Chereads / Supreme Asura / Chapter 365 - Chapter 365

Chapter 365 - Chapter 365

BAM!

Napa-atras naman ng ilang milya ang batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila nasa disadvantage siya. Ramdam niya pa kung paano mag-vibrate ang mismong sibat niya nang tamaan ng huling pag-atake ng kalaban niya gamit ang giant axe nito.

Ngunit hindi naman iyon naging dahilan upang makaligtas na si Li Xiaolong dahil mabilis siyang nasundan ng bandidong si Slicer na sobrang liksi ng galaw at parang papel lamang ang mahabang espada nitong inaatake ang batang si Li Xiaolong.

Li Xiaolong began to move aggressively toward Slicer. Nakita niyang sumusunod pa sa gawi niya si Hype na hawak-hawak pa nito ang giant axe nito.

Napangiti na lamang si Li Xiaolong nang makita niya ang kalagayang ito ni Hype. Pagkakataon niya naman ito upang atakehin si Slicer.

Nagulat na lamang si Slicer nang mapansin niyang tila may binabalak na masama sa kaniya ang kalaban niya pero huli na ang lahat.

BANG!

Walang pagpipigil na hinampas ng batang si Li Xiaolong ang binti ng kalaban niyang si Slicer at mabilis niyang tinusok ang mismong kanang kamay nito na siyang may hawak ng espada nitong kanina pa siya binibwiset ng mga atake nito.

PLOMFFFFFF!

Mabilis na nabitawan ni Slice ang sarili niyang espadang sandata nang matamaan siya ng malala ng batang si Li Xiaolong sa mismong kamay nito. Sa lakas ng pagkakatusok sa kamay niya ay nakita niyang nabutas ito at umagos ang napakasaganang dugo sa mismong kamay nito.

"Arrrgggh, hayop ka!" Puno ng panggagalaiting sambit ni Slicer ngunit sa pagharap niya sa gawi ng kalaban niya ay nanlaki ang pares ng mga mata niya sa labis na pagkahilakbot.

SHHISSSHHHH!

Ginilitan ng batang si Li Xiaolong ang leeg ni Slicer pagkaharap na pagkaharap nito. Li Xiaolong's pupils began to change color. Gamit ang malaking sibat na hawak niya ay mabilis niyang hinampas sa ulo ni Slicer.

BANG!

Malakas na sumabog ang bungo ni Slicer na siyang tumalsik ang sariwang dugo nito sa himpapawid.

BOOM!

Malamig na bangkay na lamang na bumagsak ang katawan nitong wala ng ulo sa kalupaan leaving those four individuals stunned about a sudden tragic event for fall for Slicer.

Napangiti na lamang ng malademonyo ang batang si Li Xiaolong ngunit mabilis niyang hinarap ang paparating na nilalang sa gawi niya

"Magbabayad ka sa ginawa mo kay Slicer!" Sambit ni Hype nang papunta na ito sa gawi ng batang si Li Xiaolong.

Li Xiaolong pupils began to emit a light. He is now using one of his ability to kill his enemies.

Li Xiaolong began to move into the air leaving some afterimages into a air.

Nakaramdam naman ng pangamba ang bandidong si Hype. Seeing how his enemy change his aura from a calm to savage, this is utter terrifying. Kanina ay parang ordinaryong Late Houtian Realm Expert lamang ang pakiramdam niya ngunit nang makita nitong walang awa nitong napaslang si Slicer ay nagduda na siya sa pagkakakilanlan nito.

"Burn, tulungan mo ko!" Malakas na sambit ni Hype nang mapansin nitong tila hindi niya masundan ang galaw ng kalaban nila."

"Wag kang mag-alala Hype, ako na ang papaslang sa pesteng nilalang na yan. Ipaghihigante natin si Slicer!" Puno ng pagkagalit na saad ni Burn habang mabilis na itong lumipad patungo sa direksyon ni Hype.

Nakatingin si Hype sa direksyon ni Burn ngunit hindi nito napansin na nasa likod na pala nito ang kalaban nitong si Li Xiaolong.

"Hype, sa likod mo!" Puno ng pagkabahalang babala ni Burn nang mapansin ang pigura ng kalaban nila sa likuran nito.

ARRRGGGHHHH!

Malakas na pagdaing ni Hype ang malakas na umalingawngaw sa himpapawid leaving those three stun in utter disbelief.

Tumusok at tumagos sa kaliwang dibdib ni Hype ang malaking sibat ng batang si Li Xiaolong. Nagmumukha itong kawawa sa itusra nito na parang papel na sa sobrang putla matapos umalpas ang dugo palabas ng kaliwang dibdib nito kung saan naka-locate mismo ang puso nito.

Ngunit hindi pa nakontento ang batang si Li Xiaolong, he began to move his spear pababa ng parteng tiyan nito hanggang sa umabot na ito sa dantian nito.

"HYPPPPPEEEEEE!!!!!!"

Malakas na sigaw ni Burn nang makita nito kung paanong walang awang pinaslang ng kalaban nila ang kasangga nitong si Hype.

Hindi pa nakontento ito at pinagtataga pa nito ang likod ng bandidong si Hype.

Hype began to spat a mouthful of blood. Ramdam niya ang tawag ng kamatayan at narinig niya kanina kung paano sumabog ang dantian niya living him crippled and unable to move.

He is indeed very reckless and die easily from his opponents spear. Ramdam niya ang tila parang libo-libong karayom na sakit sa buong katawan niya.

"Paalam!" Nakangising sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis nitong tinulak papataas ang katawan ng bandidong si Hype.

Li Xiaolong began to appear in Hype's eyes. Napakabilis ng pangyayari kung saan ay mabilis na hinampas ng malakas ng batang si Li Xiaolong ang ulo ni Hype at sumabog ang bungo nito. Even his brain, eyeballs and any parts of head splattered everywhere.

Napansin naman ng batang si Li Xiaolong ang biglang paglitaw ng isang nilalang sa kaniyang likuran. Nakita niya kung paano'ng mabilis na bumulusok ang Shotel na patungo sa kaniya na hawak-hawak ng kalaban nito.

Whoosh!

Li Xiaolong began to dodge his opponent's attack by moving immediately. Napaatras pa siya ng ilang metro to distance himself from his new opponent.

"Easy ka lang muna hahaha... Ginulat mo ko dun ah!" Natatawang sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi pa rin niya ipinapakita ang totoong anyo niya.

"Hayop ka! Bakit mo pinatay ang mga kasama ko? Magbabayad ka sa ginawa mo!" Nanggagalaiting wika ng bandidong si Burn nang hindi pa rin ito nakapagpigil ng emosyon niya. Gusto niyang ipaghigante ang mga ito sa pumatay sa kanila ng walang awa.

"Natural kalaban ko kayo, wag kang tanga! Nakialam kayo sa bagay na hindi niyo dapat pinanghimasukan yan tuloy aksidente ko silang napaslang hehehe!" Natatawang sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis nitong kasiyahan sa tomo ng pananalita nito.

Nasisiyahan talaga siya sa pangyayaring ito. Isa siyang malakas na nilalang at isang Asura Grade Martial Talent. Sabi nga ni Tatang, nasa dugo na nila ang pumaslang lalo na ng mga masasamang nilalang.