Chereads / Supreme Asura / Chapter 629 - Chapter 629

Chapter 629 - Chapter 629

Panibagong araw naman at rinig na rinig ni Wong Ming ang malalakas na mga ingay mula sa labas ng inn.

Alam niyang hindi lamang iyon natural na tunog kung umaga kundi mga ingay iyon na nagmula sa iba't-ibang bahagi ng lugar sa siyudad na ito.

Naalala niyang dalawang araw na pala ang nakalilipas matapos bumalik ang alaalang nawaglit sa kaniya mula sa memorya ng kahapon.

Masasabing ang kaniyang paglalakbay ay nagbunga at malaki ang pasalamat niya at bumalik na ang memorya niya. Ngayon ay tila umiba ang ihip ng panahon maging ang desisyon niya.

May malaking parte pa rin pala ang nakaraan niya sa kasalukuyang buhay niya. Sisiguraduhin niyang gagawin niya ang lahat upang mabawi ang mga oras na nawaglit sa kaniya.

Hindi pa rin magbabago ang plano niyang pumasok sa loob ng Flaming Sun Guild.

Kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng banyong meron ang inn na inukopa niya at nagsimula na ring gawin ang natural na routine niya upang simulan ang araw niya.

Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ni Wong Ming ay kitang-kita niyang tila papasikat pa lamang ang haring araw at masasabing maaga pa ito para simulan ang araw niya.

Ngunit isang malakas na tunog ng trumpeta ang narinig niya na nanggagaling mismo sa direksyon ng pinagdadausan ng nasabing patimpalak ng Flaming Sun Guild.

Nabuhayan ang mga dugo sa katawan ni Wong Ming dahil alam niya ang ganitong klaseng pangyayari.

Mabuti na lamang at maaga siyang nagising kung kaya't pabor sa kaniya ang ganitong klaseng pambungad ng patimpalak.

Dahil sa kuryusidad ay mabilis siyang lumipad sa ere lalo na nang makita niya ang maraming mga ekspertong lumilipad patungo sa direksyong iyon ng Sentral na bahagi ng Red City.

Masasabi niyang hindi magiging madali ang kompetisyong ito lalo pa't napakadami ng sumali.

Dali-dali namang nakisabay si Wong Ming sa mga lumilipad doon at humalo sa mga nilalang na lalahok sa kompetisyong ito.

Naguluhan si Wong Ming dahil nandirito rin ang mga natalong mga kalahok at tila sasabak na naman upang magkaroon ng papel sa gaganaping kompetisyong ito.

Naalala naman niya ang nakasulat na opisyal na anunsyo sa malaking papel sa panibagong patakaran ng pagsubok upang makapasok sa Flaming Sun Guild.

Pumasok si Wong Ming sa loob ng Arena kagaya ng iba at tila nanatili lamang ang mga ito dito. Ilang minuto pa ang nakalilipas at tila mayroong kakaibang harang ang unti-unting namumuo at umaangat upang balutin ang lahat ng naririto sa loob ng Arena.

Dito ay mas bumilis pa ang galaw ng mga nasa labas at gustong makaabot hanggang sa tuluyan ng sumara ang buong arena dulot ng kakaibang pananggalang na namuo rito.

Pilit namang gusto pang pumasok ang mga nahuling pumunta rito ngunit hindi na sila makapasok o kahit butasan man lamang ang nasabing kakaibang pananggalang ay hindi nagawa ng mga ito.

Ganon na lamang ang panggagalaiti ng mga nasa labas ng pananggalang ng mga hindi nakapasok.

Rinig na rinig pa ni Wong Ming ang mga pinagsasabi ng mga ito.

"Bakit sinara na nila ang pananggalang na ito?! Hindi makatarungan ang ginagawa nila!"

"Buwiset, kakagising ko nga lang at naistorbo ang tulog ko para lang sa bagay na ito grrrr!"

