Napansin ni Wong Ming ang tila kakaibang penomenang ito ngunit hindi agad umabante si Wong Ming sa kadahilanang nag-iisip pa siya sa maaaring mangyari kung sakaling pumaloak ang plano niya.
Gamit ang sariling demonic essences sa kaniyang sariling katawan ay mabilis siyang napangiti ng malawak lalo pa't maaari na niyang gamitin ang natagong kakayahan na meron siya.
Kasabay ng demonic essences sa katawan niya ay nasa kaniya rin ang isang top Cultivation book na Asura Art of Divinity. Sa isang buwan niyang nawala sa reyalidad ng mundo ay nagamay na niya ang paggamit sa iilan sa mga gamit ng demonic essences sa katawan niya.
Demonic Eyes of Ice Demon!
Sa isang iglap ay biglang nagbago ang anyo ng mga mata ni Wong Ming. Kitang-kita ang itim na itim na mata nito ay naging kulay asul na katulad ng dagat. Ang tila kulay asul na eyeball na parte ng mata nito ay nahati sa tatlong maliliit na eyeballs.
Nakakamangha ngunit kung titingnang mabuti ay para kang malulunod kapag nakatingin sa matang tila hindi sa tao kundi sa isang uri ng sinaunang demonyo.
Nakakagimbal man ang itsura nito ngunit sa ganitong klaseng paraan ay mailalabas ni Wong Ming ang totoong potensyal ng mga bagay na hindi makikita ng ordinaryong mga mata niya lamang.
Tila lumawak ang nasabing paningin ni Wong Ming habang makikitang naglalakbay ang pagtingin niya sa mga bagay sa kaulapan ng tumingala siya rito.
Dito ay napansin niya ang napagandang kaanyuan ng naturang mga dambuhalang mga ibon. Kung hindi siya nagkakamali ay mga Blue Archean Birds ang mga ito.
Alam niya ang patungkol rito at isa ang uri ng mga magical beasts na nasa hanay ng mga halimaw na ibon na karaniwang naninirahan sa mga pambihirang mga lawa.
Agad namang napansin ni Wong Ming ang tila paglinga-linga ng mga Blue Archean Birds na tila may napansing kakaiba sa mga paligid.
Mabilis namang ipinawalang-bisa ni Wong Ming ang sariling kakayahan niya. Ang kakaibang uri ng mga mata niya ay agad na bumalik sa normal na kulay itim na itim kagaya ng ordinaryong tao.
Kitang-kita ang mabilis na pagsupress ni Wong Ming ng enerhiya niya sa kaniyang sariling katawan at tumungo papasok sa mas masukal na parte ng kagubatan sa harap niya.
Nagpalinga-linga si Wong Ming sa kaniyang sariling kapaligirang kinaroroonan habang makikitang tumatalon-talon ito paabante sa mgaa puno't maging sa naglalakihang mga batuhan.
Magkagayon pa man ay kitang-kita niya ang naglalawakang mga pakpak ng mga Blue Archean Birds na paroon-parito sa direksyong nakatalaga rito.
Hindi naman mapigilang mayamot ni Wong Ming sa sarili niya lalo pa't hindi niya pinagtuunang mabuti ang nilalang na ito na isa sa mga rare species ng mga magical beast na nasa hanay ng mga kakaibang ibon.
Mas binilisan ni Wong Ming ang kaniyang pag-abante sa direksyong tinatahak niya. Sinusunod niya lamang ang kaniyang instict.
Sa pag-abante niyang muli ay tumambad sa kaniya ang kakaibang senaryo ng lugar.
Lubos na namangha si Wong Ming sa kahali-halinang tanawin na nasa harapan niya. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong Giant Spring.
Hindi makapaniwala si Wong Ming na may ganitong kalaking lawa na animo'y ang kailaliman nito sy masukat. Malinaw man ang katubigang nakapaloob sa nasabing dambuhalang lawa ay pansin ni Wong Ming ang kakaiba rito.
Ang lawa ay tila ba hindi gumagalaw ang katubigan. Nakahinto lamang at walang anumang paggalaw rito.
Maya-maya pa ay nakita ni Wong Ming ang paglagas ng mga dahon ng naglalakihang mga puno dahil na rin sa biglang paghawi ng mga hangin sa kapaligiran.
Tick! Tick!
Pagkalaglag na pagkalaglag ng mga dahon ay bigla na lamang nanigas ito at naging yelong hugis dahon na lamang.
Naningkit naman ang mga mata ni Wong Ming sa kaniyang nasaksihan.
Maya-maya pa ay pansin niyang nangagbitak-bitak ang naturang yelong dahilan hanggang sa nangabasag ito at biglang natunaw na lamang.
Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming nang mapansin nito ang labis na pagkamangha at pagkagimbal.
Extreme cold. Isa sa katangian ng isang uri katubigan na meron ang lawang ito.
Sa sobrang lamig nito ay umabot na ang temperatura nito upang gawing yelo ang anumang bagay na dumapo sa katubigang meron ito.
Wong Ming find it mysteriously lalo pa't sa lugar na ito ay hindi naman sobrang lamig at mas lalong ang klima sa lugar na ito ay walang bakas ng pagkaroon ng mga niyebe.
Agad na nakaramdam ng ibayong panganib si Wong Ming ngunit magkagayon man ay tila gusto niyang diskubrehin ang bagay na nagdudulot ng abnormalidad sa katubigang ito sa hindi kalayuan.
Umabante si Wong Ming at naglakad pa ng naglakad patungo sa lugar na tingin niya ay maaaring imbestigahan ang kakaibang penomenang ito sa tubig ngunit agad siyang napatigil nang mapansin ang napakaraming mga Blue Archean Birds na nasa hindi kalayuan kung saan ay nakalapag ang mga ito sa mga batuhang malapit sa malawak na lawa.
Agad na ginamit ni Wong Ming muli ang kaniyang demonic eyes kung saan biglang nagbagong muli ang kulay maging ng kaanyuan ng mata niya.
Kitang-kita niya ang makapal na hamog na nasa gitna ng malawak na lawa na ngayon ay tila abot tanaw na ng mga mata niya.
Sa gitna ng lawa ay nakita niya ang kakaibang uri ng halamang bulaklak. Una ay tila malabo pa kay Wong Ming ang lahat ngunit agad na nanlaki ang mga mata niya ng matuklasan kung anong klaseng halaman ang tumutubo sa gitna ng lawa.
Sinong mag-aakalang ang matatagpuan niyang halamang ito pala ay napakapambihira. Isa lang naman kasi itong Poseidon Phlox na isa sa mga rarest herbs na hindi makikita sa alinmang mga lugar kahit sa ibang mga lungsod.
Ngunit hindi aakalain ni Wong Ming na tutubo ang kakaiba ngunit pambihirang halamang ito sa gitna ng malawak na lawang ito.
Hindi lubos maisip ni Wong Ming na ang pagtahak niya sa direksyong ito ang maghahatid sa kaniya sa pambihirang halamang ito na maaaring makatulong sa kaniyang sariling suliranin.
Ano nga ba ang Poseidon Phlox? Isa ito sa maituturing na mga extreme cold herbs na kayang humigop ng matinding init sa kapaligiran nito at kayang maglabas ng sobrang lamig na temperatura.
Sa lagay nito ay alam ni Wong Ming na ang Poseidon Phlox ay konektado sa karagatan at ang lawang ito ay konektado sa mismong butas ng karagatan. Ngunit paanong nangyari ito?! Nasa gitna sila ng kagubatan ngunit konektado sa karagatan?!