Chereads / Supreme Asura / Chapter 548 - Chapter 549

Chapter 548 - Chapter 549

Sa isang iglap ay nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang malalim at nakakatakot na karagatang tila dinadala ang sarili niya sa pabilog na direksyon.

Kitang-kita ni Wong Ming ang nakakapangilabot na pwersa ng tubig na nagkakaroon ng pagbuo ng isang penomena. Ang nakakapangilabot na daluyong.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano ang gagawin. Kakaiba ang daluyong tila sobrang lakas ng pwersang dinadala siya nito patungo sa kung saan man.

Ramdam niya ang nasabing paghigop ng kung ano mang pwersa mula sa gitna patungo sa kaniyang gawi nakakapangilabot man ay tinapangan ni Wong Ming ang sarili niya na wag magpadaig sa pwersang tumatangay sa katawan niya.

Ngunit agad namang naramdaman ni Wong Ming ang tila mga nilalang na lumalangoy sa hindi kalayuan. Napakarami ng mga ito habang siya naman ay nag-iisa lamang sa kaniyang pwesto.

Hindi alam ni Wong Ming ang kaniyang gagawin lalo pa't hindi niya alam kung anong klaseng mga nilalang ang papalapit sa kaniyang gawi ngunit batid niyang masasama ang intensyon ng mga ito lalo na kung paano niya nakita ang mga nagtatalimang ngipin ng mga ito na tila may gustong ngatngatin o kainin.

Shhhooo! Shhhooo! Shhhooo!

Ramdam ni Wong Ming ang tila malalakas na tunog ng mga maliliit na nilalang na patungo sa direksyon niya at wari ng binata ay siya ang pakay ng mga ito.

"Ano ba namang lugar ang napuntahan ko?! Tila napakamalas ko naman sa kahit na anggulong tingnan. Mas mabuti na sana kung may kasama siya ngunit wala, kaya alam niyang siya ang balak na kainin ng mga ito kung hindi siya nagkakamali.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang ilapit ang sarili niya sa mismong daluyong. Sa bilis at dami ng lumalangoy na mga maliliit na nilalang na mahahana ang mga pangil ng mga ito ay mamamatay siya kung magpupumilit sjya sa kagustuhan niya.

Mabilis na nilangoy ni Wong Ming ang direksyon kung saan mismo ang daluyong at nagpatinaod sa napakabilis na ragasa ng mga alon at pwersang bumubuo rito.

Hinding-hindi makakalimutan ni Wong Ming ang nakakatakot na itsura ng mga maliliit na nilalang lalo na at parang mga maliliit na demonyo ang mga kaanyuan ng mga ito. Ramdam niya ang panganib na nagmumila sa mga ito.

Ngunit hindi pala natatapos ang lahat ng panganib na nagbabadyang mangyari kay Wong Ming dahil mukhang hindi magpapadaig ang mga maliliit na mga nilalang na ito sa pagnanais na puntahan ang direksyon ni Wong Ming at kainin ang nasabing binata.

Parang biglang dinamba ng takot si Wong Ming dahil mabibilis na lumangoy ang mga maliliit na demonyo patungo sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali ay mga uri ng sea demons ang mga ito.

Hindi pa rin tumitigil ang mga ito kahit na patungo siya sa nasabing daluyong.

Whooo! Whooo! Whooo!

Rinig na rinig niya ang tila malakas na hanging tila humahampas at nakikisabay sa malaka na daluyong.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang gumawa ng pamamaraan upang makaligtas sa papalapit na sakuna sa kaniya lalo pa't tila malapit na siyang maabutan ng maliliit na mga uri sea demons na mabibilis na lumangoy patungo sa kaniya.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay kakaiba ang nasabing daluyong na kinaroroonan niya. Hindi ito humihigop ng mga bagay-bagay bagkus ay parang lagusan ito sa tila kakaibang mundong tinatago sa pinakasentro nito.

Hindi mapigilang makaramdam ng pagkamangha si Wong Ming dahil kung hindi siya nagkakamali ay ganitong-ganito ang kwento ng ama niya patungkol sa ginawang ekspedisyon ng mga ninuno nitong minsan na ring naglakbay sa ginta ng sobrang lalim at napakadelikadong karagatan.

Daluyong? Dalawa ang klase ng daluyong, ang mapangwasak na uri ng daluyong at ang mahinahong daluyong. Ang magkaibang uri ng daluyong na ito ay namuo sa iba't-ibang uri ng abnormalidad sa dagat. Ang mapangwasak na daluyong ay ang daluyong na nagawa dahil sa kakaibang pwersang nagawa sa gitna ng dagat at karaniwang makikita sa alinmang parte ng dagat. Ang pangalawang uri ng daluyong ay ang mahinahong daluyong na minsanan lamang mangyayari at pinaka-rare phenomenon. Ito ay nabubuo dahil sa kakaibang pangyayari sa dagat dahilan upang magkaroon ng kakaibang mundo sa ilalim nito. Maraming espekulasyon ang nakapaloob sa nasabing pagkabuo ng mga mundong ito sa gitna ng karagatan ngunit alam ni Wong Ming na malakas na pwersa ang gumawa nito sa gitna ng karagatan o kung paniniwalaan ang mga sinasabi ng mga tagapagsalaysay sa mga kalye ng Golden Crane City ay gawa ito ng mga malalakas na nilalang na gustong takasan pansamantala ang iniwan o naiwan nilang tahanan sa malayo.

Hindi alam ni Wong Ming ngunit nakaramdam siya ng ibayong saya. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang hindi pala mapangwasak na daluyong ang kinaparoroonan niya kundi isang mahinahong daluyong na isang lagusan patungo sa isang maliit na mundong maaari niyang tuklasin. Hindi makapagpigil si Wong Ming sa nasabing mundong naghihintay sa kaniya sa ilalim ng daluyong sa parteng karagatang ito.

Kitang-kita niya na hindi pa rin tumitigil ang mga maliliit na uri ng sea demons na mabibilis pa ring lumalangoy patungo kay Wong Ming.

Napangisi na lamang ng malademonyo si Wong Ming dahil nakikita niyang hindi pa rin siya tinatantanan ng mga maliliit na nilalang na ito na gutom na gutom sa kaniya pa naibaling ang kalam ng mga sikmura ng mga ito.

"Paalam sa mga pesteng nilalang. Hinding-hindi niyo ko makakain ng buhay hehehe!" May galak na sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang at walang pag-aalinlangan nitong nilubog ang buong sarili niya sa maalat at malalim na karagatang kinaroroonan niya.

Mabilis na binalutan ni Wong Ming nv protective essences ang katawan niya para sa paunang depensa niya sa kahit na anumang uri ng panganib o mga atakeng naghihintay sa kaniya sa kailaliman ng karagatang ito. Hinding-hindi siya maaaring makampante lalo pa't bagong-bago lamang sa kaniya ang ganitong klaseng senaryo at karanasan sa kaniya.

Masasabi ni Wong Ming na napakaganda ng parte ng karagatang ito dahil kitang-kita niya sa kailaliman ng karagatang ito ang magandang tanawin lalo na't sagana sa mga naglalakihang mga kabibe maging mga naglalakihang na isda na nakatira rito.

Ngunit lumangoy ng lumangoy si Wong Ming sa mismong pinanggalingan ng daluyong at halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan.