Alexis stared at the runway as she embarked on a Combat Aircraft as part of her morning routine. She's an Air Force Pilot and wields it alone. As an aircraft soldier, she also follows protocols to prevent accidents and wearing her full combat suit, including her body safety gear.
Alexis is not that ordinary sort of woman most people see. She has short hair, no make-up, has a man's gesture, and holding a forty-five-caliber handgun. She's an outstanding military officer that serves her country. Hindi man normal ang ginagalawan niya sa bansa, niyakap na niya ito mula nang pilit siyang ipasok ng ama niya sa PMA o Philippine Military Academy. Labag man ito sa kagustuhan ng dalaga ngunit para sa ama ay sinunod pa rin niya ito. Isinantabi niya ang pangarap niyang maging Pastry Chef noon. Wala na rin siyang kinagisnang ina at ayon sa ama niya ay namatay na ito sa panganganak sa kaniya. Ngayon, isa na siya sa mga tinitingala ng ibang mga kakabaihang sundalo dahil sa husay niya pagdating sa pagpapalipad ng isang Aircraft Fighting Jet Plane.
Nagsimula na siyang umarangkada sa runway hanggang sa nakaangat na ang aircraft na lulan siya. Sa anim na taon niya sa serbisyong iyon ay kabisado na niya ang pasikot-sikot nito mula sa himpapawid at hanggang sa pagbaba niya sa runway. Kasama niya ang iba pang mga co-pilot na nag-eensayo sa araw na iyon. After a few minutes in the atmosphere, her aircraft docked to its respective place. She unhurriedly checks the engine's switch off and descends from the plane.
Sumalubong ang kapitan pagbaba niya. "Good job, Lieutenant!"
Sumaludo siya. "Sir!"
"Carry on," tugon nito.
Ibinaba niya agad ang kaniyang kanang kamay matapos ang tugon ng kaniyang kapitan. Taas-noo rin niyang tiningnan ito bilang respeto niya sa rango ng lalaki kahit na limang taon lang ang tanda nito sa kaniya. He's Capt. Louis Mondejar, a son of General Lucio Mondejar of First Brigade. Ito rin ang kapitan sa kanilang hanay at matagal na itong may gusto sa kaniya. Hindi naman nalalayo sa ibang mga kalalakihan ang binata. Matangkad ito, gwapo, matikas ang tindig at maayos ang estado sa buhay. Kaya lang ay hindi asintado si Kupido sa pagpana ng puso niya kaya hindi niya nagustuhan ito at alam iyon ng binata.
"By the way, ipinatawag ka ni General Aritana sa office niya," muli nitong wika.
"Ngayon na po ba?"
"Yes, Lieutenant. At pagkatapos niyong mag-usap ay pumunta ka agad sa hanay. Kailangan ko kayong makausap."
Muli niyang iniangat ang kanang kamay upang sumaludo. "Yes, Sir!"
Sumaludo rin ito sa kaniya at bahagyang ngumiti.
Matapos niyang makipag-usap dito ay naglakad na siya upang makapagpalit ng kaniyang uniform. Nasa loob siya ng Villamor Air Base sa Pasay City at isa sa pinakamalaking Air Force Base sa Pilipinas. Ang sumunod ay parte na lamang ng isang kasaysayan sa loob ng kampong iyon.
Ilang oras ang lumipas ay muli siyang naglakad patungong opisina ng heneral, ang opisina ng kaniyang ama. Wala siyang ideya kung bakit na naman siya nito ipinatawag. Halos walang araw na hindi ako ipatawag sa opisina niya kahit araw-araw naman kaming nagkikita rito. Hay, ano na naman kaya ang kailangan niya? Napapailing na lamang siya sa isiping iyon.
Nakarating siya sa malaking opisina nito. May isang pinto pa bago ang pinaka-opisina ng ama niya. Nang mga sandaling iyon ay wala ang sekretarya nito at naulinigan na lamang niya ang mga lalaking nag-uusap sa opisina ng kaniyang ama habang siya ay papalapit. Wala naman siyang rason na makinig sa mga usapan ng mga ito ngunit narinig niya ang pagbanggit ng isang lalaking pamilyar ang boses sa kaniya tungkol sa isang tila mahalagang bagay. Dali-daling lumapit agad siya sa may pinto na may kunting awang. Pasimple siyang sumilip doon upang makita niya ang mga ito.
Nag-abot ng inumin ang lalaki sa ama niya. "We have to pursue their wedding, General."
Nagtaka siya. Huh? Si General Lucio? Anong wedding ang pinag-uusapan nila? Muli niyang hinintay ang mga pag-uusap ng mga ito upang maliwanagan siya.
