Chereads / Supreme Asura / Chapter 665 - Chapter 665

Chapter 665 - Chapter 665

Isang magandang umaga na naman ang nakalilipas.

Kasalukuyan siyang nasa labas ng kaniyang sariling manor. Wala pa naman siyang klase sa mga guro nila at nagmistulang mahabang bakasyon ito para sa lahat.

Dalawang linggo kasi na walang pasok lalo na sa katulad nilang mga outer disciples. Mabuti na rin iyon upang makarecover ang lahat ng mga baguhang disipulo at makapag-isip-isip rin ng malinaw upang mabatid nila ang mga nangyari sa Courtyard Friendly Match.

Ngunit mukhang hindi magiging bakasyon ito kay Wong Ming nang makita niyang tila may mga ingay na nagmumula sa hindi kalayuan.

Mula sa hindi kalayuan kasi ay nakita niya ang presensya ni Maestro Duyi ngunit wala man lang ang apat na maestrong kasa-kasama nito palagi sa kung saan man sila pumunta.

Nakasakay ito ng isang ordinaryong karwahe na hila-hila ng anim na Flying Red Horses. Kumpara sa mga ordinaryong kabayo ay doble ang laki nito habang may dalawang naglalakihang mga pakpak ang mga ito.

"Bakit naririto si Maestro Duyi? May nagawa ba kong kasalanan rito?! Hmmm... Mukhang wala naman." Sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang habang nag-iisip ng malaim.

Nakakunot-noong tumingin si Wong Ming sa malayo at hindi niya namalayang nasa harapan niya ng si Punong Maestro Duyi.

Mabilis namang yumuko si Wong Ming upang magbigay-galang kay Punong Maestro Duyi.

"Ma-magandang Araw po Punong Maestro Duyi, ano po ang sadya niyo rito sa South Courtyard upang matulungan ko po kayo." Wala sa sariling ani ni Wong Ming habang kitang-kita na nataranta ito.

Ikaw ba naman ang makaharap ng isang mataas na eksperto ng Flaming Sun Guild ay tingnan lang natin kung hindi manginig ang mga tuhod mo.

Isang karangalan ito para kay Wong Ming na pagsilbihan ang isang ekspertong katulad ni Punong Maestro Duyi. Alam ni Wong Ming na mas mataas ang cultivation level ng medyo may katandaan na ring punong Maestro dahil bali-balitang isang malakas na eksperto ang nasabing pubong maestro.

Nasa Golden Warrior Realm Expert na rin kasi ang mga kagalang-galang na mga maestro kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na higit pa roon ang cultivation level ng Punong Maestro Duyi nila.

Ang mga maestro kasi na nagtuturo sa kanila ay mga disipulo ito ni Punong Maestro Duyi at direct disciples nito ang apat na mga maestrong kasa-kasama nito.

Matandaang ang mga maestrong namamalagi rito sa Flaming Sun Guild ay mga disipulo noon ng guild noong kapanahunan ngunit hindi na naglakbay pa sa malalayo at dito na lamang nanatili.

Isa pa ay hindi rin nila poproblemahin ang mga Cultivation resources dahil nakabukod ang mga suplay ng mga ito sa mga disipulo ng mismong Flaming Sun Guild.

Alam naman rin ito ng karamihan kung at kapareho lang din ng ibang guild ang ganitong klaseng Sistema.

Walang libre dito kung kaya't ang serbisyo ng pagtuturo't paglilinang sa mga disipulong naririto ang ipinampapalit nila.

Natuwa nga si Wong Ming sa ganitong klaseng kaisipan ngunit kaagad siyang napabalik sa reyalidad.

"Ahahaha... Hindi ko pala nasabi sa iyong may inihanda akong papremyo sa iyo ngunit kailangan mong sumama sa akin upang puntahan ang mga gantimpalang gusto naming ibigay. Wag kang mag-alala dahil alam na rin ito ng karamihan." Malakas na sambit ni Punong Maestro Duyi habang makikitang narinig naman ito ng lahat.

