Chereads / Supreme Asura / Chapter 298 - Chapter 298

Chapter 298 - Chapter 298

Isa sa posibleng mangyari ay pagtulungan ka ng mga grupo-grupong mga martial artists rito. Sa bilang nila ay maaaring maiwan ang ilan sa mga ito at ang iba naman ay maghahanap ng mga pambihirang mga kayamanan. Such a strategy is very common yet it is an effective method to secure your wins and avoid losses.

Sa tingin ng batang si Li Xiaolong ay konti lamang ang nabawas sa kanila sa pangalawang trial dahil mukhang nakapasa naman ang halos lahat. Nakakapagtaka nga ang pangalawang trjal dahil sobrang dali nito pero ang pangatlong trial sa Recruitment Day na ito ay talaga nga namang napakagrabe ng mechanics nito.

Kumpara sa pangalawang trial ay masyadong mahirap ang ganitong klaseng trial lalo na at hindi lang paghahanap ng mga valuable treasure items ang poproblemahin mo kundi kung paano mo masisiguradong sayo mapupunta ang mga points.

TING!

Maya-maya pa ay nagsimula ng mag-alisan ang maraming mga batang martial artists habang mayroong mga iilan ang nagpaiwan lalo na ang mga mayroong maraming bilang sa grupo nila. Marami ang pumwesto sa iba't-ibang bahagi ng Treasure Points Well. This is to prevent anyone to get easily drop their valuable treasure items in any way possible.

"Good... Then I'll looking forward on how this bunch of idiots prevent me from getting on their way possible." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang naglakad na palayo sa lugar na ito upang magsimula ng maghanap ng mga valuable treasure items. He is looking forward sa mga pipigil sa kaniyang mga martial artists. If they would go in his way then he feel sorry for them from doing those kinds of trashy way and deal with them completely without holding back.

...

Marami naman ang mga manonood ang tila nagtaka sa buong durasyon ng pagpapahinga ng mga batang martial artists na mga lalahok sa pangatlong trial. Ngunit laking gulat ng mga ito nang mapansin ng iilan na nandoon pa ang batang martial artists na buong durasyon nito sa pangalawang trial ay nagcu-cultivate lamang ito yet he is qualified to participate in third trial.

Naglikha ito ng malaking ruckus lalo na at halos lahat ng mga ito ay nag-ingay na dahil sa tila anomalyang nangyayari dito.

"Diba siya yung batang martial artists na nagcu-cultivate kanina? Bakit nandiyan pa ang bubwit na iyan eh wala namang ginawa iyan kundi magcultivate hindi ba?!"

"Oo nga noh, napansin kong hindi ito lumipat ng pwesto nito pero bakit nakapasok pa siya sa pangatlong trial. this is weird!"

"Saan na ba ang mga opisyales ng Cosmic Dragon Institute bakit hindi nila inaksyunan ang ganitong insidente. It is really a cheating!"

"Nandaya ang batang martial artists na lumahok sa pangatlong trial na iyan. It is clearly cheating incident!"

"Tama, hindi dapat hinahayaan ang mga mandaraya na lumahok dito. That's a great presumptuous act!"

"Kailangan itong ipaliwanag ng Cosmic Dragon Institute kung hindi ay hindi kami matatahimik hangga't hindi namin nakukuha ang sagot patungkol sa batang martial artists na buong durasyon ng trial ay nagcu-cultivate ito!"

"Sang-ayon kami sa sinasabi niyo. It must be anomaly right lalo na sa ginagamit na device ng Cosmic Dragon Institute!"

Tila nagkagulo naman ang mga manonood lalo na sa mga naririnig nilang pahayag na ito ng mga manonood na siyang nanonood sa Recruitment Day na siyang isinagawa ng Cosmic Dragon Institute. Seeing this caught the attention of some high officials in different places inside and outside of Dou City. It is very alarming lalo na at talagang magkakaroon ng gulo o di kaya ay hindi pagkakaunawaan rito.

Napansin naman nina Peacock Tribe Chief Huang Chen at Huang Lim ang insidenteng ito at nagulat na lamang sila nang mapansin ang isang pamilyar na pigura ng isang batang lalaki sa isang screen.

"Li Xiaolong?! How come that he can participate in this trial?!" Nagtatakang sambit ng lalaking si Peacock Tribe Chief Huang Chen nang makilala ang batang si Li Xiaolong.

"Oh, andito ang batang si Li Xiaolong? Nakakamangha naman. I will be expecting more of this trial!" Nakangiting sambit ng matandang lalaking si Huang Lim.

"Kasalanan mo to ama. Kung hindi ka nagpauto sa batang ito ay hindi ko tatanggapin ang alok nito hmmp!" Sambit ng Peacock Tribe Chief na si Huang Chensa ama nitong si Huang Lim. His father is really something that he could say that he is such an "idiot" and being trick by this little cunning kid who run across them in the previous years.

"Don't say that. This child is really something hehe... Why are you so hard headed and such a kill joy. Do you know that this child has a Bright future ahead of him?!" Nakakunot noong sambit ng matandang lalaking si Huang Lim habang dinepensahan naman nito ang batang si Li Xiaolong.

"Talagang kinampihan mo pa yan eh noh?! Naalala ko nga pala, parehas kayo mag-isip ng batang yan. Mahilig sa gulo. Hindi ko aakalaing pati anak ko ay gusto mong impluwensyahan." Puno ng inis na sambit ni Peacock Tribe Chief Huang Chen sa ama nitong si Huang Lim.

"Hindi ko aakalaing takot ka pa rin Huang Chen sa Cosmic Dragon Institute. Malaki ang tribong sakop ng Peacock Tribe. We can stand alone. Life without thrill is boring. Patungkol naman kay Mei'er, apo ko yun. Malamang saan pa ba iyon magmamana kundi sa magaling niyang lolo hehehe!" Pag-aasar naman ng matandang lalaking si Huang Lim habang nakapaskil ang ngisi sa bibig nito. Halatang bakas na sa mukha nito ang mga kulubot at nalipasan na ito ng panahon.

"Bahala ka na ama. Basta sinasabi ko sa iyo na kung ano man ang dadalhing problema ng batang iyan ay wag kang makialam ha if it doesn't affect us para matuto ng leksyon ang isang yan." Inis pa ring sambit ni Peacock Tribe Chief Huang Chen habang mabilis itong umalis sa kinauupuan nito at naglakad papalayo.

Pagak na lamang na napatawa ang matandang lalaking si Huang Lim habang tanaw na tanaw nito ang papalayong anak nito. Alam niyang makikihalubilo ito sa iba. Para sa kaniya ay iba ang ugali nito kumpara sa kanila at magkaiba sila ng pananaw kahif na mag-ama sila. Noong nasa kabinataang edad pa lamang siya ay naglalakbay siya dahil ito ang kinahihiligan niya samantalang ang anak niya ay gusto lamang manatili sa loob ng tribo nila dahil dito din ito kaya iintindihin niya na lamang ito.