Maya-maya pa ay hindi namamalayan ng batang si Li Xiaolong na tanaw na tanaw niya na ang mismong bulwagan.
Malayo pa lamang ay kitang-kita niya na ang tatlong nilalang na nakatalikod sa kinaroroonan niya habang nakaharap naman sa kaniyang gawi ang magandang dalagang si Ate Jianxin niya.
Dalawang bata habang ang isa naman ay alam niyang matanda na ito dahil na rin sa puti na ang buhok nito dahil na rin siguro sa katandaan.
Sa wari niya ay nag-uusap ang mga ito sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito.
Agad naman siyang napansin ng Ate Jianxin niya ng matanaw rin siya nito sa malayo dahil lumipat ang mga tingin nito sa direksyon niya.
Dali-dali namang humarap sa kaniya ang tatlong nilalang na sa unang tingin niya pa lamang ay alam niya na ang ipinunta ng mga ito.
Siya nga talaga ang pakay ng mga ito dahil alam na alam niya kung sino ang dalawang batang ito na walang iba kundi ang tinaguriang Twin Stars ng Cosmic Dragon Institute habang ang matanda ay hindi niya man ito kilala ngunit ramdam niyang konektado ang Twin Stars sa mga ito base sa atmosperang nakapalibot sa mga ito.
"Pollux at Adhara?!" Tanging nasambit lamang ni Li Xiaolong nang tuluyan ng nakalapit sa kaniyang sariling pwesto ang dalawang batang kambal na ito na medyo matanda lamang sa kaniya ng isang taon.
"Kami nga Li Xiaolong. Hindi ko aakalaing magkikita tayong muli at pauunlakan mo kami ngayong araw." Sambit ng magandang babaeng si Adhara na nakangiti pa ito ng malawak.
"Akala namin ay kinalimutan mo na kami haha... Good to know that you're alive and kicking!" Sambit ni Pollux habang makikitang nagbiro pa ito sa huli.
Agad namang binatukan ni Adhara si Pollux at sinamaan ng tingin. Agad namang nakuha ni Pollux ang gustong sabihin ng mismong kambal niyang ito.
"Pagpasensyahan mo na si Pollux sa inasal niya lalo na sa sinabi niya hehe..." May pagka-guilty na saad ni Adhara sa seryosong tono ng pananalita nito.
"So alam niyo na pala ang nangyari. Okay lang yun, noh ba kayo. Pero okay na ko ngayon kaya lumabas na ko sa munti kong lungga haha." Nakangiting sambit ng batang si Li Xiaolong. Nagsasabi siya ng totoo dahil ramdam niyang mayroon pa ring mga tunay na mga nilalang na handa siyang damayan sa malungkot na nangyayari sa kaniya lalo na ang sarili niya. Kasi ikaw rin lang naman ang makakatulong mismo sa sarili mo upang hilumin ang sugat ng nakaraan.
"Mabuti naman Li Xiaolong kung gayon. Bumalik kami ngayon hindi lamang bumisita kundi upang imbitahan kang sumama sa amin patungo sa Cosmic Dragon Institute upang mag-aral na doon. Ikaw ang nangunguna noong nakaraan sa Trial Ranking." Sambit ni Adhara habang mabilis na sinabi ang pakay nila.
Tila nangunot naman ang noo ng batang si Li Xiaolong habang makikitang mujhang tatanggi na naman ito dahil bakas ang pagkalito sa mga mata nito.
"Ang totoo niyan Xiaolong ay hindi ka talaga tinanggal ng Cosmic Dragon Institute kundi ay isa ka pa ring estudyante ng mga ito. Buti na lamang at hindi nilusob at marahas na sinakop ang Green Valley kundi ay siguradong mangingialam ang Cosmic Dragon Institute kung may mangyaring masama sa iyo." Seryosong saad naman ng batang si Pollux na para bang nagsusumbong ng mga itinago nilang lihim sa batang si Li Xiaolong.
Tila nanlaki naman ang mga mata ng batang si Li Xiaolong dahil sa kaniyang sariling narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niyang rebelasyon mula sa ekstraordinayong kambal na ito ng mismong Cosmic Dragon Institute.
