Chereads / Supreme Asura / Chapter 282 - Chapter 282

Chapter 282 - Chapter 282

"Safety safety? Mukha ba kong kriminal para itago at ikulong sa malaking manor. Kung ako sa tatay ko kinuha niya nalang yung suheatiyon ko na magtayo siya ng stalls sa loob ng manor nang may pagkaabalahan naman ako o di kaya ay gawin niyang hunting ground yung manor na tinitirhan ko para naman malibang ako hehe." Nakangising sambit ni Young Master Da habang mas binilisan pa nito ang hakbang nito.

"Young Master Da naman, bagalan mo naman yung paglalakad para kang hinahabol ng isang batalyong halimaw eh. Sa suhestiyon mong iyan ay malamang ay tatanggihan talaga. Mukha bang gubat o kuta ng rebelde ang bahay mo? Tsaka anong stalls? Wala naman silang customer liban sa'yo. They are working hard for the family at kadugo natin ang lahat sa pamilya natin kaya tatanggihan talaga nila. Gusto mo bang bumaba ang yaman ng pamilyang kinabibilangan mo o natin?!" Tila pinagpapawisang sambit ng matandang lalaking si Old Chao. Mabilis niyang pinahiran ang namamawis nitong noo. Hindi niya talaga alam kung ano ang tumatakbo sa malikot na utak ni Young Master Da at mas lalong hindi siya dapat maging kampante dahil baka mawala naman ito sa paningin niya. Mas binilisan niya pa ang mabilis na paglalakad niya. May kabigatan din ang suot niya kumpara sa Young Master Da nito na siyang siya ang personal na tagapag-alaga rito.

"Ayoko Old Chao ahahaha. Mukhang dito nga yung pinag-uusapan nilang may nagbebenta ng napakamahal na items. Matingnan nga!" Nakangiting sambit ni Young Master Da habang makikita ang labis na kagalakan na makita ang mga items na kay mamahal na siyang paborito niyang bilhin.

Napangiwi at nahintatakutan naman ang matandang si Old Chao dahil sa sinabing ito ng batang si Young Master Da. Kilala niya ito sa grabe gumastos at kung may matipuhan ito ay siguradong bibilhin nito no matter how high the price is. Maituturing niyang isa ito sa pag-uugali ni Young Master Da. Mananatili pa rin itong bata sa paningin niya kahit na maglalabing-anim na ito sa susunod na taon. Napakaisip-bata at pala-gala talaga ito. Ewan niya ba kung ano'ng klaseng bagay ang ipinaglihi ng nanay nito kung bakit ganito kalikot ang anak nila pero it will be disrespectful kung tatanungin niya nga ito ng personal na katanungan.

"Huwag mong sabihin Young Master Da na bibilhin mo ang items na iyon. Gusto mo bang mamulubi ako pagkauwing-pagkauwi ko?!" Sambit ng matandang si Old Chao habang makikitang tila nakikita niya palang na bibilhin nito ang kahit isa sa masasabing napakamahal daw na items na matatagpuan sa isang shop na kung tawagin ay Golden Martial Shop. Ito namang Young Master Da nila ay nagpapaniwala naman sa narinig nilang usap-usapan ng mga martial artists noong nakaraan. Kung alam niya lang na nagbabalak na itong tumakas sa araw na ito ay sana ay napagsabihan niya ang tatay ni Young Master Da na dublehin ang siguridad ng malaking manor na tinitirhan nito kasama siya. Pero huli na, nandito na sila at ang salaping dala niya? Mukhang mawawala na lamang sa isang iglap. Sinong hindi mababahala eh ipon niya yun.

"Tsk! Binabayaran naman kita eh. Kung paparusahan ako ng magaling kong ama edi humingi ka na rin ng nagastos ko para doble na. Aba aba, sagarin mo na. Alam ko naman na wala siyang gagawin. Pautang ako 100 million gold coins lang Old Chao ha hehe..." Masayang sambit ni Young Master Da habang makikita ang kakaibang ngising nakapaskil sa mga labi nito.

Nahintatakutan naman ang matandang lalaking si Old Chao sa ngising ito ni Young Master Da. Mukhang mamumulubi siya. Hindi nito alam na ilang dekada niya itong pinag-ipunan upang makaipon siya ng malaking halaga ng salapi na mahigit isang saang milyong gold coins but ito ang magaling niyang alagang si Young Master Da which he casually ask este hindi nga nagmumukhang tanong ito kundi parang sinasabi nitong "bigyan mo ko ng pera ngayon din". This makes him feel like he lost his all fortunes in life. Ilang dekada niyang pinag-ipunan pero mawawala lang sa isang iglap lang? His biggest nightmare finally come true.

"Nila-Lang mo lang ang isang daang milyong gold coins Young Master Da? Mukhang mamumulubi na nga ako habambuhay nito huhu." Sambit ng matandang lalaking si Old Chao habang hindi siya makapaniwala na parang wala lang ang malaking halagang ito sa alaga niyang su Young Master Da. Mahina lamang ang huling pangungusap niya na alam niyang hindi ito naririnig ng batang alaga niya. It is a huge some of money for him but ang batang inaalagaan niya noon pa man ay talagang walang pakialam sa salapi. Kailan pa kaya nito malalaman ang halaga ng salapi. He is getting older and older kaya hindi naman habambuhay ay magsisilbi siya rito. May pamilya rin siyang binubuhay na naiwan sa labas ng manor. This money is for them pero everytime na nanghihingi ito ng pera ay hindi niya naman ito matatanggihan eh.

"What is the use of money for? Siyempre dapat gastusin. Ano ka ba naman Old Chao. Isip isip din lalalalala!" Inosenteng sambit ni Young Master Da habang pakanta-kanta pa itong binabaybay ang daan.

Napatampal na lamang sa kaniyang noo ang matandang lalaking si Old Chao habang mabilis din nitong sinundan si Young Master Da na napakabilis ang paglalakad nito na animo'y parang tumatakbo na.

"Hay nakung bata ka. Kailan mo pa ba magpapahalaga ng salapi o kayamanan? Can you just think broadly?!" Seryosong sambit ng matandang lalaking si Old Chao habang sinusundan ang daang tinatahak ni Young Master Da. Hingal na hingal man siya ay mabilis niya pa rin itong sinundan. Alam niya talagang interesado ito sa mga pambihirang bagay na napakamahal ang presyo nito. Para sa kaniya ay daig pa nito ang pinakamahal na bagay na nabili ng alaga niyang si Young Master Da. Ang pinakamahal kasing nabili nito ay 20 million gold coins ngunit ngayon ay limang beses na mas mahal ito. Kung noon ay partially broke siya pero ngayon ay mukhang completely broke na siya financially and psychologically. Kakatrauma din kaya ang mawalan ng ganoon kalaking salapi. Imagine inipon niya ng ilang dekada tapos sa isang iglap ubos kaagad, saan ang hustisya?!