Chereads / Supreme Asura / Chapter 684 - Chapter 684

Chapter 684 - Chapter 684

BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang tunog ng pagbanggaan ng buntot ng halimaw at ang malaking kamao niya na balot na balot ng makapal na yelo.

SHRRIIIIEEEKKKKK!!!

Umatungal ng napakalakas ang Green Basilisk Bird na parang nasasaktan. Tila ba ang pinagmamalaking physical na kaanyuan nito ay natibag ni Wong Ming.

Ngunit tama siya ng hinala dahil tumalbog papalayo ang buntot nito at napinsala niya ito. Tila ba ang pakpak pa lamang nito ng halimaw ang napakatigas at pandepensa nito.

It's scales aren't that tough. Mukhang hindi pa masyadong malakas ang depensa ng halimaw. Magkagayon pa man ay kailangang mag-ingat ni Wong Ming dahil hindi basta-bastang kalaban ang serpyenteng ibon na ito.

Mukhang ang pakpak nito ay tumubo na noon pa man at nagkaroon ng lucky chances ito upang mas lumakas pa.

PUAHHHH!!!!!

Dumura ng napakalapot na likido ang halimaw na kulay berde.

Ice Wall!

Mabuti na lamang at mabilis si Wong Ming dahil nakagawa siya kaagad ng malaking pader upang harangan ang nasabing atake ng Green Basilisk Bird.

BANG!

Napaatras si Wong Ming dulot ng impact ng pagsabog ng makapal na Ice Wall na ginawa niya.

Sa lakas ng intensidad ng asido ay napilitang sumabog ng mabilis ang Ice Wall na gawa niya.

Tama nga ng hinala si Wong Ming, malakas ang asidong taglay ng dambuhalang halimaw na ito na may pakpak.

Ramdam niya ang tila pagkakaroon ng agresibong instinct ang nasabing halimaw na ito kaya gagawin niya ang lahat upang paslangin ito.

Nakaramdam ng kakaiba si Wong Ming sa paligid.

May paparating?! Yun lamang ang naisambit niya sa kaniyang sariling isipan dahilan upang mabilis na bumalik sa dati ang kaanyuan niya. Isinuot na rin niya ang jade mask niya upang itago ang kaniyang sariling pagkakakilanlan.

Isang dambuhalang espada ang napansin niyang lumusot sa direksyon niya patungo sa Green Basilisk Bird.

BANG! BANG! BANG!

Umaalingawngaw sa buong paligid ang pagbangga ng nasabing dambuhalang espada patungo sa Green Basilisk Bird.

BANNNNNNGGGGGG!!!!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tumalsik sa malayo ang Green Basilisk Bird at tumama ito sa naglalakihang mga puno malapit sa paanan ng bundok.

"Ang lakas!" Naiwika na lamang ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan.

Agad niyang tinanaw sa hindi kalayuan ang mg bagong dating.

North Courtyard Disciples!

Kitang-kita ni Wong Ming ang mga disipulong halos ilang taon ang tanda sa kaniya o baka doble pa. Malamang ay dati na itong mga outer disciples ngunit nanatili pa rin sa pagiging outer disciple. Pito ang bilang ng mga ito at halatang beterano't-beterana na sa mga kaganapang ito.

"Ano'ng ginagawa mo batang patpatin? Gusto mo bang mapaslang ng mabagsik na halimaw na iyon?!" Tanong ng isang lalaki habang sumenyas itong na parang nag-uutos sa kasamahan nito.

Ipinawalang-bisa bisa naman ng tatlong nilalang ang nasabing dambuhalang espadang nasa ere.

"Ang tapang-tapang naman niya ngunit mukhang lampa naman hahaha!" Sambit pa ng isa sa gumawa ng malakas na atake.

"Tama ka, mapakapayat naman na akala mo ay ilang ubo lang ay matutumba na." Panghahamak ng isa pa.

"Utak nito may ubo kamo, mukha bang matino ang nilalang na yan na harapin ang isang napakalakas na halimaw?! Tsk!" Mapang-uyam na wika naman ng isa. Halatang hindi nito maipagkakailang nagtataka ito sa nangyayari ngunit dinaan na lamang sa panghahamak.

