Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

HFH Series: Alexander Kier Vincent Rios - The General's Son

🇵🇭Magzz23
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.6k
Views
Synopsis
Namamayagpag si 1st Lt. Remie Alexis Aritana sa career niya bilang isang Philippine Air Force Pilot sa edad na bente-otso. Naalarma siya nang marinig niya sa ama at sa isang Heneral na si Lucio Mondejar ang masinsinang usapan nito sa opisina tungkol sa arrange marriage sa anak nitong si Capt. Louis Mondejar. Hindi siya makakapayag na pati ang personal niyang buhay ay pakikialaman pa ng diktador na ama kahit sabihin pa na involve rito ang karangalan at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Kaya kinuha niya ang serbisyo ng RnJ Dating Services.  Isang kompanyang magbibigay solusyon sa problema niya upang pansamantalang mag-hire ng asawa na ihaharap sa ama kahit limasin niya ang pera niya. At nakilala niya ang binatang si Kervin Fereira. Isang angkas rider na ipinadala ng ahensiya. Inaakala niya noong una ay pipitsugin lamang ang ipapadala ngunit napamaang siya nang magkita sila sa isang restaurant. Isang purong may lahing Amerikano. Matikas ang tindig ng binata, may matangos na ilong, matangkad at higit sa lahat ang magaganda nitong kulay asul na mga mata. Nagkasundo naman agad sila kahit alam niyang hindi madali ang pinasok niyang sitwasyon. Galit na galit naman ang ama ni Alexis pero nagawa itong mapaamo ng binata pati na rin siya. Pero paano kung gulo pala ang dala ni Kervin sa buhay niya at may iba itong pakay sa pakikipaglapit sa ama niya? Paano niya rin isasalba ang pusong unti-unting nahuhulog na para sa binata?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Hayop ka, Heneral! Pagbabayaran mo sa batas ang ginawa mong ito!" galit na galit niyang wika. Nagpupumiglas din siya habang hawak siya ng dalawang lalaki. Nakatali sa likuran ang dalawa niyang kamay.

"Wala na rin kayong magagawang mag-ama kung dito pa lang ay ipapalibing ko na kayo nang buhay!"

"Heneral, p-palayain mo ang anak ko! W-Wala siyang kasalanan!"

"Damay-damay na ito, Heneral Aritana!" nagtatagis ang mga bagang nitong wika sabay hampas ng rifle sa ama niya.

Napaigik ito. "Aaahhh!"

"Dad!!" Kitang-kita niya ang mga dugong dumaloy sa noo ng kaniyang ama nang matamaan ito ng rifle. "Mga hayop kayo!" sigaw niya habang nagpupumiglas.

"Patayin na ang mga iyan!" utos ng heneral na lider.

Nagsisigaw pa rin siya. "Mga hayop kayo! Ang daddy ko!"

"Bilisan niyo! Mga hangal!" muling utos ng lalaking pinakalider.

Marahas na pinaluhod sila kasama ng kaniyang ama na hinang-hina na. Napapaluha na rin siya at takot na takot hindi para sa sarili kung 'di sa kalagayan ng ama niya.

"A-Alexis," nanginginig nitong wika.

"Dad..." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.

"A-Alexis, I'm s-sorry. H-Hindi kita nagawang protektahan. H-Hindi ko nagawa ang—"

"Ssshh!" Putol niya sa sinasabi nito. "Huwag na kayong magsalita. W-Wala kayong kasalanan, Daddy." Naramdaman din ng palad niya ang malagkit na likido ng dugo sa kamay ng ama. Awang-awa siya para dito dahil may edad na ito at sinapit ang ganitong karahasan. Wala silang laban lalo na at armado ang mga naroroon. Muli na namang nag-init ang mga mata niya at napaluha. Dinadalangin niyang sana ay may mga taong magliligtas sa kanila roon. Kung may magagawa lang sana ako.

"Tapos na ba kayong magpaalam sa isa't isa? Kung tapos na ang mga iyan, patayin niyo na sila!"

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Alexis sa kamay ng ama niya. Narinig na niya ang nagkakasahang mga baril sa likuran nila hudyat na itinutok na sa kanila iyon. Bago pa man kalabitin ng mga ito ang mga gatilyo ng armas na hawak, narinig na lamang niya ang pagpapaulan ng mga bala sa paligid. Alertong niyakap niya ang ama saka sila dumapa. Dinaganan niya ito upang hindi matamaan ng ligaw na bala. Dalawampung minuto ang itinagal ng pagbabarilan hanggang sa tumahimik ang paligid. May mga yabag ang mabilis na nakalapit sa kanilang gawi.

"Ang Heneral!" sigaw ng isang lalaki.

Inalalayan sila ng mga lumapit sa kanila upang tulungan. Kinalagan ng isang sundalo ang mga kamay nilang nakatali hanggang sa tumambad sa kaniya ang mga miyembro ng AFP at ibang mga banyagang sundalo. Ngunit mas natuon ang atensiyon niya sa ama niyang punong-puno ng dugo ang katawan.

"Dad!' hiyaw niya. Kitang-kita niyang wala ng malay ang kaniyang ama.

Pinulsuhan ito ng isang lalaki. "Buhay pa siya." Sumigaw ito. "Medic!"

Nagkukumahog naman ang mga medical team na alalayan ang kaniyang ama at marahang isinakay sa stretcher. Siya naman ay inalalayan din ng isang sundalo.

"Lieutenant, tayo na at kailangan mo na rin magamot. Delikado na rito. Ipaubaya mo na sa amin ang pagtugis sa mga kriminal," wika ng isang lalaking sundalo.

Nagtatagis ang mga bagang niyang humarap sa lalaki. "Hindi! Kailangang magbayad sila sa ginawa nila sa amin ng ama ko." Napasulyap siya sa mga armadong mga lalaking nakahandusay na sa sahig at wala ng buhay. "Ako mismo ang tatapos sa buhay nila⸻" Napatigil siya sa pagsasalita nang may sumigaw din hindi kalayuan.

"You have to leave now!"

Napatitig siya sa lalaking dumadagundong ang boses ngunit nang makilala niya ito, lalong nagrambulan ang kaba sa kaniyang dibdib. She was dumbfounded when saw Kervin Fereira she was looking earlier, standing right behind her, wearing a full combat uniform, holding an armalite M-16 and a massive looked of his eyes to her. Gumuhit na naman sa isipan niya ang malaking pagtataka at mga katanungan kung sino nga ba ito at anong kinalaman nito sa lahat ng mga nangyayari.

"You have to leave now, Captain Guevarra!" mariin nitong wika.

"Lieutenant, we need to go now!"

"S-sandali—" Halos pigil ang hininga niya ngunit kailangan niyang makausap ito.

"No! Lieutenant, you need to follow orders!" sambit nito.

Nais niyang puntahan ang kinatatayuan nito ngunit hinawakan at pinipigilan siya ng kapitan at iba pang sundalo na naroon sa tabi niya. Maya-maya pa ay muli na namang narinig niya ang mga balang umalingawngaw sa paligid kasabay nang muling pagkakagulo sa loob ng kuta. Inilayo siya ng mga sundalo habang si Kervin ay abala na sa pakikipagbarilan sa mga natitirang taong dapat managot sa batas. That was the last glimpse of each other after the incident they have been with his father. It was a nightmare for her and a lucky day that she and her father are both alive. But the mere fact that she couldn't ask him anymore, the man she trusts as her stranger hired husband. Ni hindi man lang sila nagkausap at naitanong dito ang lahat.