Chereads / Supreme Asura / Chapter 477 - Chapter 477

Chapter 477 - Chapter 477

"Ano'ng nangyari dito anak?! Bakit parang dinaanan ng bagyo ang manor mo?!" Aligagang tanong ni Ginoong Li Mo sa anak nitong si Li Gumu. Bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito na animo'y parang hindi siya kumakalma sa mga oras na ito.

"Li Gumu, ano bang talagang nangyari dito? Nang marinig namin ang malalakas at sunod-sunod na pagsabog ay napalipad kami kaagad rito upang tingnan ang iyong lagay." Nag-aalala ring sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin na ngayon ay tila gusto ring malaman ang mga pangyayaring naganap.

"Itay, wala pong nangyari dito. Nag-eensayo lamang ako rito nang mangyari iyan. Tsaka ikaw naman Binibining Jianxin, wala po talagang masamang nangyari rito kung iyon po ang iyong gustong ipahiwatig." Seryosong wika ng batang si Li Gumu nang mapansin ang mga nag-aalalang mga mukha ng kaniyang ama at ni Binibining Jianxin.

Napatango na lamang si Li Jianxin sa naging sagot ng batang si Li Gumu sa kaniya. Agad naman niyang nakuha ito dahil alam niyang nagsasabi ng katotohanan ang anak ng pinuno ng Green Lotus Pavilion.

Nakakagulat naman kasi at mabuti na lamang at nasa palengke pa ang ina ni Li Gumu kung hindi ay baka masermunan na naman ito ng nanay niya.

Ngunit hindi naman nagpapigil ang ama ni Li Gumu na si Li Mo na magsalitang muli.

"Nag-eensayo eh mukhang dinaanan ng delubyo ang bakuran ng manor mo anak. Sigurado ka ba sa iyong sinasabi?!" Tanong ulit ni Ginoong Li Mo sa anak nito upang tiyaking kung talagang okay ba ang lagay nito o hindi."

"Oo nga po itay, okay lang po ako. Talagang nag-eensayo lamang ako. Aksidente lamang ang nangyari diya. " Sambit ng batang si Li Gumu sa ama nito upang siguraduhin ang kaniyang sariling sinasabi.

"Paano naman iyon magiging aksidente eh alam mo namang kumontrol ng sarili mong enerhiya hindi ba?!" Sambit ni Ginoong Li Mo na animo'y hindi pa rin kumbinsido ngunit alam mong unti-unti na itpng kumakalma dahil nakita niyang ligtas ang anak niya sa nasabing pangyayari kanina upang magpanic sila.

"Pero itay, tingnan niyo po itong gagawin ko. Pagmasdan niyong mabuti kung paano ko ito gagawin na siyang dahilan ng pagkakasira ng mga lupa sa sariling manor ko." Seryosong saad naman ng batang si Li Gumu upang ipakita ang kaniyang sariling sinasabi sa ama nito.

Mabilis na bumalik sa kamay niya ang mahabang espada niyang nalaglag na animo'y nabunot lamang sa lupang nalaglagan nito.

Agad na nakita ni Ginoong Li Mo at ni Li Jianxin ang pagwasiwas ng mahabang espadang hawak-hawak ng batang si Li Gumu.

Maya-maya pa ay nagliwanag ito tandang nagsagawa ng martial arts skill ang nasabing bata.

Skill: Luminous Sword Strike!

Sa isang iglap lamang ay sunod-sunod na liwanag ang bigla na lamang pumailanlang sa lupa dahilan upang sunod-sunod na malalakas na pagsabog ang bigla na lanang humagupit sa kalupaan ng lugar na ito.

BANG! BANG! BANG!

Halos gumulo na talaga ang lupaing sakop ng manor ni Li Gumu na naging resulta ng pagkakawala ng ganda ng lugar na siyang nagpalaki sa mga mata ng dalawang nilalang na saksi sa naging pagsasagawa niya ng kaniyang noo'y mahinang martial arts skill na ngayon ay tila nagbago ang ihip ng hangin at sobrang lakas na ng atakeng ito sa kung sinuman.

Sa pamamagitan ng atake niyang ito ay confident na ang batang si Li Gumu na makipaglaban sa isang Middle Xiantian Realm Expert ng hindi nahihirapan.

