Chereads / Supreme Asura / Chapter 167 - Chapter 167

Chapter 167 - Chapter 167

Natapos nang makapagluto ang batang lalaking si Li Xiaolong nang kaniyang pananghalian. Masasabi niyang masyadong naging matiwasay ang nakalipas na mga aral sa kaniya at mas nakita nito ang potensyal niya bilang isang martial artists.

Napagdesisyunan niyang daanan ang kwarto ng noon pang nakaraang mga araw na wala pang malay. Nang dumaan siya rito ay nakita niya ang batang babaeng nakaupo sa ibabaw ng higaan nito.

Binigyan ito ng matamis na ngiti ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis din itong bumalik sa kaniyang sariling hapagkainan.

"Gutom lang siguro ito kaya kung ano-ano na ang nakikita ko. Kailangan kong kumain ngayon ng pambihira ngunit natural na mga gulay at prutas nang sa ganon ay bumalik ang sigla ko." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sarili habang tila pansin niyang kung ano-ano na ang nakikits niya.

Mabilis niysng kinain ang pangkaing nasa harapan jiya kung saan ay mabilis na napuno ang bibig niya dahil sa kaniyang pagkain. Akmang lulunukin niya na ang kinain niyang pagkain ay saka niya napansin at nakita ang isang pigura ng batang babae na matamang nakatingin sa kaniya mula sa hindi kalayuan kalayuan.

"Kuya, pwede bang humingi ng pagkain? Nagugutom ako!" Pagsusumamo ng batang babae sa mababang tono ng pananalita nito. Halata sa mukha nito na nagugutom nga ito. Nakahawak din ito sa tiyan niya na animo'y parsng namimilit sa sakit.

Ooorckk!

Isang malakas na tunog ng tiyan na naggagaling mismo sa tiyan ng nasabing batang babae na si Yì Liqiu.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay mabilis itong tumayo.

"Halika rito, saktong-sakto ang dating mo. Marami akong niluto ngayon hehe...!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang matamis pa itong nakangiti. Sumenyas pa ito sa batang babaeng nasa malapit sa pinto.

Agad namang tumakbo sa kaniyang pwesto ang batang babaeng si Yì Liqiu halatang excited na ding lantakan ang iba't ibang mga pagkaing nakikitan niya.

Pinagsaluhan ng dalawang bata ang mga pagkaing nakalatag. Tahimik lamang nilang nilaktan ang mga ito hanggang sa mabusog sila.

Katatapos lamang nilang kumain kung saan ay napadighay sila ng sabay kaya mabilis silang nagtawanan. Talagang nabusog sila sa kinakain nila noh. Minsan talaga ay kailangan pa ring kumain ni Li Xiaolong dahil hindi naman siya isang ganap na immortal at isa pa rin siyang mortal na tao.

"Kuya maraming salamat sa pagkain. Alis na ko! Salamat ulit!" Sambit ng magandang batang babaeng si Yì Liqiu sa harapan niyang si Li Xiaolong.

"Walang anuman yun hehe n----!" Nakangiting sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong ngunit mabilis na naputol ang sasabihin niya ng tumakbo papaalis ang batang babaeng si Yì Liqiu.

"Saan ang punto mo? Bakit parang aalis ka na?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na labis na nagtataka. Hindi niya maintindihan kung bakit parang aligaga ito na aalis.

"Hala baka magalit yung kapaitd ko si huh? Sino nga yun?" Sambit ng magandang batang babaeng si Yì Liqiu. Halatang nagkakamot ito ng sariling batok niya. Pakiramdam niya ay naging blangko lahat ng naiisip niya. Wala siyang matandaang anumang klaseng memorya ng nakaraan niyang nagawa o kahapon man lang. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang kapatid niya. May kapatid siya.

Napakagat-labi na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sitwasyong ito. Halatang may naiisip siya patungkol sa bagay na ito.

Hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang nakitang potensyal ng batang babaeng ilang metro mula sa kaniya. Alam niyang wala siyang magagawa sa mga oras na ito lalo pa't walang sinumanng malalapitan at kukupkop sa batang babaeng si Yì Liqiu kung hindi lanang siya. It's really kind of awkward situation pero alam niyang namimili siya whether he has to lie or not. Alam niyang mayroong Ice Phoenix sa loob ng katawan ng magandang babaeng si Yì Liqiu at ayaw niyang pakawalan ito. Isa pa ay wala siyang alam o kaalam-alam man lang sa Dou City. He can make things according to his plan kung nasa puder niya ang anak ng Patriarch ng Yì Clan. Alam niyang magbubunga ang kaniyang kabuting gagawin sa anak nito. Naiisip niya na gagantimpalaan siya ng mismong Patriarch ng Yì Clan. He just want to act nicely upang masanay na siya hanggang sa susunod.

"Nakalimutan mo ba na nadmaay ka sa isang malaking insidente ng pagpatay? Tanging ikaw lang ang nakaligtas sa pag-aksidente? Nadamay ka sa isang krimen nitong nakaraan mga linggo lamang. Nagmagandang-loob lamang ako na tulungan ka." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Napagkagat muli siya sa kaniyang labi halatang pinipigilan niya ang kaniyang sariling sabihin ang totoo. Naisip niya ito ng tuluyan. Binasura niya sng naiisip niyang ideya na magpanggap bilang kapatid niya dahil malilintikan lamang siya sa kaniyang sariling mga magulang. Naka magkagulatan pa ang mga ito at magkabukingan. Mas safe parin kung gamiti ang idadahilan niya.

"Ganon ba?! Huhu... Wala na kong mga magulang, wala na kong pamilya. Paano na ako nito. Sino'ng magpapakain sakin? Mamamatay ako sa gutom nito huhuhuhu...!" Malakas na sambit ng batang babaeng si Yì Liqiu habang umiiyak ito ng malakas. Walang tigil ito sa pag-iyak.

Napatakip na lamamg ng dalawang kamay ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang pares ng tenga. Halatang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya upang patahanin ito. Naisip niyang bigyan ito ng pagkain ulit pero hindi naman gagana.

"Paano kaya kung ipapasyal ko siya sa bayan? Kaso bawal naman iyon dahil baka makilala nila si Yì Liqiu. Kung magpapatawa ako sa harap niya? I think di rin gagana ito, baka umiyak pa to ng todo. Hayst!" Tila napasimangot na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang naiisip at mga naiisip na kalokohan. Hindi pa siya nagkaroon ng kapatid na halos kaedaran niya at hindi naman maaaring ikumpara ito sa batang kapatod niya na sobrang bata pa na kinakarga kasi bibigyan mo lang ng pagkain ay tatahimik na. He is dealing a stranger little girl almost similar to his age but different in year. Nalaman niya ito by his bone structure.

Maya-maya pa ay kumislap ang pares ng mata nito. Wati niya'y may naiisip siyang mabuting bagay o plano para bumalik ang sigla nito at hindi na ito iiyak.