Sa labas ng isinasagawang courtyard friendly match ay makikitang maraming mga manonood ang masuyo at tahimik na nanonood sa naglalakihang mga aerial screens ng lahat ng mga players sa apat na magkakaibang courtyard.
Kakasimula pa lamang ng kompetisyong ito ay mukhang may mga nag-excell at meron ding nagkaproblema ka agad.
Maraming players ang kakikitaan ng potensyal na pawang mga baguhang outer disciples lamang ngunit kakikitaan ng malaking chance ng survival skills.
BANG! BANG! BANG!
Mula sa isang screen ay kitang-kita kung paanong sumabog ang nasabing lugar na isang ancient sea port.
Kinakalaban ng isang East Courtyard player ang dambuhalang Pearl Sea Crab.
Given na ang outer shell ng dambuhalang Pearl Sea Crab ay napakatibay ngunit tila napaatras ito sa isang gilid.
Hindi nagpatinag ito at pinaulanan ito ng maraming mga atake gamit ang Giant Gunslinger na nakuha nito sa lugar na ito.
Hindi naman mapigilan ng mga nasa East Courtyard ang humiyaw at magsigawan lalo na nang tuluyan ng masira ng player na iyon ang protective pearl shell ng Pearl Sea Crab at tuluyan na itong mapaslang.
Ang mas nakakamangha pa kasi rito ay isang babaeng outer disciple ito ng South Courtyard kung kaya't napakaangas nitong umatake at pumaslang ng magical beast na napakaagresibo.
Sunod namang nakaagaw ng atensyon nila ay ang baguhang disipulo ng South Courtyard na kayang kumontrol ng mga baging. Talagang nakakamangha ang vine manipulation ng babaeng player na ito dahil nagawa nitong patumbahin at pilipitin ang dambuhalang Silver Fang Lion na narestrict ang galaw nito't bilis. Sa huli ay namatay ito dahil sa matinding pagkakasakal sa leeg ng nasabing agresibong magical beast na ito.
Todo hiyawan naman ang mga South Courtyard dahil sa pambihirang kakayahan nito na halatang pinaghandaan ang nasabing kompetisyong ito.
Nakaagaw rin ng atensyon ang isang lalaking nakasuot ng kulay abong kasuotan na nabibilang sa West Courtyard. Mayroon itong kakayahang maging dambuhalang magical beasts. Isang morphing ability ito na alam ng lahat na isang pambihirang abilidad.
Naging dambuhalang oso ito na tinatawag na Giant Blue Humanoid Bear. Napakatalas at agresibo ang nasabing kakayahan nito sa pakikipaglaban sa isang mabangis na magical beast na tinatawag na Iron Fist Jaguar.
Maliksi man ang Iron Fist Jaguar ay hindi naman ito nakapalag sa natural na abilidad ng Giant Blue Humanoid Bear na mataas ang resistance ability at combat ability.
Hindi rin mapigilang maghiyawan ng mga manonood na miyembro ng West Courtyard dahil mukhang mataas rin ang ekspektasyon ng mga ito sa kanilang baguhang player na manalo sa kompetisyong ito.
Kapansin-pansin din na mayroong nag-excell din sa unang parte ng kompetisyong ito na baguhang lalaking outer disciple ng North Courtyard dahil sa kakaibang skill nito. Mahusay kasi itong tumalon-talon sa mga traps at malakas din ang Assassin skills nito sa pag-iwas sa panganib maging sa pagpaslang ng mga nakakasalubong nitong mga magical beasts.
Talagang sa lahat ng Courtyard ay tila pagdating sa survivability ay ang baguhang disipulo ng North Courtyard ang pinakamagaling at nangunguna.
Nagkaroon naman ng iba't-ibang reaksyon ang ibang mga courtyard dahil sa ipinakitang gilas ng lalaking disipulo ng North Courtyard.
Talagang nakaabang ang lahat ng mga manonood ng maigi habang tumatakbo ang bawat segundo sa nasabing martch na ito na halatang ayaw nilang madehado ang kanilang courtyard at magwagi ang mga players na nabibilang sa mga ito.
