Chereads / Supreme Asura / Chapter 449 - Chapter 449

Chapter 449 - Chapter 449

Pagkatapos nito ay nagbalik siya sa reyalidad. Ang ginawa niya ay nagcultivate muna siya lalo na at pansin niyang may naglalaban-laban sa ere. This buy him a time to cultivate eagerly to make his energy in chaos becomes stable. Alam niyang hindi magandang magpadalos-dalos siya. Mas magandang surpresahin ang kalaban niya mamaya. Hindi siya maaaring makampante lalo na at nasa alanganin pa rin ang buhay niya sa kamay ng mga nilalang na maaari siyang paslangin sa Isang iglap lamang.

Dahil sa pag-oobserba niya sa kaniyang kapaligiran ay lubos siyang nangamba lalo na at ang naglalaban sa ere ay mga kapwa Purple Heart Realm Experts na mas higit na nakatataas sa kasalukuyan niyang lebel mg cultivation. Kung nakakatakot na ang Xiantian Realm Expert o Purple Blood Realm Expert ay ibahin mo ang hilakbot na maidudulot ng Purple Heart Realm Expert. Kayang-kayang burahin nito ang buhay nilang mas mababa sa mga ito.

Pamilyar ang dalawang enerhiya ng mga nilalang sa ere. Sa wari niya'y kilala niya ang mga ito. Kung di siya nagkakamali ay ang dalawang special guests ito ng Green Martial Valley Union.

Mabilis siyang napadilat ng kaniyang mga mata upang kumpirmahin ang kaniyang mga hinala.

Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pigura ng pamilyar na babaeng hindi siya nagkakamaling ito nga ang lumalaban sa kasalukuyan sa isang parte ng himpapawid.

Ang mas ikinagimbal niya ay ang magandang dalagang minsang gusto siyang paslangin ang lumalaban sa dambuhalang halimaw habang ang isa namang nilalang ay nilalabanan nito ang pamilyar na nilalang na siyang minsang nakita niya ito sa pagpunta niya sa Red Cloud Sea. Alam niyang katulad niya, isa rin itong Beast Tamer ngunit kumpara sa kaniya ay higit na malakas sa kasalukuyan ang soul contracted beast nitong isang Ocean Black Bat.

"Paanong hindi ko maramdaman ang nilagay kong technique sa katawan ng estrangherong babae. Huwag nitong sabihing nakawala siya sa pagkakakulong ko sa kaniya sa loob ng pambihirang lugar na iyon." Tila nanlalaki ang mga mata ng batang si Li Xiaolong sa mga oras na ito.

Alam niyang gagantihan siya ng magandang dalagang minsang kitlan siya ng buhay nito. Isa pa ay alam nito ang tunay na katauhan ng kapatid niyang si Li Zhilan. Mukhang umabot na sa pinakadulong bahagi ang kinatatakutan niyang mangyari, ang malagay muli sa delikadong sitwasyon ang buong Green Martial Valley Union sa kamay ng masasamang nilalang o kahit na ang nilalang na may koneksyon sa totoong katauhan ng kapatid niyang si Li Zhilan.

Hindi niya lubos na maisip na sa kabila ng ginawa nitang mga sakripisyo ay mauuwi pa rin sila sa matinding sigalot. Tila ba hindi umaayon sa kaniya ang sitwasyong pilit siyang sinusubok. Malaki ang naging papel ng mga bagay-bagay katulad na lamang sa mahinang pundasyon ng Green Martial Valley Union.

Mabilis na nalipat ang atensyon ng batang si Li Xiaolong sa naglalabang nilalang. Agad niyang ipinikit ang mga mata niya upang ipagpatuloy ang pagsasaayos ng enerhiya niya sa katawan lalo na sa loob ng dantian niyang sobrang gulo pa rin ng enerhiya.

Kitang-kita niya kung paano'ng bigla na lamang lumawak ang loob ng dantian niya. Mas dumami ang enerhiyang maaaring maimbai rito ngunit alam niyang hindi agad-agad siyang makakatawid sa susunod na boundary ng basta-basta lamang.

...

BANG!

