Magkagayon pa man ay naniniwala si Head Chief Bengwin na mayroon pang pag-asang magbago ang pagkamuhi nito sa kaniya. Masasabi niyang panahon lamang ang makapagsasabi ng lahat.
Kahit na hindi niya ganoong alam ang katangiang meron ang tunay nitong anak na si Qiáo Jian at ni Qiáo Guiren ay bakas pa rin sa mga ito ang labis na pagmamahal nito sa kanilang inang si Qiáo Ya na siyang dinala na niya sa Wong Family na mainit namang tinaggap ng lahat lalo pa't nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng kambal na ngayon ay mga binata na.
Sino ang makakapagtanggi kung ang bantang mapapatalsik si Head Chief Bengwin ay parang bigla na lamang nawala ang agam-agam ng mga elders na walang pagmanahan ng titulo si Head Chief Bengwin sa hinaharap.
There's always a rule at alam iyon ni Head Chief Bengwin pero sobrang saya niya lalo na't bumalik sa alaala niya ang pagkikita nila ng mga anak niya sa Black Clover Tribe. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso't isipan niya. Wala siyang iniisip kundi makita si Milanya o sa totoong pangalan nitong si Qiáo Ya noong panahong nagkaharap silang muli ilang taon ang nakakalipas.
Bumilis ang pagtibok ng puso niya at walang pag-aalinlangan niya itong ikinulong sa mainit na yakap na maaari niyang ibigay rito. Walang araw na hindi niya ito iniisip pero ngayon ay nandirito siya at makakapiling niya. Ang saya lang noh, yung pakiramdam na malaya siyang pumili ng desisyon mismo. Alam niyang takot siya noong pumili ngunit ngayon ay hindi na, hinding-hindi siya matatakot na umibig at ibigin ang isang babaeng minahal niya buong buhay niya.
Mas namnagha siya rito dahil mas lalo pa itong gumanda kahit na dumaan ang napakaraming mga taong lumipas. Pero hindi niya inaasahan ang pagdating ng dalawang anak niya.
Paano niyang nasabi na anak niya ito ay dahil parang pinagbiyak na bunga niya ang mga ito, parehong-pareho ng mukha ang dalawang binatang sumulpot sa kanilang gawi.
Kaya nga naiisip niya na hindi siya na-miss nito dahil parang nananalamin ito sa kaniya, noong kabataan niyang ganitong-ganito rin ang katangian ng mga ito.
Mababakas ang katanungan at bangis ng pagmumukha ng isa sa mga kambal na anak niya. Ramdam niya noon ang pag-usbong ng galit ng binatang kamukhang-kamukha niya noong kabinataan niya.
Sinisi siya nito at sinuntok ng ilang beses ngunit humarang si Qiáo Ya na lumuluha na at tsaka lamang tumigil at naging mahinahon ang binata.
Inako ni Qiáo Ya ang lahat pero alam niyang pinoprotektahan lamang siya nito. Pero dahil dito ay sinabi ni Qiáo Ya sa kaniya na umalis muna sila pansamantala.
Ngunit ngayon ay gusto niyang subukang muli na hanapin ang anak-anakan niyang si Wong Ming. Siya ang isa sa dahilan kung bakit lumakas ang loob niya na tumapak sa Black Clover Tribe. Ngayong ito na naman ang nangangailangan ng tulong ay kailangan niya itong hanapin at ibalik sa Wong Family ng ligtas.
...
Sa loob ng Black Clover Tribe....
Makikita ang dalawang binatang halatang magkambal dahil sa magkaparehas ang hulma ng mukha maging ng kilos ng mga ito ay halos pinagbiyak talaga ang mga ito.
Sila ay sina Qiáo Guiren at Qiáo Jian na kasalukuyang nag-uusap at tila nagkakaroon ng tensyon sa mga ito. Kitang-kita na mayroong mga bagay na tila pinagtatalunan sa mga oras na ito.
