Chereads / Supreme Asura / Chapter 280 - Chapter 280

Chapter 280 - Chapter 280

Kahit sinong mga bagong saltang manlalakbay o mga dayong mga martial artists ay nagtataka sa mga ito but given that everyone is busy they don't care about this guy na mukhang sumabak sa matinding sagupaan o giyera ito.

Kahit na ganito ang itsura ng pananamit nito ay masasabing ang mga sugat nito sa katawan ay mukhang nilisan na nito at tinakpan ng mga tela sa parteng sugat nito habang ang kamay nito ay balot ng mga pinulupot na tela na animo'y para bang sasabak sa labanan o away.

Nabalitaan niya ang patungkol sa nasabing napakamahal na cultivation items daw na ibinebenta ng Golden Martial Shop ngunit kaibahan ito sa karaniwang mahal na presyo ng mga items na binebenta nito. Ewan niya ba, ang gulo din kasi ng mga naririnig niyang mga usap-usapan at haka-haka lalo na at kakarating niya lang sa lungsod na bahagi ng Dou at palagay niya ay malapit lang rito which is tama ang sinabi ng mga ito. Which is partly lang ata.

Mukha ngang hindi sang-ayon ang mga martial artists na nag-uusap-usap patungkol sa napakamahal na anim na items na naka-display sa labas ng Golden Martial Shop. Wala siyang kaide-ideya kung ano-ano ang mga ito dahil mukhang puro na lamang opinyon ng mga nag-uusap-usap ang umiiral sa salaysay ng mga ito which is not a good thing para magpadalos-dalos siya at makisali rin sa usapan ng mga ito.

Sa paglalakbay niya ay paulit-ulit silang nabigo na makuha ang inaasam nilang mga bagay sa paggalugad ng isang Forbidden Area at masasabi niyang patuloy silang nabibigo at marami na rin sa kasamahan niya ang napaslang o di kaya ay malubhang nasugatan which really not a good thing. Di niya mabilang ang napuntahan nilang mga forbidden areas at lahat ng iyon ay bigo siyang makahanap man lang ng pamamaraan upang makahanap ng pambihirang mga bagay. Kahit man lang makapaslang ng napakalakas na magical beast ay hindi nila magawa. Mayroon ding mga bantay na mga magical beasts ang mga forbidden areas at kung hindi man ay maraming mga gumagalang mga malalakas na magical beasts. For him, that's not a trivial matter here. Unang-una ay marami siyang salaping nasa possession niya ngunit they don't have that much manpower to explore the forbidden areas. Kung dadagdag pa siya ng napakaraming mga isasamang mga martial artists ay hindi rin magandang ideya, gagastos na siya ng malaki sa maaaring damages tapos in the end ay bigo pa rin sila.

Isa siyang Late Purple Blood Realm Expert na siyang kasalukuyan niyang lebel ng cultivation ngunit ang maaari niyang dalhin sa mga paglalakbay niya ay mga Xiantian Realm Experts lamang. Di siya naghahanap ng mga Houtian Realm Experts dahil magiging easy target at pagkain lamang sila ng mga mababangis na mga magical beast pag nagkataon. Without a Flight ability, they will do a lesser work at hindi niya maitatangging limitado ang magagawa nila. Kahit hindi niya direktang sabihin ay alam niyang magiging pabigat lamang ang mga ito sa mga eksplorasyon nila.

Pinili niyang maging traveler lalo na at ito ang yapak ng mga magulang niya maging ng mga ninuno niya. If he couldn't do and bring some achievements in his explorations and expeditions then could he really face his family or even his own parents? Alam niya ang salitang disappointment at kahihiyan, sino ba ang may gusto nito? Even his parents considered to be an understanding people in their family at close siya sa mga ito ay hindi naman maaaring habang buhay siyang umasa rito. Ayaw niyang matawag ng kung ano-ano dahil lang sa kapalpakan niya o sa mga ginawa niyang mga kabulastugan. Napakalaki niyang tao tapos wala siyang maipagmamalaki? Hindi makapal ang mukha niya para maging talunan at magiging biggest joke ng pamilyang kinabibilangan niya.

Kaya nga naisip niyang gumala-gala sa sentral na lungsod na ito ng Dou to find some interesting things o ng mga pambihirang mga items na maaaring magamit niya sa kaniyang muling paglalakbay sa mga napakadelikadong lugar.

Sa labas ay tanaw niya ang anim na mga items na nakadisplay. Nagtataka siya bakit walang mga nakasulat na deskripsyon dito o kung ano man lang. Ang tanging nakita ay ang malaking mga letra na "6 unknown items". Yun lang.

"Hmmm... Hindi ko alam kung ano'ng pakulo ito pero wait, 100 million gold coins? Did they want to rob their customers? Gulat na sambit ng lalaking bagong dating lamang habang napansin nito ang presyo. Tama nga ang naririnig niya na mahal nga ito pero mabilis na napakunot ang noo nito ng malalim pa itong nag-isip."If this is 100 million gold coins then it must be extraordinary items to begin with. Golden Martial Shop well known to it's name as one of the trusted shop sa Dou City. Para sa mga upper class ay hindi naman ganoon kataas ang presyong ito hmm..."

Agad naman nitong tiningnan mula sa labas ang anim na mga items. Talagang hindi niya alam kung ano ang mga ito. Ngunit ang ilan ay na-identify niya ngunit hindi niya naman gustong bilhin ito.

"Hindi ko aakalaing may Golden Grapes dito na ibinebenta pero hindi naman ako nagpapalakas ng isang hukbo o angkan para bilhin ito. Wala akong balak na bilhin ito though it is a priceless treasure para sa malaking angkan o pamilya. Ito namang kakaibang bato at ang maliit na butong itong ito ng isang halimaw ay hindi ko alam ang pakinabang nito kaya hindi ko din to balak bilhin. Ito namang isa na Crystal Apple ay mukhang overpriced, wala namang espesyal rito liban na lamang sa laki nito. Sa blood essence naman na nakadisplay na ito ay mukhang di ko din mapapakinabangan at wala akong balak i-cultivate ito sa katawan ko dahil kung hindi ito compatible sa akin ay siguradong malaking downside ito sa akin. Pero wait, ano tong talisman na ito, Sampo ang bilang nito. Mukhang ito na lamang ang bibilhin ko dahil mukhang mura naman nito. Ten million gold coins each is not a bad price. Atleast sampong piraso hehe." Sambit nito habang tinitimbang ang desisyon niyang bumili. Isa pa ay antagal niya ng di nakakapaggastos ng malaki dahil sa sunod-sunod na paglalakbay niya. Alangan namang may nagbebenta sa delikadong lugar na pinuntahan niya. Antapang na siguro niyon kung may gagawa nito.