Chereads / Supreme Asura / Chapter 641 - Chapter 641

Chapter 641 - Chapter 641

Nakarating si Wong Ming sa isang kweba. Matapos siyang ibaba ng Red Sky Bird sa lugar na ito ay agad din itong umalis.

Muli niya itong tinawag ngunit mukhang wala itong balak na manatili sa lugar na ito. Talagang masasabing kakaiba nga ang ikaapat na trial.

Masyadong malakas ang init sa lugar na ito. Hindi niya aakalaing kailangan niyang magtago sa lugar na ito dahil sa matinding init.

Masasabing hindi niya pa balak pumunta sa Safe zone. Masyadong mapanganib lalo pa't nasa ikaapat na trial na siya.

Kailangan niyang mag-ingat lalo pa't hindi niya gustong maulit ang nangyari bago pa siya makatapunta sa ikaapat na trial. Hindi niya aakalaing mabibitag siya ng kakaibang pormasyon ng kalaban, buti na lang talaga ay masyadong mababa ang cultivation ng mga mangingikil na iyon dahil kapag nagkataon na sobrang lakas ay siguradong katapusan na niya.

Narating ni Wong Ming ang isang parte ng lugar kanina kung saan natagpuan niya ang lumang kwebang ito.

Gusto niya munang magcultivate ng maayos bago pa siya makapunta sa lugar na iyon (safe zone).

Sigurado siyang marami-rami na din ang nakapasok sa mga oras na ito habang siya ay binabalik ang lakas na nawala sa kaniya.

Malakas ang consumption ng core skill na ginamit niya idagdag pang napagod siya sa labang iyon kung kaya't nananatili siya rito.

Naging maayos na ang kalagayan ni Wong Ming ngunit agad niyang inilabas ang kakaibang balat ng Demon Fire Ox kung saan ay kitang-kita niya pa rin ang nakaukit na mga simbolo rito.

Nasiyahan siya sa kaniyang nakita lalo pa't alam niyang malaki ang tulong nito sa kaniya.

Agad na ipinikit ni Wong Ming ang mga mata niya matapos niyang ilapag sa harapan niya ang mismong balat ng Demon Fire Ox.

Unti-unting may namuong mga simbolo sa utak ni Wong Ming hanggang sa nakita na lamang nito ang sariling nasa mismong consciousness niya.

Dito ay detalyado niyang nakita ang mga Demon Fire Symbols.

Alam ni Wong Ming na hindi ito nararapat sa kaniya dahil maaari lamang niyang pag-aralan ang Water Symbols o di kaya ay ang Ice Symbols dahil sa Ice Demon Transformation niya.

Gamit ang sariling kaalaman niya sa mga talismans ay sinimulan niyang i-assemble ang mga fire symbols na ito upang maging Ice symbols.

All elements are interconnected at konektado ito sa bawat aspeto kaya hindi nalalayong maaari niyang gawing ibang elemento ang mga fire symbols na ito.

Maraming mga kopya ang ginawa ni Wong Ming at alam niyang hindi magiging madali ang lahat ng ito. Hindi kasi maaaring hapyawan ito dahil maling galaw niya lamang ay agad na mawawala ang mga simbolong ito.

Agad na sinimulan ni Wong Ming i-assemble ang mga linyang bumubuo sa Demon Fire Symbols. Alam ni Wong Ming na malaki ang benepisyo nito kung magiging Ice Symbol ito dahil sigurado siyang lalakas ang yelong taglay niya. Sa susunod na makakaharap siya ng mga malalakas na mga magical beasts ay sigurado siyang malalabanan niya ang mga ito kahit sa mababang lebel ng cultivation niya sa kasalukuyan kahit na Soldier Beast pa ito.

Mabibilis ang mga kamay ni Wong Ming sa pag-aassemble ng mga simbolo na hindi niya namalayan ang oras. Halos dalawang oras na rin ang nakalilipas at marami na ring kopya ng Demon Fire Symbols ang nasira matapos ng mga eksperimentong ginawa ni Wong Ming.

Hindi siya naniniwalang hindi niya magagawa ito kung kaya't mas lalong ibinuhos niya ang atensyon niya mula rito nang biglang lumiwanag ang mga simbolong ginawa ni Wong Ming.

