Chereads / Supreme Asura / Chapter 649 - Chapter 649 [VOLUME 12]

Chapter 649 - Chapter 649 [VOLUME 12]

Sakay-sakay ng limang malaking mga Giant Sun Condors ang lahat ng mga nanalong mga kalahok.

Napakalaking ibon ito ngunit hindi maaaring sobrang dami ng sakay nito. Ang naunang apat na naglalakihang mga ibong ito ay mayroong mga ekspertong galing sa Flaming Sun Guild.

Marami-rami din pala ang mga nasa huling sakay ng ikalimang Giant Sun Condor. Lahat ng mga ito ay mga miyembro ng Flaming Sun Guild.

Talagang pinaghandaan ang paglipad nila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang Flaming Sun Guild.

Hindi maipagkakailang nasa apatnapot tatlo lamang ang naging matagumpay sa mga trials na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming.

Talagang nakalkula na ng mismong Flaming Sun Guild ang kukunin nilang mga disipulo.

Hindi naman siguro iyon labag lalo pa't ang tanging gusto nga ng Flaming Sun Guild ay mas mababa pa rito.

Maayos naman ang paglipad nila kung saan ay tanaw na tanaw ng lahat ang magandang aerial view ng Flaming Sun Guild sa malayo habang makikitang makikita ang nagtataasang mga pader na siyang humihiwalay at nagsisilbing proteksyon ng buong Flaming Sun Guild.

Hindi aakalain ni Wong Ming na napakalaking guild pala talaga ito.

Natatanaw niya ang ilan sa mga floating islands na iba't-iba ang mga laki at hugis ng mga ito na siyang mas nagpapaganda ng buong lugar na ito.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na malula sa mga views na ito. Ngunit nadismaya naman si Wong Ming dahil naalala niyang mag-uumpisa silang lahat bilang mga outer disciples ng Flaming Sun Guild.

Nakaramdam naman ng pag-asa si Wong Ming dahil unang guild at unang beses niyang sumali sa paligsahan sa mga guilds kaya nasisiguro niyang hindi nasayang ang mga nagawa niyang desisyon.

Pinili niyang umalis sa Golden Crane City at alam niyang hindi siya nararapat na manatili roon. Sapat na ang mahigit apat na taong pagkupkop sa kaniya ng kaniyang amain sa kaniya. Ayaw niyang guluhin pa ang buhay nito kasama ang nasabing pamilya nito. Masaya siyang umalis ng Golden Crane City at iyon ang unang beses na nagdesisyon siya ng buo't walang pag-aalinlangan.

Agad na nakaagaw ng atensyon niya ang mga nagliliparang mga ibong iba't-iba ang mga kulay nito. Mayroong maliliit at mayroon ding sobrang anlalaki.

Hindi alam ni Wong Ming kung mamamangha siya o matatakot lalo na sa sobrang malalaking mga ibong iyon.

Nakakatakot din ang kaanyuan ng mga ito at tila ba sabik na sabik ang mga itong pumailanlang sa ere habang sila ay hindi namalayang nakalapag na pala.

Pero hindi nagpaawat ang ilang mga kalahok dahil mukhang gusto ng mga ito ang mga dambuhalang magical beast birds upang maging sariling mount.

"Nakakamangha naman ang mga ibong iyon lalo na yung mga dambuhalang ibon!"

"Ngayon lamang ako nakakita ng mga ibong iyan. May nagmamay-ari ba ng mga iyan?!"

"Sa akin sana yung kulay ginintuang ibong iyon!"

"Walang sa'yo! Ano'ng akala mo sa mga magical beasts na iyan, mga ordinaryong ibon lamang na maaari mong angkinin neknek mo!"

"Tama, masyadong mabangis ang mga iyan. Mas mabuting wag kayong gumawa ng hakbang para manghuli sa mga iyan!"

Ilan lamang ang mga pahayag na ito na naririnig ni Wong Ming. Alam niyang hindi magpapatalo ang mga ito at gustong magpasikat.

Ngunit natigil ang mga ito nang mayroong mga nilalang na papalapit sa pwesto nila.

Agad na sinalubong sila ng isang lalaking nakasuot ng kulay dilaw na roba habang may simbolo ng isang malaking araw na tila nagbabaga ang kasuotan nito.

May nakasunod ding mga tila alalay lamang ang mga ito dahil sa pangkaraniwang mga kasuotan ng mga ito

Alam naman ni Wong Ming na isang mahalagang miyembro ito ng Flaming Sun Guild.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ikinagagalak ko ang pagdating niyo mga maestro at ang magiging disipulo ng aming Flaming Sun Guild!" Magalang na saad ng lalaking nakasuot ng ginintuang roba habang makikitang inilibot pa nito ang paningin at nagbigay-galang pa.

