Chereads / Supreme Asura / Chapter 394 - Chapter 394

Chapter 394 - Chapter 394

Nabalot naman ng katahimikan ang lugar na ito habang makikita ang tila nag-aalalang mukha ang mga saksing mga nilalang na naririto.

Lalong-lalo na ang batang si Li Xiaolong ang nag-aalala. Makikitang hindi ito ang gusto niyang mnagyari. Malaki ang papel ng pesteng prinsipeng ito sa mga plano niya. Kahit na nakakairita ang batang si Li Xiaolong sa kaabnormalan at sobrang init ng ulo ni Prinsipe Lei ay alam niyang hindi ito ang panahon upang masira ang plano niya.

Things are getting out of his hand at mas lalala pa ang sitwasyon nila kung lilikha pa ito ng sigalot sa Green Martial Valley Union.

Imbes na magalit ang matandang ang dating pinuno ng Peacock Tribe Chief na si Huang Lim ay mabilis na humalakhak ito ng malakas dahilan upang mapatanga ang lahat ng naririto. Hindi ugali ni Ginoong Huang Lim ang humalakhak nor they feel happy about it.

Nakakunot ang noo ni Prinsipe Lei lalo na at hindi nito aakalaing tatawa ang matandang lalaking si Tandang Lim. Nainsulto siya sa uri ng pagtawa nito lalo na sa kung paano nito tingnan siya na parang wala lang.

"Tunay ngang napakabata mo pa Prinsipe Lei para sa mga bagay-bagay na katulad nito. Nakakalimutan mo atang bawal ang kahit na sinong Sky Ice Kingdom. Hindi naman siguro tanga ang ama mo para pumunta at gumawa ng hakbang laban sa aming Peacock Tribe hahahaha!" Natatawang sambit ni Ginoong Huang Lim habang makikitang parang hindi malaking problema o bagay ang binabanta sa kaniya ni Prinsipe Lei.

Napaseryoso naman ang mukha ni Prinsipe Lei habang makikita pa rin ang labis na inis sa pagmumukha nito. Halatang nainsulto ito sa sinasabi ni Huang Lim sa kaniya.

"Yan ang inaakala mo. There's always a so many ways how to deal with you Peacock Tribe. Humanda kayo sa bagsik namin!" Puno ng pagbabantang sambit ni Prinsipe Lei. Hindi siya magpapatalo sa matandang para sa kaniya ay sobrang tusong nilalang. Naniniwala siyang kaya nga namamayagpag ang Peacock Tribe dahil sa katusuhan ng matandang huklubang itogiven how powerful the connections of it sa ibang mga malalakas na mga pamilya at angkan.

"At marami din kaming paraan upang mapatahimik ka Prinsipe Lei. Pasalamat ka at may respeto pa akong natitira sa mahal na hari ng Sky Ice Kingdom na siyang ama mo. Kung makikita nito ang pag-uugali mo sa harap ko at ng bagong pinuno ng Peacock Tribe. Who knows kung ano ang gagawin niya sa iyo. Siguradong sa oras na malaman ito ng hari ay siguradong imposibleng mapili ka pa sa pagiging susunod na hari hahaha...!" Wika naman ni Ginoong Huang Lim habang makikitang may nakapaskil na ngisi sa mukha nito. Sa tanda niyang ito, never in his life na matatalo siya ng isang mas batang nilalang sa kaniya. No one tries to insult him nor being rude to him kahit na hari o reyna pa ito. If they want to have a better standings, kings and queens are tend to go with peace rather than fighting for wars.

Tila napaatras naman si Prinsipe Lei sa sinabi ni Ginoong Huang Lim habang nanlalaki ang pares ng mga mata nito. Sa tono ng pananalita nito ay masasabi niyang nagsasabi ng totoo ang matandang lalaking nasa hindi kalayuan mula sa kaniya. No one wants to anger the king of Sky Ice Kingdom nor use the name of the current king to gain for their own benefits.

Huang Lim wave his hand and an royal blue scroll began to appear. Mabilis itong lumipad patungo sa kinaroroonan ni Prinsipe Lei.

Peacock Tribe Huang Chen and other people who are witnessing this kind of bizarre scene especially Li Xiaolong are amaze to what inside the scroll written down there.

