Chereads / Supreme Asura / Chapter 688 - Chapter 688

Chapter 688 - Chapter 688

Nagising na lamang si Wong Ming sa mahabang pagkakatulog. Tanghaling tapat na at alam niyang dahil iyon sa pambihirang space sa loob ng katawan niya kung saan namumungad si Herano, ang ama ni Prince Xing.

Noong una ay nagdududa na siya ngunit mukhang tama nga ang kaniyang mga hinala at kagagawan pala ng masamang nilalang na si Herano kung bakit niya kasama sa kasalukuyan ang nasabing prinsipe.

Talagang tuso talaga ito pero hindi iyon ang pinoproblema niya ngayon. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito ng ligtas lalo na't isang buwan silang naririto.

Kailangan niya atang mag-isip ng tama at di magpadalos-dalos.

Wala siyang aasahan na tutulong sa kaniya rito lalo pa't hindi pa rin niya nakikita si Prince Xing.

Hindi naman siya nagtanim ng galit sa nasabing prinsipe, sadyang tuso lamang ang ama nito na naninirahan sa loob ng katawan niya, sa hiwalay na space to be exact.

Inayos niya ang kaniyang sarili at mabilis na naglakbay.

Sinuot niya ang itim na balabal at ang isang jade mask na kakaiba ang disenyo. Mas mabuting ganito at mag-iingat siya sa mga grupo-grupong nilalang na maaaring makasagupa niya. Uso pa naman ang malawakang patayan ng mga disipulo laban sa kapwa nila disipulo.

Para kay Wong Ming ay masyadong hindi maganda na nauna ang Annual Harvest Month kaysa sa Inner Disciple Trial Rankings. Kung ganito ang set up ay siguradong maraming mamamatay at malalagas sa bawat courtyard ng outer disciples.

Lakad takbo ang ginawa ni Wong Ming at minsan ay nagtatago o tumatalon-talon sa mga puno upang magmasid at pakiramdam ang buong paligid na kinaroroonan niya.

...

Ang nasabing lokasyon ng Old Amity Farm ay pinapanood ng apat na maestro maging ng iba pang mga tagapagturo ng Flaming Sun Guild ang nangyayari sa loob ng lugar na ito.

Sa pamamagitan ng mga lumilipad na mga ibong kinokontrol ng mga nangungunang mga gurong ito maging ng iba pa na may kinalaman rito ay talagang detalyado ang baway nakikita nilang takbo ng nasabing Annual Harvest Month.

Taliwas sa inaasahan nila ay maraming mga madudugong pangyayari ang kanilang nasaksihan. Parang mga hayop ang mga disipulong naglalaban upang makapatay o makaligtas sa sakunang sasapitin nila.

Ang inaasahan nilang masayang paligsahan ay tila nauuwi sa trahedya.

"Palagay ko ay hindi maganda na ipinauna natin ang Annual Harvest Month kaysa sa Inner Disciple Trial Rankings!"sambit ni Maestro Mengyao.

"Siguradong nagpapatayan na sila sa loob ng Old Amity Farm!" Sambit ni Maestro Delun na tila nangangamba din.

"Wala na, talagang walang laban ang ibang Courtyard sa bagsik ng East Courtyard Outer Disciples!" Pag-aalala ni Maestro Shirong

"Sila naman kasi ang nakalalakas sa ibang courtyards, malamang ay unos ang madadaanan ng ibang courtyards." Pagpapaliwanag naman ni Maestro Fu na animo'y batid na nito ang kahihinatnan ng maling kalkulasyon nila na unang isagawa ang Annual Harvest Month kumpara sa gaganapin sana na Inner Disciple Trial.

"Hindi nga nakakapagtaka na maraming malalagas ngayon. Ano na ang mangyayari Punong Maestro?!" Dagdag pa na sambit ni Maestro Delun na hindi na rin alam ang gagawin.

"Iyan pa ang pinag-iisipan kong mabuti. Nagkaproblema ang Inner Disciple Trial Rankings mula pa lamang sa preparasyon. Magkagayon man ay tiwala naman ako na daan na rin ito upang may magbago sa daloy ng aktibidad pansamantala ng ating Flaming Sun Guild." Simpleng sagot ni Punong Maestro Duyi na animo'y parang hindi na rin ito mapalagay.

Tila natahimik ang apat na nangungunang guro. Hindi nila aakalaing ganito ang sasabihin ni Punong Maestro Duyi sa kanila.

Taliwas ito sa inaasahan nila lalo pa't hindi naman ganito dapat ang magiging sitwasyon. Alam nilang may pagkakamali din sila at hindi natantiya ang nangyayari sa loob ng Old Amity Farm sa kasalukuyan.

