"Grrr... Ang yabang mo naman paslit! Hindi ko aakalaing ang isang Little Devil ay puno ng kayabangan!" Sambit ng isang repeater na animo'y tila uminit na talaga ang ulo nito sa katarantaduhan ni Little Devil na mangialam sa bagay na hindi dapat nito pakialaman.
"Tsk, Masyado na atang umabot sa ulo mo ang pagiging una mo sa ranking kaya kinakaya-kaya mo na lamang kami!" Turan naman ng isa pang repeater na animo'y hindi na rin ito nakapag-isip pa ng matagal dahil galit na rin itong tumingin kay Little Devil.
"Hahaha... Mukhang takot ata kayong subukan ang lakas na taglay ko mga repeaters. Hindi niyo siguro alam kung ano'ng masamang bagay ang maaari kong gawin sa inyo sa oras na magkaroon ng labanan sa pagitan natin!" Seryosong saad ni Li Xiaolong na animo'y pinagtagpi-tagpi niya ang mga pangyayari lalo na ang kaganapang tila may pumipigil sa tatlong repeaters na ito upang atakehin siya ng direktahan.
"Lider, bakit naman natin hindi aatakehin ang Little Devil na iyan? Masyado na siyang pakialamero? May balak ka bang buhayin ang pesting paslit na iyan?!" Sambit ng isang repeater sa mismong lider-lideran nila o ang tumatayong lider ng mga ito.
"Oo nga lider, masyado na ata tayong hinahadlangan ng pesteng Little Devil na iyan. Hindi na dapat siya binubuhay pa!" Inis na wika ng isa pang repeater na kanina pa naiinis sa pagsagot-sagot sa kaniya ng pesteng nilalang na si Little Devil. Sa utak pa lamang niya ay pinapaslang niya na ito. He is more satisfied kung mapapaslang niya ito ng tuluyan.
Mabilis namang itinaas ng mismong lider ng grupo ng mga repeaters na ito ang kanang kamay nito upang patigilin o patahimikin ang namumutok na butsi ng dalawang kasamahan nito. Masasabi niyang may punto talaga ang dalawang ito patungkol kay Little Devil ngunit nagdadalawang-isip pa lamang siya lalo na at hindi naman kasi maaaring gawin ang nais ng mga ito na gawin. He knows that this place is full of dangers. They don't even know if they can successfully get the things they want in this place where Meckon Demons lived.
Masyado naman atang namemersonal ang Little Devil na ito at hindi siya tanga upang gumawa ng hakbang na maaari niyang pagsisisihan. Tinitimbang niya pa ang mga bagay na maaaring ikapahamak nila bago pa sila makaalis ng buhay sa lugar na ito.
Whoosh! Whoosh! Whooosh!
Nagulat na lamang si Li Xiaolong at ang tatlong repeaters ng maramdaman nila ang nakakapangilabot na awra ng tila maraming nilalang sa loob ng malaking pamamahay ng Meckon Demons. They are really not aware of the current things they are facing right now.
BANG!
Isang malakas na pagsabog ang naganap na siyang nagdulot ng nakakapangilabot na enerhiyang umalpas sa hangin dahilan upang tumalsik ng ilang metro si Li Xiaolong at ang tatlong repeaters sa hindi kalayuan dahilan upang magtamo ang mga ito ng pinsala sa kani-kanilang mga katawan.
Hindi aakalain ni Li Xiaolong na babagsak at matitilapon siya sa mga puno dahilan upang magkandabali-bali ang sanga at ugat ng mga puno dulot ng nasabing impact.
Mas mabuti nga ang kalagayan niya kumpara sa nangyari sa isang repeater na hindi pinalad lalo na at kitang-kita niya kung paano nabiyak ang ulo nito matapos tumama ang ulo nito sa napakatulis na sanga ng pambihirang puno na tinatawag na Demon Tree dahil na rin sa patusok na sanga nitong kayang pinsalain ang sinumang matutusok nito.
Samakatuwid ay pabor ang ganitong klaseng senaryo lalo na at nabawasan ang problema niya laban sa mga repeaters na ito na gusto lamang magbenepisyo sa hirap ng mga baguhang mga estudyante ng Cosmic Dragon Institute na napilit nilang sumama sa kanila upang pagkaisahan at labanan ang mga Meckon Demons na nakatira sa loob ng masukal na kagubatang ito.
