Patuloy lamang na nakikinig ang batang si Li Xiaolong (Honorable Long) sa sinasalita ni Master Liwei habang papasok sila sa loob ng nasabing Auction House na ito. Masasabi niyang marami pa pala siyang hindi alam sa okasyong ito. Akala niya ay normal na pagsususbasta lamang ang mangyayari ngayon lalo na at masasabi niyang limitado lamang ang nalaman niya patungkol sa pagsusubastahan mamaya.
"Maraming darating mamaya na mga kilalang mga Cultivators sa iba't-ibang lugar ang dadayo rito. Sigurado akong marami ang bibili ng mga pambihirang bagay na ginawa mo." Magiliw na sambit ni Master Liwei habang nakatingin sa gawi ni Honorable Long.
"Masyado ka namang kampante Master Liwei. Alam naman nating hindi naman ganoon kamangha ang mga nagawa kong bagay. Baka nga walang bumili nun." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa tono ng pananalita ni Honorable Long na siyang inimbento niya lamang na nilalang.
"Wala kang bilid sa sarili mo Honorable Long. Basta, sigurado akong may bibili ng bagong gawa mo lamang na imbensyon na iyon." Sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Proven and tested na niya ang mga bagay na gawa ni Honorable Long na minsan niya lamang itong nahawakan na imbensyon. Tunay ngang hindi siya makapaniwala na mayroon siyang magaling na craftsman na nakilala rito sa anyo ng matandang lalaking ito.
Maliit lamang ang porsyento ng mga carftsman sa apat na kaharian at masasabi niyang ang mga nakilala niyang mga craftsman ay talaga namang namangha siya sa mga ito lalo na kung gaano ka makasarili at napakayabang ng mga ito. Normal lamang siguro iyon lalo pa't tingin nila sa sarili nila ay untouchable, yung tipong hindi sila basta-basta. Kaya nga hindi siya ganoon kasundo sa mga craftsman na mga Cultivators lalo na at di niya matagalan ang pagiging arogante at self centered ng mga ito.
Nang lumapit at nakilala niya si Honorable Long ay masasabi niyang napakaswerte niya. Kahit walang kasiguraduhan ang mga imbensyon nito ay masasabi niyang hindi naman iyon dahilan para hindi siya magtiwala rito.
Subalit sa sampong items na gawa nito ay dalawa lamang ang nasubukan niya. Puro one time use lang kasi ang walong craftsman Item na iyon at personalized item. Yung tipong isa lang ang pwedeng magmay-ari at gumamit nito.
Kumbinsido si Master Liwei sa dalawang items na subok niya at masasabi niyang malakas talaga ang mga ito pero ang nalalabing walong items ay hindi niya pa nasusubukan ngunit may tiwala siyang hindi palpak ito.
Isa pa ay hindi siya dapat matalo o hindi siya magpapatalo sa karibal niya sa loob ng Jade Auction House na ito.
Speaking of karibal---
Mabilis na nakita ng batang lalaking si Li Xiaolong (Honorable Long) ang biglang pananahimik ng lalaking nasa harapan niya lamang kung saan sinusundan niya ito.
Nakasunod lamang kasi siya sa likurang bahagi ni Master Liwei at biglang paghinto nito.
"O, tingnan mo nga naman at nagkita na naman tayo dito munting Liwei hehehe!!!!" Nakangiting sambit ng isang matandang lalaking tila halos mamuti na ang buhok nito sa kaniyang sariling ulo. Mababakas ang pagiging sarkastikto at panghahamak sa tono ng pananalita nito.
Tila nawala bigla ang nakapaskil na ngiti sa mukha ni Master Liwei nang makita niya kung sino ang nilalang na nasa harapan niya salungat sa direksyon na tinatahak niya. Mabilis namang napangisi si Master Liwei at sumagot.
"Tingnan mo nga naman, sa lawak ng Jade Auction House ay hindi ko aakalaing makikita kita sa araw na ito. Mukha atang na-triggered ka sa paandar ko ngayong ako naman ang maghahandle ng pagsusubasta sa araw na ito hehe..." Magiliw na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Tila naglalaman ng kung anong klaseng kamandag sa bawat salitang binibitawan nito.
"Oh common, alam mo naman Liwei na isa kang talunan sa ating dalawa. Kailan ka lang ba nagkaroon ng malaking kita sa ginagawa mong Auction dito. Did you just making a joke out of it?!" Malakas na sambit ng matandang lalaking si Master Jing. Tila ba ang sinasabi nito ay hindi tinatago ang makamandag na pananalita nito laban kay Master Liwei.
Tila napakuyom naman ng kaniyang sariling kamao ang matandang lalaking si Master Liwei sa oras na ito lalo na at ang bagay na ito ay palaging pinupuntirya at binabato sa kaniya ni Master Jing.
"Ayusin mo ang pananalita mo munting Jing. Mukhang nakakalimutan mong wala kang karapatang pumunta o mangialam sa gagawin kong pagpapasubasta." Seryosong sambit ni Master Liwei habang bakas ang pagbabanta sa tono ng pananalita nito. Madali siyang mapikon lalo na sa presensya at panghahamak na natanggap niya mula sa balasubas na bunganga ni Master Jing.
Tila nanlisik naman ang pares ng mata ni Master Jing sa sinabing ito ng matandang lalaking si Master Liwei ngunit mabilis din itong napatawa sa sinabing ito ni Master Liwei na kapantay niya lamang ng kaniyang posisyon sa loob ng Jade Auction House.
"Hahahaha... Sure. Kahit hindi ako pumunta o magpakita sa isasagawang pagsusubasta mo ay mahina pa rin ang malilikom mo ng pera. To think na unti-unti ka ng pabagsak sa putikan hahahahaha!" Makahulugang sambit ng matandang lalaking si Master Jing kay Master Liwei na hindi nito mapigilang mapatawa ng malakas na kala mo ay wala ng bukas.
Hindi pa man nakakapagsalita ang tila umuusok na sa labis na inis at galit si Master Liwei ay mabilis namang nagsalitang muli si Master Jing nang mapansin nito ang nakasunod rito.
"Talagang napaka-cheap mo na talaga Liwei. nagdala ka pa ng pulubi sa loob ng Jade Auction House. Ano sa tingin mo rito sa lugar natin, pakainan ng palamunin ha? Di ka na nahiya, makakarating ito sa mismong boss natin!" Seryosong sambit ni Master Jing habang makikitaan ng pagbabanta sa tono ng pananalita nito. Tiningnan pa niya ng may halong pandidiri ang nakasunod lamang sa likuran ni Master Liwei na nilalang na si Honorable Long.
Tila napangiti naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa pangyayaring ito. It turns out na kahit ang matandang lalaking kilala sa tawag na Master Jing ay labis pala ang kaitiman ng budhi nito at mapangmata sa kapwa nito. Napangiti na lamang siya sa naiisip niyang kalokohan.