Chereads / Supreme Asura / Chapter 369 - Chapter 369

Chapter 369 - Chapter 369

"Alam ko iyon Ginoong Red. Pareho lang naman tayo ng goal at iyon ay ang iligpit ang pesteng kalaban nating ito at hindi ang maging magkaaway sa isa't-isa." Pangangatwiran ng bandidong si Burn. Talagang silang mga bandidong kriminal ay kailangan nilang minsang magkaisa at magtulugna to defeat their enemies even sabihin na nating may kapalit.

Napatango na lamang ang bandidong lider na si Red at inilipat na ang atensyon nito sa labanan ng dalawang nilalang sa himpapawid malapit nang mapang-abot sa isa't-isa. Ganon na rin ang ginawa ng bandidong si Burn at itinuon na ang sarili nito sa nasabing labanan ng dalawang nilalang sa himpapawid na siyang ang Boss Spite nila at ang kalaban nitong pumaslang sa kasamahan niyang sina Hype at Slicer na parehong marahas na binawian ng buhay ng pesteng kalaban nila.

Spite began to smile devilishly while eyeing Li Xiaolong like it's small prey waiting to be crushed by him into pieces. Kahit siya ay kating-kati nang paslangin ito gamit ang sarili niyang mga kamay. Lalo pa at ang kapalit nito ay ang inaasam nitong bagay na nasa pangangalaga ni Red na siyang lider ng Red Bandits. This a good opportunity for him upang tuluyan nang maisasakatuparan ang isa sa mga plano niya.

Li Xiaolong smiles nang makita nito ang tunay na pigura ng kalaban niya na pawang humahalo sa napakaraming blurry pigures nito. Talagang gusto pa siyang lansiin nito sa pamamagitan ng mga ilusyong ito. Talagang nakita pa nito kung paano ang kalaban niyang ngumingisi-ngisi pa while eyeing him.

Walang ano-anong mabilis na ibinato ng batang si Li Xiaolong ang pambihirang sibat niya patungo sa kinaroroonan ng sinasabi niyang tunay na pigura ng lider ng Bloodlust Bandits.

PAH! PAH! PAH!

His spear began to emit a light sa dulong bahagi nito kung saan ang mismong talim. Malakas pa itong nag-vibrate matapos pakawalan ito ng batang si Li Xiaolong sa direksyo ng kalaban niya resulting to a agressive speed of it nang bumulusok ito sa kalaban niya. Kitang-kita kung paano mahati ang hangin nang dumaan ang may kalakihang sibat ng batang si Li Xiaolong patungo sa kinaroroonan ni Spite na siyang lider ng Bloodlust Bandits.

"Hehehe... Akala ng pesteng nilalang na yan na matatamaan niya ang boss namin ay nagkakamali siya. Makailang beses ko ng nakitang ganito din ang ginawa ng mga kalaban at kumakalaban kay Boss Spite ngunit bigo silang patamaan ang totoong pigura nito!" Nakangising demonyong saad ni Burn sa kaniyang sariling isipan lamang. This powerful footwork of his boss never get caught him at dahil din dito ay madali nitong natatalo ang kalaban nito. Isang trump card kasi ito ng Boss Spite nila.

Maging si Red ay napangiti na lamang. Bloodlust Bandits are really strong at kahit sila ay hindi gugustuhing makalaban ito kaya nga they are in good terms.

Ngunit iba ang nangyari dahil nanlaki na lamang ang pares ng mga mata ng lider ng Bloodlust Bandits na si Spite nang makita nitong patungo mismo sa kaniyang sariling pwesto ang papabulusok na sibat ng kalaban niya.

Spite began to sense a huge crisis lalo na sa pangyayaring ito.

"Paano'ng nangyaring nalaman nito ang eksaktong kinaroroonan ko. Hindi maaari ito!" Giit ni Spite sa kaniyang sariling isipan lamang habang hindi pa rin ito naniniwala o makapaniwala sa pangyayaring ito.

Spite began to change his position ngunit huli na ang lahat.

SPLATTT!

Naramdaman niya ang tila biglaang sakit dahil sa pagtusok ng isang may kalakihang bagay sa kaliwang hita nito at kitang kita niya kung paano'ng sumirit ang masaganang dugo niya palabas sa parteng tinamaan ng malaking sibat.

Nawalan nang kontrol ang lider ng Bloodlust Bandits na si Spite sa sarili nito dulot ng ibayong sakit na nararamdaman nito at mabilis siyang bumulusok pailalim.

BANG!

Malakas na pagsabog ang naganap kung saan ay nagkaroon ng makapal na usok ang lugar na pinagbagsakan nito sa kalupaan. Talagang hindi nito inaasahan ang matinding pagkatalo nito sa kalaban nito.

Mabilis na nakarekober naman ang dalawang nanonood na nilalang na siyang saksi sa naging labanang ito na sina Red at Burn.

"Paano'ng nangyari ito? Pa-paanong natalo si Boss Spite sa pesteng kalaban nito?!" Puno ng pagtatakang sambit ng bandidong si Burn habang labis itong nag-aalala sa boss niyang si Spite.

"Hindi ko aakalaing kahit ang Boss mong si Spite ay nagtamo ng pinsala sa kamay ng kalaban niya." Puno ng pangambang sambit ng lider ng Red Bandits na si Red. Talagang hindi nito inaasahan ang pagbaliktad ng sitwasyon.

"Ano'ng gagawin natin ngayon Ginoong Red? Paano natin matatalo ang kalaban natin?!" Puno ng pag-aalalang sambit ng bandidong si Burn habang makikitang nangangamba din siya na matalo ang boss Spite niya ng tuluyan.

Nag-isip naman ng malalim ang lider ng Red Bandits na si Red nang magandang plano. Talagang hindi nila kinaya ang kalaban nila.

Maya-maya pa ay tiningnan nito ng seryoso ang kapwa nito bandidong kriminal na si Burn at nagwika.

"Kailangan nating magtulungang tatlo upang puksain ang kalaban nating ito para mapaslang na ito ng tuluyan. Sugatan na rin si Spite at kailangan nating mapaslang ang kalaban natin sa lalong madaling panahon!" Seryosong wika ng lider ng Red Bandits na si Red habang makikitang hindi na ito natutuwa sa mga pangyayaring ito at mas lalong lumalala ang sitwasyon nila. Both him and Spite are injured ngunit sa lagay niya ngayon ay ayos na ang kalagayan niya dahil na rin sa oras na binigay ng mga ito to make him heal himself while them, fighting for them.

Napatango naman ang bandidong si Burn at muling nagsalita.

"Magandang ideya nga iyan Ginoong Red. Kasalanan ko din dahil nakampante akong kayang-kaya ito ng lider naming si Boss Spite at hindi din ito usually lumalaban kasama namin pero ngayon ay mukhang kailangan nating sumunod sa magandang ideya mong iyan." Pagsang-ayon naman ng bandidong si Burn nang maisip nitong mukhang tama nga ang suhestiyon at naisip nitong plano ni Ginoong Red. Talagang wala silang pagpipilian kundi pagtulungan ang kalaban nilang paslangin ito ng tuluyan.