"Pero Master Duyi, kapag nagpatuloy ito ay siguradong kokonti na lamang ang matitirang mga disipulo para sa Inner Disciple Trial lalo na sa nasabing Rankings!" Apela ni Maestro Shirong na hindi na mapakali.

"Tama si Master Shirong, Punong Maestro Duyi. Masyadong masaklap ang sinapit nito. Alam nating dapat ay hindi ito nangyayari. Kaunting panahon lamang ang nakakalipas ay tila nasa sampong porsyento na ang nalagas." Tila nag-aalalang sambit naman ni Maestro Fu ang pangyayaring ito. Hindi sila tanga upang hindi maisip ito.

"Oo nga Master Duyi, masyadong marahas ito lalo na't puro kamatayan lamang at pagpaslang sa kapwa disipulo ang nangyayari sa Old Amity Farm ngayon. Hindi ba't nasa atin ang responsibilidad na pangalagaan ang ating mga estudyante." Pagsang-ayon din ni Maestro Mengyao dahil masyado ngang marahas ang nangyayari. Mass killing ang nagagawa ng mga East Courtyard Disciples at ng iba pang mga courtyards na tila lumalaban at nanlalaban.

"Wala sa akin ang desisyon at sumusunod lamang ako sa kagustuhan ng ating Guild Master at Vice Guild Masters. Alam niyo iyon hindi ba?!" Pagmamatigas ni Punong Maestro Duyi na tila nag-iisip ng malalim.

"Pakaisipin niyo po Punong Maestro, kapag nalaman ito ng ibang naglalakihang mga Guilds ay siguradong tayo din ang mapi-perwisyo. Alam niyo po kung gaano sila kasama kung gumawa ng hakbang laban sa atin!" Pagkontra naman ni Maestro Fu na kakikitaan na hindi talaga ito sang-ayon sa pagmamatigas ni Punong Maestro Duyi.

"Naalala ko pa Punong Maestro, nangyari na ang krisis noon sa atin, hindi niyo naman siguro hahayaang mangyari ito ulit sa pangalawang pagkakataon hindi ba?!" Seryosong wika naman ni Maestro Shirong habang nakatingin ito kay Punong Maestro Duyi. Alam nila kung gaano kalala ang nangyari noon.

"Hindi solusyon ang anumang karahasan sa mga mahihina pa nating disipulo. Isa itong guild upang turuan silang lumakas at lumaban pero hindi naman natin sinusunod ang batas ng kagubatan." Turan naman ni Maestro Mengyao. Halos lahat naman sila ay alam ang ganoong klaseng disiplina at pagpapahalaga sa bawat miyembro ng kanilang Flaming Sun Guild.

"Oo na, Wala man akong magagawa sa ngayon ngunit ipinapangako kong bigyan niyo ng labinlimang araw pa ang mga disipulong iyan pagkatapos niyon ay tatapusin na natin ang nasabing paligsahang ito. Mayaman kung tutuusin ang Old Amity Farm ngunit iba ang layunin ng mga disipulo lalo na ng East Courtyard Disciples. Inaasahan kong bibigyan niyo ng malaking parusa ang bawat isang lapastangang disipulong ito na gumagawa ng karima-rimarim na bagay na di naaayon sa nasabing paligsahan." Seryosong wika ni Master Duyi habang makikitang hindi na rin natutuwa sa nangyayari. Kung ano man ang layunin ng mga disipulo ng East Courtyard Disciples ay siguradong hindi iyon ang kanilang inaasahang mangyari.

Tila nabigla naman ang iba pang mga maestro sa malakas na tinig ni Punong Maestro Duyi na may buong awtoridad.

Minsan lang talaga ito lalo na kung seryoso ang nagiging diskusyon nila. Nasa kritikal silang sitwasyon kaya naintindihan nila ito.

"Masusunod po Punong Maestro Duyi, sa palagay ko ay hindi malayong isang rebelyon ang maaaring maipahiwatig nito kung kaya't gusto naming planuhin ito ng maigi para hindi na mangyari itong muli sa hinaharap." Seryosong tugon naman ni Maestro Delun. Sa kanilang apat ay halatang walang gustong tumutol sa maaaring gawin nila. Hindi dapat ganito. Parang Courtyard Friendly Match lang sana ang nangyayari ngayon.

Isa lamang ang pahiwatig nito, mawawalan ng balanse ang bawat courtyard at masyadong malakas pa rin ang pwersa ng East Courtyard kumpara sa West Courtyard, North Courtyard at South Courtyard.

Isang delubyo ang mangyayari sa Inner Disciple Trial kapag nagkataon. Kailangan nilang ibahin muli ang takbo ng Inner Disciple Trial kung ayaw nilang sila ang malilintikan.