"Matulog ka dun animal ka, kita ngang di na tayo nakaabot!"

"Subukan lang nila, hindi ba nila kilala ang mga magulang ko na may mataas na posisyon sa isang organisasyon dito sa Dou City?! Tingnan lang natin hehehe!"

"Ako rin, siguradong ikagagalit ito ng mga magulang ko kapag nalaman nila ito!"

"Binu-bully tayo ng Flaming Sun Guild kung gayon. Bakit hindi nila tanggalin ang pananggalang na ito upang makapasok tayo?!"

"Nanalo ako ng pitong beses sa labanan noong nakaraang dalawang linggo at hindi ako makakapasok o makakalahok sa kompetisyong ito ay magwawala ako!"

"Kung sino pa ang mga mahihina at lampa ay sila pa itong nakapasok sa pananggalang. Hindi ito makatarungan!"

"Tama, para hindi na tayo magalit sa kanila hehe!"

Ilan lamang ito sa ipinahayag ng mga nasa labas ng pananggalang habang makikita ang labis na inggit at pait sa mga mata nila.

Ang iba ay halatang nagtitimpi lamang ng kanilang galit habang galit na nakatingin sa loob ng pananggalang.

Napaatras naman ng bahagya ang mga kalahok nang lumitaw ang isang babaeng mayroong kulay pulang buhok at bumagay ito sa napakaamo nitong mukha.

Kitang-kita ang tila kakaibang uri ng intimidasyon habang pinagmamasdang mabuti ang mga kilos nito.

Maging si Wong Ming ay napagmasdan ito ngunit kumpara sa misteryosong babaeng nasa loob ng kakaibang papel sa loob ng katawan niya ay walang panama ang babaeng ito.

Ngunit sa kakaibang lakas at intimidasyon ay siguradong ibang-iba ito dahil ramdam niyang malakas nga ito.

"Ako si Féng Dandan, ang bagong host niyo upang ganapin ang opisyal na pagsisimula ng mga inihandang trials ng aming Flaming Sun Guild. Sana'y wag niyo kaming biguin." Wika ng babaeng may kulay pulang buhok na tumingin sa gawi ng mga kalahok na nasa loob ng pananggalang at tumingin ito kaagad sa gawi ng mga kalahok na nasa labas ng pananggalang at nagsabi "At kayo naman ay ipagpaumanhin niyo ngunit hindi kayo makakalahok sa susunod na kompetisyong ito. Nabigo kayo sa una at napakasimpleng rule ng trial at iyon ay ang maagang pagpunta sa nasabing kompetisyon. Nagpapakita lamang na wala kayong dedikasyon at pagpapahalaga sa oras na ibinigay ng Flaming Sun Guild. Kahit saang anggulo ay hindi makatwiran ang mga rason niyo!" Malakas na sambit ni Féng Dandan habang makikitang hindi ito natuwa sa ipinakitang pag-uugali ng mga hindi makakalahok sa susunod na trial.

Walang dapat sisihin kundi kapabayaan at kawalan ng sense of responsibility ang mga ito na siyang nauunawaan ni Wong Ming.

"Ngunit hindi iyon patas para sa amin magandang binibini. Kagaya ko ay nanalo kami sa ginanap na trial at ang iba sa amin ay mga anak ng mga opisyales o nagmula sa mararangyang pamilya. Isa itong kahihiyan para sa parte namin at parte ng mga magulang namin o angkan mismo!" Walang pakundangang ani naman ng kanina pang talak ng talak na lalaking halatang pinanganak sa mayamang angkan.

"Ako rin binibini ay humihingi ng pangalawang pagkakataon. Nanalo ako ng siyam na beses baka pwede pang mapag-usapan ito at mapakiusapan. Pangarap kong makapasok sa loob ng Flaming Sun Guild!"

"Parang awa mo na magandang binibini, bigyan mo kami ng pangalawang pagkakataon pakiusap!"

Related Books

Popular novel hashtag