Chereads / Supreme Asura / Chapter 593 - Chapter 593

Chapter 593 - Chapter 593

Marami na rin ang tila nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang kagustuhang tumutol sa desisyon ng tila isang matandang lalaking nangungulubot na ang balat dahil sa katandaan habang nasa malapit lamang nito ang isang magandang babaeng masasabing biniyayaan ng kariktan.

Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na magtaka dulot ng pangyayaring ito. Halos lahat ay sang-ayon habang makikitang tila gusto na lamang nilang manatili sa sitwasyong ganito, tila humihinto ang oras at hindi tumatanda bagkus pa nito ay bumabalik ang kaanyuan nila bilang isang bata.

Pakiramdam ni Wong Ming ay napagod na ang ilan sa mga ito at gusto na lamang yakapin ang ganitong sitwasyon habang nabubuhay sila kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Alam ni Wong Ming na mali ang ganitong klaseng paniniwala lalo pa't ang panahon at oras ay hindi dapat nilalabag kundi ay masisira nito ang balanse ng mundo. Wala siyang alam sa kung anuman ang nangyayari ngunit batid niyang hindi ito dapat magpatuloy dahil kung hindi ay mismong ang balanse ng lugar na ito at ng natural na oras ang maniningil sa mga nilalang na ito kahit pa sabihing bunga lamang sila ng totoong may gawa nito.

Nag-alinlangan man si Wong Ming ay pinili na lamang nitong manahimik sa gilid at manood na lamang sa nangyayari.

Sinubukan niyang magcultivate at mangalap ng enerhiya sa paligid sa pamamagitan ng pagpikit ng mga mata ngunit bumukas at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang isang bagay.

"Bakit hindi ko makalap ang anumang enerhiya sa paligid. Bakit parang wala akong masagap sa lugar na ito? Epekto ba iyon ng pambihirang hiwaga na bumabalot sa nawasak na siyudad na ito?!" Sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan habang tinakpan nito ang sariling bibig nito.

Muntik na siyang gumawa ng ingay mabuti na lamang at naiwasan niyang mangyari iyon.

Sino nga ba ang hindi magtataka. Para bang may humigop sa enerhiya sa paligid at ramdam niyang walang anumang sumasamyong natural na enerhiya sa kapaligiran. Purong hangin at walang bakas ng buhay hindi katulad sa labas ng lungsod na ito na pinagmulan niya kani-kanina lamang.

Nakaramdam ng pangamba si Wong Ming. Tuluyan ngang wala na ang balanse ng naburang lungsod na ito sa labas.

Hindi niya gustong mangialam ngunit tama na ang ganitong klaseng pangyayari. Masyado ng matagal kung iisipin ang pagkabura ng lungsod na ito. Kung hindi siya nagkakamali ay ang mga taong naririto ay matagal na dapat namayapa o namatay. Wala siyang ebidensya ngunit iyon ang katotohanan ngunit ayaw lamang tanggapin ng mga naririto ang katotohanan. Kung magpapatuloy ito ay maaaring may mangyari pang masama sa labas dahil sa kawalan ng balanse ng lugar na ito.

Devil's Hour? Isang masamang signos ito kung tutuusin lalo pa't nangangahulugan lamang na hiram lamang ang mga oras ng mga nilalang na ito kahit pa sabihing gawa lamang ito ng pambihirang array formation. Kahit nga pinagsama ng mga nilalang na ito ang kanilang lakas at kapangyarihang taglay ay hindi nila masira-sira ang nasabing pormasyon dahil maging sila o ang mismong buhay nila ay nakadepende rin sa nasabing pormasyon.

Nilalabanan nila ang pormasyon ngunit walang makakatakas sa Demonic Eyes ni Wong Ming. Sensitibo siya sa enerhiya kaya alam niya nang maglabas ng enerhiya ang lahat na gawa lang rin sila ng enerhiya ng mismong pormasyon kaya alam ni Wong Ming na hindi na buhay ang mga ito. Bagkus ay kapareho ng mga Soul Fragments, hindi na sila nabibilang o masasabing buhay na mga nilalang.

Maya-maya pa ay narinig ni Wong Ming ang palahaw ng mga nilalang na nasa labas. Napakasakit ng mga tinig nila lalo na at kitang-kita kung paano'ng gumuhit ang tila bitak-bitak sa iba't-ibang parte ng mga katawan ng mga ito maging sa mga mukha ng iilan lalong-lalo na sa mag-lolong tila namumuno noon sa nawasak na siyudad ng Mint City.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo at ibigay niyo ang enerhiya niyo baka sakaling makaligtas tayo sa kakaibang nangyayari sa siyudad natin!" Malakas na wika ng matandang lalaking tumatayong pinuno.

"Makinig kayo sa ating lider, naniniwala ba kayo sa kaalaman at kakayahan ng aking lolo? Kung gayon ay sundin niyo siya!" Malakas na saad ng magandang babaeng marikit habang makikitang gusto nitong hikayatin ang lahat.

Kahit na nakahandusay na ang lahat at tila papikit na ang mga ito maging ang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit ay itinaas na rin ang mga kamay ng mga ito.

Kasunod nito ay ang pagliwanag ng mga enerhiya mula sa baba patungo sa kakaibang bumabalot na pormasyon sa ere.

