Chereads / Supreme Asura / Chapter 710 - Chapter 710

Chapter 710 - Chapter 710

Ipinagpatuloy ni Wong Ming ang paglalakbay niya at nakipaglaban sa mga magical beasts na mayroong mga Silver stone crystals

Sinuri at mga pamilyar na mga magical beasts ang mga kinalaban niya ngunit mayroong level na di tataas sa Level 5. 

Random din ang mga silver stone crystals na nakukuha niya mula rito. Hindi niya alam kung bakit ngunit kalaunan ay naintindihan niya rin. 

May iba't-ibang lakas at katangian ang mga Magical Beasts kung kaya't hindi nakakapagtaka na random din ang mga makukuha mong stone crystals.

Ibayong pag-iingat na may kalakip na lakas ng atake pa din ang kinakailangan upang talunin ang mga ito.

Maya-maya pa ay nagpahinga si Wong Ming saglit sa isang tabi kung saan ay hindi agad-agad siya mapapansin ng sinuman.

Napakalawak ng lugar na ito at masasabi ni Wong Ming na magpahinga muna upang magcultivate para mabawi niya ang lakas na nawala sa kaniya mula sa pakikipaglaban ng mga magical beasts.

Masarap sa pakiramdam ni Wong Ming ang muling pagbabalik ng lakas niya. Ngunit maya-maya pa ay naramdaman niyang tila hinigop ang sarili niya patungo mismo sa consciousness niya.

Dito ay nagimbal siya sa kaniyang nakita. Kitang-kita niya kasi na tila ang isang buong sword Needle niya ay kasama na ng nasabing dalawang kakaibang speck of lights na ito. 

Hindi alam ni Wong Ming ngunit tila lumaki ng konti ang speck of lights na ito. 

Maya-maya pa ay tila nalusaw ang sword needle niya at naging isang napakaliit na liwanag. Sobrang liit nito na hindi na makita ni Wong Ming.

Hindi alam ni Wong Ming ngunit nakaramdam siya ng pangamba. Bago pa siya mag-isip ng kung ano ay nilisan niya ang consciousness niya para bumalik sa reyalidad.

Agad na iminulat ni Wong Ming ang sarili niya at tumayo. Sinubukan niyang palabasin ang Sword Needle niya ngunit sa hindi malamang dahilan ay labis na nagtaka si Wong Ming.

Para kasing nawala bigla ang sandatang meron siya. Sinubukan ulit ni Wong Ming ng ilang beses ngunit hindi niya ito mapalabas. Ramdam niya pa rin ang koneksyon niya rito ngunit may kung ano'ng klaseng pwersa mula sa loob ng katawan niya na nagpipigil sa kaniya upang makuha niya itong muli.

Pakiramdam ni Wong Ming ay naging mahina siya. Iyon ang pangunahing sandatang meron ngunit ngayon ay tila nawalan siya ng lakas.

Imbes na magmukmok ay namili na lamang si Wong Ming ng mga sandatang gagamitin niya sa kompetisyong ito. 

Isang Giant Sword ang pinili ni Wong Ming na gamitin sa mga oras na ito na isinukbit niya sa kaniyang likuran. 

Noon ay tila napakabigat nito ngunit ngayon ay napakagaan na nito. 

Ang isa pang sandatang gagamitin niya ay isang pana na sa tingin niya ay magiging epektibo rin lalo na sa kompetisyong ito. Nagmula siya sa Golden Crane City at ang pangunahing sandatang ginagamit sa siyudad nila ay ang pana. 

Naniniwala siyang sa sandatang ito ay walang makakatalo sa kaniya sa paggamit nito. 

Hawak niya ang isang pambihirang panang galing pa mismo sa mahalagang koleksyon ng amain niya. 

Golden Crane Bow, ito ang pangalan ng nasabing sandatang ito. Hindi alam ni Wong Ming kung bakit binigay ito sa kaniya ng amain niya. Sabi niya ay espesyal daw ito, ewan ba niya ngunit ang alam niya lamang ay bagong gawa lamang ang sandatang iyon matapos nitong matagpuan ang isang bangkay ng Golden Crane Bird kasabay ng pagkapadpad niya sa Golden Crane City.