"Hmmm... Mukhang may tinatago ang isang iyan. Hinarap nito ang dambuhalang halimaw ngunit wala man lang natamong malalang pinsala. Nakakapagtaka naman hehe." Nakangising wika ng tila lider ng grupong ito na binubuo ng pitong katao.

"Tama si Silent Whistle, mukhang hindi ordinaryong binata iyan. To the point na nakasuot pa ito ng pantakip sa mukha nito na jade mask upang itago ang sarili ay talagang nakakapagtaka!" Smabit ng isang babaeng may maikling buhok. Kitang-kita na pinaningkitan nito ng mata ang direksyon ni Wong Ming.

Mabilis na namuo sa kinaroroonan ng pitong nilalang ang isang dambuhalang espada na mabilis na isinagawa ng tatlong kasamahan nito.

Mabilis namang umayos si Wong Ming upang ihanda ang sarili. Nasa ere siya at masasabing nasa hindi kalayuan ang mga kalaban niya.

SHRRIIIIEEEKKKKK!!!!

Kitang-kita ni Wong Ming ang paglipad ng dambuhalang halimaw patungo sa himpapawid kung saan ay nakatuon ang atensyon nito sa pitong nilalang.

Tatlong malalakas na pagbuga ng malalapit na likido ang patungo sa mga ito.

Napangiti si Wong Ming dahil isa iyong magandang pagkakataon upang tumakas.

Hindi niya aakalaing blessings in disguise din pala ang nangyayaring ito.

Gamit ang sariling nalalaman niya ay hindi siya nagkakamali ng kalkulasyon. Agad na lumapag siya sa palihis na direksyon kung saan naroroon ang lumilipad na Green Basilisk Bird.

"Pesti kang bata ka, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!" Sambit ng lider ng grupong naengkwentro niya.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog na ang narinig niya nang medyo nakalayo-layo na siya. Hindi niya aakalaing makakatakas pa siya ngunit ngayon ay mas mag-iingat siya.

Hindi lang kasi mga dambuhala at naglalakasang mga halimaw ang makakasagupa niya rito sa Old Amity Farm kundi maging ang kapwa niya mga outer disciples.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Wong Ming at mabilis na nilisan ang lugar na ito.

...

Tap! Tap! Tap!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang sarili niyang paa habang naglalakad siya. Mapuno at marmaing dahon kasi ang lupaing kinaroroonan niya.

Madilim na ang buong kapaligiran at tanging ang mga huni ng kuliglig lamang ang naririnig niya.

He was aware of this part of the Old Amity Farm. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa hilagang bahagi siya ng Old Amity Farm.

Halos katulad lamang ito ng kinaroroonan ng safety barrier na ginawa niya ngunit masyadong makapal at mayaman sa enerhiya ang buong lugar na ito.

Napalaki ang mga mata ni Wong Ming nang makita ang nakakalat na mga katawan ng mga walang buhay na mga disipulo sa kapaligiran. Marami, hindi--- sobrang dami ng mga ito. Gamit ang Demon Eyes niya ay tanaw na tanaw niya kung gaano karami ang napinsala dulot ng kung ano mang klaseng gulo ang nangyari dito.

Halatang wala pang isang araw na napaslang ang mga ito dahil ang iba ay tila fresh pa ang dugong dumanak sa iba't-ibang parte ng katawan ng mga ito.

Tap!

May natapakan si Wong Ming na isang may kalakihang papel.

Dito ay napagtanto niyang isa itong pambihirang mapa ng Old Amity Farm.

Tama nga ang hinala niya na nasa kabilang bahagi na siya ng Old Amity Farm kung saan ay maraming pagala-galang mga halimaw.

Pero nagtataka si Wong Ming dahil tila hindi halimaw ang pumaslang sa mga ito, napakarami nila kung tutuusin at mga taga-West Courtyard Disciples ang mga ito.

Hindi niya aakalaing sa dalawang araw pa lamang ay marami na ang nangyayari, kung magpapatuloy ito ay malamang sa malamang ay kakaunti na lamang ang matitira.

Mabilis na itinago ni Wong Ming ang nasabing mapa sa kaniyang interspatial ring upang mapag-aralan niya pa ng husto.

"Tu-long..."

Isang paos na boses ang narinig ni Wong Ming sa hindi kalayuan. Ramdam niya ang tila nahihirapan ang nagsasalitang boses na iyon.