Sa tingin ni Wong Ming ay nagbigay-galang ito sa mga malalaking mga taong naririto na tinutukoy nitong mga maestro.

Lima lamang ang nakikita niyang nakasuot ng kakaibang roba rito at alam niyang ito ang tinutukoy nito.

Nasabihan na sila sa mga dapat gawin at mga dapat nilang malaman pansamantala kung kaya't hindi na ito iba sa kanila.

Hindi naman ito iba kay Wong Ming dahil mga basic etiquettes ito bilang pagrespeto sa nakakataas na posisyon.

"Ikinagagalak din namin ang iyong mainit na pagtanggap sa mga bagong mga outer disciples maging sa muling pagbabalik namin Junior Apprentice Weiyuan haha." Masayang sambit ng isang nilalang na kasama nilang lumapag. Nakasuot ito ng kulay pulang roba na may mas complicated pattern ng nagbabagang araw. Sigurado si Wong Ming na isa ito sa mga maestro.

Halata rin na magaan ang temperament nito at masayahin kung oobserbahang mabuti.

"Walang anuman iyon Maestro Shirong. Tungkulin ko ang paglingkuran kayo sa abot ng aking makakaya." Tugon naman ni Junior Apprentice Weiyuan habang nakangiti habang hindi inaalis ang kanang kamay nitong nakapaling sa kaliwang dibdib nito.

"Hindi ko aakalaing napabilib mo kami sa iyong tungkulin Junior Apprentice Weiyuan. Asan nga pala si Senior Apprentice Dong?!" Sambit naman ng isang nakasuot ng pulang roba na si Maestro Delun kung hindi nagkakamali si Wong Ming ng pagkakaalala.

"Maraming salamat sa iyong papuri Maestro Delun. Umalis po si Senior Apprentice Dong dahil sa isang mahalagang misyon. Wala po akong mahalagang detalyeng dapat sabihin ayon na rin sa ating Guild Rules." Magalang na saad ni Junior Apprentice Weiyuan na kakikitaan ng kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

"Hahaha tama nga iyan Junior Apprentice Weiyuan. Wag mong sabihin kay Maestro Delun dahil iki-kwento pa rin yan ng Senior Apprentice Dong mo sa amin dahil makikibalita rin kami!" Pabirong saad ng isa pag maestro. Nahirapan pa si Wong Ming sa pagtukoy kung sino ito ngunit naalala niyang si Maestro Mengyao ito, ang alaskador na maestro.

Agad ding nagwika ang isa pang Maestro na kanina pa tahimik habang nasa mahabang paglalakbay.

"Mamaya niyo na yan, pag-usapan. Hindi niyo ba kami papapasukin at pagpapahingahin mula sa mahabang biyahe papunta rito?! Tutunganga lang tayo rito?!" Mukhang naiinis na saad ng isang maestro. Hindi nagkakamali si Wong Ming dahil ito ang masasabi niyang aloof na maestro na si Maestro Fu. Sa temperament nito ay mahahalatang magkabaliktad sila ng pag-uugali ni Maestro Shirong na masayahin o kwelang maestro.

"Hep hep, tama na nga yang pag-uusap na ito. At kayo, sumunod kayo sa akin at may mahalaga pa tayong pag-uusapan. Mauna na kami't baka tadtarin ka pa ng mga katanungan at kalokohan ng tatlong iyan." Seryosong wika ng usang maestro. Alam ni Wong Ming na ito ang head ng limang maestrong ito. Kung hindi siya nagkakamali ay si Punong Maestro Duyi.

Agad na tumango si Junior Apprentice Weiyuan at nagwika. "Walang problema Punong Maestro Duyi. Naghihintay rin pala sa loob ang iba pang mga maestro ayon sa habilin sa akin ng aking Senior Apprentice. Muli ay maligayang pagbabalik muli mga maestro!" Puno ng paggalang na wika nito.

Tanging tango na lamang ang naging tugon ng apat na maestro habang nauna ng maglakad si Punong Maestro Duyi na halatang nagmamadali ito.

Binilisan na rin ng apat na maestro ang kanilang Punong Maestro kung kaya't naiwan ang mga miyembro ng Flaming Sun Guild at ang mga bagong recruit na mga disipulong nais pumasok ng kanilang Flaming Sun Guild.

Related Books

Popular novel hashtag