Kung titingnang maigi ay parang wala namang espesyal sa panang ito na gawa mismo sa buto ng nasabing magical beast ba Golden Crane Bird dahil mukha lamang itong ordinaryo sa mukha ng lahat. Tanging ang mga tunay na eksperto lamang na napakahusay sa pagkilatis ng halaga ng isang sandata ang makakapansin nito.

Dahil desperado na si Wong Ming na manalo ay kailangan niyang paghandaan ang gagawin niyang ito upang manalo sa kompetisyon na ito.

...

Mula sa labas ng simulated environment ay tila nakaagaw ng atensyon ni Faction Master Zhiqiang ang nasabing sandatang hawak-hawak ng isang binata.

"Sino ang disipulong iyan? Kilala mo ba ito?!" Tanong ni Faction Master Zhiqiang sa tatlong Faction Vice Masters. 

Labis namang nagtaka ang tatlong Faction Vice Masters sa tinuran ni Faction Master Zhiqiang.

Wala namang kakaibang nakikita ang tatlong Faction Vice Masters dahil kung titingnang maigi ay naglabas lang naman ng dalawang magkaibang sandata ang disipulong ito.

Yung iba nga ay tatlo o apat na sandata ang ginagamit upang lumaban. Kaya naagaw naman nag kuryusidad ng apat sa disipulong tinutukoy ni Faction Master Zhiqiang. 

"Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung binatang kasa-kasama noon ni Punong Maestro Duyi hindi ba?!" 

"Kung susuriin wala namang kakaiba sa kaniya Faction Master."

"Ordinaryo lamang ang binatang iyan. Ngunit masasabi kong tila gusto nitong gumamit ng dalawang sandata."

Ito lamang ang nasambit ng tatlong Faction Vice Masters na tila nagtataka pa rin sa sinabi ng kanilang Faction Master.

"Wala ba kayong napapansin sa espadang nakalagay sa likod ng binatang iyan?!" Sambit ni Faction Master Zhiqiang.

Bumalik naman ang mga alaala noon sa kaniya. Kahawig na kahawig nito ang sandatang nakalaban niya noon. 

Ang kaibahan lamang niyon ay maliit lamang iyon at napakatalas ng espadang iyon.

Tiningnan naman ni Faction Master Zhiqiang ang peklat na nasa braso niya. Ito ang peklat na hindi niya kailanman malilimutan. 

"Oo nga noh. Ito yung kahawig ng sandatang gamit ng nakalaban natin noon Fation Master!" 

"Ewan ko kung buhay pa ang nilalang na iyon? Pero sa pagkakatanda ko ay isang replika lamang ang gamit noon ng nilalang na iyon ngunit nagawa tayong pinsalain nito!"

"Muntik na tayong mamatay dahil sa matandang iyon. Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa atin hmmp!"

Ito na lamang ang nasambit ng tatlong Faction Vice Masters habang tila nagngingitngit sila sa inis. 

Halata pa rin kasi sa kanilang tatlo ang pagkainis habang naalala ang pangyayaring iyon mula sa nakaraan.

Lihim namang sumilay ang munting ngiti sa labi ni Faction Master Zhiqiang. Naalala niya na ang nilalang na iyon ay nagbigay sa kaniya ng lahat ng mga pangaral at mga bagay na dapat niyang isabuhay. 

Sa maikling panahon ay malaki ang naambag nito sa buhay niya.

Habang nakatingin siya sa sandatang nakalagay sa likuran ng binata ay alam niyang hindi iyon replika. Isang pambihirang artifact iyon na kahawig ng gamit ng nilalang na nagturo sa kaniya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at mas nangingibabaw doon ang pangamba at kuryusidad.

Ano'ng ginagawa ng binatang ito sa Flaming Sun Faction? Ngayon niya lamang napagtanto na parang mangyayari na naman ang nakaraang kailanman ay hindi niya matatakasan.