiwas lamang ay nagawang hiwaing buo ng batang iyon ang kamay ng creep! Alam mo ba ang pinaparating non?"
Nang marinig ang mga sinabi ng shopkeeper at napa-isip din ng malalim si Davion. Maski siya ay nagulat nang makitang tumilapon ang kamay ng creep, may limitasyon ang attribute na pupwedeng magamit sa tutorial, at ang lakas o pwersang kailangan para maihiwalay ang isang kamay ng creep ay halos nasa pinaka-ituktok na ng limitasyon.
Kaya ni Davion gawin iyon - oo, ngunit hindi niya nagawa iyon nang siya ay nag-uumpisa pa lamang.
"Pero gamit niya ang espada ko at ang espadang ito ay may kapangyarihan ni Skylark... teka, o hindi!" Napatigil si Davion dahil sa hindi kapanipaniwalang bagay ang natuklasan niya.
"BUWhahahahahaha, mag-ingat ka Dragon Knight, baka maging Knight nalang ang titulo mo.. buwhahahaha!"
---
-Ang mga pangyayari pagkatapos iwan ni Marahuyo si Yari sa bahay nila Tsago
(Marahuyo)
Nakasalubong ko sa labas si Tsago, si Amang Tsano ay hindi ko alam kung saan nagpunta - wala siya. May iniabot sa aking garapon si Tsago, marahil ay ang sinasabi nitong gamot.
Balak ko na ituloy ang pag-eensayo ng katawan kahit na walang pabuyang ibibigay sa akin ni Davion, napansin kong mas lumalakas ang katawan ko at hindi lamang sa loob ng Tore, maski na rito sa mundong ito. Naalala ko ang mga napanood kong bidyo noong nagkaroon ako ng interes sa paghuhubog ng katawan. Maari kong gawin ang mga kagamitang ginagamit sa gym, hindi nga lamang gawa sa bakal.
Tinaggap ko ang garapon, "Wala bang kakaibang sahog ang ice-scramble na to?"
"Iskarm.. ano? Hindi ko alam kay ama, basta epektibo yan na gamitin. Katunayan nga ay ginagaya ko ang mga ginagawa mong kilos kaya tingnan mo ito oh.." Pinakita sa akin ni Tsago ang papa-porma na niyang mga abs.. napatingin ako nang matindi dahil anim ang bilang ng abs niya. Huwaw!
Ini-angat ko ang suot kong damit, nagtama ang mga mata namin ni Tsago at agad kong itinago ang abs ko. Naningkit ang mga mata niya at agad siyang tumakbo papalapit sa akin, nakipag-agawan siya sa pagkakahawak ko ng aking damit at sa huli ay hinayaan ko na lang na i-angat niya ang damit ko.
"Huyo, ba.. bakit sampu ang saiyo? A- anong.. may mali ba sa mga ginagawa kong kilos? Bakit ganyan ang sa iyo!" Hindi makapaniwala si Tsago sa kanyang nasaksihan, at syempre ako rin.
Hindi ko maintindihan kung bakit sampu ang abs ko, naalala ko sa isang pahina mula sa isang biology book na mayroong pagkakaiba-iba ang hubog ng katawan, mula sa pinakalabas hanggang sa pinakaloob nito - ang genes. Maaaring nasa genes... teka nga lang.
Bigla ko na lamang napagtanto, hindi ganoon ka 'developed' ang katawan ko hindi ba? Papaanong nagkaroon ako kaagad ng.. hinawak-hawakan ko ang iba pang parte ng katawan ko, hindi ganoon kakapal at kalaki ang mga kalamnan ngunit ramdam ko na mayroong malaking pagbabago ang nangyari.
'Character Screen' bigkas ko sa aking isipan. Gaya ng inaasahan ko ay lumitaw ang aking character screen. Napag-isip-isip ko na, nakikita ko ang HUD ko kahit hindi ako nasa loob ng tore, malamang ay makikita ko rin ang iba pang mekaniks ng Tore kahit nasa labas ako nito at tama ng ang hinala ko.
Nagpunta ako sa 'tab' kung nasaan ang attributes, dahil siguro inilagay ko ang lahat ng natanggap kong attribute points sa strength ay na'develop' agad ang katawan ko. Di kaya?
"Huyo.. HUYO!"
Dahil siguro sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan ang mga nangyari sa aking paligid. Isang yakap nanaman ang naramdaman ko, si Yari. Nakita ko ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya, bago ko pa man maintindihan ang mga nangyayari ay may narinig akong isa pang sigaw.
"Marahuyo hayop ka!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa isang direksyon.
Si Kanor, kasama ang kanyang mga alagad... ay tumatakbo papunta sa amin. Galit na galit ang mga mukha nila at sa tingin ko ay alam ko na kung saan papunta ang tagpong ito.
"TAKBO!" Walang pag-dadalawang isip kong binuhat ang yumayakap sa akin at inilagay ko ito sa aking balikat, kasabay ng pagsigaw ko ay ang mabilis na pagkaripas ng paa ko papalayo sa pinangyarihan.