"At paano naman nangyari iyon? Ni anino ko ay hindi man lang dumaan sa mismong paaralan niyo. Isa pa ay isa lamang akong ordinaryong batang nagmula lamang sa simpleng angkan. Mas marami pang mga estudyante ang mas deserving kaysa sa akin kaya dapat ay ibaling na lamang ng institusyon ang kanilang sarili sa mas may potensyal pa kumpara sa akin." Seryosong saad naman ng batang si Li Xiaolong sa kaharap niyang kambal. Pansin niyang nag-uusap pa rin ang dalawang nilalang sa malayo. Marahil ay binibigyan niya ng oras sila na mag-usap.
"Napa-imbestigahan na rin ng Cosmic Dragon Institute ang buong pangyayari at alam nilang may pagkukulang sila sa lahat ng nangyari sa iyo at sa iyong angkan noon. Kaya ngayon ay hinihiling nila na bigyan ng pangalawa at huling pagkakataon ang aming institusyon upang patunayan na mapapaunlad pa nila ang kakayahan mo, Little Devil" Puno ng kaseryosohang sambit ng batang si Adhara sabay sabi sa code name ng batang si Li Xiaolong na ginamit nito sa nilista nitong pangalan sa naganap noong Trial.
Nag-isip ng malalim ang batang si Li Xiaolong habang makikitang tila may alinlangan pa rin sa mukha nito. Halos kumabog naman ng mabilis ang dibdib nina Pollux at Adhara dahil mukhang sa huling pagkakataon ay baka bigo pa rin silang mapapayag ang batang si Li Xiaolong o Little Devil.
"Oo, papayag akong sumama sa inyo patungo sa Cosmic Dragon Institute upang mag-aral. Sa nakikita ko ay hindi na rin naman ako kinakailangan rito. Maayos na ang angkan ng mga Li at mas lumaki pa ang sakop ng lugar namin kasama ang iba pang kalapit na mga angkang bumubuo sa Green Lotus Pavilion. Naniniwala ako sa kakayahan ni Ate Jianxin at Ginoong Li Mo." Nakangiting sambit ng batang si Li Xiaolong habang sinasabi ang desisyon nito sa dalawa. Nag-isip siya ng malalim dulot ng mga nangyari at ngayon na parang wala naman siyang alalahanin patingkol sa Green Lotus Pavilion ay aprang nabunutan na siya ng tinik dahil alam niyang hindi ito pababayaan ng Ate Jianxin niya at ng ama ni Li Gumu na si Ginoong Li Mo.
"Yeheyyy!!!" Sambit nina Pollux at Adhara habang nakisabay na rin ang batang si Li Xiaolong sa trip ng mga ito. Halatang nagkasundo at masaya ang tatlong bata sa naging takbo ng pag-uusap nila.
Halata rin ang pagguhit ng kasiyahan sa mukha ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa kambal na sina Pollux at Adhara. Wala siyang pagsisisi sa desisyon niyang ito, wala rin siyang ideya kung paano niya pauunlarin ang sarili niya ngayong isa na siyang ganap na Purple Blood Realm Expert.
Hindi niya sukat aakalain kung gaano kalaki at karami ang kakailanganin niyang bagay upang makapagbreakthrough sa susunod na lebel ng cultivation lalong-lalo na sa susunod na boundary nito. Kailangan niya ring mag-aral ng mga bagay-bagay upang sa ganon ay malaya siyang makapaglakbay habang may alam sa mga nadidiskubre niyang mga lugar o mga bagay na hindi niya pa alam maging ng mga nilalang na maaari niyang makaharap sa hinaharap. With the help of Cosmic Dragon Institute, alam niyang mas mapapadali ang gagawin niyang paglabas patungo sa ibang lugar sa labas ng Dou City.
Alam niyang siya lamang ang makakadiskubre ng mga bagay-bagay at makakalap ng impormasyon kung nasaan ang Vermilion City at kung makakapasok siya sa nasabing siyudad na mas maunlad kaysa sa Dou City. Gusto niyang masigurong buhay ang mga magulang niya at upang mapanatag ang loob niya sa pang-araw-araw niyang pamumuhay at paglalakbay sa mundong ito.