Limang araw na naglalakbay ang binatang si Wong Ming.
Mula sa himpapawid ay tanaw na tanaw ni Wong Ming ang isang kakaibang isla na siyang magiging lugar kung saan niya tutuparin ang misyon niya.
Ito ang isla ng Dark Mist City. Ang nasabing lungsod ay isang isla na tinatawag na Dark Island.
Ewan ba ni Wong Ming ngunit unang tingin niya pa lamang sa sobrang linaw na lawa ay nakaramdam siya ng ibayong pangamba na hindi niya mawari.
Kung titingnang maigi ay maraming yaman sa katubigang ito ngunit binalaan siya ni Faction Master Zhiqiang na ang tubig rito kapag gabi ay masyadong mapanganib lalo na kung gabi.
Konektado ang katubigang ito sa Evil Sea.
Isang misteryosong parte ng karagatan na pinaniniwalang pinakamalalim at maraming haka-haka na konektado ang karagatang ito sa iba't-ibang parte ng lugar na siyang pinamamahayan ng mga naglalakasang mga magical sea beasts.
Mula sa pinakamaliit hanggang sa dambuhalang mga halimaw.
Kaya nga takot na takot ang mga manlalakbay na pumunta sa islang ito at maliit na porsyento lamang ng mga adventurers ang nagsisipunta rito.
Malaki ang porsyento na hindi makakauwi ang sinumang pumasok rito liban na lamang sa mga nilalang na dito na lumaki at nagkaisip.
Mayaman ang islang ito sa iba't-ibang uri ng mga natural na mga halaman maging sa mga rare magical beasts.
Sa katunayan ay kalahating porsyento pa lamang ng islang ito ang naggagalugad ng mga katutubong naririto.
Ano ang ginagawa niya rito kahit na napakamapanganib?
Isa lamang ang maaari niyang gawin rito at ito ay puntahan ang mismong guild na pinakainiiwasan ng lahat, ang Dark Oath Guild.
Ibayong pag-iingat ang dapat niyang gawin lalo pa't ang paglalakbay na ito ay hindi simple lamang.
Kailangan niyang tawirin ang nasabing malawak na Dark Lake na siyang pinaniniwalang konektado sa Evil Sea.
Buti na lamang at espesyal ang sinasakyan niyang ibong pagmamay-ari mismo ni Faction Master Zhiqiang.
Isang Lumin Bird. Isa sa pinakamatapang na magical bird na isa sa mga alaga ng Faction Master.
Lumin Bird are one of the rarest magical bird lalo pa't mula sa Lumin Island ang nasabing ibong ito at doon lamang ito makikita.
Sa sobrang tapang at laki ng pambihirang ibon na ito ay kaya nitong maglakbay sa kahit na anumang mapanganib na lugar ng walang restrictions.
Espesyal ang Lumin Bird lalo pa't immune ito sa kahit ano'ng klaseng lason sa hangin at napapanatili nitong lumipad habang kumakalaban ng mga magical beasts sa kapaligiran nito. Isang Level 10 beast ang sinasakyan niya.
Nagsisimula nang lumipad ang Lumin Bird sa malawak na lawa at tila ang napakaputing pakpak nito ay unti-unting naging sobrang ito.
Namangha si Wong Ming sa kaniyang sariling natunghayan.
Napakaespesyal pala talaga ng ibong ito. Nabibilang nga ito sa Fighting Bird dahil sa kakayahan nitong mag-adjust.
Maya-maya pa ay pansin ni Wong Ming na aligaga ang ibong sinasakyan niya.
Mula sa pakpak nito ay naglabas ito ng kakaibang itim na enerhiya na unti-unting bumalot sa buong katawan nito .
Hindi maintindihan ni Wong Ming ngunit alam niyang nakaramdam ng panganib ang ibon na ito.
Mula sa ilalim ng karagatan ay isang malaking mata ang nakita niya.
Muntik nang mapasigaw si Wong Ming na siyang makakalikha ng ibayong panganib sa kaniya.
Ngunit himalang hindi sila nakita ng dambuhalang nilalang na nasa kailaliman ng lawang ito.
Hapon pa lamang kasi kanina ngunit ngayon ay tila sobrang dilim na.
Ang lugar kasi ng Dark Island ay misteryosong binalutan ng sobrang kadiliman.
Hindi tumatagos ang sikat ng araw sa lugar na ito.
Ngunit alam ni Wong Ming na kinabukasan ay pasimula na ng espesyal na araw para sa mga naninirahan sa Dark Island.