"Kailangan na natin silang ipakasal sa lalong madaling panahon. Aba'y hindi na mga bata ang ating mga anak. Matagal na natin itong plano," pagpapatuloy nito.
Nanlaki ang mga mata niyang matukoy kung sino ang pinag-uusapan ng dalawa. Kasal? Kami ba ni Louis ang tinutukoy ng dalawang ito? No way!
"Iniisip ko rin iyan, General Lucio. Matagal na tayong magkasama sa serbisyo at subok ko na ang loyalty ng pamilya mo sa ating hanay at sa pamilya ko. I know that Louis is a good man, and he will take care of my daughter. Pumapayag ako sa gusto mo alam mo iyan. They will get married as soon as possible. And of course, our real estate merging business." Inihayag ng ama niya ang huling desisyon nito.
"That's the best idea. Matutuwa ang anak kong si Louis dahil matagal na siyang may gusto sa anak mo. Matatawag na rin kitang kumpadre at hindi na General Alex." Nagpakawala ng isang ngiti si Lucio saka ito uminom ng alak sa baso.
"I will invite you and your son to a special dinner. Darating tayo riyan," ganting-ngiti ng ama niya.
"Kausapin mo ang anak mo at baka mabigla siya."
"Huwag kang mag-alala. Hawak ko sa leeg ang anak ko. Ako pa rin ang masusunod para sa ikabubuti niya."
"Mabuti naman at wala tayong problema."
Iyon ang mga nakakagimbal na sekretong usapang napakinggan niya habang kuyom ang kaniyang kamao. Hindi lubos akalain ni Alexis na aabot sa hangganan ang pagiging diktador ng ama niya. Napasandal siya sa pintuan at mariing napapikit. Hanggang sa personal kong buhay ay gusto niyo pa rin akong diktahan. Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Ipapakasal niyo ako sa lalaking hindi ko naman gusto? Sobra na ito. Hindi na ito makatarungan. Naturingan pa kayong nagsasaayos ng batas ngunit para yaman, dangal at kapangyarihan ay nasilaw kayong dalawa? Paano niyo nagawa sa akin ito? Gusto niyang sumabog sa sobrang inis sa ama niya. But, she was alarmed when she heard footsteps coming in from outside. Hindi maaaring madatnan siya roon at baka kung anong isipin. Kailangan niyang maghanap ng idadahilan. Bago pa man ito tuluyang makapasok, bigla siyang dumapa at sumilip sa ilalim ng table.
"Lieutenant? A-Anong ginagawa mo riyan?"
Nag-angat siya ng tingin sa babaeng kakapasok lang. "I-Ikaw lang pala. Uhm, may daga!" Nakahinga siya nang maluwag nang makilala niya ito. Ang kaibigan at kasamahan niyang si 2nd Lieutenant Grace Aurora Pagente na may dala-dalang mga folder. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa niya sa sahig.
"Daga? S-Saan?" Nagpalinga-linga ito sa paligid.
Bumangon siya at nagpagpag ng damit. "Wala na, tumakbo na!"
Naalarma din ito. "Ha? T-Tumakbo? T-Tumawag tayo ng maintenance! H-Hindi pwedeng may daga rito at magagalit ang daddy mo!"
"Sige. Bahala ka na riyan!" Naglakad siya at nilagpasan ang kaibigan.
"Hoy! S-Saan ka pupunta? H-Hintayin mo ako, Alexis! Paano iyong daga?"
Hindi na niya inalintana ang kaibigan at malalaki ang hakbang niyang lumabas ng opisina. Hanapin mo na lang ang daga! Hindi naman siya sanay magpatawa ngunit sumagi sa isipan niya ang reaksiyon sa mukha nito kanina. Isinantabi niya iyon at muling naalala ang pinag-usapan ng mga ito at nagngingitngit ang kaniyang kalooban. Imbes na harapin ang ama niya, hindi na siya tumuloy at baka kung ano pa ang magawa niya.
PASADO alas-diyes ng gabi nang makauwi siya sa bahay nila sa San Lorenzo Village sa Makati. Marami siyang naging activities sa base at itinuon niya ang sarili roon habang iniisip kung paano solusyunan ang kinakaharap na problema. Dahil sa pag-iisip niya, kamuntik pa niyang maiwan ang cell phone niya sa loob ng coffee shop kanina. She remembered the guy who gave it to her. Kahit medyo dim light ang paligid, nabanaag niya nang kaunti ang imahe nitong isa itong dayuhan. Sayang! Tinanong ko sana siya kung single pa siya at magpanggap na asawa ko. Hay, ano ba itong naiisip ko.
