Chereads / Supreme Asura / Chapter 712 - Chapter 712

Chapter 712 - Chapter 712

WOOOSSHHHH! WOOOSSHHHH! WOOOSSHHHH!

Sunod-sunod na mga palaso ang pinakawalan ni Wong Ming matapos nitong kinakalaban ang isang dambuhalang Puno na mayroong naglalakihang mga baging.

Tinatawag na Thousand Hand Tree ito na dahil sa sobrang tanda ng punong ito ay nagkaroon na ito ng consciousness. 

Magical Plant kung maituturing at masasabing balakid rin ito ni Wong Ming. 

Kitang-kita niya kung gaano kaswapang ang punong ito. 

Ang mga naging atake niya ay naging walang kabuluhan. 

Paano ba naman ay walang epekto ang palaso niya rito. Sa uri ng depensa ng nilalang na ito ay mahihirapan siya.

Limampong gintong Stone Crystals lang naman ang mayroon ito at mayroon pang iilang mga pilak at napakaraming tansong stone crystals na nasa bahagi ng ugat nito sa likuran.

Siguro ay accumulation nito matapos nitong magapi ang mga pagala-galang mga magical beasts na nagagawi sa teritoryo nito.

Alam niyang ang kalakalan sa kompetisyong ito ay lahat ng bagay na mahahalaga ay siyang mapupunta sa panalo. 

Sa tingin ni Wong Ming ay panalong-panalo talaga ang magical plant na ito.

Sandaling napaatras si Wong Ming at mukhang hindi magiging madali ang pagkuha niya sa mga Stone Crystals na nasa pangangalaga ng pambihirang punong kay dami ng galamay nito.

Isang Level 5 na magical plant lamang ito ngunit ang nagpapahirap sa kaniya sa paglapit ay ang sobrang daming mga baging nito.

Ngunit tila dumoble ang kompetisyon at humigpit pa lalo nang mapansin ni Wong Ming ang papalapit na mga nilalang.

Huli na upang magtago siya. 

Sa tingin pa lang niya ay imposibleng makakubli siya sa mga ito lalo pa't pansin niya ang isang babaeng masakit kung tumingin sa kaniya.

Tama siya ng hinala, isa ito sa masasabi niyang may vision ability. 

Sigurado siyang malakas ang isang ito.

Naalala niyang nilampaso lamang nito ang kalaban nito sa loob ng field sa loob ng ilang segundo lamang.

Sa tingin niya ay ito rin ang pinakamalakas.

Isang Peak Purple Heart Realm Expert habang ang kasamahan nitong dalawa ay nasa Peak Purple Blood Realm lamang at dalawang Middle Purple Blood Realm Expert.

Hindi naman kakikitaan ng pangamba si Wong Ming. Hindi naman kasi agad-agad siyang malalapitan ng mga kalaban niya. 

Nasa loob siya ng teritoryo ng mapangahas na Thousand Hand Tree. 

"Ano pang ginagawa mo binata, hindi ba't dapat ka ng umalis rito?!" Pagtataboy ng babaeng tila hindi pa rin mawawala ang tila masakit nitong tingin kay Wong Ming.

"Bingi ka ba? Mukhang sira ata pandinig mo!" Sambit ng isang kasamahan nito na isang lalaki.

"Oo nga noh, mukha siyang bingi. Hindi ba niya alam na teritoryo ito lahat ng ating lider!" Sambit ng isang pang lalaking kasamahan nito.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano ang gagawin. Masyadong nangingialam ang mga kalahok na ito.

Naglabas ng tig-iisang malalaking pana ang dalawang kapwa manlalahok ni Wong Ming.

Kasabay ng pagcast ng dalawang magkaibang skills ng mga ito ay ang pagkaroon ng mga nagliliwanag na palaso sa bandang kamay ng mga ito na tila aatake na talaga.

Skill: Rain Arrows!

Skill: Snipe Arrows!

Umulan ng mga palaso ang kapaligiran ni Wong Ming. 