Tila hindi naman makapaniwala si Li Xiaolong sa kaniyang nakikita. Never in his life knows na Ang matandang lalaking si Huang Lim could be this influential lalo na at mayroon itong direktang koneksyon sa mahal na hari ng Sky Ice Kingdom. This roual blue scroll are tend to be for royal bloodline in the four kingdom in their designated colors.

Hindi to mabibili lamang sa mga kalye at hindi ito pwedeng mapeke dahil isa itong malaking krimen.

Agad naman itong kinuha ni Prinsipe Lei habang nakangisi ng malademonyo. Hindi niya narinig na nag-issue ng isang royal blue scroll ang amang hari ng Sky Ice Kingdom. Habang masasabi niyang pinipeke lamang ito ng matandang lalaking huklubang si Ginoong Huang Lim.

Pero nang buksan at mabasa niya ang nakasulat sa loob ng jade scroll habang may lehitimong lagda at blood mark ng ama ng mismo mahal na hari na siyang sarili niyang lolo kasama ang lagda at blood mark ni Ginoong Huang Lim ay tila nanghina ang tuhod niya sa kaniyang mga rebelasyong nalalaman.

"Pa-paaanong naging kaibigan mo ang aking Lolo. Y-you help my grandfather in the dilemma of our kingdom? Bakit parang sobra naman ata ang nakalagay sa scroll na ito!" Puno ng exaggeration na sambit ni Prinsipe Lei habang makikitang labis talaga itomg nagimbal sa kaniyang nabasa sa loob ng royal blue scroll na gawa sa pinakamatibay na yelo na tinatawag na Azure Ice of Blue Dragon. Paano niya nalaman? Because it is only a rare ice gem na pinaniniwalaang galing sa isang asul na dragon. Sa Sky Ice Kingdom lamang meron nito at wala kang mahahanap na iba pa.

"Tinatanong mo pa yan? Dahil nakakatandang kapatid ko lang naman ang namayapang hari ng Sky Ice Kingdom." Tila may lungkot na sambit ni Huang Lim. Mabilis na rin itong umalis habang ang lahat ng naririto ay makikita ang labis na pagkagulat sa sumambulat na rebelasyong galing pa mismo sa bibig ni Ginoong Huang Lim.

Napaluhod na lamang sa lupa si Prinsipe Lei. It is so much information to be handled by him. Knowing how rude he act in his grandfather's sibling na siyang lolo niya rin pala. This is really not what he is expecting to be the end of this conversation.

"Nakaka-disappoint ka talaga Prinsipe Lei. Hindi mo lang nirespeto ang ama ko. Sarili mo lang talaga ang iniisip mo dahil napakamakasarili mo!" Hindi na rin mapigilan ni Peacock Tribe Chief Huang Chen na mainis sa binatang si Prinsipe Lei. Alam niya na kasi ang patungkol rito but his father didn't want him to make things complicated lalo na at wala na rin islang masyadong komunikasyon sa Sky Ice Kingdom dahil nasa kabilang kaharian sila ng Wind Fury Kingdom nakatatag ng sarili nilang tribo ng ina niya at doon na rin lumaganap ang lahi nila. Pero hindi pa rin mabubura ang katotohanang may dugo silang maharlika. Even him noong nalaman niya ito ay ilang linggo din niynag in-absorb ang lahat ng impormasyong nalaman niya bago siya ma-ascend bilang bagong pinuno ng Peacock Tribe.

Pigil hininga naman ang lahat ng naririto maging ang mga bagong dating na sina Li San, ang mga magulang ni Li Xiaolong maging ang iba pang opisyales sa mga nalaman nilang rebelasyong ito. Ang masasabi lamang nila ay ayaw na nilang makisawsaw sa usapan ng komplikadong buhay ng mga dugong bughaw. Hindi nila kayang ma-offend ang mga matataas na mga nilalang na ito na naging bahagi ng salinlahi ng mga namumuno sa bawat kaharian.

Ngayon ay may ideya na sila kung bakit ganon na lamang kalawak ang koneksyon ni Ginoong Huang Lim sa ibang mga malalakas na tribo at mga angkan.