Hindi maipaliwanag ni Wong Ming ang nangyayari ngunit batid niyang may nangyayari sa ere lalo pa't nakaramdam siya ng kilabot sa kaisa-isang nilalang na nakatayo sa sentro ng pormasyon kung hindi siya nagkakamali. Isang matandang lalaki ngunit nakita niya kung paanong mabilis na nagbago ang tekstura ng balat nito dahil sa kakaibang liwanag na bigla na lamang tumama sa kalupaan at tinamaan nito mismo ang matandang lalaking nangungulubot kanina ngunit ngayon ay hindi na.

Parang bagong nilalang ito, nilalang na halos panindigan ng balahibo si Wong Ming dahil sa kaniyang nasaksihan.

Batid na kasi ni Wong Ming kung ano ang nangyayari. Isang hindi ordinaryong nilalang ang matandang lalaking nangungulubot kanina at kung hindi siya nagkakamali ay ito rin ang may kagagawan ng lahat ng ito lalo na sa maraming mga buhay na nagsakripisyo alang-alang sa kagustuhan nito, kagustuhang putulin ang natural na oras ng nawasak na siyudad na ito.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng sumilay ang kakaibang ngiti sa mukha ng animo'y binatang nilalang na halos kaedaran niya lamang ngunit alam niyang hindi ito ang totoong kaanyuan nito bagkus ay isa itong hiram lamang na repleksyon ng kabataan, kabataang isinakripisyo ang lahat ng mga mamamayan nito para sa pansariling interes lamang ng nilalang na tinitingnan ni Wong Ming.

Maya-maya pa ay nanlaki muli ang dalawang mata ni Wong Ming ang paglitaw ng isang kakaiba ngunit malaking pilikmata sa ere na animo'y nakapikit ngunit maya pa ay bigla na lamang ito ng bumukas na siyang ikinabigla ni Wong Ming.

Napakalaki nito na animo'y mata ito ng isang dambuhalang nilalang ngunit batid ni Wong Ming na hindi ito ordinaryong mata lamang. Isa itong Demon Eye. Kagaya niya ay may demonic eye siya ngunit ang isang ito ay hindi pangkaraniwan, parang hindi ito natural na mata ng kung sinuman kundi mata ito ng mismong lungsod na ito na matagal ng nawasak.

Sigurado talaga siya na Mata ng demonyo ito dahil sa kawalan ng natural na presensya ng enerhiya sa kapaligiran. Nakakatakot ang matang ito na animo'y nanlilisik.

Maya-maya pa ay tila naging malikot ito, buhay ang kakaibang uri ng dambuhalang matang ito sa ere.

Kinabahang mabuti si Wong Ming dahil dito. Nasa matured stage na ito at alam ni Wong Ming na wala siyang ideya kung gaano na ito kalakas dahil nakaya ng gumalaw ng mismong dambuhalang mata. Hindi maaaring may kakaibang lakas na ito.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang isang kwentas na mayroong kulay tansong pabilog na bagay ibinigay sa kaniya ng amain niya.

Naalala niya na isa ito sa pambihirang bagay na ibinigay sa kaniya ng ama niya mula sa isa sa mga kanuno-nunuan nito. Tinatawag itong Dragon's Amulet. Hindi kasi gustong maglakbay pa ng amain niya sa labas ng Golden Crane City at alam niyang masaya na ito sa buhay maging sa desisyong pinili nito kasama ang pamilya niya, pamilyang matagal ng hiniling ni Wong Ming na magkaroon ang malungkuting amain niya.

Hindi man matatawag ng amain niya na may silbi ito ngunit wala siyang pagpipilian pa kundi ang subukan kung gumagana ba talaga ito.

Mayroong pabilog na bagay sa gitna ng nasabing amulet na ito. Walang ano-ano pa ay mabilis pinaikot ito at naramdaman ni Wong Ming ang tila paglabas ng kakaibang enerhiyang bumalot sa buong katawan niya.

Pakiramdam ni Wong Ming ay gumaan siya at tila nahiwalay siya sa masikip na sulok na kinaroroonan niya. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam ngunit batid niyang gumagana nga ang nasabing amulet na binigay sa kaniya ng ama niya noon.

Maya-maya pa ay tumigil na sa paggalaw ang nasabing mata at ilang segundo lamang ang nakalilipas ay agad na pumikit ito at naglaho na lamang sa ere.

Kasabay nito ay himalang tumigil rin ang paggalaw o pag-ikot ng Dragon's Amulet na suot-suot ni Wong Ming sa leeg niya.

Agad na rin niyang tinago ito ngunit malaking palaisipan pa rin sa kaniya ang lahat.

"Ano ang koneksyon ng kwentas na suot-suot ko sa malaking matang iyon?!" Tila naguguluhang wika ni Wong Ming. Pakiramdam niya ay napuno ang utak niya sa maraming tanong na bumabalot sa puso't isipan niya.

Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi niya namalayan na bigla na lamang narinig ang malakas na ingay sa labas ng maliit na silid na kinaroroonan niya.

Sinilip niyang muli ang bintana at nakita ang buong paligid na maaliwalas na habang mayroong maraming batang naglalaro at nagkakasiyahan.

Dito ay mas lalo pang naguluhan si Wong Ming. Pakiramdam niya ay gumulo pa lalo ang isipan niya.

"Ano'ng nangyayari?! Bakit ganito ang nangyayari?! Aissshhhh!" Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na wala sa isip niyang ginulo ang sarili niyang buhok dahil sa labis na pagtataka sa hiwagang bumabalot sa nawasak na lungsod na ito.