Pero ang totoo ay inuuto lamang sila ng mga ito to gain their selfish benefits at walang pakialam ang mga pesteng repeaters na ito sa mga buhay ng mga baguhang estudyante kahit na mamatay pa ang mga ito sa lugar ng mga Meckon Demons makuha lamang ang mga bagay na gusto nilang makamit.
Mabuti na lamang at tila malalakas din ang mga baguhang mga estudyante at nagawa nilang labanan ang mga meckon demons at maprotektahan ang kani-kanilang mga sarili laban sa mga ito.
Li Xiaolong began to feel anxious lalo na at nakita niya ang dalawang nilalang na lumilipad sa ere. Nakakapangilabot ang mga awra ng mga ito lalong-lalo na ang kanilang mga anyo.
Hindi niya lubos aakalaing makakakita siya ng anyo ng demonyong ito na salungat sa kaniyang naiisip ngunit tila ba tinadhana atang umabot sa ganitong klaseng kaganapan ang lahat ng pangyayaring ni sa isip niya ay hindi niya inaasahan.
Kakaibang nilalang kasi ang mga ito habang may pakpak ang mga ito na sobrang pangit ngunit mahahaba at tila bawat pagaspas ng mga pakpak ng mga ito ay naapektuhan ang daloy ng hangin.
Napalingon naman si Li Xiaolong sa gawi ng dalawang nilalang na walang iba kundi ang kasama niyang bumagsak na mga repeaters kanina paglabas ng dalawang nilalang na ito.
"Sa wakas ay nagpakita na rin kayo, hari at reyna ng mga Meckon Demons. Di nasayang ang pagpunta namin dito hehehe!" Sambit ng lalaking repeater na siyang tumatayong lider ng grupo ng mga ito. Bakas sa tono ng boses nito ang kasiyahan na tila ba inaasahan na nitong makakatagpo niya ang hari at reyna ng mga Meckon Demons sa lugar na ito.
Kahit kasi may pasa ito sa mukha ay tila ba wala lamang ito sa lider-lideran ng tatlong repeaters as if di man lang nito alintana na napaslang ang nasabing kasamahan nito.
"Ngayon Little Devil ay alam mo na ang ipinunta namin dito. Hindi mo naman siguro binabalak na makialam sa bagay o mas mabuting mga nilalang na gusto naming paslangin sa mga oras na ito?!" Seryosong saad naman ng isang repeater na animo'y pinaningkitan pa ng mata si Li Xiaolong na para bang gusto nitong makasigurong hindi ito mangingialam.
Mabilis namang itinaas ni Li Xiaolong ang dalawang kamay nito habang makikitang tila gusto nitong ipahiwatig na hindi ito mangingialam.
"As if naman na mangingialam ako hahaha... Kung yan ang gusto niyo hmmm..." Seryosong wika ni Li Xiaolong habang malademonyo itong napangisi habang mabilis itong naglaho sa hangin.
Mabilis namang tiningnan ng dalawang repeaters ang dalawang nilalang sa ere habang makikitang nakatingin ang mga ito sa kanila.
Mabilis na lumipad muli sa ere ang nasabing mga repeaters habang sumipol pa ito ng malakas.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Sa isang iglap ay tila lumakas ang hangin at lumitaw ang sampong nilalang habang kapansin-pansin na tila matagal ng nag-aaral ang mga ito sa Cosmic Dragon Institute. Isa lamang ang ibig sabihin nito, pinagplanuhan na ng mga grupo-grupo ng mga repeaters ang pagpunta nila sa lugar na ito.
At patungkol naman sa mapa ay talagang sinabotahe nila iyon upang silang mga repeaters lamang ang makinabang sa pagpunta nila rito at plano nilang ilibing ng buhay ang mga baguhang estudyante ng Cosmic Dragon Institute. This is their biggest plan at ayaw nilang malamangan lamang sila ng mga bagong mga estudyante na maaaring maging malakas na mga martial arts experts aa hinaharap. Habang maaga pa lamang ay dapat na nilang dispatyahin ang banta sa kanilang sariling pwesto.