Nanlalaki naman ang mga mata ng dalawang nilalang na sina Ginoong Li Mo na siyang ama nito maging ang magandang dalagang si Li Jianxin ay ganun din ang naging reaksyon sa knailang nasaksihang senaryo.

Alam ni Li Jianxin kung gaano nahihirapan ang anak ni Ginoong Li Mo na si Li Gumu sa pagsanay sa nasabing malakas na martial arts skill na mahirap pag-aralan at matutunan.

Isang Luminous Sword Skill ito ng isang natatanging skill ng isang swordmaster. Isa itong regalo ng isa sa magiting na swordmaster na nagmula sa Hollow Earth Kingdom na siyang personal na guro ni Li Gumu. Natatangi ang pambihirang martial arts skill na ito na may kakaibang kakayahan ayon sa matandang guro ni Li Gumu. Sa una ay hindi rin sila naniniwala sa lakas ng Luminous Sword Skill na ang unang bahagi ng nasabing skill ay ibinigay sa batang si Li Gumu. Tanging ito lamang ang tinuruan ng matandang gurong iyon kahit na may iba pa itong estudyante kagaya ng mga secret disciples nito.

Iyon ay dahil na rin sa kinagigiliwan ito ng matanda lalo na sa taglay na abilidad ni Li Gumu maging sa lakas na taglay ng ama nito na si Li Mo. Pagdating sa Martial Talent ay higit na mataas ang talento nito kaysa sa ama niya idagdag pang bata pa lamang ay dumaan na ito sa mabibigat na mga ensayo na ang ama nitong si Li Mo mismo ang nagturo sa kaniya.

"Paano ito nangyari anak?! Bakit ngayon mo lamang sinabi sa akin na may ganito kang kakayahan ngayon na alam kong pinili ka talaga ng guro mo upang sanayin ka sa kakayahang alam niyang makakaya mo!" Tila proud na proud na wika ni Ginoong Li habang sinasabi ang mga katagang ito sa kaniyang anak. Hindi nito mapigilang lumapit at yakapin ng mahigpit ang anak niyang ito.

Hindi naman maipaliwanag ni Li Jianxin ang kaniyang sayang nadarama lalo na at mukhang may susunod sa yapak nilang mga magtatanggol sa hinaharap sa anumang delubyong mangyayari.

Isang maalamat na Sword Skill kung ituring ang Luminous Sword Skill lalo na at nakabase ang lakas ng atake nito sa balanse ng kakayahan ng isang nilalang sa swordmanship nito at sa antas ng cultivation level nito. Kapag naibalanse ang dalawang aspeto nito ay siguradong makakaya mong naisagawa ang pagpapalabas ng totoong potensyal nito.

"Ngayon ko lamang sinabi itay dahil busy kayo. Isa pa ay gusto kong mag-ensayo at umunlad sa sarili kong pamamaraan." Sambit ng batang si Li Gumu upang takpan ang mga bagay-bagay na nagdulot sa kaniya ng agarang pag-unlad lalo na at ayaw niyang sabihin na si Li Xiaolong ang nagdulot nito. Ayaw niyang mapahamak ang nasabing batang alam niyang higit na may pinagdaraanang problema. Kaibigan na rin niya kung ituring si Li Xiaolong hindi dahil sa naging tulong lamang nito kundi ay isa itong mabuting ehemplo upang paghusayan niya pa lalo. Matagal na niyang tanggap na ang isang katulad ni Li Xiaolong ay malayo pa ang mararating nito kagaya niya.

Siguro ay dahil sa pagiging kampante niya kaya nangyari ang lahat ng mga hindi niya inaasahang mangyari. Magkagayon pa man ay marapat lamang na isikreto na lamang ito baka may makadiskubre pa ng mga bagay-bagay na itinatago ng batang si Li Xiaolong.

Alam ng lahat na isa rin itong Beast Tamer ngunit ang pagkakaroon nito ng sunod-sunod na mga pambihirang kakayahan ay siguradong magdudulot lamang ng kapahamakan rito at baka sila ay naapektuhan rin kagaya noon.

Ligtas sila ngayon ngunit alam niyang hindi magiging permanente ito dahil ang mga bagay-bagay rito ay kapwa mga resulta lamang ng malakas na pwersa na nagmumula sa Hollow Earth Kingdom.