Sa isang malawak na lugar kung saan ay animo'y mala-palasyong lugar na ito ay may nakaupong isang magandang babaeng halos kaedaran lamang ni Wong Ming base sa bone structure nito.
Napakaganda ng nasabing binibini lalo pa't hindi mapapantayan ang karikitang taglay nito. Mula sa mala-alon nitong buhok na nakalugay na kulang na halos umabot na sa tuhod nito na kulay asul habang mayroon itong singkit na mga matang parang nasa karagatan ka kapag tiningnan mo ito habang may mapupulang pares ng labing maikukumpara sa hinog na mansanas.
Ang kasuotan nitong mahaba at napakagara ay masasabing para itong isang magandang prinsesa ng mala-palasyong lugar na ito. Hindi maipagkakailang ang maamo nitong mukha ay nag-eexist sa mundong ito.
Nakaupo ito sa malaking trono habang walang makikitang kung anumang bagay liban sa inuupuan nito.
Kabaliktaran kasi ng magandang palasyong ito ay walang kabuhay-buhay ang loob nito lalo pa't kahit na sabihing napakaganda ng binibining nakaupo sa tronong ito ay mababatid ang lungkot sa mga mata nito.
Mayroong kung ano'ng klaseng kalungkutan na umaapekto sa lugar na ito.
Nakaupo lamang ito habang makikitang mayroong isang malaking pabilog na illusory images sa ere.
Laman ng nasabing illusory images na ito ay ang binatang si Wong Ming na nasa loob ng Red Mountain Ranges habang naglalakbay ito rito at kung paano'ng nawalan ito ng malay.
Kitang-kita nang nasabing napakagandang binibining ito ang lahat ng kaganapang ito at kung paano'ng wala man lang itong karea-reaksyon liban sa kalungkutan ng mga mata nitong nakatingin.
Para bang iisa lamang ang emosyong ipinapakita nito at iyon ay ang matinding kalungkutan sa mga mata nito.
Maya-maya lamang ay biglang pumasok ang isang matikas na lalaking nakasuot ng isang kakaibang baluti. Kung titingnang maigi ay para itong miyembro ng isang hukbong sandatahan ng lugar na ito.
"Mahal na reyna, akala ko ay hindi ka na babalik pa sa lugar na ito. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?!" Tanong ng lalaking nakasuot ng kakaibang baluti.
"Ako? Hindi babalik? Alalahanin mo, kahit na nagapi tayo sa digmaan apat na taon na nakalilipas ay hindi nangangahulugan na natalo na tayong tuluyan. Sinwerte lamang sila noon dahil sa mga hindi natin inaasahang nakikisawsaw sa kaguluhang sila mismo ang may pasimuno!" Sambit ng binibining nakaupo sa trono. Kahit na tila galit ang mga pangungusap nito ay tila may lungkot lamang ang sinasabi nito.
"Pero mahal na reyna, di pa ba tayo susuko ngayong tila wala ng natirang lakas sa kahariang ito liban na lamang sa aming pitong mga tapat mong mga tagasunod?!" Tila may lungkot na wika ng lalaking nakasuot ng baluti. Batid sa boses nito ang tila nawawalan na ito ng pag-asa.
Alam kasi nito ang pinagdaanan ng bagong reyna nilang ni hindi man lang naramdaman o natamasa ang pagiging bagong hirang nito sa nasabing posisyon.
Ngunit bago pa man masagot ito ng nasabing reyna nilang nakaupo sa trono ay dumating naman ang isang malaking itim na ibon at bigla itong nagpalit ng anyo bilang isang magandang babaeng may itim na kasuotan habang masama itong nakatingin sa lalaking nakasuot ng kakaibang baluti.
Nagbigay-galang ito sa babaeng nakaupo sa trono.
