Chereads / Supreme Asura / Chapter 553 - Chapter 554

Chapter 553 - Chapter 554

Inalala ni Wong Ming ang lahat ng mga natutunan niyang mga bagay sa wastong pamamaraan ng pagcultivate ng mga demonic essences sa katawan niya.

Sa mabagal na pamamaraan ay natutunan niyang kontrolin ang mga bagay na tinataglay niya.

Ngunit hindi namamalayan ni Wong Ming ang oras na naaaksaya niya at isang buwan na siyang nananatili sa lugar na ito dahilan upang makatawag na ng pansin ang pag-exist ng kakaibang penomena na nangyayari sa mismong kinaroroonan niya.

Halos gumapang na kasi ang napakalamig na klima ng ilang kilometro rito. Kahit nga ang mga ancient tribes maging ang ilang mga tribong naninirahan malapit lamang sa lugar na ito ay naalarma na.

Kitang-kita na maraming nagtutumpukan sa kasalukuyan sa nasabing gilid ng lugar ng kakaibang penomena. Wala kasi silang kaide-ideya sa nangyayari sa mismong lugar na ito.

Maraming nagbubulong-bulungan at ang ilan pa ay dito na gustong mamahinga muna lalo pa't napakainit ng temperatura sa kasalukuyan ngunit dito ay tila susuntukin ka naman ng ibayong lamig.

Ngunit sa araw na ito ay tila ba kakaiba dahil kitang-kita ng napakaraming nagtutumpukang nilalang ang tatlong nilalang na lumilipad sa ere na nakasuot ng kulay asul na roba habang may makikitang simbolo sa kaliwang dibdib ng mga ito.

Masasabing nagkaroon ng pagkalihis ng pinag-uusapan ang mga saksing mga nilalang sa kalupaan habang tanaw sa himpapawid ang tatlong lumilipad na mga nilalang.

Hindi nagtagal ay nakita ng mga nagtutumpukang mga tao ang mga nilalang na ito saka nila nakumpirma ang kanilang mga hinala.

"Wind Titan Tribe hmmm... Hindi ko aakalaing pupunta ang mga mababangis pagdating sa palakasan ang tribong ito!"

"Tumahimik ka nga, wag kang magkakamali sa mga iyan dahil malalakas ang mga iyan. Kilala ang tribong iyan dahil sa pagkakaroon nila ng kakayahang magpalit-anyo bilang demonyo!"

"Ano'ng pakialam namin ha, normal na lamang iyon dahil nabibilang sila sa salinlahi ng Ancient Demon Tribe. Isa pa ay hindi manggugulo ang mga iyan lalo pa't hindi ito ang teritoryo nila!"

"Balita ko ay papahina ang tribo nilang ito at patuloy pang humihina!"

Ito lamang ang ilan sa mga malalakas na bulungang maririnig sa lugar na ito. Purong mga negatibo ang binibitawang mga kataga ang mga nilalang dahil karamihan sa mga ito ay hindi kakikitaan ng pagkatakot sa nasabing grupo ng nilalang na bagong dating lamang.

Isinawalang-bahala lamang ng tatlong nilalang ang sinabi ng mga nilalang na ito at napangisi na lamang ang mga ito dahilan upang matahimik ang mga nagbubulungan.

Kitang-kita na pupunta ang mga ito papasok sa loob ng kakaibang penomena na lugar kung saan ay palala ng palala ang sitwasyon pagdating ng panahon.

Kitang-kita ng lahat na tila walang takot ang tatlong nilalang na lumakad ng mabilis patungo sa looban mismo ng nasabing pinagmulan ng kung anumang klaseng sanhi ng lahat ng ito.

Ngayon ay tila nagtaka naman ang lahat sa nasabing pangyayaring ito at nag-umpisa na naman ang mga itong magbulung-bulungan.

"Napakatapang naman ng tatlong nilalang na iyon. Hindi man lang natakot ang mga ito sa maaaring panganib sa loob ng makakapal na tipak ng yelong bumubuo sa lugar na ito sa hindi malamang dahilan!"

