Chereads / Supreme Asura / Chapter 484 - Chapter 484

Chapter 484 - Chapter 484

Pumasok na ang batang si Li Xiaolong matapos ang ilang minutong pahinga mula sa mga naging laban niya knaina. Halatang marami ang manonood na pumunta sa araw na ito habang nasa labas at tila nagpupustahan pa ang mga ito na masasabi kong sino ang gusto o napupusuan nilang manalo sa labanang. Maingay at halos kaliwat-kanan ang sigawan ng mga taong naririto habang kitang-kita kung paano mag-abutan ng taya ang mga ito. Halata kasing pupusta ang mga ito sa kaniya ngunit halos marami ata ang tumaya sa kabilang panig ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob dahil alam niyang mananalo siya sa labanang ito.

Halatang ang kalaban niya ay tanyag o kilala dito kung kaya't alam niyang mahihirapan siya rito. Pareho ang cultivation level niya rito na isang Early Purple Blood Realm Expert na siyang ayon rin sa sabi-sabi ng magkambal na Pollux at Adhara.

Moon Saber daw ang pangalan ng nasabing nilalang na siyang palayaw/ codename nito rito sa loob ng Xitang Village lalo na sa pagtapak sa mawalak na arenang ito na magsisilbing labanan nila ng kung sinumang nilalang na iyon.

Maya-maya pa ay kita ni Li Xiaolong ang isang batang lalaking halos kasing-taas niya habang may sukbit itong mahabang saber sa likuran nito. Napakatalim at kumikintab ang nasabing sandata nito na halatang palagi itong nililinisan at inaalagaan. Tunay ngang kakaiba ang nilalang na ito.

Merong isang nilalang ang nasa likod nito at kitang-kita na pinanliitan siya ng matandang lalaking kulay pilak ang suot nitong roba. Sa unang tingin pa lamang ni Li Xiaolong ay isang maimpluwensyang nilalang ito o di kaya ay isang nilalang na galing sa mararangyang pamilya. Ewan niya lang kung tama ang sinasabi niya o naiisip ngunit masasabi niyang maaari nga ang kaniyang naiisip.

Though he didn't want to offend, kailangan niya pa ring siguraduhing mananalo. Lagi niyang sinasabi sa sarili na meron ngang malalakas na nilalang kumpara sa kaniya ngunit alam niyang ang bawat nabubuhay sa mundong ito ay may sariling kahinaan.

Tap! Tap! Tap!

Rinig na rinig niya ang bawat yabag ng paa ng batang halos kasing-taas niya lamang ngunit agad rin itong tumigil dahilan upang magpantay ang kanilang tingin.

"Heh! Hindi ko aakalaing may manghahamon sa akin upang kunin ang titulong aking iniingatan. Hindi mo ko matatalo kaya sumuko ka na lamang!" Matigas na sambit ng nagngangalang Moon Saber habang may pagbabanta sa tono ng pananalita nito, halatang binabalaan nito si Li Xiaolong sa maaaring gawin nito sa kaniya.

Humakbang naman paabante si Li Xiaolong o sa pangalan nito sa loob ng malaking arena bilang si Li Xiaolong ngunit kakikitaan pa rin na kalmado lamang ito.

"Gustuhin ko man ay hindi mangyayari iyon sapagkat ang titulong pinakainiingatan mo ay kailangan ko." Simpleng sagot na lamang ni Li Xiaolong dahil ayaw niyang makipagtalo pa rito. Mukhang hindi siya gustong papanaluhin ng kalaban niya sa huling bahagi ng kaniyang matagumpay na siyam na laban kanina.

Ngunit imbes na maging mahinahon ang nasabing kalaban nitong si Moon Saber ay mukhang mas lalonghindi maipinta ang mukha nito sa naging sagot ni Little Devil.

"Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo hmmp! Ngayon pa na mukhang nagkakamali ka ng iyong binangga Little Devil!" Nakangising sambit ni Moon Saber habang makikitang hindi rin ito magpapaawat sa kalaban niya.

"Yun ay kung magagawa mong maingatan ang titulo mo dahil sa balita ko'y sunod-sunod mong pagkapanalo. Sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil kilala mo pala ako hehe..." Sambit ng batang si Little Devil na nakangiti ito habang nakaharap sa nagngangalang Moon Saber.

"Hmmp! Sino ang hindi nakikilala sa nag-iisang suwail na estudyanteng sumuko lamang ang pagiging rank 1 sa ginawang Trial ng Cosmic Dragon Institute. Ano ang ginawa mo upang mapapayag ang Cosmic Dragon Institute para makapasok kang muli? Siguro ay nagmamakaawa ka at lumuhod sa harap ng mga matataas na opisyales ng prestirhiyosong paaralan." Mapang-uyam na wika ni Moon Saber habang nakatingin ng matalim sa gawi ng batang si Li Xiaolong. Halatang ayaw na ayaw niya ang presensya ng pesteng nilalang na makakalaban niya. Sisiguraduhin niyang siya ang magtatagumpay sa huli at hindi itong nilalang na tanyag lamang ngunit wala naman talagang maibubuga.

Kung tingin nito ay mapoprotektahan siya ng titulo nito bilang nangunguna sa nasabing trial ranking noong mga nakaraang mga buwan ay iba ang totoong laban dahil lakas ang batayan at masasabi niyang hindi siya matatalo ng nilalang na ito.

"Lumuhod? Hindi ko gawain ang bagay na iyon. Tanging ang master at mga magulang ko lamang ako magbibigay-pugay. Oo nga pala noh, gawain mo pala iyon dahil bakas naman sa mukha mo ang pagkadisgusto sa gawain ng mga mahihinang nilalang na kagaya mo." Matigas na wika ng batang si Li Xiaolong. Halatang una pa lamang ay tiyak siyang pinaghandaan talaga ng nilalang na ito ang inisin siya.

"Malalaman lamang natin iyan ngayon. Humanda ka Little Devil!" Inis na turan ni Moon Saber na halatang nagalit na ito da sinabi ni Little Devil.

Mabilis nitong binunot ang isang mahabang saber sa likod nito at agad na nagsagawa ng pambihirang martial arts skill.

Skill: Raging Sword Duplication!

Sa isang iglap lamang ay mabilis na ibinato ni Moon Saber ang mahabang saber na hawak nito sa direksyon ni Little Devil.

Ramdam ni Little Devil na parang may mali sa kapaligiran niya na para bang may nagbabadyang panganib na hindi niya malaman o matukoy man lang.

Isang mahabang saber lamang ang nakikita niya ngunit ramdam niyang tila marami ito ngunit sa mata ng mga manonood ay mukhang simpleng bato lamang ito ngunit para kay Little Devil ay hindi.

Skill: Sword Lotus Shell!

Sa isang iglap ay nagliwanag ang hawak na espada ng batang si Li Xiaolong. Wala siyang ibang magagawa kundi ang subukan ang posibleng panganib na kakaharapin niya.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap nang Kasabay nito ang pagtunog ng mga naglalagang mga metal na bagay sa paanan ni Little Devil.

Mabilis namang namula ang mukha ni Moon Saber nang mapansin niyang tila ba mayroong kakaiba sa kalaban niya at makita niyang dalawa sa mga armas niya ang nasira matapos itong malaglag sa lupa sa loob ng battle arena.