Chereads / Supreme Asura / Chapter 675 - Chapter 675

Chapter 675 - Chapter 675

Hindi naging madali para kay Wong Ming ang ganitong pangyayari dahil mukhang nagalit ang nasabing halimaw dahil sa ginawang ito ni Prince Xing.

Kitang-kita niya na maraming pinsala ang natamo ng nasabing Two Headed Silver Ice Serpents.

SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK!

Umatungal ng napakalakas ang dambuhalang halimaw at kitang-kita ni Wong Ming na bumuka ang mga Silver Ice Scales na nasa katawan ng nasabing halimaw.

Doon ay nakaramdam ng panganib si Wong Ming.

Biglang nagkaroon ng mga nagtatalimang mga mahahaba at maninipis na mga bagay na lumabas sa Two Headed Silver Ice Serpents.

Dito napagtanto ni Wong Ming na isang malakas na atakeng ito na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

Nagkakaroon na ng transpormasyon sa katawan ng halimaw na Two Headed Silver Ice Serpents.

"Mag-ingat ka Xing. Nagkakaroon na ng pagbabago sa katawan ng halimaw na ito. Gamitin mo ang pinakamalakas mong skill!" Sambit ni Wong Ming habang makikitang nag-aalala ito sa kaligtasan nila.

Ang two headed serpent ay magpapakawala ng mga sobrang buto nito sa katawan. Sa mga oras na ito ay sigurado silang sinusubukan nitong kunin ang pagkakataong ito upang magbreakthrough.

Ngayon lamang si Wong Ming nakasagupa ng ganitong pangyayari. Hindi malayong gamitin nito ang nasabing bunga ng Silver Ice Tree upang tuluyan na itong umunlad at mas paunlarin pa ang pundasyon ng cultivation grade nito.

Napatango na lamang si Prince Xing sa sinabing ito ng binata. Nakuha niya kaagad na may kakaibang gagawin ang halimaw na ito.

Sa lahat kasi ng mga magical beasts ay isa ang mga serpyente ang maraming mga sobrang buto sa katawan at karamihan sa mga ito ay nagiging balakid kaya kailangan nila itong irelease sa paligid lalo na sa mga pagkakataong ito.

Mukhang hindi magiging madali ang gagawing ito ng Two Headed Silver Ice Serpents dahil ang mga buto nito sa katawan ay naka-restructure na noong nagkaroon ito ng mutasyon.

Kakaiba ang pagbe-breakthrough ng mga halimaw at magiging pabor iyon sa kanila.

Naalala na naman ni Prince Xing ang pambihirang core skill na natutunan niya noon ngunit nangangailangan ito ng maraming bagay upang maperpekto niya ang pambihirang skill na ito.

Biglang nagbago ang buong kaanyuan ni Prince Xing. Sa isang iglap ay ipinakita nito ang totoong kaanyuan ng isang Ice Demon.

Umupo ito ng naka-lotus position habang nakapokus ito sa gagawin nito.

Ice Shards!

Iyon ang nakita ni Wong Ming na umalpas sa mga kamay ni Prince Xing. Hindi alam ni Wong Ming kung anong klaseng skill ang gagawin ng nasabing prinsipe ng mga Ice Demon ngunit tiwala siyang magagawa nito ang nasabing pambihirang skill

Nanood na lamang si Wong Ming ng matiim. Sigurado siyang isang core skill ito.

Mas nagulat si Wong Ming nang makitang may lumitaw na isang uri ng Ice Lotus sa kinauupuan nito habang kumakalat ang mga tipak ng yelo sa lupang kinaroroonan nito.

Ice Shard Strike!

Ito ang naisip ni Wong Ming. Ngunit kaibahan lamang ay mas komplikado ito. Ang Ice Shard ay isang ordinaryong skill lamang ng mga Ice Demon ngunit ang nakikita niya ay mas komplikado at natitiyak niyang napakalakas nito.

Gumalaw ang mga kamay ni Prince Xing at kitang-kita ni Wong Ming kung paano nagkaroon ng afterimages ang mga galaw ng kamay nito.