Kitang-kita niya kung paanong nabalot ng yelo ang mga grupo ng simbolong inayos niya.

Makikita ang kakaibang saya sa mga mata ni Wong Ming nang mapansing nagtagumpay siya. Hindi niya aakalaing nahirapan siya sa pagsasaayos ng mga simbolong ito upang bumagay sa kaniyang elementong taglay at ginagamit.

Sinimulan na ni Wong Ming na i-absorb ang nasabing Demon Ice Symbols. Alam niyang sa pagkakataong ito ay malaki ang magiging epekto sa kasalukuyan niyang lakas.

Biglang lumutang ang kompletong Demon Ice Symbols at lumiit ng lumiit ang simbolong ito hanggang sa pumasok ito sa bandang noo ni Wong Ming.

Nakaramdam ng kakaibang lamig si Wong Ming nang matagumpay na pumasok sa isipan niya ang kaalamang ito patungkol sa Demon Fire.

Namumuo lamang ang mga simbolong ito sa mga Soldier Beast o di kaya ay matataas na mga uri ng mga magical beasts na tunay na pinagpala ng mundong ito.

Ramdam ni Wong Ming na dumaloy ng dumaloy ang lamig sa buong katawan niya matapos na humalo ang Demon Ice Symbols sa mismong dugo niya kung kaya't ramdam niya ang kakaibang pakiramdam na ito.

Nakakapasong lamig ang biglang umalpas sa buong katawan niya matapos na umpekto na ang mga simbolong ito sa iba't-ibang parte ng katawan ni Wong Ming.

Hindi nito aakalaing napakalakas pala ng Demon Fire Symbols kung kaya't natitiyak natitiyak niyang malakas din ang Demon Ice Symbols na nagawa niya.

Napakinabangan ni Wong Ming ng malaki ang balat ng Demon Fire Ox kaya nasisiguro niyang tunay ang kredibilidad ng mga simbolong ito.

Dahil sa mataas na antas ng kaalaman niya sa pagiging craftsman at mga talismans ay sigurado siyang malaki ang magiging papel nito sa paglalakbay niya maging sa pagpapalakas ng cultivation lebel niya lalong-lalo na ng mga abilidad o kakayahan niyang taglay.

Habang papatagal ng papatagal ay mas lalong naramdaman ni Wong Ming ang pambihirang lamig na lumukob na sa buong katawan niya. Hindi maipagkakailang napakalakas ng apoy noon ng Demon Fire Ox at kung gaano kabilis ito.

Doon niya napatunayan na marami ang mga ekstraordinaryong magagagawa ng mga simbolong ito lalo pa't kitang-kita niya kung paanong nagbago ang buong katawan ng Demon Fire Ox at lumaki ito.

Hindi na siya makapaghintay kung ano ang magiging epekto nito sa mismong katawan niya. Kahit ano man iyon ay malalaman niya rin ito.

Bigla na lamang nagbago ang buong kaayuan ni Wong Ming sa loob ng consciousness niya at naging isang Ice Demon siya. Sanay na si Wong Ming sa Ice Demon Transformation niya at masasabi niyang mas umunlad pa ito dahil sa nangyayari ngayon. Mas naging malakas ang ice element na meron siya at iyon ang unang napansin niya.

Hanggang sa tuluyan ng napasok ang kakaibang uri ng Demon Ice Symbols sa buong katawan ni Wong Ming.

Bumukas ang mga mata ni Wong Ming at napakamot. Ramdam niyang malapit ng lumubog ang haring araw at kailangan niya ng magmadali.

Tumalas ang pakiramdam ni Wong Ming at marami siyang napansing mga kakaiba sa paligid niya.

Sobrang init kanina pero ngayon ay tila bumabagsak ang temperatura ng kapaligiran.

Alam niya kasing sa sobrang init kanina ay konti lamang na mga magical beast ang namataan njyang pagala-gala ngunit ngayon ay tila iba na.

Agad na nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito. Ramdam ni Wong Ming ang paglakas ng senses niya kahit na sa kaniyang sariling anyo bilang isang cultivator ay ramdam niya ang nagbabadyang panganib ng lugar na ito kaya sinimulan niya ng maglakbay muli patungo sa safe zone.