Chereads / Supreme Asura / Chapter 389 - Chapter 389

Chapter 389 - Chapter 389

Minalas lang talaga noon ang Red Skull Alliance dahil pinuntirya nila ang Wind Fury Kingdom na siyang pinakamalakas sa apat na kaharian ngunit ngayon ay siguradong gagawa muli ng hakbang ang mga ito para mag-umpisa namang manggulo. Napakatanga ng Crowned Prince dahil kung akala niya ay madali niyang mauuto ang Red Skull Alliance ay mali ito ng inaakala. Siya itong gagamitin ng Red Skull Alliance para magpasimulang muli ng rebelyon para subukang muling puksain ang pwersa ng Wind Fury Kingdom.

"Kuya Xiaolong, nakikinig ka ba? Kanina ka pang tulala diyan ah. Nag-aaksaya pa ko ng laway sa wala." Naiinis na turan ng batang si Li Zhilan habang tinapik-tapik pa ang braso ng kua nitong si Li Xiaolong.

"A-anong si-sinasabi mo Zhilan? Di kita narinig." Nauutal na sambit ng batang si Li Xiaolong halatang lutang pa ito sa malalim nitong pag-iisip.

"Para kang namumutla Kuya Xiaolong. May sakit ka ba?!" Nag-aalalang sambit ng batang babaeng si Li Zhilan. Kinapa pa nito ang noo ng batang si Li Xiaolong ngunit agad na hinawakan ito ng batang si Li Xiaolong bago pa dumapo ang kamay nito sa noo niya.

"Wag ako Zhilan. Okay lang ako. As if na basta-basta akong dadapuan ako ng sakit. Nag-eensayo ako dito malamang ay mamumutla ka talaga. Ano nga yung sinasabi mo." Seryosong wika ng batang si Li Xiaolong sa nakababatang kapatid nitong si Li Zhilan.

"Ah eh yung dinala mong estranghero dito, nagwawala doon sa bahay ni Tandang Lee. Hayop na mamang iyon, napaagresibo!" Tila inis na inis na pagkakawika ng batang si Li Zhilan habang napapa-padyak pa ang kaliwang paa nito sa lupa tandang hindi ito natutuwa sa mga nangyayari.

Bahagya namang nagulat ang batang si Li Xiaolong sa naging pahayag ng kapatid niya.

Kapag kita niyang naiinis ito ay natutuwa siya. Gusto niyang ibalik ang pangongonsumesyon nito sa kaniya at mga magulang nila. Kaya nakaisip siya ng magandang pakulo para gumanti sa problemang binibigay ng kapatid niya upang turuan ito ng leksyon.

"Talaga ba? Ganon na ganon din ugali mo sa kaniya eh, may bago pa ba?!" Sarkastikong pagkakasambit ng batang si Li Xiaolong habang kalmado itong nakatingin sa gawi ng kapatid niyang walang kaalam-alam na dinala niya ang pesteng prinsipe ng Sky Ice Kingdom dito para inisin itong kapatid niyang si Li Zhilan at parehong turuan ng magandang pag-uugali ang mga ito.

May silbi pa rin sa kaniya ang panganay na prinsipe ng Sky Ice Kingdom at iyon ang gusto niyang makuha at magamit laban sa katusuhan ng Sky Ice Kingdom. Masasabi niyang kung mas malapit ang kalaban niya sa kaniya, why not use them to his own benefits? Iyon naman talaga ang silbi ng mga ito, kailangan niya lang gamitin ang mga baraha niya sa kamay niya ng tama at hindi sila madedehado once a war broke this current peace. Magkaiba ang prinsipyo ng Wind Fury Kingdom at ng Hollow Earth Kingdom kaya sigurado siyang hindi magiging padalos-dalos ang Hollow Earth Kingdom. It will be neutral but at the end alam niyang ilalabas din ng mga ito ang lakas nila. Over the years, alam niyang lumalakas din ito dahi lsa marmaing recruitment at sa dami ng hukbo ng mga ito ay kayang-kaya na nitong makipagsabayan sa Wind Fury Kingdom na masyadong misteryoso din ang pinagmumulan ng lakas nito.

Ang Sky Ice Kingdom na lamang ang pag-asa niya o nila kung sakaling gumalaw ang Wind Fury Kingdom laban sa Sky Flame Kingdom once na malaman nila ang gulong nangyayari.

