Chereads / Supreme Asura / Chapter 506 - Chapter 507

Chapter 506 - Chapter 507

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa labas ng malaking mansyon na kaniyang tinitirhan habang makikitang tila nakaagaw ng atensyon sa kaniya ang papalapit na nilalang na lumilipad sa himpapawid.

Sa kulay pa lamang ng awra nito at sa pigura ng paparating na nilalang ay halatang kilalang-kilala niya ito. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa isang nilalang na patuloy siyang pinepeste buong buhay niya.

Walang araw na hindi ito pumupunta sa labas ng mansyon niya at takutin ang mga ordinaryong mga manggagawa o trabahador sa loob at labas ng mansyon nila.

Hindi niya mapigilan ang isang ito at kahit na kaedaran niya ito ay saksakan ng pilyo at pagiging isip bata. Hindi naman kasi niya maitatangging malakas ito at kahit kailan talaga ay matigas ang ulo ng isang ito.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Tatlong magkakasunod na malalaki at nagbabagang bolang apoy ang tila babagsak sa malaking mansyon nila habang makikitang nahintatakutan naman ang lahat sa paparating na nagbabagang atake mula sa isang nilalang na kilalang-kilala nila ngunit mababakasan ng takot ang mukha ng mga trabahador ng isa sa mga tinaguriang Wong Mansion.

Masasabing sa hindi naman magandang pagkakataon ang pagpunta ng kung sinumang nilalang na ito lalo na at sobrang aga pa itong gustong mambulabog.

"Si Young Master Xianliang na naman ata ang aatake ngayong araw!"

"Juskong batang yan, halos araw-araw na iyang nambubulabog rito!"

"Kailan pa titigil ang isang yan?! Di ba yan napapagod?!"

"Titigil pa ba ang suwail na young master na iyan?! Malamang ay hindi na magbabago ang isang iyan!"

"Talagang anak-maharlika nga naman, hindi nagpapaawat sa kakulitan!"

"Bwiset na batang iyan. Palibhasa ay di takot na maparusahan!"

Ilan lamang ito sa naririnig ni Wong Ming nang mapansin niyang tila iritado na ang lahat ng mga taong naririto na nagtatrabaho sa malaking mansyon na pagmamay-ari ng ama niya.

Mababatid na hindi talaga kailanman nabawasan ang kakulitan at pagiging suwail ng pesteng bata na si Young Master Xianliang, anak ng isa sa mga kapatid ng ama-amahan niyang si Wong Bengwin na si Wong Tao.

Palibhasa kasi ay spoiled brat si Young Master Xianliang kaya hanggang lumaki ito ay hindi mawala-wala sa sistema nito ang mantrip ng mga nilalang na nabubuhay sa paligid nito. Kung siya ang papipiliin ay hindi niya gustong makita ang isang ito dahil sa hindi niya kasundo ito at mas lalong hindi niya gusto na pumupunta-punta ito sa malaking mansyon na pagmamay-ari ng ama-amahan niya.

Nawala bigla si Li Xiaolong sa kinatatayuan niya at mabilis na lumitaw ang matikas na pigura nito sa paparating na mga bolang apoy.

POW! POW! POW!

Sinipa ng binatang si Wong Ming ang naglilikahang mga bolang apoy na siyang dahilan upang tumalsik ito papunta sa kinaroroonan ng pasaway na si Young Master Xianliang.

Nagulat naman si Xianliang sa naging resulta ng pagsipa ni Wong Ming dahilan upang umalis siya sa lugar na kinaroroonan niya kanina upang iwasan ang nasabing atakeng tatama sana sa kaniya.

BANG! BANG! BANG!

Tatlong magkakasunod na pagsabog ang maririnig na umalingawngaw sa kapaligirang ito na halatang malalakas at hindi biro ang impact na resulta ng atakeng mismong ibinalik ni Wong Ming kay Xianliang.

Zzzssshhh!

