Hingal na hingal si Wong Ming nang mapagtanto nitong naririto siya sa tapat ng isang malaking tore.
Inilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang maraming mga kalahok na pareho ang kapalarang sinapit niya.
Nakatapat din ang mga ito sa toreng halos kapareho ng sukat at laki ng toreng nakatapat sa kaniya.
Magkagayon pa man ay ramdam niyang may kakaiba talaga.
Mula sa labas ng tore ay kitang-kita niya ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa buong lugar na ito.
Maya pa ay bumukas ang malaking pintuan ng tore at dito ay lumabas ang kakaibang nilalang.
Isang Demon Race!
Iyon agad ang napansin ni Wong Ming lalo na noong mapadako ang tingin ng nilalang na ito.
Nabalot ng makapal na hamog ang buong lugar na kinaroroonan ni Wong Ming dahilan upang mawalan siya ng makikitang disipulong ilang metro lamang ang layo sa kaniya.
"Malas mo lang binata at mukhang hindi naaayon ang kagustuhan mo na lumakas gayong nabigo ka sa unang pagsubok hahaha!!!" Malademonyong sambit ng kakaibang nilalang habang humahalakhak pa ito ng pagkalakas-lakas.
"Nabigo sa unang pagsubok? Pagsubok bang lunurin mo kami hanggang sa mawalan kami ng hininga?! Pagsubok ba talaga iyon o isang uri ng pagpaslang?! " Mapait na tanong ni Wong Ming habang kitang-kita ang inis sa mukha nito.
"Hindi ko na kasalanan ang pagiging mangmang niyong mga tao. Nandito kami sa islang ito hindi upang magbigay ng gantimpala lamang na hindi pinaghihirapan. Isa pa ay lahat ng kayamanan ay may katumbas na kapalit. Iyon ay ang mga buhay niyo mga mababang uri!" Malakas na saad ng kakaibang nilalang habang may pangmamaliit sa tono ng pananalita nito.
"Kung nabigo kami, ano ang pangalawang pagsubok namin?!" Nagtatakang tanong ni Wong Ming sa kakaibang nilalang na kaharap niya.
"Hindi ano, kundi sino! Hmmm... Malas mo lang binata dahil ako ang makakaharap mo. Hindi ka maaaring pumasok sa loob ng toreng ito na hindi dumadaan sa mga kamay ko!" Sagot ng nasabing nilalang habang may nakapaskil na mala-demonyong pagngisi sa mukha nito.
Imbes na matakot si Wong Ming ay nakaramdam siya ng excitement. Hindi niya aakalaing may makakalaban siyang nilalang na galing sa demon race. Kakaiba ang nilalang na ito, hindi niya matatawag na isang Dark Element Demon ito.
Bago pa magsalita si Wong Ming ay nakita niyang nawala bigla sa pwesto niya ang nasabing nilalang at nakita ang presensya nito sa likuran niya.
TAH! TAH! TAH!
Malalakas na sipa at suntok ang pinakawalan ng nasabing demon race ngunit bigo itong tamaan si Wong Ming.
Ramdam niyang pamilyar siya sa inheritance na ito at kung di siya nagkakamali ay kailangan niya ng susi upang buksan ang malaking pintuan na magiging daanan niya papasok sa bawat palapag.
Isang malakas na sipa muli ang pinakawalan ng nasabing nilalang at sa pagkakataong ito ay mabilis na Hinawakan ni Wong Ming ang binti nito.
Hindi nag-atubiling ikutin ito at isalampak sa lupa ang nasabing nilalang.
BANG!
Isang malakas na tunog nang maisagawa ni Wong Ming ang kaniyang taktika.
Kitang-kita na napasalampak sa lupa ang nasabing nilalang.
Nang akala ni Wong Ming na tapos na ang lahat ay nagkakamali siya.
Bigla na lamang naging likidong kulay itim ang nasabing nilalang at naging isang dambuhalang halimaw na tigre.
Isang Black Fang Tiger!
Nagulantang si Wong Ming sa nakita niya.
Ang nilalang na ito ay kakaiba lalo pa't may abilidad itong kumopya ng anuman o sinumang nilalang.
Kakaiba ang inheritance na ito at maaari lamang siyang makapasok sa loob ng tore kung sakaling mapaslang niya ito.
