Chereads / Supreme Asura / Chapter 496 - Chapter 497

Chapter 496 - Chapter 497

His attack basically block by his opponent. He may be aware but he knows that this is just a beginning.

Makikita naman ang labis na gulat sa mata ng kalaban ni Li Xiaolong na siyang pinaningkitan nito.

"Hindi ko aakalaing makakatagpo ako ng malakas na kalaban katulad mo Little Devil ngunit sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa atin. You will be forgotten by anyone!" Sambit ng estrangherong estudyanteng kalaban ni Li Xiaolong habang makikitang gusto nitong paslangin si Little Devil sa madaling panahon. Aware na rin ito sa maaaring bantang maidudulot ni Little Devil sa kaniya.

"Ramdam ko ang iyong nais ginoo ngunit hindi mangyayari ang iyong sinasabi. Batid kong malakas ka dahil sa masamang gawain mo ngunit tutuldukan ko ang kasamaang dinala mo sa mga estudyanteng baguhan lamang ngunit walang awa niyong pinaslang!" Seryosong wika ni Li Xiaolong habang makikitang tila hindi ito magpapasindak sa kalaban niya.

Ngayon ay masasabi niyang makakaya niyang labanan ang kalaban niya. Batid niyang hindi pa ito nakakatapak sa Middle Purple Blood Realm Expert. Isa pa sa dumagdag ng kalakasan nito ay ang pambihirang espadang hawak nito. Batid ni Li Xiaolong na may kakaiba sa sandatang gamit ng kalaban niya. Gusto niyang makuha ito at mapag-aralan.

Kitang-kita niya kung paanong tumalbog ang atake niya at humina ang nasabing atake niya. He has a keen observation kaya alam niyang di siya nagkakamali. May abnormalidad na nangyayari sa espadang hawak-hawak ng kalaban niya.

Even his wounds na natanggap kanina ay ramdam niya pa rin ang mumunting hapding tumutusok-tusok sa paanan niya ngunit sa kinakaharap niyang problema ngayon ay kailangan niyang indahin ito.

Kailangan niyang maunahang mapaslang ang kalaban niya bago siya mapaslang nito. Marami pa siyang planong gawin at mas lalong batid niyang hindi basta-basta siya makakalabas ng Dou City ng ganon-ganon lamang.

Gamit ang Yin Yang Sword ni Li Xiaolong ay mabilis na lumutang ito sa ere. For the second time, Li Xiaolong wanted to cast a martial arts skill.

Fire Skill: Golden Fire Blast!

Biglang umapoy ang pabilog na bagay sa gitnan ng espadang pagmamay-ari ni Li Xiaolong at biglang lumagablab ang buong Yin Yang Sword.

Malakas na daloy ng apoy ang biglang lumabas sa nasabing espada at parang fire laser itong tumama sa kalaban ni Li Xiaolong na estrangherong estudyanteng kalaban niya.

"Isa kang hangal Little Devil. Hindi mo ko matatalo dahil lamang sa Fire Skill na meron ka. Isa akong Fire Skill Martial Arts Expert kaya hindi mo ko mapapaslang sa iyong simpleng atake!" Nakangising demonyong sambit ng estrangherong estudyanteng kalaban ni Li Xiaolong at kitang-kita ang mapanghamak nitong tingin kay Li Xiaolong maging sa ginawa nitong fire skill.

Nagliwanag ang espadang hawak ng estrangherong estudyante habang kitang-kita kung paanong muling nagliwanag ang hawak nitong espada tandang gagawa din ito ng panibagong martial arts skill.

Fire Skill: Fire Shield!

Isang malaking hugis bilog na bagay ang bigla na lamang gumuhit sa harap ng estrangherong estudyante na siyang sumangga sa paparating na atake ni Li Xiaolong.

Kitang-kita kung paanong nasangga ng walang kahirap-hirap ng kalaban ni Li Xiaolong ang nasabing atake nito.

"Hahaha, walang kwenta ang ginawa mong fire skill Little Devil. Isa lang itong basic skill na kaya kong tapatan gamit ang natutunan kong basic defense skill. Mukhang wala ka ng kawala sa naghihintay mong kamatayan hehehe!" Pangmamaliit na turan ng nasabing estrangherong estudyante kay Li Xiaolong habang makikitang tila gusto na nitong tirisin si Little Devil.

Ngunit sa halip na sumuko o panghinaan ng loob si Li Xiaolong sa mga sinabing pang-aalipusta at panghahamak ng kalaban niya ay mukhang mas lumakas ang loob niya na paslangin na rin ng tuluyan ang kalaban niya.