"Masyado ng matagal ang pagkawala ni inay sa ating tribo aking kakambal. Bakit mo ipinagkatiwala ang ina natin sa taong nang-iwan sa kaniya maging sa atin?!" Puno ng inis na sambit ni Qiáo Jian na kitang-kita ang labis na gigil sa nilalang na nang-iwan rito maging sa kanila.
Para sa kaniya ay walang kasing sama ito. Head Chief Bengwin ang tawag ng lahat rito at sinasabi ng ina nito na ama nila. Hindi niya aakalaing buhay pa ito sa kasalukuyan ngunit para sa kaniya ay patay na ito. Sino ang mag-aakalang ang lahat ng mga pamamaraan na ninais nitong mangyari ay hindi niya inaasahang mangyari.
Bakit sumama siya sa walang kwentang nilalang na nang-iwan rito kung mahal nila ang isa't-isa?! Hindi niya maintindihan ang ina niya na tila pakiramdam niya ay nilason ng ama daw nila ang utak nito.
"Ginusto niyang umalis dahil sa pagiging barumbado mo Qiáo Jian. Hindi porket ikaw ang panganay sa atin ay inilabas mo talaga ang dalawa mong sungay sa harap ng ina natin na hindi nito gusto ang tanawin o imahe ng karahasan. Ikaw ang dahilan kung umalis siya rito sa Black Clover Tribe, kasalanan mo to!" May halong galit na saad ni Qiáo Guiren habang makikitang tumulo na rin ang nagbabadya nitong luha para sa ina nilang lumisan.
Sanay na kasi silang narito ito sa loob lamang ng Black Clover Tribe at ni hindi man lang ito lumalabas sa mismong teritoryo nila. Mula ng pumanaw ang lolo nilang dating pinuno ng Black Clover Tribe ay tila naging daan ito upang malungkot ng labis ang ina nilang mahal na mahal ang lolo nila.
Hindi siya gaya ni Qiáo Jian na padalos-dalos at napakarahas o minsan lang nag-iisip ng bagay-bagay na makakabuti sa kanila. Hindi nga nito inisip na kung bakit pinili ng ina nitong lisanin ang Black Clover Tribe dahil sa labis ang pagmamahal at pagtitiwala nito sa kanilang amang isa ngang pinuno ng royal family sa loob ng Golden Crane City sa labas ng Ashfall Forest.
"At bakit mo naman pinoprotektahan ang wala kwenta nating ama ha?! All this time, alam mong ni anino niya ay hindi man lang natin nakuhang masilayan noong sanggol pa lamang tayo hanggang sa paglaki natin. Baon natin ang lahat ng panghahamak ng mga batang katribo natin na kompleto ang pamilya lalo na ang mga magulang ng mga ito. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?!" Mahabang wika ni Qiáo Jian habang makikitang tila nayamot pa ito sa pagsasalita sa harap ng kakambal nitong si Qiáo Guiren.
"Ano bang pinuputok ng butsi mo Qiáo Jian. Matagal ng nangyari at nakalipas iyon. Wag mong pairalin ang pagiging makasarili mo para sa ikagagaan lang loob mo. Nakakasakal na ang ganon alam mo ba iyon?!"
"Nakakasakal?! Ang sabihin niyo ay naka-unreasonable niyo. Hindi niyo ko naiintindihan, ganon naman talaga kayo!" Sambit ni Qiáo Jian na mahahalatang puno ng pagkatampo sa salitang binitawan nito.
Mabilis na lumipad ito papalayo ng walang pasabi man lang.
"Qiáo Jian! Qiáo Jian! Bumalik ka rito!" Malakas na saad ni Qiáo Guiren habang unti-unting humihina ng humihina ang boses nito hanggang sa hindi na niya natanaw ang papalayong pigura ng lumilipad niyang kakambal sa himpapawid.
Mabilis na tumalikod si Qiáo Guiren at lumakad pabalik sa tahanan nila ng mag-isa. Ngayon ay parang pakiramdam niya ay lumalayo ng lumalayo ang loob ng ina niya at ng kapatid niyang pilit niyang iniintindi.