Mabilis na sumugod ang nasabing dambuhalang halimaw patungo sa kaniya.
Mukhang hindi pa ito nakuntento lalo na at aatakehin siya nito gamit ang nagtatalimang mga kuko nito.
Nasa Level 7 Beast ito kung hindi nagkakamali si Wong Ming.
Sa kasalukuyan niyang lakas niya ay imposibleng matalo niya ito ng madalian lamang.
GROWWLLL!
Isang malakas na atungal ang pinakawalan ng halimaw at kasabay nito ang atakeng gustong tumama sa kaniya.
KRRRRR! KRRRR! KRRRRR!
Rinig na rinig ni Wong Ming ang sunod-sunod na pagkapunit ng robang suot niya.
Ang mga atakeng pinakawalan ng halimaw ay masasabing ekstraordinaryo.
Walang pag-aalinlangan na ginamit ni Wong Ming ang isang pambihirang espadang nakalagay sa likuran niya.
Hindi niya pa rin magamit ang pambihirang sword needle na nasa pangangalaga niya.
SLASH! SLASH! SLASH!
Nilabanan ni Wong Ming nang harapan ang nasabing halimaw.
ERRKKK! ERRRK! ERRRK!
Nagpalitan ng atake si Wong Ming at ang nasabing Black Fang Tiger.
Agad na nakahanap ng open area si Wong Ming at mabilis na inatake ang bandang balikat ng halimaw.
SHINNNGGGG!
Isang malaking hiwa ang nagawa ng espadang hawak ni Wong Ming dahilan upang masugatan ang nasabing halimaw sa bandang balikat.
SHINNNGGGG!
Dalawang malalaking hiwa ang ginawa ni Wong Ming pero sa pagkakataong ito ay sa bandang tiyan naman ng nasabing Black Fang Tiger.
GROWWLLL!!!!
Isang malakas na atungal muli ang pinakawalan ng Black Fang Tiger dahilan upang magwala ito.
Nabalot ng kakaibang itim na enerhiya ang halimaw.
Wong Ming already predicted it.
Hindi na nagdalawang-isip si Wong Ming na umatakeng muli sa pamamagitan ng pambihirang martial arts skill na natutunan niya.
Skill: Killing Sword!
Biglang nagliwanag ang talim ng espada ni Wong Ming at sa pamamagitan nito ay kitang-kita kung paano'ng natawid nitong muli ang distansya niya at ng Black Fang Tiger.
TSH!!!
Naputol ang mismong ulo ng Black Fang Tiger dahil sa ginawang killing move ni Wong Ming.
Sumirit ang napakalapot na dugo sa pugot na leeg ng halimaw at kasabay nito ang paggulong ng ulo nito.
Nang akala ni Wong Ming ay tapos na ang labanang ito sa pamamagitan niya at ng kakaibang uri ng nilalang na kaharap niya ngayon ay nagkakamali siya.
Sa isang iglap ay naging likidong itim itong muli at nanindig ang balahibo ni Wong Ming nang makita ang pamilyar na nilalang na nakasagupa niya noon.
Isang kulay itim na demonyo ang naging anyo sa kasalukuyan ng nasabing nilalang.
Isang dambuhalang halimaw na minsan niya ng natalo noon ngunit mukhang hindi ito papalagpasin ng kakaibag uri ng nilalang na guamgaya ng anyo at hugis ng kalaban niya.
Imbes na kulay pula ay kulay itim ito. Ang nakapangingilabot pa rito ay nang muli itong magsalita.
"Alam ko ang mga kahinaan mo binata. Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka makakaalis sa lugar na ito magpakailanman!" Sambit ng dambuhalang nilalang habang nakatingin sa kaniya sa napakalalim nitong boses.
Talagang hindi ito inaasahan ni Wong Ming dahilan upang manlaki ang mga mata niya.
Nangilabot si Wong Ming sa kaanyuan ng halimaw na ito.
May alam na siya ng kayang-kaya ng nasabing halimaw na ito na gawin ang kahit na ano sa pamamagitan ng pag-alam ng mga kahinaan niya.
Dito ay labis na tinibayan ni Wong Ming ang loob niya dahil hindi niya pa rin alam kung paano tatalunin ang halimaw na ito.