Paano ba naman ay magliliwanag ang buong isla dahil sa espesyal na okasyon kung saan ay magaganap ang isang Dark Inheritance.
Sampong araw na magliliwanag ang buong isla kasabay nito ay ang pagbubukas ng pintuan patungo sa espesyal na lugar na pwedeng makakuha ng anumang klaseng lucky chances ang sinuman.
Kaya ang misyon niya rito ay lumahok at sumali sa gaganaping dark inheritance competition.
Layunin ng kompetisyong ito na makakuha ng Totem Mark.
Ewan ba ni Wong Ming ngunit naging interesado siya rito.
Ano ba ang espesyal sa Totem Mark na ito?!
Iyon ay isang palaisipan pa rin. Iba-iba daw ang maaaring ibigay ng Totem Mark na iyon sa kung sinuman.
Sa katunayan ay ipinakita ni Faction Master Zhiqiang ang totem mark na meron siya sa palapulsuhan.
Isang Special Totem Mark ang nakuha niya noon.
Kung di siya nagkamali ay nakukuha ang Special Totem Mark sa isang pambihirang bagay o magical beasts doon na makukuha o mapapaslang mo.
Ang Special Totem Mark niya ay may kakayahang palakasin ng dalawampong beses ang sandata o nilalang na gustuhin nito. Temporaryo lamang ito ngunit ang nagpagulantang kay Wong Ming ay kayang gawing permanente ito lalo na kapag minarkahan o pagmamay-ari ito ni Faction Master Zhiqiang.
Kagaya ng Lumin Bird na ito, isa ito sa nabigyan ng nasabing kapangyarihan ng Totem Mark nito. Hindi na nakakapagtaka pa na ang nasabing ibong ito ay lumakas at patuloy na lumalakas dahil na rin sa tulong ng Totem Mark ni Faction Master Zhiqiang.
Ito ang pangunahing misyon ni Wong Ming, ang makakuha ng Totem Mark kaya sasali siya sa Dark Inheritance na siyang ipinagdiriwang taon-taon sa loob ng Dark Island.
Kalahating minuto ang nakalilipas at narating na ni Wong Ming ang nasabing isla.
Mabuti na lamang at sa bungad lamang ng isla ay naroroon ang malaking signage ng Dark Oath Guild.
Isa ito sa malalakas na mga Guilds ng Dark Island.
Hindi pwedeng mata-matahin lamang ang nasabing guild na ito dahil may tinatagong lakas ang naaabing Guild.
Kung di nagkakamali si Wong Ming ay tanging ito lamang na guild ang mayroong kaugnayan ang Faction Master Zhiqiang nila.
Agad na lumapag si Wong Ming sa harap mismo ng nakabukas na tarangkahan.
Kitang-kita naman niya kung paanong nakaagaw siya ng pansin mula sa iilang mga disipulong nakasaksi sa kaniyang pagdating.
Kulay itim ang mga suot na mga roba ng mga ito. Ewan ba niya... Ngunit mabuti lamang at kulay itim ang robang suot niya ngunit simple lamang ito.
Kaibahan sa robang suot ng mga ito na tila may simbolo ng isang espada na may malaking pangil.
Basta nakakatakot ang simbolong iyon. Parang pangil iyon ng isang halimaw.
Kung di siya nagkakamali ay parang pangil ng tigre iyon.
Maya-maya pa ay dumami ng dumami ang naki-usyuso.
Ngunit mukhang hindi sa kaniya nakatuon ang pansin ng nasabing mga disipulong ito ng Dark Oath Guild kundi sa Lumin Bird na sinasakyan niya.
Kapag tumitingin ang mga disipulo sa kaniya ay tinitingnan lamang sinya ng mga ito na parang wala lamang at ang iba ay tila hinahamak siya.
Kumpara sa katulad niya ay kapansin-pansin na halos lahat sa mga ito ay may mga totem mark.
Naalala niya nga noon ang mga pumuntang mga disipulong galing sa Dark Oath Guild na ito ay purong may mga totem mark ang mga ito.
Ewan ba ni Wong Ming ngunit siguro iyon din ang dahilan kung bakit higit na nakalalakas ang mga ito mula sa mga taga-labas.
Maya-maya pa ay nakita niyang may isang lalaking nakasuot ng kakaibang itim na roba. Mula sa tindig nito at pananamit ay halatang mayroon itong malaking katungkulan sa nasabing Guild.
Sa huli ay sa kaniya na nakatuon ang atensyon ng lahat.
Tila napalunok na lamang ng kaniyang sariling laway si Wong Ming at tiningnang maigi ang kaharap niyang nilalang.