Todo-iwas naman siya at tila hindi siya nahihirapan lalo na nang mapansin niya na ang mga gumagalaw na galamay ng buhay na punong ito ang natatamaan.

Kitang-kita naman ang inis sa mukha ng mga kalaban niya.

Ang ginawa na lamang ni Wong Ming ay tunguhin ang kinaroroonan ng nasabing mga stone crystals.

Ilang minuto lamang ay narating niya ito. 

Paano ba naman ay hindi na sa kaniya ang atensyon ng mga ito kundi sa limang nilalang na imbes siya ang target ay sila naman ngayon ang kinakaabalahan ng Thousand Hand Tree na ito.

Nang matagumpay na makuha ni Wong Ming ang mga stone crystals ay nilisan niya na ang lugar na ito na may ngiti sa labi.

Paano ba naman ay nakaligtas siya sa dalawang panganib ngunit mayroon siyang nakuhang malaking pabuya.

...

Kasalukuyang lumilipad si Wong Ming sa bahaging kanluran. 

Ngayon ay iba na ang postura niya at pananamit.

Nakasuot siya ng Jade Mask habang ang robang suot niya ay kulay puting ordinaryong roba. 

Mabuti na ang maingat. Kailangan niyang manalo rito.

Napakarami na rin niyang stone crystals na nakuha at nasa kaniyang pangangalaga pa rin.

Kung hindi siya nagkakamali ay kalahating oras na lamang ang natitira para matapos ang nasabing kompetisyon na ito para sa trial rankings.

Bago pa niya makamit ang pagkarami-raming stone crystals ay marami siyang nasagupang mga kapwa niya kalahok at iba't-ibang uri ng mga halimaw. 

Ngunit sa huli, siya ay isa sa mga nakinabang rito.

Lumilipad siya kasama ng dalawampong nilalang na kapwa niya mga kalahok. 

Papunta na sila sa mismong sentral na bahagi ng lugar na ito.

"City of Giants"

Iyan ang katawagan ng lugar na iyon. 

Hindi nga nagkamali si Wong Ming nang matanaw sa hindi kalayuan ang napakalaking siyudad. 

Kitang-kita nilang lahat na mayroong mga rebulto ng mga naglalakihang mga halimaw ang naroroon sa siyudad maging ang naglalakihang mga pigurang gawa sa bato na mga higante.

Nakakamangha ngunit nakakatakot din kung titingnang maigi.

Ramdam ni Wong Ming na pamilyar ang siyudad na ito. 

Kung tama nga siya ng hinala ay totoong nag-eexist ang siyudad na ito ngunit hindi ito rito. 

Kahit siya ay hindi pa niya kailanman napupuntahan ito.

Mapanganib ang lugar na ito dahil karamihan sa nagpupunta sa nasabing siyudad ay upang sumali sa tournament.

Ngunit dahil alam ng karamihan na huwad na siyudad lamang ito ay hindi na sila nag-alinlangan na pumunta sa nasabing lugar.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay narating na rin nila ang nasabing siyudad. 

Ngunit mukhang hindi lamang sila ang naririto kundi mayroon ding iba pang mga kalahok ang naririto.

Marami na ring mga kapwa niya disipulo ang naririto na tila naghihintay.

Lumapag sila at pumwesto sa isang sulok ng pabilog na bagay.

Inilibot ni Wong Ming ang kaniyang paningin at pansin niyang iba-iba ang pinagkakaabalahan ng mga kapwa niya manlalahok.

Ang iba ay tahimik at ang iba ay sobrang maingay. Ang iba ay kitang-kita ang inip sa pagmumukha ng mga ito.

Siya ay napagod din sa labanan at tahimik na pinagmamasdan ang nasabing malaking portal.

Maya-maya pa ay lumiwanag ang malaking pabilog na bagay at naging isang malaking portal.

Hindi na sila nag-aalinlangan na pumasok na rin kasama ng iba pang mga kalahok ng maayos.