Sa isang iglap ay nasa tabi na ni Xianliang ang pigura ni Wong Ming. Akmang tatapikin na ni Wong Ming ito ay mabilis din itong naglaho sa pwesto nito.

"Afterimages?! Nautakan ako ng pesteng isip-batang ito hmmp!" Tanging nasambit lamang ni Wong Ming sa sarili niya lalo pa't mukhang matinik ang isang Xianliang.

Naiinis talaga siya sa pagmumukha nito lalo na at kung pwede lang ipalit ang mukha ni Xianliang ay ginawa na niya.

Maya-maya pa ay biglang lumitaw sa hindi kalayuan si Xianliang na nakangisi na parang aso na mas lalong nagpainit sa ulo ni Wong Ming.

"Kamusta na Wong Ming? Mukhang lumabas ka ata ngayon ah? Ano'ng atin?!" Nakangising sambit ni Xianliang habang may himig ng pagka-sarkastiko ang isang ito. Who knows, baka nag-iisip na ito ng kalokohan nito.

"Wong Xianliang, hindi ka ba talaga titigil ha?! Di mo man lang ba ire-respeto ang mansyon at lupain na pagmamay-ari namin?! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!" Sambit ni Wong Ming ng walang pakundangan habang masakit na tinitingnan nito ang pigura ni Wong Xianliang.

"Hahaha, namin? Mukhang nakakalimutan mo Wong Ming, isa ka lamang sampid sa aming Wong Family. Kung sino ang may makapal ang mujha ay ikaw iyon? Ni hindi ka nga namin kaano-ano eh!" Maangas ngunit marahas na pagkakasabi ni Wong Xianliang habang kitang-kita kung paano ito umangil matapos nitong sabihin ang mga katagang ito.

Napakuyom naman ng kaniyang sariling kamao si Wong Ming dahil halata sa mukha nito na mukhang hindi ito natutuwa sa pinagsasabi ni Wong Xianliang.

Ngunit siya si Wong Ming, magpapatalo ba siya sa pesteng isip-bata at gumagawa ng gulo katulad ni Wong Xianliang?! Malamang ay hindi.

"Nakarating na pala ang balita mula sa ama mo patungo sa iyo. Hindi narin nakakapagtaka iyon. Like father like son, mga pakialamero sa buhay ng may buhay!" Nakangising demonyong wika ni Wong Ming habang makikitang hindi ito magpapatalo Kay Wong Xianliang. Naiinis man siya sa mga pinagsasabi nito ay kailangan niya pa ring kontrolin ang emosyon niya kung ayaw niyang maging talunan sa sarilinng lupain ng pamamahay nila.

"Wag mong ibahin ang usapan Wong Ming. Isa ka lamang sampid sa pamilyang ito kaya wag kang magsasabi ng kung ano-ano. Kung hindi dahil sa ama mo ay hindi ka magtatamasa ng kahit na anumang bagay na meron ka ngayon!" Nakangising turan ni Wong Xianliang habang may bakas ng labis na inis ang tono ng pananalita nito. Halatang gusto nitong maliitin ang pagkataong meron si Wong Ming.

"Talaga ba?! Nagsasabi lamang ako ng katotohanan. Knowing how weak your father was, mukhang sinampal ka ng katotohanang mababa lamang ang posisyon ng ama mong nararapat din sa kaniya!" Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na walang bakas na magpapatalo ito sa isang katulad ni Wong Xianliang. Isang bully ang katulad ni Xianliang kaya hindi na rin nakakapagtaka na gagawa ito ng pamamaraan upang maliitin din siya.

Sa apat na taong pagkupkop ng ama niya ay hindi siya kailanman sumuko at nagpatalo kanino man. Walang tigil siya sa pagcucultivate at pag-eensayo ng sarili niyang kakayahan at abilidad para paghandaan ang araw na katulad nito. He will be expecting it pero hindi ganito kaaga.