"Hahaha... Hindi ko aakalaing ang Guild Master ng branch ng Feathers Guild na ito ay tila ba maraming alam patungkol sa sigalot ng Kaharian ng Sky Flame Kingdom at ng Li Clan. Tunay ngang nakakagalang talaga ang pinakainiingatan nitong reputasyon sa loob ng kahariang ito." Sambit naman ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitaan ng pagkasarkastiko ang tono ng pananalita nito. Yung tipong ang inis niya ay tila ba nilagay niya sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tila ba gusto nitong ipagtanggol ang kaniya o kanilang sariling karapatan.
Hindi sukat aakalain ng batang lalaking si Li Xiaolong na ang Guild Master na si Chen Hui na ito ay makikitaan ng pagkadisgusto sa kanilang maliit na angkan ng mga Li. Yung tipong akala niya ay walang kinakampihan at hindi nangingialam ang Feathers Guild sa internal and external conflicts ng sinumang nilalang, angkan o kaharian. Pero parang nagkamali ata siya.
Tila nakaramdam naman ng inis ang lalaking Guild Master na si Chen Hui sa kung paano magsalita ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniya.
"Hmmp! Kay bata bata mo pa ay matabil na yang dila mo bubwit na bata. Tsaka sa paraan ng pananalita mo ay parang kaedaran mo lamang ako ah. Hindi ka ba tinuruan ng pesteng angkan mo ang gumalang sa nakakatanda sayo o di ka man lang tinuruan ng dukha mong mga magulang ng mabuting asal?!" Galit na sambit ng lalaking Guild Master na si Chen Hui habang nakatingin ito sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Sa paraan ng pagtingin nito sa batang lalaking si Li Xiaolong ay parang kakainin niya ito ng buhay.
Tila ang takot at pangamba maging ng hiya na nararamdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong ay mistulang naglaho at napalitan ng ibayong galit na namumuo sa kaniyang sariling puso't isipan. Masasabing tila nagpanting ang tenga niya dahil sa huling pangungusap na sinabing ito ng Guild Master na si Chen Hui.
"Mawalang-galang na ho ah. Di kasi ako tinuruan ng magulang ko na magbigay galang sa mga taong nakakatanda sakin pero bastos kung magsalita. Isa pa ay tinanong mo ba ang sarili mo kung karespe-respeto ka?!" Malakas na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang hindi ito magpapatalo sa kaniyang kaharap na isang Guild Master ng branch na ito. Makikitang tila hindi nito mapigilang ipagtanggol ang kaniyang sariling mga magulang at angkan. Hindi porket napakahirap nila at kinaiinisan sila ng mismong kahariang kinabibilangan nila ay may karapatan na ang sinuman na pagsalitaan sila ng masama. Hindi kasi siya yung tipong kapag narinig ang masakit na salita ay ipapalabas na lamang ito sa kabilang tenga niya lalo na kung hayagang kinakainisan o kinasusuklaman ang kaniyang angkan.
Tila nagpanting naman bigla ang tenga ng medyo may edad ng lalaking Guild Master na si Chen Hui. Buong buhay niya ay hindi siya nakatanggap ng masasakit na salita at mga katagang hindi niya nagustuhan. Tila ba ang araw na ito ang masasabi niyang kakaiba sa lahat.
Napangisi na lamang ng nakakaloko ang lalaking Guild Master na si Chen Hui bago ito magsalitang muli.
"Hahaha... Hindi ko talaga lubos aakalain na sa bibig pa ng musmos na bata ng Li Clan magmumula ang katagang ito. Do you really think na may magagawa ang angkan niyo?!" Makahulugang sambit ng medyo may edad na lalaking Guild Master na si Chen Hui habang makikita ang labis na kasiyahan sa tono ng pananalita nito. Naalala niyang musmos na bata lamang ito at walang kaalam-alam sa totoong problema ng kaharian ng Sky Flame Kingdom at ng angkan nito.
Bigla namang kinabahan ang batang lalaking si Li Xiaolong sa paraan ng pananalita at nakakalokong ngising nakapaskil sa labi ng medyo may edad na lalaking nasa harapan niya na si Chen Hui na siyang Guild Master ng branch ng Feathers Guild sa loob ng kaharian ng Sky Flame Kingdom. Tila ba may nais itong ipahiwatig.
"Ano ang mong sabihin Guild Master Chen Hui?!" Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin ito sa kabilang direksyon na siyang katapat lamang niya ang lalaking medyo may edad na si Chen Hui na siyang Guild Master ng branch ng Feathers Guild.
"Tsk! Wala akong panahon sa'yong makipaglokohan batang nagngangalang Li Xiaolong. Kung pinadala ka man dito ng maliit at dukhang angkan mo ay mabuting umalis ka na bago pa kita ipakaladkad palabas ng gusaling ito. Naiintindihan mo batang paslit?!" Inis na sambit ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Chen Hui habang makikitang tila hindi maganda ang templa ng mood nito sa mga oras na ito.
...
Lingid sa kaalaman ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Chen Hui ay mabilis na pumasok sa loob ng nasabing pangatlong palapag ang magandang babaeng si Lu Lan na siyang nagsisilbing opisina nito. Mabilis nitong hinalukay ang mga gamit ng nasabing Guild Master ng branch na ito.
Maya-maya pa ay nahanap nito ang isang kakaibang kulay gintong talisman.
"Hmmm... Sigurado akong ikaw mismo ang magpapatanggal sa akin pero mas mabuti kung kasama ka sa matatanggal din. Salamat na din sa batang lalaking iyon at sana ay mapatawad niya ako sa gagawin kong ito." Nakangising sambit ng magandang babaeng si Lu Lan ngunit mabilis ding napawi nakapaskil na ngisi nito nang maalala nito ang batang lalaking si Li Xiaolong. Nagmumukha atang ginamit niya itong kasangkapan para sa ginagawa njyang plano ngayon shich is very unfair.
Minsan talaga ay kailangan niyang gumawa ng mga paraan at mga bagay na kailangan niyang mamili at magdesisyon. Hindi kasi sa lahat ng oras ay umaayon sa kaniya. Naiinis siya sa ama niyang si Chen Hui na siyang Guild Master ng branch ng Feathers Guild.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang magandang babaeng si Lu Lan na gawin ang plano nito ngunit mabilis na lumitaw ang dalawang nilalang sa hindi kalayuan mula sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa mo babae?! Bakit naririto ka sa loob ng opisina ni Guild Master Chen Hui?!" Malamig na saad ng isang lalaking nakaitim na kasuotan.
"Hindi ko aakalaing andito pala ang sampid na anak ng Guild Master na si Chen Hui ngunit ano'ng ginagawa mo rito Binibining Lan? Bakit hawak mo ang bagay na yan?!" Sambit ng lalaking nakaitim na kasuotan. Makikitang may bahid ng pangamba sa huling pangungusap nito.
"Mukhang alam niyo na rin ang bagay na hawak ko. Mamaalam na kayo sa trabaho niyo dahil siguradong damay-damay na tayong lahat dito hahahaha!" Nakangising sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang malademonyo pa itong humalakhak sa huli.
Kasabay nito ay mabilis na nagliyab ang nasabing ginintuang kulay ng nasabing talisman na nasa anyong papel.
...