Chereads / Supreme Asura / Chapter 362 - Chapter 362

Chapter 362 - Chapter 362

Hindi naman aakalain ng batang si Li Xiaolong na sobra ang nakuha niyang kapalit sa pagkakasipa niya ng malakas sa lider ng grupo ng mga kriminal na ito. Talagang hindi niya inaasahan ito.

Tiniis ng batang si Li Xiaolong ang sakit na kaniyang nadarama at mabilis na rin siyang sumugod sa gawi ng lider ng mga kriminal.

PAH! PAH! PAH!

Rinig na rinig ang salpukan ng pambihirang gauntlet niya at ng metal claws ng kalaban niya. Talagang hindi rin magpapatalo ito lalo na at alam din ng kalaban niya na sugatan siya.

Sinubukan siyang sipain sa tagiliran ng lider ng mga kriminal habang mabilis siyang umiwas rito.

Chi! Chi! Chi!

Tila nagkikiskisan naman ang gaunlet niya at ng metal claws nang magsalpukan ang mga sandata nila. Gigil na gigil siyang tiningnan ng kalaban niya na animo'y hindi rin papipigil at gusto pa atang dagdagan ang natamo niyang pinsala.

Li Xiaolong began to find a way to lessen the defense of this cunning lider of criminals. Talagang nakita niya ang free space na nasa bandang paa nito.

PAH!

Mabilis na sinipa ng malakas nito ang kanang paa ng kalaban niya which results to make his opponent outbalance.

Ngunit nagkamali ang batang si Li Xiaolong lalo na at mabilis na nagback filp ito kung saan ay lumayo ito ng kaunti.

BANG! BANG! BANG!

Li Xiaolong began to kick his opponent but unluckily, sumabog lamang ang lupang natatamaan niya sa agresibo niyang pagkakatapak sa lupa. Talagang matinik ang kalaban niya pagdating sa pabilisan.

Nang makalayo ang kalaban niya sa pwesto nito ay saka ito muling nagsalita.

"Although masasabi kong malakas ka ngunit hindi mo ko matatalo sa larangan ng pabilisan. Alalahanin mo, hindi ka mananalo sa akin. I am Red, leader of Red Bandits hahahaha!" Pagpapakilala ng nasabing lider habang parang tumawa pa ito na parang baliw.

"Oh, Ikaw si Red? Talaga ba?" Puno ng pagtatakang sambit ng batang si Li Xiaolong. Ang totoo niyan ay ngayon niya lang talaga narinig ang palayaw na ito.

"Kilala mo ako? Heh, sabi ko na nga ba at kilala ako dito sa Swamp Dungeon!" Puno ng kumpiyansang wika ni Red. Talagang naniniwala na siya na kiala ang lakas niya at isa siyang tanyag na lider dito sa Swamp Dungeon.

"Hindi. Ano'ng akala mo sa akin? Kinikilala ko ba ang katulad mong kriminal?! Nagpapatawa ka ata!" Puno ng pang-iinis na turan ng batang si Li Xiaolong. Talagang gusto niyang ipamukha sa Red na ito na hindi siya nito kilala.

"Grrr... Ginagalit mo ba ako? Isa akong kilalang leader ng grupo namin hmmp!" Naiinis na wika ni Red na siyang lider ng Red Bandits. Naging isa silang bandido na siyang grupo ng mga kriminal.

"Sa lagay mo ata ay mukhang nananaginip ka ng gising. Sa inaasta mo ay napakalakas niyo ngunit mukhang hindi naman." Simpleng bwelta ng batang si Li Xiaolong habang ipinahayag nito ang hindi nito pagsang-ayon sa Red na ito.

"Iniinsulto mo ba ako at ang grupo ko ha?!" Gigil na turan ni Red na siyang hindi talaga nito inaasahan ang inaastang ito ng kalaban niyang nilalang.

"Hindi pero mukhang dalawa na lamang kayong natitira sa grupo na sinasabi mi hahaha!" Mapang-uyam na sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang pagiging sarkastiko nito sa narinig niyang mga sinabing ito ng Red na ito. It's useless now dahil mukhang paubos na ang miyembro ng gruopong ito ng mga kriminal.

Magsasalita pa sana ang nasabing lider ng grupo ng mga kriminal na Red Bandits nang makaramdam sila ng nilalang na paparating sa kanilang gawi. Talagang hindi nito inaasahan ang nasabing pangyayaring ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakita naman ng batang si Li Xiaolong na mukhang may paparating sa gawi nila at hindi nga siya nagkamali dahil apat na nilalang ang patungo sa pwesto nila. Hindi siya pamilyar sa apat na indibidwal na ito at ngayon niya lamang nakita ang mga ito.

Mabilis namang napangiti si Red nang mapansin nito ang pamilyar na pigura ng mga paparating. Nakita niya kung paano'ng mabilis na nakarating sa kaniyang gawi ang mga nilalang na bagong dating saka kanilang pwesto.

Mabilis naman niyang tiningnan ang kalaban nitong si Li Xiaolong at mabilid itong nagwika.

"Paano yan, mukhang hindi naaayon sa iyong kagustuhang ang lahat ng nangyayari ngayon. Napakaswerte ko at mukhang hindi ako mahihirapang mapaslang ka!" Nakangising demonyong sambit ni Red habang nare-recognize niya na ng mabuti ang bagong dating na apat na nilalang base sa kanilang mga kasuotan.

"Magandang araw Red, mukha yatang nauna ka ritong pumunta hehe!" Simpleng sambit ng bagong dating na nilalang. Kung tutuusin ay halos kaedaran lamang siguro ito ni Red na siyang lider ng Red Bandits. Talaga nga namang mahahalata mo ito dahil sobrang casual lamang ang pagkakasalita nito.

Magsasalita pa sana ito nang maramdaman nito ang sakit na naramdaman nito sa kanang dibdib nito.

PUAH!

Napasuka na lamang ito ng sariwang dugo nito nang mabilis niyang hinawakan ang matalim na bagay na nakabaon rito. Isang pamilyar na sibat ang tumagos sa kanang dibdib nito.

Ramdam niyang napuruhan ang parte ng acupoints niya sa dibdib matapos nitong matamaan ng hindi inaasahang atake mula sa hindi kalayuan.

"Pa-paanong nangyari ito?! Hi-hindi maaari!" Pautal-utal na sambit ni Red nang mapansin nito ang katampalasanang ginawa ng kalaban niya sa kaniya.

"Gaya ng ginawa mo sa akin. Isang labanan ito, don't expect me to be fair. Pasalamat talaga ako sa bagong dating na mga nilalang na ito at mukhang naging daan pa ito upang mapinsala kita ng malala." Nakangising demonyong turan ng batang si Li Xiaolong habang hindi pa rin hayagang nakikita ang pagkakakilanlan nito.

"Napakatuso mo. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa akin!" Puno ng galit na pagkakasambit ni Red habang namumula ang mukha nito sa nararamdaman nitong pagkasuklam sa kalaban niya. Hindi siya naging maingat sa kaniyang kalaban kung kaya't hindi niya napansin at mas lalong hindi niya aakalaing mapipinsala siya ng ganon-ganon na lamang.

Li Xiaolong began to materialize three spears sa kaniyang pwesto at mabilis na ipinabulusok ito sa kalaban niyang si Red upang tuldukan ang buhay nito.