Li Xiaolong found out na sobrang dami pala ang nagbago sa plano niya. It is all because of that stupid Crowned Prince na basta-basta na lamang gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak ng sarili nitong kaharian. Wala siyang mahanap na solusyon kundi pwersahang hingin ang tulong ng Sky Ice Kingdom sa pamamagitan ng pagdukot ng panganay na prinsipe ng Sky Ice Kingdom, ang susunod na hari ng Sky Ice Kingdom na siyang inaasahan ng haring mas magbibigay ng kaunlaran sa kanilang kaharian.

"Nang-iinis ka ba Kuya Xiaolong? Mabait ako noh hindi gaya ng pesteng nilalang na dinala mo, mukhang mangangain ng buhay." Puno ng di pagsang-ayon ng batang si Li Zhilan sa Kuya nitong si Li Xiaolong. Indeed, he didn't want that stranger pestering her day.

"O siya umalis na tayo rito. Mukhang namomroblema ka eh." Natatawang sambit ng batang si Li Xiaolong sa kapatid niya. Natutuwa siyang asarin ito mula sa araw na ito. Tama nga sila, pag magkaharap o magkalapit lamang ang dalawang magkapareho ng hindi magandang pag-uugali, malamang ay hindi talaga ito magkakasundo. Yung pareho kayong may sungay dalawa, malamang sa malamang ay walang katapusang mag-aaway talaga yan.

"Hindi lang ako dahil mukhang ikaw. Andami na ngang nasirang gamit sa bahay pagamutan ni Tandang Lee. Malamang ay si inay at itay na naman ang magbabayad nun!" Puno ng inis na saad ni Li Zhilan.

Nandilim naman ang paningin ng batang si Li Xiaolong nang marinig niya ito. Sa asta pa lamang ng kapatid niya ay mukhang sobra nga ang ginawa nitong perwisyo ni Prinsipe Levi kumpara sa ginawa niya.

Mahirap pa naman kausap si Elder Lee. Siguradong doble danyos ang gagawin ng magulang niya, mautak din yung matandang manggagamit na yun. Maasahan don ito sa panggagamot kaya dito niya ito ipinnagamot. Di man sa exaggerated siya pero masasabi niyang magaling talaga ito, exaggerated nalang siguro yung sinasabi ng iba na kaya nitong bumuhay ng patay, masyadong hindi makatotohanan iyon kasi wala pang nakakagawa niyon.

Sa kabilang banda, naiisip niya ang nasira nito at maaari nilang bayaran kung sakali. Hindi naman kasi tinatae lang ang mga salapi at mas lalong hindi siya gustong gumastos sa walang kabuluhang bagay kagaya nito.

"Ituro mo na ang daan Zhilan. Hindi ko aakalaing gagawa ng gulo ang pesteng Lei na yun." Puno ng inis na wika ng batang si Li Xiaolong na hindi nito mapigilang tumaas ang boses nito.

"Bagay pala pangalan niya sa pag-uugali nito no. Kidlat pala ang kahulugan ng pangalan nito." Puno ng mangha na sambit ng batang babaeng si Li Zhilan habang nakatingin sa likuran ng kapatid nitong si Li Xiaolong na naglalakad na papalayo.

Nilingon naman siya ng batang si Li Xiaolong at seryoso itong nakatingin sa kaniyang gawi.

"Literal na kidlat ang pesteng nilalang na iyon. Kung hindi pa tayo magmamadali ay mukhang magiging abo na lamang ang bahay pagamutan ni Elder Lee." Puno ng kaseryosohang turan ng batang si Li Xiaolong. May kung ano'ng klaseng galit ang gumuhit sa mga mata nito.

Parang nawala naman bigla ang excitement ni Li Zhilan since gising na ang hayop na estrangherong iyon na puno ng kasungitan at kagaspangan ang ugali.

"Pesteng bisita pala ang hayop na yun. Mukhang tutustahin pala ang pinaghirapan ni Tandang Lee. Naloko na!" Puno ng pangambang sambit ni Li Zhilan.

Mabilis na tinahak ng magkapatid na si Li Xiaolong at Li Zhilan ang daan patungo sa direksyon kung saan naroroon ang pagamutan ni Elder Lee. Kapag nahuli sila ay siguradong malaking salapi ang ilalabas ng mga magulang nila dahil sa pesteng estrangherong dinala ni Li Xiaolong sa loob ng Green Valley.