Tumalsik sa malayo si Cháng Shan nang mabilis siyang sikmuraan ng kalaban niyang nakamaskarang itim na nilalang. Makikitang di mawala-wala ang malademonyong ngising nakapaskil sa bibig nito.

Ngunit mabilis namang muling naibalanse ni Cháng Shan ang sarili niya mula sa hindi inaasahang atake ng kalaban niya.

"Sumuko ka na lamang binata, hinding-hindi mo ko makakayang talunin. Marami ka pang dapat matutunan sa pakikipaglaban hehe!" Nakangising demonyong sambit ng misteryosong nilalang habang makikitang hindi nito sineseryoso ang labanang ito. Halatang pinaglalaruan nito ang damdamin ng binatang si Cháng Shan.

"Hinding-hindi ito ako susuko. Alam kong matatalo kita!" Inis na inis na turan ng binatang si Cháng Shan. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang matalo ito. Mabilis itong nagsagawa ng isang Sword skill.

Skill: Sword Chain Fire!

Mabilis na lumiwanag ang espadang hawak ni Cháng Shan at mabilis na iwinasiwas niya ang sandata niya dahilan upang lumabas ang isang anino ng dambuhalang espada sa ere habang may kadena sa duluhang parte ng nasabing espadang gawa sa enerhiya.

Mabilis na tumungo ang atakeng ito sa kinaroroonan ng kalaban ng matipunong binatang si Cháng Shan.

Nakangising demonyong pa ring nakatingin ang nakamaskarang nilalang kay Cháng Shan. Gamit ang espadang hawak nito ay mabilis na nagliwanag ito kasabay ng pagsagawa nito ng sword skill.

Skill: Sword Shattering!

Tatlong magkakasunod na pagwasiwas ang ginawa ng nakamaskarang nilalang habang mabilis na gumuhit ang tatlong magkakasunod na sword waves sa ere patungo sa direksyon ng gawa sa enerhiya na dambuhalang espada.

Ting! Ting! Ting!

Parang papel namang nangaputol-putol ang parte ng espadang gawa sa enerhiya na siyang dahilan upang tumigil ito sa ere.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ng malaking espadang gawa sa enerhiya ang bigla na lamang umalingawngaw sa paligid. Nakita ng lahat kung paanong nawasak ang nasabing malakas na atake ni Cháng Shan.

Puah!

Napasuka ng sariwang dugo ang binatang si Cháng Shan dahilan upang tumigil ito sa ere habang nakahawak sa dibdib nito.

Kitang-kita kung paanong namantsahan ang kulay puting robang suot-suot nito.

"Sinabi ko naman sa iyo binata noong una pa lamang na hindi mo ko kayang labanan. Kaya sumuko ka hangga't may oras ka pa!" Nakangising demonyong sambit ng nakamaskarang itim na nilalang. Hindi nito alam kung saan nagmumula ang katigasan ng ulo ng isang ito.

Pinahid ni Cháng Shan ang umaagos na sariling dugo sa bibig nito at muling nagwika.

"Hinding-hindi ako susuko hangga't hindi kita napapatay. Hindi ako matatahimik hangga't humihinga ka pa!" Galit na saad ng matipunong binatang si Cháng Shan. Hindi niya hahayaang mangyari muli ang nangyari noon. Talagang hindi niya makakayang sikmurain ang nangyari noong bata pa lamang siya.

Talagang naging mapaglaro ang tadhana para kay Cháng Shan. Ang noo'y tila bangungot na hatid ng nakaraan ay mukhang mangyayari muli sa hindi niya inaasahang pagkakataon.

Tunay ngang wala siyang takas sa dulot ng pangyayaring minsang sumira ng kaniyang buhay. Alam niyang kailanman ay ginusto niyang paslangin ang Ocean Black Bat. Ngunit ano'ng magagawa niya kung ang mismong pangyayaring noo'y tila babalik na naman sa isipan niyang pilit niyang tinatakasan.

"Cháng Shan, sa likod mo!" Sigaw ni Mèng Shuchun ng malakas ngunit mukhang huli na bago nito mapansin ang atake ng nakamaskarang nilalang mula sa likurang bahagi ng matipunong binatang si Cháng Shan.