Ang Guild Master ay seryosong nanonood at makikitang wala pa ring karea-reaksyon ang mga mata nitong seryosong inililibot ang paningin nito habang wala man lang nakaagaw ng interes nito o makapagpabago ng reaksyon nito dahil maging ang tatlong mga Vice Guild Masters naman ay napapailing na lamang.
Masyadong walang nakapukaw ng kanilang atensyon dahil pangkaraniwan lamang ito ngunit makikitang masuyo pa rin ang mga itong nanonood at obserbahang maigi ang mga outer disciples na mga baguhang outer disciples na nagrerepresenta ng apat na magkalabang mga courtyards.
Gayunpaman, Ang mga inner disciples naman ay halatang may interes rin sa pinapanood nilang Friendly Match. Kakikitaan kasi ng sigla ang mga ito at madalas ay nagbubulungan pa ang mga ito o di kaya'y naghuhulaan kung sino sa apat na courtyard ang magwawagi. Naghuhulaan din ang mga ito kung sino sa mga baguhang mga disipulo ang gagawa ng mirakulo sa ginaganap na Coutyard Friendly Match na ito.
Ngunit kaibahan naman ang mga Core Disciples na wala man lang karea-reaksyon at tila may mapanghamak na tingin ang mga ito sa mga baguhang disipulo ng kanilang Flaming Sun Guild. Halatang wala silang interes sa mga ito kung hindi man ay halatang may mapanghamak na tingin ang mga ito sa mga newbie Outer Disciples.
Samantala...
Makikitang hati rin ang desisyon ng apat na mga vice leader ng mga maestro sa apat na courtyard. Talagang masigla ang mga itong nanonood at malaki ang interes nila sa Coutyard Friendly Match na ito dahil na rin sa nakikitaan nila ng potensyal ang nasabing mga baguhang outer disciples ng kanilang pinangangalagaang Flaming Sun Guild habang maigi lamang na nakikinig ang Punong Maestro Duyi sa kanilang usapan habang nag-oobserba sa nangyayari sa loob ng lugar kung saan ginaganap ang Courtyard Friendly Match.
Kanina pa sila nag-uusap at tila hindi pa tapos ang mga ito sa kanilang pinag-uusapan.
"Nakakamangha ang ipinakitang tapang ng lahat ng mga outer disciples sa magkakaibang courtyard ngunit tila nauungusan kayo ng pinangangalagaang North Courtyard hahahaha!" Pagmamalaking wika ni Maestro Delun na bilib na bilib sa mga baguhang disipulo na under sa kaniya.
"Naku, wag kang pakampante Delun, nag-uumpisa pa lamang ang laban at baka bumaliktad ang kasalukuyang sitwasyon nila hahaha!" Pang-aalaska naman ni Maestro Mengyao na kakikitaan ng tila tinging hindi magpapatalo ang pinangangalagaang west courtyard nito. Nakatuon din ang pansin nito sa mga outer disciples na under sa West Courtyard.
"Mas lalong tumahimik ka diyan Mengyao. Akala mo ay madadaan mo sa mga makwela mong pananalita ang mga nangyayaring Friendly Match na ito dahil tiyak akong hindi makapangyarihang salita ang kinakailangan ng courtyard mo kundi lakas din!" Seryosong turan naman ni Maestro Fu na ngayon lamang itong nagsalita ngunit parang gusto nitong barahin ang kwelang maestro na baliktad sa pag-uugali nito. Ang maestrong ito ang nakatutok sa pinamamahalaan ng South Courtyard. Halatang wala itong paki sa maingay na pasaring ng West Courtyard na nakatoka kay Maestro Mengyao.
"Kumalma lamang kayo. Kanina pa yang bangayan niyo dahil kahit ano'ng gawin niyo ay ang East Courtyard pa rin ang mananalo. Sa lahat ng courtyard ay alam niyo namang kami ang mayroong upper hand! Kagaya ng mga nagdaang mga trial ay kami pa rin ang mananalo sa match na ito!" Mapanglarong sambit naman ni Maestro Shirong na alam mong kampante itong magwaging muli sa uri ng pagsasalita nito. As if nakatadhana na talagang manalo sila sa sunod-sunod na mga taon.