Sinalubong naman agad siya ng kaniyang Nana Caring na may edad na at halos ito na rin ang nagpalaki sa kaniya mula nang mamatay ang kaniyang ina. Nais sana niyang sabihin dito ang natuklasan ngunit sinarili na lang niya muna.
"Alexis, bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?"
Hindi niya ito tiningnan at dire-diretsong umakyat sa hagdanan. "Oho."
"Ha? May niluto pa naman akong paborito mo. Nag-text ako sa'yo."
"Late ko na nabasa at pasensiya na," aniya.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa ikinikilos niya. "Kapag nagutom ka ay magsabi ka lang."
Hindi na siya sumagot pa.
Habang nasa Air Base siya kanina ay nag-iisip na siya na pwede maging solusyon sa problema niya. Hindi maaaring matuloy ang kasal niya kay Louis at masunod ang gusto ng dalawa. Pagkabihis niya ay nagtungo agad siya sa kaniyang laptop table at binuksan iyon. May isa siyang malapit na kaibigan na nasa States na nakausap niya kanina. Humingi na rin siya ng tulong dito tungkol sa kinakaharap na problema at saktong nagbigay ito ng numero na makakatulong sa kaniya. Isang Dating Agency. Kakilala ng kaibigan niya ang isa sa mga agent nito kaya hindi na rin siya nagdalawang-isip na tanggapin ang offer. Tinawagan agad ni Alexis ang numerong nakuha niya mula sa kaibigan. Sakto naman na nag-ring agad ito at ilang sandali pa ay may sumagot ng kaniyang tawag sa kabilang linya.
"Hello" Good evening!" anang babaeng nasa kabilang linya.
"Hi! I'm Alexis Aritana, Karla's friend. She's at US right now and ini-recommend ka niya sa akin. You're working at Strings of Faith Dating Agency as an agent, right?"
"Who's Karla? Roselyn Karla Lloren Dee?"
"Yes, that's her."
"Okay. Nice to meet you. Uhm, how can I help you? And yeah, I'm one of the agents in Strings of Faith Dating Agency."
"Ano ba ang proseso? Ano ba ang ino-offer niyo?"
"Well, since Dating Agency kami, may mga for escort's kami na pwedeng e-hire. When do you need an escorts or—"
"I need a husband! Iyong pwedeng pumayag sa isang kasunduan sa loob ng isang taon. May mai-rekomenda ka ba?"
"Uhm, Dating Agency lang ang—"
"I can double your price!" Putol niya sa sinasabi ng babae sa kabilang linya. "Kahit malaking halaga ang kailangan, I'll pay for it. Kailangan kong makahanap ng lalaking magpapanggap bilang asawa ko. Can you help me? Kaibigan naman ako ni Karla, baka naman matulungan mo ako," desperada niyang sabi rito. Gagawin niya ang lahat alang-alang sa nakataya niyang kalayaan.
"Okay. I'll text you our office address and other information. May ilalakip din akong pangalan ng taong pwede mong hanapin sa opisina na siyang magpapaliwanag sa'yo sa lahat."
"Thank you so much. By the way, what's your name? Nakalimutan kong tanungin ka."
Tumawa ito nang mahina sa kabilang linya. "I'm Veronica or Agent V for short."
"Alright. Uhm, curious lang ako sa services niyo. Can I ask something?"
"Yeah, sure!"
"Kung dating services lang ino-ffer niyo, it sounds like there is something behind your company."
"Actually, our head Gigalo council will explain to you further about our company, the RnJ Services. At dahil interesado ka, I will let you know kahit pahapyaw. The nature of business is to provide a husband for hire service for those financially capable women in need. Ang isa sa mga council na ang bahalang maipag-ugnayan sa'yo bukas para malaman mo rin kung ano ang kalakaran sa kompanyang ito. But, we make sure na we are legal and safe. May mga contract din kaming ilalabas for both client and the hired husband to secure the legal process of accepting it."
"I see. Thanks for the little information."
"Alright. I will text you the name of Gigalo council. He will handle your case since you offered a big amount. And I will put this in urgent line."
"Okay. Thank you very much."
"Bye."
Ilang segundong na-ibaba na ang tawag niya rito at napaisip pa rin siya. Kung kinakailangan niyang gamitan ng impluwensiya at pera ay gagawin niya alang-alang sa kaniyang reputasyon at kapakanan. Wala na itong atrasan! Maya-maya pa ay nakatanggap din siya ng text mula rito. Napabuntong-hininga siya. Napapanahon na para sarili ko naman ang susundin ko! Napapailing na lamang siya saka nniya inayos ang sarili upang magpahinga.