Chereads / Supreme Asura / Chapter 472 - Chapter 472: Ang Misteryosong mga Bisita

Chapter 472 - Chapter 472: Ang Misteryosong mga Bisita

Nabigla naman ang batang si Li Xiaolong sa narinig niyang sinabi sa huli ng Ate Jianxin niya. Sigurado siyang narinig niya ng malinaw ang huling pangungusap na winika nito.

"Paanong nalaman mo yan Ate? Sigurado po ba kayo sa inyong sinasabi?! Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong na halatang kumabog bigla ang dibdib sa labis na pagkabahala. Gulat rin siya sa narinig niya mula sa bibig ng Ate Jianxin niya noh.

"Oo naman Xiao². Di ko man alam kung paano mong nagawa iyon ngunit nakausap ko mismo ang branch manager ng Golden Martial Shop sa Dou City na personal na pumunta rito noong nakaraang mga buwan. Alam kong halos 95% ng pondo ng Green Martial Valley Union ay sayo nanggaling. Noong una ay nagtaka ako kung saan ka kumuha ng ganon kalaking salapi ngunit naniniwala pa rin akong nasa mabuting pamamaraan mo nakuha ang mga bagay na iyong ibinenta. Alam mo bang napakadelikado ng ginawa mong iyon. Wag mong uulitin yun ha." Nag-aalalang sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin habang seryoso itong nakatingin kay Li Xiaolong.

Di na niya hinalungkat ang mga bagay patungkol rito dahil wala ring masamang ginagawa ang batang si Li Xiaolong. Mas mabuting mahikayat niya itong magsimula muli at magsumikap.

"Masuwerte lamang ako Ate Jianxin na makahanap ng mga bagay na iyon. Hindi lang talaga ako naunahan ng iba kaya nasolo ko lahat ng mga bagay na ibinenta ko sa Golden Martial Shop." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang makikitang gusto niyang wakasan ang anumang hinala ng dalagang si Li Jianxin. Mahirap magsalaysay ng mga bagay na toyak siyang hindi rin kapani-paniwala sa lahat.

"Ah ganon ba, maganda pala ang takbo ng swerte sa iyo Xiao². May balak ka pa bang tumayo diyan at magcultivate?!" Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Nakakalungkot lang isipin na hindi magpapatuloy ang batang si Li Xiaolong sa pagpapalakas at pagcucultivate kung hindi ito kikilos.

"Susubukan ko Ate. Maaari ba akong maglakbay pansamantala? Gusto kong magpalakas pa lalo na at alam kong hindi pa nagbabayad ang may sala." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa mga mata ni Li Jianxin.

Nagulat naman ng bigla si Li Jianxin sa winika ng batang si Li Xiaolong. Ngunit magkagayon man ay tumango ito at nagsalitang muli.

"Tama ka Li Xiaolong, nakatakas ang dalawang prinsipe, ang Crowned Prince at ang kapatid nitong si Prince Yaozu. Tuluyan na ring namatay ang ama nitong napatunayang unti-unting nilason ng Crowned Prince sa kahindik-hindik na pamamaraan. Samantalang sina Prince Yuán Nianzu at Prince Yuán Feng lamang ang nagsisilbing sandigan ng Sky Sword Pavilion sa kasalukuyan kasama ang iba pa nitong mga kapatid." Paliwanag naman ng dalagang si Li Jianxin. Alam kasi niyang magtatanong ang batang si Li Xiaolong na parang kapatid na rin niya kung ituring ito. Masasabi niyang matalo at matured na ring mag-isip ang batang gusgusin noon.

Ngayon ay nirerespeto niya ang lakas at abilidad ni Li Xiaolong. Kahit na kinatatakutan siya ng Green Lotus Pavilion ay alam niyang dahil iyon sa kakaibang lakas at katauhan ng batang si Li Xiaolong. Maiintindihan rin naman ito ni Li Xiaolong lalo na at kasabay ng lakas ay ang pagkatakot ng sinumang mahihinang nilalang kumpara rito. Hindi ka kakatakutan o irerespeto kung wala kang taglay na lakas. Ganito ang patakaran ng mundong ito.

Mabilis na gumuhit ang inis sa mukha ng batang si Li Xiaolong nang marinig niya at maproseso ng utak niya ang sinabi ng Ate Jianxin niya. Masasabi niyang matinik talaga ang dalawang prinsipeng iyon at nakuha pa nilang makatakas sa kamay ng mga awtoridad.

