Chereads / Supreme Asura / Chapter 131 - Chapter 131

Chapter 131 - Chapter 131

Rinig na rinig ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga masasakit na salitang binabato sa kaniya. Napangisi na lamang siya ng mariin dahil dito.

Para sa kaniya ay marami talagang mga nilalang ang daldal lang ng daldal ngunit wala namang kasamang gawa. Ito ay gawain lamang ng mga nilalang na wala namang ginagawa kundi manghamak ng kapwa at pababain ang kapwa nila at pataasin ang tingin ng kanilang sarili. Ang mga nilalang na ganito ay talaga namang walang kwenta at hindi dapat pansin o bigyan man lang ng anumang atensyon.

Tuloy-tuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad kahit pa marami pa rin ang nagbubulungan sa kaniyang dinaraan ay hindi na siya nag-abalang sabihin ito hanggang sa mayroong paekis na bagay ang humarang sa kaniyang dinaraan.

Nakita ng batang lalaking si Li Xiaolong na gawa ang bagay na ito sa napakatibay na kahoy habang napakatulis ng dulong parte nito ay gawa sa metal na bagay. Isa itong sibat. Wala man lang espesyal rito maliban sa magandang materyales na ginamit rito.

Nalihis ang atensyon ng Batang lalaking si Li Xiaolong sa nasabing sibat nang magsalita ang humarang sa kaniyang dinaraanan.

"Bawal pumasok sa loob ng Jade Auction House ang mga pulubi. Gusto mo bang mabugbog ka pulubi?!" Sambit ng isang bantay na nasa kanang bahagi ng gate. Tila mababakasan ng pagbabanta ang tono ng pananalita nito.

"Hmmmp! Mukhang may pagka-bangag ang pulubing to! Nangangarap atang mamalimos sa loob ng Auction House!" Sambit ng isa pang bantay sa kaliwang baahagi ng gate. Masyadong naglalaman ng pagkasarkastiko ang tono ng pagsasalita nito na kung saan ay makikitang mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa sibat na hawak niya.

Tila napahigpit rin ang hawak ng nasa kanang bahagi ng gate na bantay. Mahigpit na kabilin-bilinan sa kanila na wag na wag silang magpapapasok ng hindi imbitado o hindi bisita sa nasabing gaganaping pagsusubasta maya-maya lamang dahil sila ang malilintikan.

Nang makita nilang tila nakatayo lamang ang tila gusgusing nilalang sa pagitan ng nasabing pasukan sa loob ng mismong Jade Auction House ay tila mas naging mainit ang naging komosyong ito.

Ang mga pumunta rito na walang imbitasyon o hindi imbitado sa nasabing pagsusubasta ay nakaabang oamang sa labas ng Jade Auction House pero nang makita nila ang gusgusing nilalang na sinubukan nitong pumasok sa loob ng nasabing lugar na pagsususbastahan maya-maya lamang ay tila naglikha ito ng

"Hmmp! Isang pulubi ang gustong pumasok sa loob ng Jade Auction House? Ang tapang naman nito!"

"May sira sa utak ang gusgusing pulubing iyan. Naku naku!"

"Siguradong ang reputasyon ng Jade Auction House ay mababahiran ito ng pangyayaring ito!"

"Sinabi mo pa, sa halos lahat ng mga mahahalaga at engrandeng pagsususbasta ay ngayon lamang nangyari ito!"

"Akala ko talaga ay napaalis na ang mga pulubing pagala-gala rito. It turns out na mayroon pa palang natira!"

"Sa kamalasan ay isang stubborn one pa na pulubi ang natira sa labas ng Jade Auction House!"

"Siguradong may mawawalan ng trabaho ngayon!"

"Hahaha mukha atang ang mga bantay ata ito ngayon ang mawawalan ng trabaho!"

"Magagawa kaya nila ng mahusay ang trabaho nila?!"

Tila ang mga pahayag o pasaring itong ay mistulang ibinabato ng mga ito sa dalawang bantay na siyang nagbabantay sa labas ng gate na ito.

Ang mga narinig ng dalawang bantay na ito ay mistulang naging mitsa upang makaramdam ng inis at galit ang mga ito sa pulubing nasa harapan nila.

