Chereads / Supreme Asura / Chapter 479 - Chapter 479

Chapter 479 - Chapter 479

Napayuko na lamang ang magandang dalagang si Mèng Shuchun at mabilis na nagwika.

"Aaminin kong oo. Wala na rin naman akong choice sa mga oras na iyon dahil kinakailangan ng pagkakataon. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ilayo ang pakay namin rito ngunit isinama ko na rin ang mga magulang mo dahil alam kong madadamay din sila sa gulong nangyayari sa Green Martial Valley Union." Sambit ni Mèng Shuchun na makikitang hindi ito nagpaligoy-ligoy pa. Talagang wala silang choice maging siya ay ganon rin.

"Ang galing mo rin eh noh. Sarili niyo lang kasi ang naiisip niyo sa mga oras na iyon at ang pesteng misyon niyo dito kung bakit pumunta pa kayo rito." Saad naman ni Li Xiaolong habang makikitang tila may inis pa ito. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng maayos na pamamaalam sa magulang niya bago ang mga itong lumisan. Gaya niya ay ganon rin ang mga ito sa kaniya, biglaan lamang at walang preparasyon ang pag-alis ng mga ito.

"Aaminin kong desperado na ako sa mga oras na iyon ngunit alalahanin mo Li Xiaolong, kung di dahil sa akin ay baka nabura na ng tuluyan ang lahat ng mga nilalang sa loob ng Green Valley." Seryosong turan ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang makikitang tila nabigla rin ito sa mga sinabi niyang rebelasyon pstungkol sa nagawa niya.

Tila nakaramdam naman ng habag ang batang si Li Xiaolong nang mapansing tila ang kaliwang mata ng dalaga ay para bang hindi pumipikit at mukhang depektibo na noong huling kita niya rito ay maayos pa naman ito.

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Tsaka bakit nagkaganyan ang kaliwang mata mo?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito mapigilang magtaka. Hindi naman ito ganon dati noong huling kita niya rito dahil halatang may kakaiba talaga rito.

"Dahil lang naman ito sa tulong ko kung kaya't hanggang ngayon ay buhay pa ang mga nilalang na nasa paligid mo. Hindi ko aakalain na may isang halimaw na katulad nabubuhay rito." Sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang tila nanlaki ang mata niya ng mapagtanto ang mga sinasabi nito sa batang si Li Xiaolong.

Napayuko na lamang ang batang si Li Xiaolong na makumpirma niya ang lahat. Talagang sa mga oras na umiba ang katauhang kumokontrol sa katawan niya ay tila nakakatakot at nakakapanghilakbot. Dito niya napagtantong sobrang hina niya pa.

Gusto mang sagutin ng batang si Li Xiaolong ang sinabi ni Mèng Shuchun ay tila nablangko siya dahil unang-una ay wala siyang konkretong ebidensiya na i-deny ang sarili o ipagtatanggol laban sa mga ito ngunit ganon din talaga eh, Kitang-kita na siya iyon at wala ng iba pang dapat sisisihin sa nangyari na. Hindi na rin naman niya maibabalil pa ang buhay na nawala

"Maaari mo na ba kong palabasin Li Xiaolong? Hindi mo naman siguro gugustuhing mapaslang ang mortal kong katawan at makulong ako ng tuluyan dito sa loob na siyang tumulong sa'yo noh?!" Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang makikitang gusto na nitong makalaya mula sa pagkakakulong niya sa loob ng misteryosong lugar na ito.

Hindi naman siguro isang balasubas ang batang ito na siyang nalaman niyang kahit na may kasamaan talaga itong naiisip o nagagawa ay alam niyang mabuti pa rin ito.

"Oo palalayain na kita magandang binibini. Ngunit magagamot pa ba yang depektibo mong mata?!" Saad ng batang si Li Xiaolong habang halatang nalungkot ito sa sinapit ng dalaga na siya rin naman ang may pakana.

"Oo naman, yun lang ay kailangan ko ng mahaba-habang panahon upang lunasan ito. Wag kang mag-alala bata, gagamitin ko ang aking kakayahan sa kabutihan at wag na basta-bastang aasta na parang mamamatay-tao hahaha!" Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang napatawa na lamang ito sa huling sinabi nito.

Napatawa na lamang rin ang batang si Li Xiaolong na halatang nakuha nito ang gustong ipahiwatig ng dalaga na mag-iingat na siya at wag basta-bastang mawawalan ng pasensya sa mga susunod na mga gagawin nitong mga kilos.

"Inaasahan ko iyan binibini. Tunay ngang nakakatakot ang lakas at natural na taglay na kapangyarihan ng iyong mata. Maaari ba akong magkaroon ng ganyang klaseng abilidad?!" Saad ng batang si Li Xiaolong habang masasabing tila napabilib siya sa kakayahan ng magandang binibining galing pa sa Vermilion City. Isang tinutukoy nitong maunlad na siyudad na sa tingin niya ay mas malawak at mas maunlad pa kaysa sa Dou City.

Hindi lingid sa kaalaman niya na kahit na estudyante pa lamang ang mga ito ay sobrang lakas na ng mga ito. Ang Purple Heart Realm Expert kasi ay maituturing ng nasa peak experts ng mundong ito at iilan lamang ang nakakatuntong rito samantalang sa lungsod na tinutukoy nito ay siguradong wala lamang ang mga Purple Heart Realm Experts para sa mga nilalang na namumuhay roon.

"Pasensya na bata ngunit likas at natural born ang pagkakaroon ko ng ganitong mga mata. Maituturing na malakas ang taglay kong kapangyarihan na naging dahilan upang makapasok ako at tanggapin bilang isang estudyante sa loob ng Vermilion City. Hindi ko maaaring ipagsabi kung ano iyon, inaasahan kong magkikita pa tayong muli sa hinaharap." Seryosong wika ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang animo'y gusto nitong ipaliwanag sa batang si Li Xiaolong na importante din talaga ang talento kaysa sa mismong kakayahan lamang. Hindi niya ipinagkaila na ang kakayahan ng matang meron siya ang isa sa mga bagay na nagbigay sa kaniya ng pag-asang mag-aral sa isa sa prestirhiyosong paaralang nasa loob ng Vermilion City.

"Kung hindi ako nagkakamali ay iniingatan kang estudyante ng paaralan niyo, tama ba ko?! Sa lakas mong yan ay siguradong hindi nila isasawalang-bahala ang abilidad na meron ka!" Seryosong turan naman ng batang si Li Xiaolong habang makikitang gudto nitong ikumpirma ang mga assumptions niya.

"Ikinalulungkot ko bata ngunit meron mga estudyanteng higit na talentado at ipinanganak na mayroong mga misteryosong abilidad na sobrang malakas pa kaysa sa matang meron ako. Kahit labanan ko sila ay hindi ko sila kayang patamaan o pinsalain man lang. Sa lawak ng Vermilion City ay ganon din karami ang ipinapanganak na malalakas at natural born geniuses. Nasa average lamang ako nabibilang kaya wag mong isiping ako na ang pinakamalakas dahil meron pa, hindi mo pa lang nakikita ang mga bagay na hanggang abot-tenga mo lamang." Seryosong sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun sa batang si Li Xiaolong habang mapakla pa itong napangiti bakas ang lungkot sa mga mata nito. Hindi niya kayang sabihin na tanging ang pagtanggap nila ng misyon lamang sila nabibigyan ng prayoridad ng mga guro at ng mga nakakataas kapag nagawa nilang mapagtagumpayan ito. Ayaw niyang biglain itong batang si Li Xiaolong kung gaano kalupit ang reyalidad.