Ngunit napag-isip-isip niyang hindi pala nahuli ang dalawang prinsipeng iyon dahil sa kawalan ng ebidensiya. Kusang nilisan ng mga ito ang pabagsak na kaharian ng Sky Flame Kingdom noong kasagsagan ng malawakang digmaan sa loob ng kahariang ito kaya nga mas lalong naging marupok ang depensa ng Sky Flame Kingdom laban sa pananakop at pagsalakay ng Wind Fury Kingdom at ng Hollow Earth Kingdom sa mga lupain nito.

Matinik talaga ang dalawang prinsipeng ang mismong Crowned Prince at Prince Nianzu ngunit alam niyang matalino at natural na mga tuso ang mga ito kaya alam niyang babalik ang mga ito isang araw.

Napayuko na lamang ang batang si Li Xiaolong sa mga impormasyong nalaman niya. Alam niyang nagsasabi ng totoo ang kaniyang Ate Jianxin lalo pa at may mataas na katungkulan na itong ginagampanan sa Hollow Earth Kingdom. Kagaya ni Ginoong Li Mo ay pinagkakatiwalaan din itong lubos ng mga awtoridad ng Hollow Earth Kingdom maging ng mga Heneral ng mga mandirigmang mga martial arts experts.

"O siya bumangon ka na diyan Xiao² at mayroon kang maraming bisita mula sa labas. Noong nakaraang buwan pa silang nagpupumilit na personal na puntahan ka, maaari naman sigurong sa mga oras na ito ay harapin ag paunlakan mo sila sa pamamagitan ng pagharap mo ng personal sa mga ito. Huwag kang mag-alala, limitado lamang ang nakakaalam sa nangyari noon at suportado kang lubos ng Hollow Earth Kingdom sa magiging desisyon mo." Seryosong saad ng magandang dalagang si Li Jianxin habang nag-peace sign pa ito. Marahil ay nakonsensya ito sa paglilihim niya ng impormasyong ito at ngayon niya lamang ipinagbigay-alam sa batang si Li Xiaolong. Siyempre ay isinasaalang-alang naman nito ang damdamin ng batang si Li Xiaolong lalo na at sa kasalukuyan ay ulila itong lubos habang di pa nila natatagpuan ang mga magulang nitong bigla na lamang nawala kasama ang dalawang kapatid nito.

Kahit sino naman ay maiintindihan ang pinagdadaanan ng batang si Li Xiaolong. Hindi kasi lahat ng bagay ay dapat ipilit lalo na kung personal na problema ito na siyang lubos na naintindihan naman ng gustong magbisita sa batang si Li Xiaolong.

"Sino ang mga ito Ate Jianxin?!" Nagtatakang wika ng batang si Li Xiaolong ng patanong. Halata kasing mayroong alam ang Ate Jianxin niya ngunit di man lang siya nito sinasabihan patungkol sa bagay na ito.

"Basta malalaman mo din iyan kapag umayos ka. Naghihintay na ang mga ito sa iyo sa malaking bulwagan ng Green Lotus Pavilion. Ayusin mo sarili mo Xiaolong. Maligo at magsipilyo ka na rin, wag mong kalimutang dalhin ang importanteng mga gamit mo." Seryosong saad ng magandang dalagang si Li Jianxin habang hindi nakatakas sa mukha nito ang isang kakaibang ngisi na siyang ikinangiwi naman ni Li Xiaolong.

"Mukhang pinapalayas mo na ako Ate Jianxin ah? Wag mong sabihing papalayasin niyo na ko rito." Nakangiwing turan ng batang si Li Xiaolong habang hindi talaga nito alam ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng Ate Jianxin niya.

Wala talaga siyang kaide-ideya kung sino ang mga indibidwal na magtatangkang bisitahin siya. Palagay nga niya ay medyo okay na rin siya sa lagay niyang ito. Kung sakaling palalayasin siya ng Hollow Earth Kingdom sa nasabing lupain nila noon na siyang bahagi na ngayon ng nasabing kaharian ay malugod niya itong tatanggapin.

Sino ba naman siya upang pahalagahan at kalingain ng sinumang nagbigay hilakbot sa mga ito. Palagay nga niya ay makakabuti nga ito, ang mapag-isa siya at makapagnilay-nilay upang bumalik ang dating sigla niya upang magpatuloy na magpalakas at maglakbay sa mga lugar na di niya pa napuntahan.

Nang sa ganoon nga ay ma-relax ang utak niya maging ang puso niyang nabahiran ng galit at lungkot. Kailangan niyang magpagalingxsa emosyunal na impact ng bagong buhay na kinalalagyan niya. Wala rin naman siyang choice kundi magpatuloy na mabuhay. Naniniwala pa rin siyang buhay pa ang mga magulang niya maging ang dalawang kapatid niya. Hindi ito panahon upang aksayahin niya ang oras niya upang magmukmok kundi gawin niyang oportunidad ito upang magpursigi pang lumakas.