"Hoy pulubi, wag kang paharang-harang diyan kung hindi ay mapipilitan kaming saktan at kaladkarin ka palayo sa lugar na ito!" Pagalit na sambit ng lalaking bantay na nasa kanang bahagi ng nasabing gate habang tila namumula ang mukha nito sa galit.

"Hmmmp! Siguradong di mo magugustuhan ang gagawin namin sa iyo!" Inis na sambit rin ng isang lalaking bantay na tila malapit ng pumutok ang ugat sa noo nito.

Ngunit mabilis namang nalihis ang kanilang atensyon nang biglang may mabilis na yapak ng mga kabayo at ang tunog nito ang bigla na lamang narinig mula sa hindi kalayuan. Maging ang huni ng gulong ng tila karwaheng ito ay masasabing napabalikwas ang tingin ang mga taong nakasaksi nito. Nakita nila ang isang tagamaneho o tagakontrol ng takbo ng magarang karwahe.

Niiieeehhhhh!!!!! Niiieeehhhhh!!!! Niiieeehhhhh!!!!

Maya-maya pa ay nakarating na nga ito sa tapat mismo ng Jade Auction House. Tila hindi naman maawat ang tingin ng mga taong nakasaksi sa labas ng Jade Auction House at tila dumikit na ang mata ng mga ito kakaobserba ng nasabing karwahe. Napapunta pa ang ilan sa harapang bahagi kung saan ang pintuan ngunit walang nagbalak na lapitan ito o mahawakan ang nasabing magarang bagay na lumitaw sa lugar na ito.

Masayang nag-uusap ang mga nilalang na naririto patungkol sa bagay na bagong dating. Tila ba ang matandang pulubi ay nakalimutan nila.

"Grabe, apat na tiger Horses ito at tila napakaganda pa ng bloodline nito!"

"Siguradong isa itong magandang kalidad na mount!"

"Bagay na bagay para sa karwaheng ito!"

"Napakagara naman ng karwaheng ito! Sino kaya ang nakasakay rito?!"

"Malamang ay isang nilalang na mula sa maharlikang pamilya."

"Tama ka, kailan sumakay ang mga hampaslupang nilalang sa ganitong kalesa!"

"Oo nga naman, kung sino ito ay talaga namang napakaekstraordinaryo ng nilalang na ito."

"Kung lalaki ito ay Sana mapangasawa ko ang taong nakasakay rito!"

"Taas ng pangarap mo ineng, gusto mong lumagapak sa lupa?!"

"Mga kabataan nga naman, kumekerengkeng na naman!"

"Hoy magsitahimik kayo, mukhang may bababa mula sa pintuan ng karwahe!"

Tila napatahimik naman ang mga taong naririto na siyang saksi sa paglitaw ng karwaheng ito.

Hindi nga nagkakamali ang mga ito at mabilis na bumukas ang tila mamahaling tela sa mismong harapan ng labasan ng nasabing karwahe. Masasabing nagsususmigaw sa karangyaan ito.

Maya-maya pa ay bumungad ang isang magandang batang babae. Halos kaedaran lamang ito ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Pagkababa nito ay may sumunod na bumaba ang magandang babaeng tila kahawig ng batang babae. Nasa edad labing anim ito basi sa bone structure nito.

Bumaba rin dito ang isa pang nilalang na sa anyo ng isang matandang lalaking mayroong kulay asul na kasuotan.

Nang makita ng mga taong ito ang mga lumabas na nilalang ay tila namangha sila.

"Hindi ba ito ang sikat na Yì family mula sa Dou City?!"

"Oo nga, naaalala ko na, ang magandang dalagang iyan ay si Yì Hua. Habang ang nakababatang kapatid nito ay si Yì Liqiu."

"Siya ba si Elder Yì Huizhong?! Hindi maaari ito, isang malakas na eksperto ang lalaking nakaroba na kasama nila!"

"Oo nga, napakalakas nila pero bakit sila napadpad rito?!"

"Malamang ay mayroon silang natipon o nagustuhan dito!"

"Yan nga ang iniisip ko, ngayon lamang ako nakabalita na pupunta rito ang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong!"

"At kasama pa nito ang dalawang magagandang anak ng Patriarch ng Yì Family!"

Napakaraming bulung-bulungan ang nangyari sa lugar na ito ngunit hindi man lang sila binigyan ng anumang atensyon ng tatlong indibiduwal na ito.