Nag-aalinlangan pa si Wong Ming ngunit wala rin namang problema ito. Hindi naman siya namomroblema na baka may gagawin siya rito sa kanilang manor dahil utos ito ng Punong Maestro Duyi na aalis siya.

Hindi pwedeng tumanggi siya at isa pa "papremyo" daw ito, tatanggi pa ba siya?!

Aba aba, papalampasin pa ba ni Wong Ming ang ganitong klaseng pagkakataon, siyempre hindi noh.

"Talaga po punong Maestro? Wala pong problema. Okay lang po ba kung ganito lamang ang kasuotan ko?!" Tanong pa ni Wong Ming habang makikitang suot lamang nito ang pinaglumaan niyang roba.

Matibay ang tela ng robang ito. Galing pa ito ng Golden Crane City at dalawang taon na niya itong suot-suot.

Ganito ang kulay nito ay upang ikubli ang espesyal na katangian ng robang ito. Hindi masisira ang telang ito ng isang Golden Realm Experts.

Alam naman ni Wong Ming kung bakit nakaluma ng tingin ng lahat sa suot niyang ito dahil maiingit na naman ang mga opisyales sa aamin nito at siya ang pagbuntunan.

"Walang problema iyang suot mo binata. Hindi naman selebrasyon ang pupuntahan natin hahaha!" Natutuwang saad ni Punong Maestro Duyi.

Sa totoo lang ay noong trial pa lamang ng pagre-recruit ay nakuha na ng atensyon niya ang mga kilos nito na maging ang apat na mga direct disciples nitong kapwa rin mga nagtuturo ay nahihiwagaan rito.

Upang makumpirma ang mga bagay-bagay na ito ay napagtanto niyang kailangan na nilang bantayan ang kilos ng binata.

Hindi sila masamang nilalang ngunit kailangan nilang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng binatang si Little Devil.

Hindi na nagtagal ang pag-uusap nila at sumakay na si Punong Maestro Duyi sa loob ng ordinaryong karwahe habang makikitang sumunod na rin dito si Wong Ming sa pagsakay.

Kitang-kita naman ni Wong Ming na bigla na lamang silang lumipad paitaas.

Mukhang may pupuntahan silang lugar base sa direksyong pinatutunguhan nila.

Nadaanan naman ni Wong Ming ang mga naglalakihang mga floating islands. Kumpara sa kinaroroonan kanilang tinatapakang mga manor ay walang binatbat ito sa mga floating islands na kinaroroonan at teritoryo mismo ng mga Inner Disciples.

Sa malayo ay aakalain niyang maliliit na mga tipak ng lumulutang na mga lupa lamang ito ngunit nang makita niya ito ng malapitan ay talaga nga namang nagkakamali siya ng kaniyang sariling hinuha.

May mga protection barrier kasi ang mga lumulutang na mga islang ito kung kaya't kung titingnan ay parang napakalayo at maliliit na mga isla lamang ito.

Sigurado siyang dinesenyo ito upang maprotektahan ang privacy ng magkakaibang parte ng mga lugar rito.

Mayroon pang mga tila Aerial Guards na nakabantay sa mga bukana ng pasukan sa mga protective barriers.

Naging posible ito dahil mayroong Aerial bridges siyang nakikita. Akala niya noon ay lubid lamang ito ngunit hindi pala, literal na tulay ito na gawa sa semento at mga batong naglalakihan.

Talagang secured talaga ang lugar rito. Hindi aakalain ni Wong Ming na ganito pala ang estraktura sa itaas na bahagi ng kanilang Outer Disciples Courtyard.

Hindi naman sila hinarang ng mga aerial guards sa halip ay nagbigay-galang pa ang mga ito.

Tunay ngang tumaas pa lalo ang respeto ni Wong Ming kay Punong Maestro Duyi dahil ngumiti pa ito pabalik.

Ibinalik ni Wong Ming ang paningin niya sa bagong kapaligiran na nakikita niya. Wala siyang makikita rito sa mga floating islands kung hindi ang naglalakihang mga cultivation halls at mga cultivation buildings.