Hindi siya bayani o gustong wakasan ang buhay ng mga masasamang nilalang lalo na ng mga estudyante ngunit kung nagiging banta o hadlang na ang mga ito sa tinatahak niyang daan ng cultivation niya ay wala siyang magagawa kundi burahin ang mga existence ng mga ito sa mundong ginagalawan niya.

"Heh! Hindi ko aakalaing nagpahuli ka sa bitag na ihinanda ko sa iyo ginoo. Masyado mo atang minaliit ang aking ginawang martial arts skill. Ngayon ay ako naman ang gaganti sa'yo!" Nakangising demonyong wika ni Li Xiaolong habang makikitang tila may iba itong gustong ipahiwatig.

Ang Yin Yang Sword ay bigla na lamang nag-vibrate muli at kitang-kita kung paanong mas nabalutan ito ng naglalagablab na apoy.

Tch! Tch! Tch!

Ramdam ng estrangherong estudyante ang biglang pag-init ng temperatura ng lugar na ito to the point na tumatagaktak na ang pawis nito dahil sa mas uminit na atmospera sa lugar na ito.

Creak! Creak! Creak!

Biglang gumuhit ang kaba at gulat sa mga mata ng estrangherong estudyante nang makita nito kung paanong unti-unting nagkaroon ng mga cracks sa palibot ng ginawa nitong fire shield.

Ramdam niyang hindi na nakakayanan ng pananggang apoy niya ang apoy na tumatama sa direksyon niyang nagmumula sa pambihirang espadang pagmamay-ari ni Li Xiaolong.

"Hinding-hindi ito magpapatalo sa iyo Little Devil. Mas malakas ako sa'yo, mas maabilidad at kailanman ay hindi mo ko mapapantayan!" Pasigaw na sambit ng estrangherong estudyante na kalaban ni Li Xiaolong habang pinapakita nitong mas malakas siya sa kahit na ano'ng aspeto.

"Kung yan ang gusto mong paniwalaan. Kung nakayanan mong sanggain ang mga atake ko pwes ngayon ay kailangan kong wakasan ang buhay mo sa gagawin ko!" Madiing sambit ni Li Xiaolong sa seryosong tono ng boses nito.

TCH! TCH! TCH!

Kitang-kita kung paanong mas naging malakas ang daloy ng apoy na enerhiya sa Yin Yang Sword ni Li Xiaolong at bayolenteng nag-vibrate ang nasabing espada sa lakas ng daloy ng enerhiyang apoy palabas nito.

Crrreeeaakkkkkk!!!

Isang malakas na pagguhit ng crack ang makikita sa fire shield ng kalaban ni Li Xiaolong. Walang ano-ano pa ay bigla na lamang---

BANG! BANG! BANG!

Sumabog ng malakas ang fire shield dahilan upang tumalsik papalayo ang kalaban ni Li Xiaolong.

Puah!

Kitang-kita kung paanong sumuka ng sariwang dugo ang kalaban ni Li Xiaolong dahil na rin sa lakas ng impact ng pagkakatalsik nito maging ang natamo nitong internal injuries.

Natawa na lamang si Li Xiaolong sa naging resulta ng labanang ito. Kitang-kita niya kung paanong namutla ang balat ng kalaban niya at kung paano itong nanghina ng biglaan.

Ano'ng gagawin mo sa akin Little Devil, wag kang lalapit. Diyan ka lang!" Mahinang sambit ng estrangherong estudyanteng kasalukuyang kalaban ni Li Xiaolong habang may pagbabanta sa boses nito.

Magkagayon man ay nababatid ni Li Xiaolong ang takot sa mga mata ng kalaban niya. Wala siyang naramdamang awa sa nilalang na katulad nito dahil hindi nila deserve na kaawaan.

Kung baliktad ang sitwasyon nila ay siguradong walang awa siyang papaslangin ng nilalang na ito na pansariling interes lamang ang gustong masunod.

Walang sali-salitang sinabi si Li Xiaolong at mabilis na tinupok ng naglalagablab na apoy niya ang buong katawan ng nasabing kalaban niya.

AHHHH WAG! WAG MO KONG PASLANGIN!

iyon lamang ang huling mga katagang sinabi ng estrangherong estudyante na siyang kalaban ni Li Xiaolong bago ito tuluyang naging abo. Kitang-kita kung paano itong nagdusa sa mapait na pamamaraan ng pagpaslang sa isang Early Purple Blood Realm Expert.

Mabilis na tumalikod si Li Xiaolong at pinulot ang espadang pagmamay-ari ng napaslang niyang kalaban niya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na nilisan ang lugar na itong saksi ng labanan ng dalawang Early Purple Blood Realm Expert.