"Maligayang pagbabalik mahal na reyna. Wag kang maniwala sa pinagsasabi ng lalaking iyan. Ikaw pa rin ang masusunod mahal na reyna. Sa kapangyarihang taglay mo ay siguradong mapapaslang mo ang lahat ng kaaway mo!" Turan ng magandang babaeng bagong dating lamang habang masama itong nakatingin sa lalaking nakasuot ng itim na baluti.
Tila nagulat naman ang lalaking nakasuot ng kakaibang baluti at ang babaeng kakadating lamang nang may lima pang nilalang ang biglang nagpakita sa lugar na ito at sabay-sabay na nagbigay-galang sa magandang binibining nakaupo sa malaking trono nito.
"Maligayang pagbabalik Kamahalan!" Malakas na wika ng limang nilalang.
Tiningnan naman ng magandang babaeng nakaupo sa trono at tumayo ito ng tuwid habang inililibot ang tingin nito sa pitong mga tapat niyang mga tagasunod. Ito ang kaniyang Seven Demon Armies niya na personal na tumuturo at naglingkod sa kanilang pamilya.
Dumapo ang tingin niya sa lalaking may hawak na isang wooden stick. Ordinaryong stick lamang kung titingnan ito ngunit ang pag-exist nito at sa husay ng lalaking may malaking peklat sa kaliwang bahagi ng pisngi nito sa bandang mata ay nangangahulugan lamang na marami na itong karanasan sa pakikipaglaban. Demon Stick Warrior ang tawag sa kaniya dahil sa kahusayan nito sa pakikipaglaban.
Pangalawa naman ay ang nasabing matandang lalaking may hawak na fishing rod. Simple lamang at aakalaing namimingwit lamang ito ng isa ngunit isa ito sa mahuhusay na Seer o taga-kontrol ng mga bagay sa isang labanan. Wrecking Sailor ang palayaw nito.
Ang pangatlong tiningnan niya ay ang babaeng may mahabang buhok. Buhaghag ang buhok nito ngunit maituturing na isang malakas na eksperto ito sapagkat ang buhaghag na buhok nito ang nakakamatay nitong sandata. Kayang-kaya nitong gawing kahit ano ang buhok nito at isa ba rito ay kaya ng buhok nitong magpalit ng anyo bilang mga serpyente. Nananatili ang kaayuan nito na tila nasa prime youth pa lamang ito ngunit matanda na talaga ito. Serpent Lady ang titulong nakuha nito.
Ang pang-apat niyang tiningnan ay ang batang lalaki na sobrang cute ngunit hindi ka magpapaloko sa nakikita ng mga mata mo dahil ito ang pinakamatanda sa lahat ng mga tapat na tagasunod ng palasyong pagmamay-ari ng magandang binibini.
Kaya lang naman kasi magtawag ng pambihirang mga malalakas na mga nilalang ang cute na batang paslit na ito. Dahil sa aksidente ay nakatawag ito ng isang napakalakas na nilalang sa hawak nitong itim na cube at naging permanente na ang anyo nito bilang bata. Siya ay binansagan bilang Child Calling Demons.
Ang panglimang tiningnan niya ay ang matabang lalakeng kayang gawing malalakas na sandata ang sariling katawan nito. Marami na itong digmaang dinaanan at walang panama ang mga nakaharap nito rito. Isang killing machine ang matabang lalakeng ito sapagkat walang makakapigil rito liban na lamang sa mga nilalang na mas malakas rito.
Ang pang-anim nitong tiningnan ay ang lalaking nakasuot ng kakaibang baluti. Naalala niyang isa ito sa pinakamahusay na mandirigmang kayang-kayang tapatan ang galing niya sa pakikipaglaban. Eksperto din ito sa lahat ng bagay ngunit wala itong panama sa limang naunang tiningnan niya. Siya ay si Dark Cadel.
Ang huling tiningnan niya ay ang babaeng kakadating lamang kanina at pinakamalapit sa puso niya. Isa itong messenger nila at sekretong mata ng kaharian nila. Magkagayon pa man ay masayahin ito ngunit palaban kaya nga kilala ito sa tawag na Evil Soltice.