Core Skill: Ice Xuan Strike!

Kitang-kita ni Wong Ming na biglang nagliwanag ang mga maliliit na mga Ice Shards at bumulusok ito sa kinaroroonan ng Two Headed Silver Ice Serpents.

TAH! TAH! TAH!

Kitang-kita ni Wong Ming na napakabilis ng mga Ice Shards at bago pa makakompleto ang nasabing Two Headed Silver Ice Serpents sa ginagawa nito sanang atake sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga sobrang buto nito sa karawan ay kitang-kita ni Wong Ming na tumama at pumasok sa katawan ng nasabing halimaw ang mga ice shards na ginamit ni Wong Ming.

Doon napagtanto ni Wong Ming na hindi magiging madali ang core skill na iyon kung siya ang gumawa nito. Talagang malakas nga si Prince Xing.

HOO! HOO!

Dahil kitang-kita lamang nitong tila nahiwa ang mga ulo ng Two Headed Silver Ice Serpents sa dalawang bahagi.

Sa madaling salita ay nahulog na lamang ang mga ulo ng Two Headed Silver Ice Serpents sa isang iglap.

Napaslang ng tuluyan ang Two Headed Silver Ice Serpents matapos maramdaman ni Wong Ming na wala ng buhay ang mga halimaw na ito.

Tiningnan ni Prince Xing si Wong Ming habang makikitang nag-aalinlangan pa itong lumapit sa Silver Ice Tree.

"Ano pa ang hinihintay mo? Kunin mo na yung Silver Ice Fruit, Xing!" Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito galit o ano pa man dahil kalmado lamang ito.

"Sigurado ka ba Little Devil? Si-silver Ice Tree na yan o!" Seryosong wika ni Prince Xing habang nakatingin kay Wong Ming nang nagtataka. Ni hindi man lang ba ito natukso sa Silver Ice Fruit na sa hindi kalayuan?!

"Akin na lamang itong katawan ng napaslang na Two Headed Silver Ice Serpents, iyo na yang Silver Ice Fruit." Seryosong sambit ni Wong Ming habang nakatuon ang pansin sa napaslang na halimaw.

Kamuntikan na talaga sila kanina ngunit hindi naman nangyari iyon. Sigurado siyang nasa huling bahagi na ng phase ang Two Headed Silver Ice Serpents at magkakaroon naman ito ng mutasyon kapag nakain na naman nito ang Silver Ice Fruit habang nagpapatuloy ang pagbabago sa katawan ng nasabing halimaw.

Hindi na nagtanong pang muli si Prince Xing dahil mukhang determinado naman na hindi magbabago ang isip ni Little Devil kung kaya't kinuha na niya ang pambihirang Silver Ice Fruit at itinago sa loob ng Interspatial ring niya.

Masaya siya sa nangyari. Akala nga niya ay mabibigo siya sa pagsagawa ng pambihirang core skill niya.

Mabilis na kinuha rin ni Wong Ming ang napaslang na Katawan ng Two Headed Silver Ice Serpents.

"Ano na ang gagawin natin?!" Tanong ni Prince Xing habang napakamot pa ito sa kaniyang sariling batok.

Bumalik na rin sa pagiging anyong tao ang pangangatawan nito. Lalo pa't nasa kakaibang mundo siya ng mga lahing taong ito na mga cultivator ay siguradong hindi niya maipapaliwanag nag existence nila.

"Edi maghanap pa. Masyadong malawak ang Smew Valley at di pa tapos ang isang araw na pananatili ko rito." Seryosong wika naman ni Wong Ming habang nag-umpisa ng maglakad papalayo.

"Sabi ko nga ahaha!" Natatawang saad naman ni Prince Xing habang nagkakamot ng mga batok nito.

Napakunot noo naman si Wong Ming nang tingnan niya ang pesteng prinsipeng kasa-kasama niya. Napailing-iling na lamang siya dahil sa palagiang pagkamot ng batok nito. Mukha atang madami itong alaga na namumungad sa buhok nito.