"Tama ka. Masyadong mayayabang ang tatlong nilalang na iyon. Maaaring mapaslang ang mga ito kung kagagawan ito ng isang mapanganib na nilalang!"

"Pero maaari namang pambihirang kayamanan ang nagdulot ng kakaibang penomena rito!"

"Tama ka. Masyado ata tayong natakot sa mga bagay na hindi naman dapat!"

"Halina't sundan natin ang tatlong nilalang na iyon. Dapat ay makabahagi at makinabang tayo sa maaaring pambihirang kayamanang matatagpuan ng mga ito!"

Halos magkagulo ang mga nilalang na nagtutumpukan lalo pa't halos kalahati ng mga naririto ay nakumbinsing may pambihirang kayamanang nag-eexist sa lugar na ito at hindi maaaring mapukaw ang puso ng mga ganid na mga nilalang sa kayamanang maaari nilang matamo. Hindi nila mapapalagpas ito kung sakali mang tama ang kanilang mga hinala.

...

Sa kabilang banda naman ay ilang kilometro na ring naglalakad ang tatlong miyembro ng Wind Titan Tribe. Makikitang seryoso ang mga mukha ng mga ito habang nakatingin sa direksyon na patutunguhan nila.

"Sūn Ye, hindi ba't nakakapagtaka ang pagpunta natin dito? Bakit ngayon pa ha?!" Inis na wika ng nasabing binata na nakatingin sa binatang may hawak na pamaypay. Kitang-kita na kalmado lamang ang nasabing kasama nitong parang walang ginawang masama sa pang-iistorbo nito sa kanila.

"Kasalanan mo to Sūn Ye. Pinagpilitan mo bang pumunta rito eh alam mong may malaking okasyon na mangyayari sa bukas sa ating Wind Titan Tribe!" Paninising saad naman ng isa pang miyembro ng nasabing tribo na pumunta kasama ng binata.

"Napakareklamador niyo talaga Sūn Ru at Sūn Shen. Hindi ko naman kayo pinilit talaga, kayo ang sumama noh!" Direktang sambit naman ng binatang nagngangalang Sūn Ye na kitang-kita na sinamaan ng tingin ang dalawang kasamahan niya.

"Ah eh biro lang yun Sūn Ye. Ang lakas mo kaya sakin. Hindi katulad ni Sūn Shen na kailangan pang pilitin bago sumama." Sambit naman ni Sūn Ru habang makikitang gusto nitong ipasa ang lahat ng inis kay Sūn Shen.

"Ano'ng ako?! Buwiset ka talaga Sūn Ru. Hindi ko aakalaing ilalaglag mo ko huhu." Pagdadramang wika ni Sūn Shen habang makikitang nainis din ito.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Kung hindi ko lang kayo kaibigan ay di ko kayo isasama rito." Iritadong turan ng binatang si Sūn Ye habang mas binilsan nito ang kaniyang paglalakad.

Napatahimik na lamang ang dalawa sa tinuran ng binata na siyang matalik nilang kaibigan. Masasabing sila naman talaga ang kusang sumama hindi dahil pinilit sila.

"Pero bakit ba tayo pumunta rito?! Ano'ng kakaiba sa lugar na ito?!" Puno ng pagtatakang sambit ni Sūn Shen habang makikitang walang ideya ito sa ipinunta rito.

"Napaka-ulyanin mo talaga Sūn Shen, hindi ba sinabi ko sa'yong may kakaiba sa lugar na ito. Ramdam kong dito nagmumula ang kakaiba ngunit malakas na demonic aura ilang araw ng nakalilipas mula ng dumaan tayo rito." Seryosong sambit ni Sūn Ye habang pinapaliwanag nito ang kakaibang Aktibidad na nangyayari na napansin nito noong nakaraang araw. Kaya dahil sa kuryusidad ay gusto niyang galugarin ang nasabing lugar na ito na bigla na lamang umusbong sa gitna ng pook na ito.

Nagkatinginan naman sina Sūn Ru at Sūn Shen dahil makikitang nagtataka din sila sa kakaibang pakiramdam ni Sūn Ye. Ang nakakapagtaka lamang ay wala silang napapansin noong dumaan sila rito nitong nakaraang mga araw.